Marry me
Madilim, napakadilim. Hindi ko alam kung nasaan ako, ang huli kong naalala ay nakahiga ako sa hospital bed. Inilinga ko ang paningin sa paligid pero wala akong ibang makita kundi kadiliman.
Wala sa sariling ibinaba ko ang paningin nang maramdaman na parang may tumutulong likido mula sa katawan ko, nakita ko ang tiyan kong duguan!
Nanlaki ang mata ko kasabay nun ang pag-atungal ng isang sanggol, hinanap ko kung saan nang-gagaling ang ingay na 'yon pero sad'yang madilim ang lugar.
"Anak!" Tawag ko sa kaniya mas lalong lumakas ang pag-iyak niya! Nakita ko ang mga kamay ko na duguan, bumilis ang t***k ng puso ko. "Anak nasaan ka? Pupuntahan ka ni mama—" agad akong natigilan nang may narinig na iyak, boses lalaki 'yon.
"A-alfred?" Gulantang tanong ko nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Dahan-dahan siyang humarap, napasinghap ako nung makitang hawak niya ang anak namin, hindi na 'yon umiiyak.
"Kasalanan mo kung bakit namatay ang anak natin, Laura!" Malakas na sigaw niya, nangilabot ako at umatras. Lumuluha akong umiling.
"Hindi! Wala akong kasalanan!" Sigaw ko patuloy parin sa pag-atras. Bumibilis ang t***k ng puso ko hindi na 'to normal, pati ang paghinga ko ay nahihirapan ako.
Nakita ko ang nakakalokong ngising sumilay sa labi ni Alfred, ngisi ng demonyo. "Ikaw ang pumatay sa anak natin Laura, pinatay mo siya!"
"Hindi!" Agad kong naimulat ang mga mata, bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw sa kisame.
"Hey, you okay? Binabangungot ka." Hindi ko nagawang lingunin si ares at hinabol ang aking hininga, anong klaseng bangungot 'yon? Bakit ako ang sinisisi ni Alfred sa pagkamatay ng anak namin? "Tumayo ka muna at uminom ng tubig." Utos niya sa pagkakataong ito ay nilingon ko siya, nagsalin siya ng tubig sa baso.
Dahan-dahan akong tumayo agad niya namang ibinaba ang baso at tinulungan akong makaupo, nilagyan niya ng unan ang likod ko upang maging komportable ako.
Kinuha niya ang baso sa side table at inabot 'yon sa 'kin, tiningnan ko 'yon at tinanggap.
"Salamat." Sabi ko bago ininom 'yon bumuntong hininga lang siya saka tumayo, nakita ko ang tubig na tumutulo mula sa kaniyang basang buhok. Mukhang bagong ligo siya.
May puting tuwalya rin ang nakasabit sa kaniyang leeg, bahagya siyang nakatagilid sa akin dahil pinapatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya.
Napatingin ako sa suot niya, hindi na siya naka-suit ngayon, he was wearing a gray v-neck fit shirt with a pair of brown pajamas. He looks hot.
"Gusto mo pa ba ng tubig?" Tanong niya na wala sa akin ang paningin, natigilan ako at napatingin sa basong nasa bibig ko parin. Hindi ko namalayang naubos ko na pala ang tubig na iniinom ko!
"H-hindi na." Nahihiyang sagot ko bago 'yon inilagay sa side table, nakita ko siyang tumango saka kinuha ang libro na nakapatong sa mesa. Hindi ko alam kung ano ang binabasa niya dahil seryoso niya yung tingnan.
Lumapit siya sa sofa at umupo do'n hindi parin inaalis ang tingin sa libro, nakapandikwatro siyang pangbabae at may kinuhang maliit na kahon sa bulsa.
Maya-maya pa ay may suot na siyang eye glasses. Bahagyang nakababa ang kaniyang buhok, ang bango niya ay humahalimuyak sa loob ng kwarto. Nerd, gwapong nerd.
