Tatlong araw ng wala si Riyel at ilang araw na din akong nakatunganga dito sa opisina. Naayos ko na lahat ng mga pwedeng ayusin at naubos na ang gagawin. Masyado akong nabobored, kapag kasi may free time ako ay kumakandong ako kay Riyel habang busy ito. Ngayon parang.. namimiss ko na siya. Napabuntong hininga ako at dumukdok sa aking lamesa. Maglalunch na pala. Boring kasi dito sa floor ng office ni Riyel. Katabi namin ang conference, pantry at malaki ang opisina ni Riyel, kaya iyon lang ang nasa floor. Napa buntong hininga ako. May baon akong pagkain dahil hindi naman ako mahilig kumain sa labas. Iniiwasan ko ding kumain ng mga fast food para ma-maintain ko ang katawan ko. Napagpasiyahan kong pumunta na lang opisina ni Miss Faye. Magbaba-kasakali lang ako kung doon din siya maglalunc

