Tulala ako habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko. Nakaupo ako sa sahig at nakapatong ang isang kamay sa aking tuhod. Tila walang buhay, almost dead. I am nothing now but an empty shell; now that she left me. Nang malaman ni Bryleigh na itinago ko sa kanya ang kanyang sariling ina ay iniwan niya ako. Yes, it was surprising pero inasahan ko na rin. It’s natural for her to act like that, lalo na’t nagawa ko iyon sa kanya. Natural lamang na katakutan niya ako. Bumuntong hininga ako. Kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Hindi ako lumingon para malaman kung sino iyon at hinayaan lamang siyang pumasok. I have few bruises on my palm, on my feet, and on my knees. Ganoon pa man, hindi nito mapapantayan ang sakit na nararamdama ng puso ko ngayon. “Kuya, gagamutin ko ang mga su