"Done staring?" Tanong niya na nasa libro parin ang paningin. Agad kong iniwas ang paningin at hindi alam kung saan titingin. Masyado siyang gwapo para magbantay ng isang tulad ko? At teka nga, pano niya 'yon nakita? "May gusto ka bang sabihin sa akin? It's better to tell me than staring at me." Hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa libro, tumikhim ako bago nagsalita.
"Ano 'yang binabasa mo?" I tried to open a topic pero mukhang wrong move 'yon.
"Book." Maikling sagot niya oo nga naman libro nga naman 'yan. Sino ba kasing hindi nakakaalam nun 'di ba?
Hindi na ako nagsalita pa at inayos ang pagkakaupo, nangibabaw ang katahimikan sa amin. Walang nagtangkang magsalita kaya tumahimik nalang rin ako, tanging paghinga lang namin at ang ingay ng aircon ang tanging naririnig ko.
"Ah, ares?" Nahihiyang tawag ko sa kaniya, inangat niya saglit ang paningin sa akin pero agad rin yung ibinalik sa libro.
"Yes?"
Huminga ako ng malalim,"n-naiihi ako." Nakahihiya man pero sad'yang naiihi na ako, natigilan siya at napatingin sa akin.
"You—what?" Tanong niya napakagat ako sa aking labi at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kapag tumayo ako ay lalabas na ang ihi ko!
"Naiihi ako!" Malakas na sagot ko hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang paglaki ng mata niya, mabilis niyang itiniklop ang libro at inilagay 'yon sa mesa.
Lumapit siya sa akin at inilalayan akong makababa ng kama, masakit pa rin ang katawan ko. Mukhang may pasa sa loob, psh! Kinuha niya ang dextrose ko at iginiya ako papasok sa cr.
"M-maiwan ka lang sa labas, hawakan mo ang pinto." Utos ko na tanging tango lang ang kaniyang isinagot. Naningkit ang mga mata ko, "'wag mo 'kong sisilipan," napaawang ang labi niya at akma na sanang magsasalita pero mabilis ko ng sinara ang pinto.
Sinimulan ko ng ibaba ang pajama na suot ko at umupo sa toilet, mabilis kong tinapos ang pag-ihi dahil baka mainip si ares at buksan ang pinto, mahirap na.
Matapos umihi ay akma na sana akong lalabas pero natigilan nang masulyapan ang sarili sa salamin. Dahan-dahan akong lumingon, walang emosyon ang mukha ko at puno ng lungkot ang mga mata.
Napatingin ako sa katawan ko noon ay naging mataba ako dala ng aking pagbubuntis. Para akong naninibago ngayon pakiramdam ko hindi ako ang nasa salamin, malaki ang pagbabago ng aking katawan. Pumayat ako, naging maganda ang hubog ng aking katawan.
Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin, nakita ko ang panunubig ng mata ko. Tinitigan ko ang sariling umiyak saka ako napahawak sa tiyan.
"Anak ko, patawad..." Mahinang sambit ko at nag-simula na namang umiyak, walang kasing sakit ang mamatayan ng anak. Para sa akin na sana ay magiging ina, abot langit ang nararamdaman kong sakit.
Walang kasalanan ang anak ko, bakit siya pa ang nawala? Kung pwdeng ako nalang? Mas lalo pa akong naiyak. Humawak ako sa sink upang hindi tuluyang matumba, nakatitig parin ako sa sarili sa salamin.
Biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ko, dahan-dahan kong pinunasan ang luha sa pisngi.
If you want to get revenge, you have to turn your heart into stone.
Parang umecho sa pandinig ko ang sinabi ni ares sa akin kanina, ibinaba ko ang kamay sa sink at pinagkatitigan ang sarili.
You have to be brave and strong, don't be stupid. Show them that they made you into a one.
