Invitation card
"I want you to marry me." Para akong nabingi sa sinabi niya. Ano? Pumorma ng 'o' ang bibig ko, seryoso niya akong tiningnan.
"Is this kind of a joke? Wow, nakakatawa." Sarkastikong sabi ko bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.
"Isipin mo na ang lahat ng gusto mong isipin. 'wag mo lang isipin na nagbibiro ako dahil hindi ako marunong nun." Seryosong sagot niya na wala sa akin ang paningin, nakita ko sila Cyrus na lumingon sa harapan.
"B-bakit gusto mo 'kong pakasalan?" Utal na tanong ko napalunok pa ako nang hindi siya sumagot. Iniwas ko ang paningin at tinanaw ang mansiyon namin, wala na si dad sa veranda siguro ay pumasok na at nagbabasa na naman 'yon ng dyaryo sa sofa.
I miss him—them.
"I refuse to answer that question for now, but I can give you a clue." Sagot niya sa mahabang katahimikan, kunot-noo ko siyang nilingon.
Bakit hindi niya nalang sagutin ang tanong ko? Maybe he has his own reasons?
"What is it?"
Bumuntong hininga siya at nilingon ako, natigilan ako nung diretso niyang tinitigan ang mga mata ko.
"Mawawala ang lahat ng pagmamay-ari ko kapag hindi pa ako nakakapag-asawa." Sagot niya pilit kong nilalabanan ang titig niya pero may kung anong kapangyarihan ang mga mata niya. Para bang gustong pasukin ang kaluluwa ko? Iniwas ko ang paningin.
"Is it urgent?" Tanong ko saka huminga ng malalim, bakit bigla yatang uminit ang panahon? Nasulyapan ko siyang tumango at sa wakas ay nasa labas na ulit ang paningin niya.
"It is." Sagot niya.
"Then, why me?" Takang tanong ko at nilingon siya, nakita ko ang pag-galaw ng Adam's apple niya. Hindi siya muling nakasagot at natahimik, bakit ako? Marami namang ibang babae d'yan na mas maganda pa sa akin? Bakit ako?
Nasulyapan ko sila Gilbert na hindi mapakali ang mga mata, kung saan-saan ito dumadapo.
"Drive." Malamig na utos ni Ares kay Gilbert.
"Yes, boss."
Umayos nalang ako ng pagkakaupo dahil hindi naman niya sasagutin ang tanong ko, tinanaw ko ang mansiyon habang papalayo kami. Parang biniak ang puso ko kapag nakikita kong papalayo ako sa bahay kung saan ako lumaki!
"As for your question, I refuse to answer that." Malamig niya paring sagot napatingin ako sa kaniya, nagulat pa ako nung makitang nakatingin na siya sa akin.
"M-may clue's ba?" Utal na tanong ko mahigit limang segundo niya akong tinitigan sa mata ko bago ibinaba ang paningin sa aking labi.
"No clue's." Sagot niya at mabilis na iniwas ang paningin, napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang tie at napatingin sa kaniyang wrist watch.
My god! Ikakasal ulit ako?
*****
Tumigil kami sa isang malaking mansiyon! Mapapanganga ka talaga sa laki, may guard na lumapit sa amin at kinatok ang bintana sa banda ni Gilbert, ibinaba niya 'yon.
Sinilip kami ng guard at nung mapatingin siya kay Ares ay agad niyang iniwas ang paningin, pumunta siya sa malaking itim na gate at binuksan 'yon.
"Welcome to Luther Residence, Akhanta." Sabi ni Gilbert na tiningnan ako sa rear-view-mirror. Tiningnan ko siya at tipid na nginitian, iniwas ko ulit ang paningin sa labas.
Habang papasok kami ay nakita ko na agad ang dalawang fountain na nasa gilid ng daan namin, nakita ko rin ang ibang mga katulong na dinidiligan ang mga bulaklak. Grabe hindi ko aakalaing may ganito kagandang lugar pala dito malapit sa amin!
Huminto ang sasakyan malapit sa mansiyon, narinig ko ang buntong hininga ni Ares bago lumabas. Binuksan ko na rin ang pinto at lumabas.
Sunod na lumabas ay sila Gilbert at Cyrus, napatingin ako sa suot nila. Ngayon ko lang napansin na naka-white tuxedo silang dalawa, napatingin ako kay Cyrus nang tangayin ng hangin ang buhok niya.
His hair looks shiny I wanted to touch it. Iniwas ko ang paningin kay Gilbert na ngayon ay palihim na kinikindatan ang mga dalagang katulong, napailing-iling ako. Playboy.
Pumasok na kami sa malaking mansiyon, agad na kuminang ang mga mata ko sa nakita. May malaking chandelier sa kisame ng sala, napakaliwanag ng bahay.
