Prologue
Mahirap lang ang buhay ni Thalia. Lumaki siya sa nanay niya at hindi niya na nakilala ang kanyang ama.
Isang p********e ang kanyang ina kaya hindi na nakapagtataka kung hindi niya alam kung sino ang kanyang ama. Pero, sigurado daw siya may lahing banyaga ito dahil sa kutis niya at sa kulay ng kanyang mata.
High school pa lamang si Thalia ay namulat na siya sa reyalidad ng mundo. Madalas na ang mama niya ay mahina ang kita kaya madalas siyang pumasok ng walang baon. Kahit na maganda pa rin ang kanyang ina sa edad niya ay imposibleng makakuha siya ng customer gabi gabi dahil pang mahirap lang ang bar na pinagta trabahuan niya.
Dahil doon ay naging madiskarte siya. Ginamit niya ang ganda niya upang makahingi ng pagkain sa mga classmates niyang may gusto sa kanya.
Napakasimpleng basahin ng mga lalaki. Konting pa-cute niya lang ay bibigay na sila sa kanya. Pasalamat na lang talaga siya sa lahi na binigay ng kanyang ama.
Wala siyang pakialam kung hindi kumpleto ang pamilya niya. Hindi naman siya mapapakain niyan. Ang mahalaga ay makasurvive siya araw-araw.
Pagkatapos ng high school ay nag part time muna siya sa canteen ng isang sikat na unibersidad. Hindi makita ang ganda niya dahil nakasuot siya ng facemask para siguradong malinis ang mga pagkain.
Habang nag seserve siya ay napansing niya ang isang lalaki na sobrang gwapo! College student pa pa lamang ito ay malaki na ang katawan niya. Bakat sa kanyang uniform ang kanyang matigas na braso. Parang ang sarap mag papiga!
Napakagat siya ng labi at dahan dahan niyang nilagyan ng pagkain ang pinggan nito. Nakasimangot pa rin ang lalaki pero ang lakas ng dating nito. Mahahalata mo sa paligid na maraming mata ang nakatitig dito pero parang wala lang sa kanya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil isang kita pa lang niya sa binata ay crush niya agad.
Sa ilang araw na pagsusulyap at pagmamanman niya dito ay napag alaman niyang mayaman ito at anak siya ng may ari ng isang sikat ng construction company.
So, nasa kanya na pala ang lahat. Aakitin niya ito. This is the fish that she's waiting to catch. Sabik na sabik na siyang yumaman at makaalis sa lugar ng mga mahihirap. Si Gabrielle na ang susi upang umasensyo siya.