"Good morning!" Lumipat ang mata ko sa monitor mula sa lalaking maingay na bumati. Tumayo ako at magalang na binati din siya. "Good morning, Sir! May I help you?" Lumapit ito sa akin at tinuro ako. "You are the new secretary?" Agad akong tumango. "Yes, sir." Binaba nito ang daliri niyang nakaturo sa akin at humalukipkip sa harapan ko. "Ilang araw ka na?" "Buwan na po, sir. Three months na po.." "What?" mahinang bigkas nito na para bang hindi makapaniwala. Natawa ako sa ekspresyon niya dahil halos lahat yata ng empleyado dito ay hindi makapaniwala na tatlong buwan na ako dito. "Three months," ulit ko. "Wow! That's amazing!" exaggerated na pagkasabi nito. Napatawa ako ng mahina. He smiled at me in a friendly way. Ang gaan din ng loob ko sa kanya kaya napangiti din ako. "What t

