Kinabukasan ay hindi na kami sabay na pumasok. I understand because it will just spark rumors between us. Alam kong may iniingatan siyang posisyon kaya hindi pwedeng basta basta na lang siya ma-chismis sa iba. Ilang araw na kaming puro trabaho lang. Totoo ngang nag away sila ng kanyang ama kaya tinambakan siya nito ng trabaho. Halos gabi-gabi ay nag-oovertime kami. Hindi pa ako aalis hanggang hindi pa umaalis si Gabrielle dahil ayaw kong iwanan ito ng mag isa. Minsan ay nasisigawan ako nito kapag nagkakamali ako pero agad din itong nagsosorry. Naiintindihan ko naman dahil naka stress talaga ang trabaho niya, dumagdag pa ang ama nito. Hindi ko alam at wala akong balak tanungin kung ano ang pinag-awayan nila dahil buhay niya ito at ayokong manghimasok. Nandito lang ako para magbigay liga

