12. Pagkatapos ng proposal at mapirmahan lahat ng dapat na pirmahan ay naghiwalay na rin kami ni Nicholas dahil kailangan na siya sa kumpanya, nag-insist pa siyang ihatid ako pero dala ko naman ang kotse ko at isa pa ay naninibago pa rin ako lalo na sa singsing sa palasingsingan ko na hindi ko maiwasang tignan lalo na kapag nagmamaneho. Dumaretso ako sa puntod ni Lolo S pagkatapos para bisitahin siya at ipaalam din ang naging desisyon ko. I bought him his favorite flower, pero wala na akong alak na dala. Matapos magsindi ng kandila ay tinitigan ko ang pangalan sa lapida niya at bahagyang mapangiti. "Bumalik na ako sa mansyon. I know that's what you want," pagsisimula ko. "Pero, hindi pa rin ako makatulog ng maayos kailangan ko pang uminom ng gamot para magkaroon ng mahabang tulog. Thoug