May dalawang hagdan na iisa lang ang patutungahan, may isang pinto roon na sa tingin ko ay 'yon ang kwarto ni Ares. Nakita ko sila Gilbert at Cyrus na tumakbo at patalon na umupo sa sofa.
Si Ares naman ay hindi ko na alam kung saan pumunta, bigla nalang siyang nawala pagpasok namin. Hindi ko rin siya napansin dahil naaliw ako kakalinga sa paligid.
Lumapit ako sa kulay gray na single sofa at doon umupo, inilagay ko ang aking bag sa center table.
"Akala ko ba nauna na rito si Lefu?" Tanong ni Cyrus habang kinakalikot ang kaniyang cellphone. s**t! Bakit nga pala ako nandito?
Nakita kong nagkibit balikat si Gilbert habang pinaglalaruan ang susi ng sasakyan sa kaniyang daliri.
"Baka nasabit na naman sa panty ng nobya niya." Sagot nito kumunot ang noo ko. Maya-maya pa ay umalingawngaw ang tawa nilang dalawa, nagsalubong ang kilay ko saka tumayo.
Napatigil sila sa pagtawa at tiningnan ako, huminga ako ng malalim. "Bakit ako nandito?" Takang tanong ko nagkatinginan silang dalawa bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
Nasaan na ba kasi si Ares? Bakit niya ako iniwan sa dalawang baliw na 'to?
"Don't worry, we won't harm you. Mahal ko pa ang buhay ko." Sagot ni Cyrus na sinundan naman ng tawa ni Gilbert, hindi ko sila maintindihan.
Umupo nalang ulit ako dahil alam kung wala rin akong makukuhang matinong sagot kapag tatanongin ko pa 'tong dalawang 'to.
Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay nakarinig na kami ng yapak mula sa hagdan, napalingon kami ro'n at nakita si Ares na bumaba at nakatingin sa papeles na dala niya.
Ano na naman 'yan? Gusto ko sanang magtanong pero naalala kong wala nga pala siyang kwenta kung sumagot. Nakita ko rin ang mga katulong na nagsilabasan kasunod niya, naka-uniforme silang lahat.
"Your room is ready, madame." Natigilan ako at napatingin sa babaeng biglang sumulpot sa gilid ko, isa rin siya sa mga katulong. Kinunutan ko siya ng noo.
"Room?" Takang tanong ko tumango naman siya. Kinuha niya ang bag ko sa center table at inilahad ang kamay, tiningnan ko pa muna si Ares na wala sa akin ang paningin.
Itong gagong 'to ang sarap supalpalin! Nagsisimula na akong mainis sa kaniya ha? Napatingin ako nila Cyrus na tumango, bumuntong hininga ako at muling tiningnan ang katulong. Tinanggap ko ang kamay niya.
"This way madame." Umakyat kami sa hagdan patungo sa pinto kung saan akala ko ay kwarto ni Ares, binuksan niya 'yon.
Nakita ko ang malaking flat-screen tv na nakadikit sa wall, may dalawang couch rin na magkatabi. Napatingin ako sa malaking lamesa sa bandang madilim na bahagi roon, mukhang study table ni Ares.
Napatingin akong muli sa katulong nung iginiya niya ako sa hagdan na naman. Umakyat kami roon medyo madilim ang bahaging ito. Pagkarating namin ay may dalawang kwartong magkaharap.
"Saan yung kwarto ko dito?" Tanong ko sa kaniya, nilingon niya ang kaliwa kaya napatingin ako do'n.
"Dito madame." Sagot niya at pinihit ang doorknob, pumasok ako ro'n, madilim. Kaya kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid, natulala ako nung bumungad sa akin ang ganda ng kwarto!
Nakangiti akong dahan-dahang pumasok inilinga ko ang paningin, kulay puti ang wall pero ang kama ko ay yellow queen-size bed 'yon! Napatingin ako sa mga paintings na nakadikit sa wall. Ang gaganda!
May mga green flowers rin na nakalagay sa puting vase na nasa gilid na bahagi ng kwarto. May red carpet rin na pinatungan ng kama ko.
"Wow!" Tili ko at mabilis na tumakbo sa aking malaking kama! Patalon akong umupo ro'n. Ang lambot! Natigilan ako nung makita ang malaking make-up table malapit sa cabinet.
Tumayo ako at lumapit roon, may malaking salamin rin. Napatingin ako sa mga iba't-ibang pabangong naka-arrange sa mesa, may mga gamit pambabae.
"Sinong nakaisip nito?" Nakangiting tanong ko na ngayon ay nasa dark brown cabinet na naman ang paningin, binuksan ko 'yon at nakita ang mga dresses na binili namin sa states.
Nakasabit rin sa pinto nun ang mga Chanel bags ko. At sa ilalim naman ay ang mga heels ko.
