Chapter 3

1460 Words
3. I used to love surprises since when I was a kid, it gaves me thrill and excitements, not until my parents suddenly passed away years ago. I was literally surprised that my mind went blank for hours, I can't even move nor talk to anyone, I can't think properly. Simula noon ay ayoko ng sinusurpresa o binibigla ako sa mga bagay, I want direct to the point at wala ng kung ano-anong pasikot-sikot. Pero mukhang mas lalo ko lang kinamuhian ang surpresa lalo na at galing pa sa taong kinamumuhian ko na rin. Umaalingaw-ngaw ang tunog ng esteletong suot ko sa bawat paghalik nito sa tiles na sahig. Maraming tao sa airport pero akong bulag at bingi, walang maramdaman, blanko ang isip. Dadaretso lang ako hanggang sa makita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Nakatayo at daretsong nakatingin sa akin, walang emosyon ang mukha maging ang mga mata, daretso lang ang tingin sa akin na hinihintay ang paglapit ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at agad siyang nilampasan ng makalapit ako na parang wala akong nakita dahil sa shades na suot. "Tamara..." Narinig ko ang pagtawag niyang iyon ngunit nagbingi-bingihan ako at nagdare-daretso lang papalabas ng airport hila-hila ang maleta ko. Hindi ko siya sinubukang linungin kahit na ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko. Ayoko siyang makita, kahit na wala naman akong ibang choice kundi makita siya lalo na ngayon. Nang makita ang driver at van namin ay agad akong umakay sa passenger seat at sinarado iyon. Matapos ilagay sa likod ang dala kong maleta ay pumasok na rin si Mang Nestor ang family driver namin. Napansin ko ang pagsulyap niya sa kasasakay lang na si Nicholas sa likuran, bago bumaling sa akin at mapatikhim. Tahimik ang byahe namin sa mansyon kahit na ramdam na ramdam ko ang titig ni Nico sa likuran ko pero nagmatigas talaga ako at hindi siya nilingon. Hindi ko kaya lalo na ngayong naipon lahat ng galit, pagkamuhi, sakit, at lungkot sa dibdib ko. Hindi ko namalayan ang byahe habang nakatulala ako sa labas ng bintana ng van kaya nang huminto ang van ay hindi ko agad nabuksan ang pintuan. Hahawakan ko pa lang iyon ng buksan na niya kaya wala akong ibang choice kundi bumaba na lang nang hindi siya binabalingan. Nagdare-daretso ako sa paglalakad papasok sa mansyon, at nakasunod pa rin siya na parang bata sa akin. Binati ako ng mga kasama namin sa bahay pero ramdam ang kalungkutan sa mga tinig nila maging sa buong mansyon. Sinalubong naman ako ni Manang Ester na may malungkot at nag-aalalang tingin, marahan lang akong tumango sa kaniya bago magpatuloy sa pagtaas sa second floor. Nakasunod pa rin sa akin si Nicholas hanggang sa huminto ako sa tapat ng kuwarto ni Lolo S. Mabigat na ang dibdib ko dahil sa maraming emosyong pinipigilan pero mas lalo lang iyong bumibigat dahil sa kaniya. "Puwede bang 'wag mo na akong sundan?" ang inis kong sambit nang hindi siya nililingon. "Gusto lang kitang ihatid," mahina ang marahan nitong boses. "Nahatid mo na ako, puwede ka nang umalis," mariin kong sabi. Hindi agad siya kumilos sa puwesto niya pero kalaunan ay narinig ko ang papalayo niyang yabag. Doon ako mariin na napapikit bago mapabuntong hininga para i-compose muna ang sarili ko bago kumatok at buksan ang pinto ng kuwarto. "Lolo! Hindi mo man lang ba ako sasalubungin!" ang kunwari ay pag-iinarte ko katulad ng kung paano ako naglalambing sa kaniya sa tuwing hindi niya ako sinusundo at si Nicholas ang pinapapunta niya. Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok hanggang sa makita ko ang kama niya, bahagya siyang nakaupo habang nakasandal at mukhang katatapos lang uminom ng gamot galing sa nurse niyang babae na agad ding umalis ng makita ako at matapos na sa pag-check kay Lolo. "My dearest princess..." mahina ang boses niyang pagtawag sa akin ngunit nakangiti. Hindi agad ako nakakibo. He was thin than the last time I saw him, he's also pale, at mukhang nahihirapan dahil sa mga nakakabit sa kaniyang kung ano-ano. Huminga ako ng malalim bago maglakad papalapit sa kaniya habang kunwari ay nakasimangot, hindi ko tinatanggal ang shades na suot ko. "Bakit naka shades ka pa? Nasa loob ka na ng bahay," ang natatawa nitong puno sa akin nang maupo ako sa gilid ng kama niya. "Style 'to ngayon," sabat ko bago bumaling sa