Parang sampal sa akin ang mga salitang binitawan ni Ma’am Leonor, na nagpagising at nagbukas sa nakasara kong diwa. Ganoon pa man, wala pa rin akong lakas ng loob harapin si Gio sa ngayon. Kung mag-uusap man kami, gusto ko iyong hangdang-handa na akong makinig sa lahat ng sasabihin niya. Hindi kagaya nang mga nagdaang-araw, mas gumaan na ang loob ko. Is it because of the beer? O dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Ma’am Leonor? Hindi ko rin naman maitatanggi na malaki ang naging tulong nito sa akin. “Magandang umaga—parang ang ganda ng gising natin ngayon, ah?” nakangiting bati sa akin ni Mildred. Nito ring mga nakaraang araw, dahil alam ni Mildred ang pinagdaraanan ko ay nagkaroon ako ng masasandalan at suporta mula sa kanya. Ibinigay niya sa aking ang espasyong hiningi ko at ang h

