Naging tahimik naman ang nagdaang araw. Madalas kong nakakasama si Gio lalo na kapag naiisipan niya na sa kwarto niya magtrabaho. May mga oras na papapuntahin niya ako roon para magkunwaring paglilinisin ng kwarto niya pero ang totoo ay patatabihin niya lamang ako sa kanya. Every day was special to me. Ang mga detalye ng bawat araw na lumilipas ay tumatatak sa aking isipan. Parang talaarawan ang aking utak dahil inaakda ko sa aking isip ang lahat ng mga pangyayari upang hindi ko makalimutan. There were times that I’m so tempted to confess. Na gusto ko nang umamin sa kanya patungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Na gusto ko siya, na mahal ko siya. Ngunit kaakibat nito ay ang takot ko. Ang takot ko na baka kapag umamin ako ay mas mawala lamang siya sa akin. He never said he like me bu