mga nakakabit sa kamay niya. "Style rin ba 'yan?" halos mabarag ang boses ko habang nakatingin sa mga kamay niya. Marahan siyang tumawa katulad ng parati niyang ginagawa. "Alam kong masama ang loob mo dahil ngayon mo lang nalaman ang tungkol dito." Hindi ako agad nagsalita at marahan lang na hinahaplos ang kamay niya habang nakatuon lang ang tingin doon. "'Wag kang magalit kay Nicholas, ako ang nag-utos sa kaniya na 'wag munang sabihin sa iyo na may sakit ako. Ayokong mag-alala ka at mawala ang focus mo sa pag-aaral," dugtong nito sa marahang boses. Mariin ko namang kinagat ang labi ko habang pinipigilan ang mga emosyon na ngayon ay tila bumabara sa lalamunan ko. "Mas mahalaga ba talaga sa 'yo ang pag-aaral ko kaysa makasama ako? Paano kung hindi na kita naabutan... paano..." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sunod-sunod nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko iyong pinunasan. "At saka bakit si Nicholas lang ang palaging nakakaalam ng tungkol sa kalagayan mo? Siya ba ang tunay mong apo? Ako ang apo rito dapat ako ang mas nakakaalam ng lahat kaysa sa kaniya!" Muli siyang mahinang tumawa bago marahang hinaplos ang buhok ko. "Nagseselos ka pa rin ba kay Nicholas? Ang akala ko ba ay gusto mo siyang pakasalan?" pang-aasar nito na tila ay gustong pagaanin ang sitwasyon. Nakanguso ko siyang binalingan na tila nagmamaktol na bata. "Lolo naman! Umiiyak na ang paborito mong apo inaasar mo pa rin ako sa lalaking 'yon." "Halika nga rito," Hinila niya ako papalapit para mayakap. Mahigpit na yumakap naman ako sa kaniya. "Seryoso rin ako, Tamara. 'Wag kang magalit kay Nicholas, ang batang iyon ang nagpupumilit sa akin simula pa noong una para sabihin sa 'yo ang tungkol sa kalagayan ko. Wala siyang kasalanan dito kaya 'wag ka sanang magalit sa kaniya, apo. Mabait na bata iyon, pero mas mabait ka siyempre. Bahagya akong natawa bago muling ngumuso. "Binibida mo na naman sa akin 'yang apu-apuhan mo." Ngumiti lang siya at marahan akong hinaplos sa buhok na parang inaalala kung paano niya ako pinapatulog noon sa pamamagitan lang nang marahan na paghaplos ng buhok ko. Napapikit ako para dalhin iyon pero sa hindi ko malamang dahilan ay para akong dinudurog sa bawat haplos niya. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagdausdos ng luha sa pisngi ko. "Galit ka ba dahil ngayon ko lang sinabi?" ang tanong niya matapos ang katahimikan. "Sinong hindi magagalit kung bibiglain ng gano'ng balita? Pakiramdam ko ay wala ka talagang balak sabihin sa akin ang lagay mo. At mukhang totoo naman," ang nakanguso kong sambit. "Natatakot akong kapag nalaman mo ay umuwi ka at huminto sa kolehiyo, ayokong masira ang pangarap mo." Mariin akong napapikit, pigil na pigil ang mga hikbi. "Ang kolehiyo mababalikan ko pa, pero ang makasama ka ng matagal hindi na... ikaw ang pangarap ko, lo, ang makasama ka hanggang sa maabot ko lahat ng pangarap mo sa akin. Pero mas galit ako sa sarili ko, kung mas pinili ko na lang sana ba manatili rito, mas nakasama pa kita ng mas matagal. Ikaw na lang ang mayroon ako lo, ikaw na lang ang pamilya ko," ang mahabang tugon ko sa kaniya sa pagitan ng mga pigil na hikbi. Muli kaming binalot ng katahimikan, at mahina kong paghikbi. I never let myself cry Infront of others, only let myself cry with him beside me, kay Lolo S ko lang nailalabas ang ganitong side ko. Ang hindi alam ng lahat ay isa akong iyakin, defense mechanism ko lang ang pagiging mataray at pagtatapang-tapangan where in fact sobrang dali kong masaktan. But I won't let anyone know how vulnerable I am. Never. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya, at alam ko na ang susunod niyang sasabihin na palagi niyang sinasabi sa tuwing binabanggit ko na wala akong natitirang pamilya. "You still have Nicholas. Alam kong kahit na para kayong aso't pusa, malapit na kayo sa isa't isa. At isa pa, he's the only person I can trust you with. Kampante na ako basta ay kasama mo siya," paninigurado nito sa akin. "You still have home aside from me that you can go to, Tamara. So, please treat each other with care. Bawasan mo na ang pagsusungit kay Nicholas," mahina siyang muling tumawa bago ako yakapin ng mahigpit. "He's a good man, apo." Hindi na ako kumibo. I just hope he is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD