chapter 3

1689 Words
"Bilang temporary guardian ni Zeus ay ikaw ang pansamantalang tatayong magulang niya habang wala si Zaynn," pahayag ni Madam Mia nang muling magsalubong ang paningin namin. Pakiramdam ko ay biglang may mabigat na responsibilidad na biglang nakaatanh sa mga balikat ko. Gusto kong mag-panic pero pinilit kong manatiling kalmado lalo na at nakamasid sa'kin ang mapanuring tingin ng kausap ko. "You'll make the decisions for Zeus in the absence of his father," pagpapatuloy ni Madam Mia. "You'll be given a power of attorney to use all his family resources to give him the best in everything." Wala sa sariling napalunok ako nang sunud-sunod habang pinoproseso ang mga narinig. Tutor lang naman ang in-apply-an ko, paano kami umabot sa power of attorney? "I want my nephew to experience a happy childhood," malumanay na wika ni dugtong ni Madam Mia sa naunang mga sinabi. Tumuon ang masuyo nitong tingin sa pamangking kasalukuyan pa ring patingin-tingin sa'kin habang nilalaro ang hawak na laruan. "Sana ay matulungan mo kaming maibigay iyon sa kanya," pahayag ni Madam Mia nang muli siyang tumitig sa'kin. "Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa'yo. Ramdam kong mapagkakatiwalaan kita." "Thank you po at makakaasa po kayong hindi ko bibiguin ang tiwala ninyo," sinsero kong sagot. Malinaw na ngayon sa'kin na hindi importante ang natapos ko para sa trabahong ito. Bigla ay may namumuong determinasyon sa loob ko na maibigay ang hangad ni Madam Mia para sa batang pamangkin. "Thank you, Melanie," nakangiting pasasalamat ni Madam Mia sa'kin. "I'll call my lawyers to prepare the contract. Okay lang ba sa'yo na magsimula ka nang magtrabaho ngayon?" "Walang problema po iyon," sagot ko. "Hindi ka ba pagod sa byahe?" usisa niya pa. Mukhang inisip niya na nahihiya lang akong tumanggi. "You'll still get paid even if you choose to rest." "Okay lang po, hindi naman po ako napagod sa biyahe," sagot ko. "Sinundo naman po kami at sanay na rin akong bumyahe," dugtong ko pa. Nakangiti akong tinangyan ni Madam Mia bago lumipat ang tingin niya sa batang pamangkin. "Zeus, why don't you show Tita Mel around?" kausap niya rito. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Zeus at mabilis na bumaba mula sa kandungan ng tiyahin upang lumapit sa'kin. "Come, I'll show you my playroom!" excited nitong yaya sa'kin at hinawakan pa ang kamay ko. Nang lingunin ko si Madam Mia ay naabutan ko ang pagkamangha sa ekspresyon niya habang nakatingin sa kamay ni Zeus na nakahawak sa'kin. Para bang unang beses niyang nakitang ginawa iyon ng kanyang pamangkin. Kumurap-kurap pa ito na tila ba sinisigurong hindi namamalikmata sa nasaksihan. Napabalik tuloy ulit ang atensiyon ko kay Zeus. Wala naman akong napapansing kakaiba sa nakangiti nitong ekspresyon. Hindi rin nakakagulat na may mga bata talagang kasing friendly nito. "Let's gooo..." Hinila na ako ni Zeus kaya tumayo na ako sa kinauupuan. Nagpapaalam ang tinging sinulyapan ko si Madam Sofia. Isang matamis na ngiti ang naging tugon nito sa'kin. Kumaway pa ito sa pamangkin na patalon-talon na dahil sa excitement na nararamdaman. Pupunta lang naman kami sa playroom niya, pero kung makaasta ito ay parang Disney Land na ang rota namin. Wala nang patumpik-tumpik pa ta excited na akong hinila ni Zeus patungo sa kung saan. Kahit malaki itong bahay ng tiyahin niya ay halatang saulo na niya ang pasikot-sikot. Wala