Ilang araw gumugulo sa akin ang pangyayaring iyon. Hindi na rin naman bumalik si Don Benedicto. Hindi lang din ako sigurado kung nabanggit ba ni Gio iyon sa kanyang mga magulang. Madalang kaming magkita ni Gio kahit na umuuwi siya sa bahay nila rito sa Laguna dahil sa paghahanap nila kay Sir Avi. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mabalita sa amin na nawawala si Sir Avi. Ang sabi ni Gio ay wala naman daw alam iyong girlfriend niya dahil hindi pa raw nagkikita ang dalawa. Day by day, I can see the pressure and how worried he is for his cousin’s safety. Maging ako man ay nag-aalala na sa kalagayan ni Sir Avi. Alam ko ang pakiramdam kapag nawala na lang bigla ang taong malapit sa ‘yo at wala kang magawa para malaman kung nasaan siya. Isang gabi ay natutulog akong mag-isa. Umalis

