“GIOVANNI!” Napalingon ako sa mga kaibigan ko nang tawagin nila ang pangalan ko. Nakakunot noo ko silang tiningnan at agad naman nila akong tinawanan. “Tangina, buong pangalan, ah? May galit ka ba?” sarkastiko kong tanong sa kanya. “Sino na naman iyong babaeng tumatakbo na nakasalubong namin? May pinaiyak ka na namang gago ka?” natatawang tanong sa akin ni Leif. Nagsimula na kaming maglakad na tatlo patungo sa gymnasium ng unibersidad na pinapasukan namin. Nalaman ko rin kasi sa kanila na naroroon ang mga pinsan ko at mukhang may laro ng basketball. “Si Miles,” matipid kong sagot sa kanila. Sigawan ng mga kababaihan ang narinig ko nang pumasok ako sa loob ng gym. I was expecting this, though. I’m popular and same goes with my cousins. Hindi niyo masisisi ang mga babaeng humahanga s