Pumikit ako at huminga ng malalim sa pagmulat ng mga mata ko, hindi na ako ang dating Laura, yung Laura na bulag. Bingi. Tanga. Boba. Mas pinili ang magmahal ng taong walang kasiguraduhan at iniwan ang kaniyang pamilya para lang sa taong 'yon. Hindi na ako ang Laura na 'yon.
He is already remarried to Amanda Cruz.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi, how dare you? May gana ka pang magpakasal ulit sa iba?! Do you think you deserved a happy ending? Nope. You deserve to die.
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang walang ekspresiyon kong mukha, pero ang mata ko ay puno ng emosyon, sakit at paghihinagpis.
"Castino and Cruz prepare for my comeback."
*****
Dalawang buwan ang itinagal kong pananatili sa hospital upang tuluyang gumaling, kahapon ko lang rin nalaman na nasa states pala kami at wala sa pilipinas.
Mukhang bigatin itong tumulong sa 'kin, kaninang umaga ay nagsimula na kaming mag-empake dahil ngayon kami uuwi ng pilipinas.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba o masasaktan. Matutuwa dahil sa wakas, sa mahabang panahon ay nakabalik na ako. O masasaktan dahil bumalik ako sa lugar kung saan pinagmulan ng lahat.
But...
"It's nice to be back." Sambit ko pagbaba ng eroplano, inilalayan ako ni ares na makababa. Mainit na hangin ang agad na bumungad sa akin, pilipinas na pilipinas ang amoy.
Napatingin ang ibang mga tao sa akin, duh, I was wearing a black casino dress in mosaic sequins mesh, teamed with a high slit and backless broach. Napatingin sila sa paa ko, I wore my shining silver seven inches heels. Well, si ares yung pumili nito.
Naka-black-sunglasses ako kaya medyo makulimlim ang paningin ko. Nasulyapan ko ang mga babaeng halos lapitan na kami dahil sa hot na lalaking katabi ko.
Tiningnan ko si ares, he was wearing a black textured peak lapel tuxedo and the classic cravat tie with a pair of black slacks. Naka-kawit yung kamay ko sa braso niya kaya naramdaman ko ang matitigas niyang muscles.
Naka-gel rin ang buhok niya na may takas ng buhok sa gitna, mukha siyang bagong ligo sa style ng buhok niya. Katulad ko ay naka-sunglasses rin siya, wala sa sariling napangisi ako.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport, hindi nakatakas sa paningin ko ang mga babaeng halos lumuwa ang mata nang dumapo sa black Chanel bag ko ang paningin.
Sa hitsura pa lang alam na kaagad na mamahalin. I search it online kung magkano ang bag na ito dahil ayaw sabihin ni ares, katulad nila ay naging ganoon rin ang reaksiyon ko nung malaman.
Kalahating milyon ang presyo ng bag na ito, ewan ko kung bakit ako binilhan ni ares ng ganitong ka-expensive na bag.
Sinauli ko 'to sa kaniya at sinabing masyadong mahal para sa akin pero pagmulat ng mga mata ko kinabukasan may mga katulad ng ganito sa kwarto, mga iba't-ibang style pero pareho ang presyo.
"You looked good today." He whispered. Napalingon ako sa kaniya at nakita siyang agad na nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako.
"Thank you, you looked hot too—" natigilan ako nung mapagtanto kung ano yung sinabi ko! "I-I mean you looked good too." Agad na bawi ko tiningnan niya ako bago ngumisi. Napatitig ako sa labi niya.
Damn, why is he so handsome?
"Thanks," nakangising ani'ya agad kong iniwas ang paningin. Tuluyan na kaming nakalabas nang airport at may red Toyota Hilux na kaagad ang sumalubong sa amin.
Huminto kami sa harapan nun at may biglang lumabas mula sa driver seat, ang akala ko ay driver pero hindi pala dahil sa kaniyang suot, mukhang mamahalin ang kaniyang puting tuxedo.
