Ilang araw ang nakalipas na hindi kami nagkikita at nag-uusap ni Gio. Hindi naman siya napapadpad dito sa Laguna dahil abala siya sa trabaho niya sa Maynila. Kung talagang sa trabaho ay hindi ko alam. Narinig ko lang iyon na pinag-uusapan ng mga magulang niya. Kung ano mang pinagkakaabalahan niya ay hindi ko na dapat pang-isipin iyon. I’m trying to move on kahit na alam ko na mahihirapan ako dahil may kasunduan pa kaming dalawa. Basta ang alam ko, kailangan naming dalawang klaruhin ang isipan namin kung sakali mang balakin naming mag-usap. Sa ngayon kasi, hindi ko alam kung paniniwalaan ko o iintindihin ko ang mg asasabihin niya. Magulo pa ang isip ko. Nakapatay pa rin ang aking cellphone at wala akong balak na buksan iyon. Gusto ko munang putulin ang komunikasyon ko sa kanya dahil ala

