Nag-aayos ako ng gamit ko dahil binabalak kong maglaba mamaya nang may marinig akong kumakatok sa aking pinto. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo roon upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok sa kabilang bahagi. Nakita ko si Mildred nang mabuksan ko ang pinto. Ngumiti siya sa akin at binati ako. Matipid naman akong ngumiti sa kanya. “Bakit?” tanong ko. Alam ko ay tapos na ako sa trabaho ko ngayong araw. May kailangan pa kaya siya? “Pwede ba munang pumasok? Gusto sana kitang kausapin,” nakangiting sambit niya. Tumango naman ako at binigyan siya ng sapat na daan upang makapasok sa aking kwarto. Naupo siya sa gilid ng kama ko at sumunod din naman ako agad sa kanya. Naupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang may halong lungkot niyang mukha. Ano kayang nangyari? Nag-away kaya sila ni