akong ibang namataang tao sa paligid kahit mga katulong. "I have lots of toys!" masayang pagbibida ng bata habang paatlon-talong naglalakad. Nanatili pa rin itong nakahawak sa kamay ko, pero sa pagkakataong ito hinahawakan ko na rin siya dahil baka biglang matalisod o masubsob dahil sa pagiging malikot. Mahirap na at baka sa first day ko ay magkakaroon agad ng aksidente. Parte man ng happy childhood ang madapa dahil sa kalikutan ay sigurado akong hindi iyon magugustuhan ni Madam Mia. Ang pogi pa namang bata nitong si Zeus, maganda rin naman si Madam Mia kaya siguradong may hitsura din ang tatay nitong bata. Pero hula ko ay nagmana si Zeus sa nanay. Ang ganda ng mga mata nito at bata pa lang ay hulmang-hulma na ang mukha. Tiyak na marami itong paiiyaking mga babae paglaki. Nasaan kaya ang nanay nito bakit naging single dad ang tatay? Baka namatay na... Napatango-tango ako sa naisip dahil imposible namang iniwan ng nanay itong si Zeus. Hindi magagawa ng kahit na sino iyon sa ganito ka-cute na anak tapos sobrang yaman pa no'ng tatay. Pero paano kung iyong tatay mismo ang problema kaya hindi nakatiis iyong nanay? Pwede rin, pero dapata ay dinala nito si Zeus at hindi iniwan. Natigil sa paglalakbay ang isip ko nang huminto kami sa tapat ng isang silid. Tinulungan ko na si Zeus na buksan ang pintuan. Bumitiw ito mula sa'kin at nagpatiunang pumasok sa loob. Mabilis akong napasunod kay Zeus pero bigla ring natigilan nang tumambad sa'kin ang kabuuang ayos ng loob. Playroom pa bang matatawag sa mistulang kids' play zone sa isang mall? "Come, Tita Mel! Let's play!" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses ni Zeus at nakita ko ito sa tutok ng may kataasang slide kung saan ay mga maliliit at makukulay na mga bola ang babagsakan. Kumaway-kaway pa sa'kin si Zeus na para bang inaaaya akong sabayan siya. Dalawang magkatabing slide iyon na parehong doon babagsak sa ball pit. Sa tingin ko ay hindi naman dilikado ang gano'n para sa isang five-year na batang lalaki at hindi naman siguro ito ilalagay rito sa playroom kung maaari itong ikapahamak ni Zeus. Maliban sa slides ay meron ding mga swings at ilang climbing structures na hindi lang tiyak na magbibigay aliw sa isang bata kundi ay makatutulong ding ma-develop ang balanse at koordinasyon nito. May nahagip pa akong mini tarpoline sa isang bahagi ng lugar. Mali yatang tawagin itong playroom dahil katumbas na ng laki nito ang isang coveted court sa probinsya namin...o mas malaki pa ito. Hindi lang pang-extreme na laruan ang mga nandito dahil meron ding naka-set-up na interactive computer system sa isang area nitong lugar. Tiyak na para iyon sa usong interactive games na pwede sa edad ni Zeus. Iba na talaga ang mayayaman! "Tita Mel..." muli ay tawag sa'kin ni Zeus na umuntag sa saglit kong pagkatulala sa bawat nahahagip ng paningin ko. Agad akong humakbang palapit sa kinaroroonan niya dahil halatang hinihintay niya ako. Umakyat ako sa katabing slide nang kinaroroonan niya. Unang beses kong masubukang mag-slide dahil kahit no'ng bata ako ay hindi ko nagawa ang ganito. Wala naman kasing ganito sa probinsya namin noon. At no'ng makakita na ako nang ganito ay masyado na akong matanda para makisali sa mga bata. Ngayon ko lang susubukan dahil mukhang for all ages naman pala itong ganito. Medyo nabuhay ang inner child ko nang makapuwesto na ako katulad ni Zeus. "This will be fun," malaki ang