"Hey, bro! I'm glad that you are finally back!" Anas niya at lumapit kay Ares saka sila nag-fist-bump at niyakap ang isa't-isa. Sa nakikita ko, mukhang matagal nga silang hindi nagkita. Siguro dahil sa 'kin? Okay, hindi ako sigurado.
Matapos nilang magyakapan ay bumaling ang tingin ng lalaki sa akin, pinasadahan niya ako ng tingin kaya medyo nailang ako.
"Don't stare her like that." Malamig na sita sa kaniya ni Ares, tumawa ito ng mahina. Weird.
"Nailang ka ba?" Nakangising tanong niya pa, to tell you the truth mukha siyang loko-loko. Syempre sino ba kasing hindi maiilang kung tititigan ka lang 'di ba?
Hindi ko siya sinagot. "Aw. Cold." Ani'ya pa bumuntong hininga lang ako. "The female version of you, bud." Tinapik niya ng mahina sa balikat si ares, umiling lang ito.
"Where's Gilbert?" Tanong ni ares kinuha ng lalaki ang kaniyang phone sa bulsa. At may kung anong binasa do'n.
"On the way na sila." Sagot nito at muling ibinalik ang phone sa bulsa, tumango si ares. Tuminging muli ang lalaki sa akin.
"Tell them to hurry up. Ayaw kong maghintay ng matagal, may lakad pa ako." Malamig na ani ares tumango lang ang lalaki na nakatingin pa rin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo, he smiled at me without showing his teeth.
"I'm lefu. You're laur—"
"Akhanta." Pagtatama ko sa sasabihin niya, umismid siya at tumango. Tinaasan niya ng kilay si ares pero hindi siya tiningnan nito.
Napatingin ako kay Ares na nakapamulsa at nasa malayo ang paningin, animong ang lalim ng iniisip.
"Oh, nice name, Akhanta." He complemented, tumango lang ako. Maya maya pa ay may dumating na black Mercedes-Benz at huminto 'yon sa harapan namin.
Hinawakan ko ang sunglasses ko at bahagya 'yong ibinaba para makita ng maayos ang kotse, wow! Ang kintab. Mukhang bago pa.
Lumapit roon si Ares at binuksan ang pinto ng passenger seat, tiningnan niya ako at tumango. Bumuntong hininga ako at inayos ang pagkakatayo, pumasok ako do'n at mabilis na umupo.
Napatingin kaagad ako sa front seat nang may maramdamang may nakatitig sa akin, nakita ko ang dalawang lalaking walang emosyon akong tingnan.
Tinaasan ko sila ng kilay. "What are you staring at? Is there a dirt on my face?" Taas-kilay na tanong ko kumunot ang noo nila at hindi ako sinagot, ibinaling nila ang tingin kay Ares nang makapasok ito.
"Is she—"
"Yes." Agad na putol ni ares sa lalaking kada-balikat ang buhok, tumingin sila sa akin at ngumiti. Kumunot ang noo ko, may bipolar ba sila?
"Hi, I'm Cyrus." Sabi ng lalaking may mataas na buhok, naglahad siya ng kamay tiningnan ko pa muna 'yon bago tinanggap.
"Akhanta." Sabi ko at napabitiw dahil biglang hinila ng isang lalaking nasa driver seat ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya he has a nice messy hair.
Ngumiti siya. "Nice to meet you akhanta, I'm Gilbert." Nakangiting ani'ya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko, napilitan naman akong ngumiti.
"Tsk! You're making her uncomfortable." Sa wakas ay sumabat na si ares, hinila niya ako palayo sa kanila kaya napasandal ako sa malambot na upuan.
Napatingin ako sa mukha niyang walang emosyon, sinulyapan niya pa muna ako bago ibinaling ang tingin sa labas.
"Drive." Malamig niyang utos pakiramdam ko tuloy bigla akong nilamig. Napatingin ako sa dalawa na ngumiti pa muna sa akin bago ibinaling ang paningin sa harap.
