CHAPTER 62: DECISION

2959 Words

“Brie, ito na! Sorry, natagalan. Ang hirap naman kasing basahin ng menu. Hindi kami magkaintindihang dalawa ng nasa cashier!” pabirong sabi ni Mildred at inilagay ang mga binili niya sa mesa. Hindi ko siya nilingon at nakatulala pa rin kung saan ko huling nakita sina Gio. Hindi ko malaman sa aking sarili kung ngingiti ba ako kahit na pakiramdam ko at pinipiga ang aking puso at nilulunod ako sa sarili kong emosyon. “Brie!” Dahil sa pagsigaw niyang iyon ay nakuha na ni Mildred ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya. May pag-aalala sa kanyang mukha at halatang naguguluhan sa kung bakit ako nagkakaganito. “May sinasabi ka?” Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit may mga nagbabadya nang luha sa gilid ng aking mga mata. “Wala, pero tulala ka kasi.” Ngumuso siya bago kunin iyong straw at ilag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD