11. Right after Nicholas mentioned that somebody might interrupt us, ilang saglit lang ay kumatok na ang secretary niya na agad kong ikinataranta. Agad akong bumaba mula sa lamesa niya at inayos ang palda ko gano'n din ang blouse na suot. Nahirapan pa akong i-hook muli ang bra ko dahil sa pagkataranta, pero agad din akong hinawakan ni Nicholas sa braso para patigilin at siya na ang nag-hook no'n sa likuran ko tutal ay siya rin naman ang nagtanggal no'n kanina. Nang makaayos na kaming parehas ay naiilang na napatikhim ako, at lalong kumabog ang dibdib ng magtama ang tungin naming dalawa. Muli kong naalala ang nangyari kanina, naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo papunta sa pisngi ko. Nag-iwas ako sa kaniya ng tingin bago damputin ang shoulder bag na dala at walang pasabing malalaki ang hak