"I'm glad that you like it." Tumango ako pero agad ring natigilan, dahan-dahang kong nilingon si Ares. Nakita ko siyang naka-cross-arm at nakasandal sa pintuan.
So siya ang nakaisip nito.
"I like it."
Gabi na at hindi ako makatulog, maraming gumugulo sa isipan ko. Like, paano ko sisimulan ang pag-hihiganti ko? Sino ang uunahin ko? At yung tungkol sa kasal na sinasabi ni Ares?!
Umikot ako sa kabila at mas niyakap ng mahigpit ang unan ko, kung kinaya niyang magpakasal sa iba, kaya ko rin. Napalunok ako sa naisip, pero takot na akong masaktang muli.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makatulog. Tumayo ako at napatingin sa pinto, animong bubukas 'yon at iluluwal si Ares. Umiling ako at dahan-dahang tumayo.
Let's get revenge first then I'll decide about the marriage later.
Huminga ako ng malalim at buong lakas na tumango, humiga akong muli pero napapikit rin ng mariin. Paano kong kailangan niya na nang sagot ko?
Mabilis akong umiling. "No! Erase that thought! Mamaya na natin 'yan problemahin. Sa ngayon let's go to sleep, Akhanta." Sabi ko sa aking sarili saka niyakap ang unan sa tabi ko. Hindi nawala ang mga tanong na 'yon sa isip ko hanggang sa makatulog ako.
*****
Nagising ako dahil binangungot na naman ako. Habol ko ang hininga ko nung tumayo, napatingin ako sa wall clock alas tres pa ng madaling araw. Naramdaman ko ang pawis na tumatagaktak mula sa noo ko.
Bakit ba palagi kang nagpaparamdam kay mama anak?
Agad kong ikinurap-kurap ang mga mata nang may mamuong tubig roon, napahilamos ako sa mukha bago tumayo.
Bumaba ako sa kama at lumapit sa cabinet, binuksan ko 'yon at kinuha ang puting towel. Pinunasan ko ang pawis sa noo at leeg ko, bumuntong hininga ako at napalingon sa salamin.
Nakita ko ang sarili ko, pinagkatitigan ko ang katawan ko saka ngumisi. I miss this seductive body of mine. Dito ka nahulog Alfred, ito rin ang magpapabagsak sa'yo. Just wait and see.
Inayos ko ang buhok at lumapit sa pinto, bumuntong hininga ako bago pinihit ang doorknob.
Nauuhaw ako kaya ako bumaba tahimik lang ang buong bahay, nakakakilabot. Wala na ring mga katulong na nagpakalat-kalat, siguro ay natutulog pa sila.
Matapos kong bumaba sa hagdan at nakarating na ako sa sala. Agad kong nahanap ang kusina dahil sanay ako sa mga ganito kalaking bahay, pumasok ako ro'n namangha pa ako sa linis at kintab ng mga gamit.
Lumapit ako sa refrigerator at binuksan 'yon, kinuha ko ang pitcher at nagsalin ng tubig sa baso. Nung mapuno ang baso ay isinauli ko ang pitcher sa loob at isinara ang pinto.
Umupo ako sa upuan do'n at tinitigan ang tubig, come to think of it, what if si Amanda ang unahin ko? Ngumisi ako sa naisip.
Alam ko ang kahinaan niya. I will use it to scare her. Nakangisi kong ininom ang tubig sa baso, ugh! I can't wait to see her frightened face!
Kinuha niya ang lahat sa akin, ang asawa ko. At ngayon wala na ang anak ko nang dahil sa kaniya. You don't know how I missed you, besh.
"What are you smiling at?" Halos mabuga ko ang tubig na iniinom sa mukha niya nung bigla siyang sumulpot sa gilid ko!
What the? Kanina pa ba siya d'yan? Tiningnan ko siya ng masama. As usual wala paring emosyong ang mukha niya.
"Bakit ba bigla-bigla ka nalang sumusulpot? Aatakihin ako sa puso sa'yo e." Inis na asik ko saka kinapa ang dibdib ko, napakabilis ng t***k ng puso ko. Nagkibit balikat siya at tinalikuran ako para lumapit sa ref.
"I knocked, but you didn't notice because you're smiling like a creep." Sagot niya at binuksan ang ref, narinig ko ang pagsalin niya ng tubig. Napanganga ako, what? I am smiling like a creep? Wow.
Feeling niya gwapo siya 'no? Okay, totoo 'yon pero masyado kasi siyang nakaka-embyerna! Ang sarap niyang sabunutan.
Isinarado niya ang pinto ng ref at hinarap ako, may bitbit siyang baso at ininom ang laman nun. Sumandal siya sa sink kaya kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang Adam's apple.
Inubos niya ang laman nun, at napatingin sa akin, "Creep." Sabi niya nung mahuli akong nakatingin sa kaniya. Napamaang ako at napakurap-kurap na iniwas ang paningin.
"Yah! Sumusobra ka na ah!" Sigaw ko saka inihampas ang kamay sa mesa, lumikha 'yon ng malakas na ingay pero hindi man lang siya natinag. Nanatili siyang walang emosyon.
Aba, matibay ang mokong. Sabunutan ko kaya siya? Inirapan ko siya at iniwas ang paningin.
"Will you marry me?" Literal na nanlaki ang mata ko sa tanong niya, para ngang sumakit yung leeg ko dahil sa biglaang paglingon ko sa kaniya.
Nakalimutan ko na sana 'yan e! Bakit pinaalala mo pa?!
Nakacross ang braso niya at nakatingin lang ang mga mata sa basong bitbit niya. Hindi ko tuloy malaman kong senseryo ba siya dahil napakalamig ng boses niya!
"Yung totoo, ares." Sabi ko na ikinaangat ng paningin niya sa akin, "tao ka ba?" Kunot-noong tanong ko, e kasi naman e! Paano niya 'yon nasasabi na parang normal lang. Na para bang napakadali lang.
Kabago-bago ko pa nga lang nakalaya kay alfred tapos ngayon ito siya tinatanong ako kung papakasalan ko ba siya? Alam naming pareho na hindi namin mahal ang isa't-isa tapos ngayon yayayain niya ako sa walang hiyang 'yan!
Anong purpose ng kasal kung hindi kami nagmamahalan? Siguro gusto niya na talagang magpakasal kahit na hindi niya pa gaanong kilala ako dahil sa family business nila, pero sana isipin niya naman ako. Isipin niya ang pwdeng maramdaman ko!
Kung handa na ba akong magpataling muli? Kasi hanggang ngayon hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ko e. Tapos ito susugatan niya na naman.
"Base on your reaction, I will take it as a no, for now..." He heaved a sigh, nakahinga ako ng maluwag. Inilapag niya ang baso sa mesa at nilapitan ako. "One week, I will be your boyfriend in just one week. And after that..." Pambibitin niya at bahagyang yumuko upang lumevel ang mukha niya sa mukha ko, napalunok ako. "Give me your answer, marry me or I'll marry you?"
Napamaang ako at hindi makagalaw napatitig ako sa labi niya nung may sumilip na ngiti roon, parang bumlangko ang utak ko. Wala akong makapang sagot!
Umayos siya ng tayo at tinalikuran ako, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko!
What?! Isang linggo ko siyang magiging boyfriend? Is he gagoing me?
"Woah!" Napatakip ako sa bibig ko. "W-what in the world is he saying?!" Napapikit ako ng mariin nang maramdamang uminit ang pisngi ko. Oh c'mon! Ayaw ko ng mainlove ulit! Ayaw ko na! Nakaka-trauma.
*****
"What is this?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa small white envelope na ibinigay niya sa akin.
Nakaupo kami ngayon sa sofa sa sala at nagkakape, tiningnan ko siya at nakitang isininyas ang kamay niya na buksan ko 'yon.
Sumimsim pa muna ako sa kape ko bago 'yon inilapag sa center table, hindi ko alam kung ano ang laman nito pero na-c-curious ako.
Tuluyan kong nabuksan ang envelope at kinuha ko ang laman nun, nakita ko ang itim na invitation card.
"Fashion show event?" Kunot noong basa ko sa nakasulat doon, aanhin ko 'to? Sinulyapan ko si Ares at binigyan ng nagtatakang tingin.
Nakita ko siyang inilapag ang baso sa mesa at kinrus ang mga braso, nakapandikwatro siyang pambabae at napaka-neat-and-clean niyang tingnan sa kaniyang dark blue suit.
"It's time..." Makahulugang sagot niya matagal bago ko 'yon nakuha! Nanlaki ang mata ko at nakangising tiningnan ulit ang invitation card.
"Saan mo 'to nakuha?" Namamanghang tanong ko at nilingon siya, nagkibit balikat siya saka kinuha ang kaniyang baso sa mesa.
"Connections," maikling sagot niya halos pumalakpak ako sa tuwa! Sa wakas! Makakapaghiganti na rin ako.
Amanda Cruz-Castino, prepare your precious dresses 'cause I will surely use it tonight! Just to give you some preview.
Napatawa ako sa naisip, kinuha ko ang baso sa mesa na hindi inalis ang paningin sa card. Nakangiti akong sumimsim do'n.
"This is what a boyfriend should do, right?"
Muntik na akong masamid sa iniinom kong kape! Ibinaba ko ang baso at mabilis na humanap ng tissue, lintek ka Ares! Nakita ko siyang tumayo at inabot sa akin ang wipes. Agad ko 'yong kinuha at pinunasan ang bibig ko.
"What?!"