Ganito ba talaga siya makitungo? Malamig? Inistart na ni Gilbert ang makina, sinulyapan kong muli si ares na nakapandikwatrong pambabae at diretsong nakatingin sa labas.
Palagi ba siyang may malalim na iniisip? Bumuntong hininga lang ako bago iniwas ang paningin, itinaas ko pataas sa buhok ko ang sunglasses at tumitig sa labas ng bintana.
Ang bagay na dapat ko na sanang kalimutan ay pilit bumabalik sa akin, may namataan akong babaeng masayang kinarga ang batang sa tingin ko ay nasa isang taong gulang pa. Napalunok ako nang may parang may bumara sa lalamunan ko. Naiiyak na naman ako.
Pumikit ako ng mariin dahil naramdaman ko ang init na tubig sa aking mata, calm down, akhanta. Huminga ako ng malalim at hindi na iminulat ang mata, ayaw kong may makitang katulad ng nakita ko kanina. Nasasaktan ako.
Ibinaba ko ang sunglasses ko at palihim na pinahiran ang luhang tumulo sa pisngi ko, alam kong napapansin na nila ang pagluha ko pero nanatili silang tahimik.
Anak, hindi papayagan ni mama na hindi magbabayad ang ama mo sa ginawa niya. I will make him suffer.
*****
Ilang oras ang nakalipas at nagising ako dahil huminto na ang kotse, kinusot ko ang mga mata bago inilinga ang paningin sa labas ng bintana.
"We're here." Rinig kong sabi ni Gilbert, napatitig ako sa malaking mansiyon. Agad akong naluha, ang mansiyon namin. Ang tirahan ko. Mabilis kong binuksan ang pinto at akma na sanang lalabas nang biglang hawakan ni ares ang kamay ko.
Nilingon ko siya, "hindi ka pwdeng magpakita. Not now." Seryosong ani'ya natigilan ako.
"What? Bakit? Gusto ko nang makita yung mga magulang ko!" Asik ko at hinila ang kamay ko pero hindi niya 'yon pinakawalan. s**t! Ang lakas niya! Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses at walang emosyong akong tiningnan.
"May kailangan ka pang gawin hindi ba? Ayaw mo naman siguro silang madamay?" Seryosong tanong niya hindi ako nakasagot at nanginginig ang matang tiningnang muli ang mansiyon namin.
"Anong gagawin ko? Miss na miss ko na sila." Nanlulumong sabi ko habang nakatanaw parin sa malaking mansiyon namin, wala parin itong pinagbago. Elegante parin ang desinyo nito.
"Get in, akhanta." Tuluyan akong hinila ni ares papasok at hinawakan ang ulo ko upang hindi mauntog, siya na rin ang nagsara ng pinto. Tinitigan ko ang matandang lalaking nakatayo sa veranda namin.
"Dad." Mahinang tawag ko sa kaniya animong maririnig niya 'yon pero hindi, dahil napakalayo ko sa kaniya.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit, gusto kong isumbong sa kaniya ang lahat. Gusto kong magsumbong sa kanila, pero alam kong hindi ko pa 'yon magagawa ngayon.
"Makakasama mo rin sila, soon. Akhanta." Rinig kong sabi ni Cyrus nilingon ko sila at tinanggal ang suot kong sunglasses. Natigilan siya nung makita ang lumuluhang mata ko.
"Bakit niyo ba ginagawa 'to? Why are you helping me?!" Lumuluhang tanong ko nag-iwas siya ng tingin kay Ares. Napatingin ako kay ares pero nakatingin lamang siya sa bintana, walang emosyon.
"Because I need you." Malamig niyang sagot nasa labas parin ang paningin, natigilan ako at parang nilayuan ng kaluluwa saglit.
"What?!"
Nilingon niya ako. "I want you to marry me."