Nakapag paalam na kami kay mama habang nagliligpit ng gamit. "Umuwi ka ng kailan mo gusto, anak. Pangako, hindi na ako magdadala ng customer dito. Last na 'yon." maluha-luhang sabi ni mama. "Pero, ma, kasalanan ko 'yon. Nakalimutan kong may bisita ka at hindi ako nag ingat." "Wala kang kasalanan, anak. Hindi mo kasalanan na bastos ang lalaking 'yon. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo alam ang takbo ng isip nila." Tumango ako. "Hindi ka na magtatrabaho sa bar?" "Hindi na, anak. Magnenegosyo na lang ako dito ng maliit na tindahan. Sana pala nakinig na ako sayo noong una pa lang." "Sige, ma. Ako na ang bahala sa sahod ko." "Mag iingat kayo doon, Thalia. Tawagan mo lang ako kapag may problema." "Oo, ma. Mag iingat ka din dito." Nagyakapan kami bago kami tumulak paalis