ngiting kausap sa'kin ni Zeus. Sumulyap ako sa baba kung saan kami babagsak at masasabi kong mukhang tama nga siya. Tiyak na lulubog ako sa mga naghihintay na bola sa baba pagkarating ko roon. "Let's goooo!" bigla ay matinis na sigaw ni Zeus. Nagulat ako kaya napabitiw rin ako sa pagkakahawak sa gilid ng slide kaya dumulas na rin ako kasabay niya. Umalingawngaw sa paligid ang masayang halakhak ni Zeus at ang gulat kong sigaw na nauwi rin sa malakas na tawa nang sabay kaming bumulusok sa malilit at malalambot na mga bola. Ewan ko kung paanong nangyaring nauna ang mukha ko, pero hindi naman masakit kaya lalo akong napatawa dahil sa nai-imagine kong naging hitsura ko. Mabuti na lang at si Zeus lang ang kasama ko ngayon at mukhang hindi naman nito nakitang para akong palakang sumalubsob dahil nauna pa nga akong nakaahon sa kanya mula sa mga bola. Kahit nalibing sa mga bola ay rinig ko pa rin ang masaya niyang tawa. Kahit mukhang hindi naman niya kailangan ng tulong ay nilapitan ko na siya at inahon mula sa pagkakalubog. "See! It's so much fun!" nakangisi niyang bulalas nang pareho na kaming nakaupo sa gitna ng ball pit. "Masaya nga, muntikan naman kaming nagkapalit ng mukha no'ng mga bola," nakabungisngis kong tugon. Pero ang totoo niyan ay parang tumalsik lahat ng mga alalahanin ko kasabay nang pagbulusok namin kanina rito sa mga bola. Nakakagaan sa pakiramdam lalo na at nakakahawa ang sayang nakikita ko sa mukha ni Zeus. "Yeah, I saw you dive headfirst!" humalakhak niyang bulalas. Mukhang may naka-witness pala sa nakakahiyang nangyari. Pero dahil sa nakikita kong tuwa sa mukha ni Zeus ay wala namang problema kung mangyari ulit ang gano'n. Habang nagtatawanan kami ay unti-unting nabuo ang kakaibang koneksiyon sa pagitan naming dalawa. Unang beses pa naming nagkita ngayon at hindi pa namin gaanong kilala ang bawat isa pero pakiramdam ko ay magiging maayos at mahaba ang darating naming pagsasama. Gusto kong mapanatili ang nakikita ko ngayong saya sa mga mata ng bata. Gusto kong protektahan ang kainosentihan at ngiting nakapaskil ngayon sa cute nitong mukha. "You'll be living with me at our house, right?" nakangiti pa rin nitong tanong sa'kin kapagkuwan. "Oo," tumango-tango kong sagot. "That's great!" nagningning ang mga mata nitong bulalas. "I want you to meet my dad." Bahagyang bumuway ang pagkakangiti ko nang maisip ang totoo kong amo na siyang ama niya. Syempre naman, nakatakda ko talagang makaharap ang isang iyon dahil ito ang magpapasahod sa'kin. "Alam mo ba na ako ang magiging tutor mo?" bigla kong naisipang tanong sa bata. Naipakilala na ako kanina ng Tita niya pero gusto ko pa ring kumpirmahin. "Yes, of course!" bibo nitong sagot at iniliyad pa ang dibdib. "You’re the one who’ll take me to school and go to the meetings too!" Mukhang iyon na nga ang mangyayari dahil ako ang tatayo niyang temporary guardian habang wala ang kanyang ama. Siguro ay nahihirapan din ang daddy niyang mapalayo sa kanya, kahit sinong responsableng ama naman siguro ay iyon ang maramdaman. Tiyak na nami-miss din ni Zeus ang daddy niya. Pero simula ngayon ay pinapangako ko na hangga't maaari ay ako ang pupuno nang anumang pagkukulang ng ama niya para hindi niya gaanong maramdaman na malayo sila sa isa't isa. Kung paano ko gagawin iyon ay hindi ko pa alam sa ngayon, pero siguradong magkaka-ideya rin ako soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD