“BRYLEIGH.” Napalingon ako kay Ma’am Leonor nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakaupo lamang ako sa sofa habang yakap ang aking tuhod dito sa bahay nila sa Lucban. Isang buwan na ang nakalipas nang umalis ako sa mansyon ng mga Benavidez. Nagawa ko na ring makita si Inay dahil sinabi ni Gio ang kinaroroonan niya. My mom is fine at dahan-dahan nang gumagaling. Thanks to Gio’s support. Na kahit nagawa niyang itago ito sa akin ay hindi niya naman pinabayaan. “How are you feeling?” tanong niya sa akin. Madilim ang labas at panay ang pagbagsak ng ulan. Hindi ko alam kung may paparating bang bagyo dahil hindi naman ako nanunuod ng telebisyon. Hindi rin naman ako nagbubukas na ng cellphone ko. “Maayos naman po,” sagot ko kay Ma’am Leonor. Matipid siyang ngumiti sa akin at nilapitan ako. Nau

