Chapter 2

2591 Words
2. "What takes you so long?" ang nakasimangot kong tanong kay Jasper ng malapitan ito. Napakamot siya ng ulo niya habang bahagyang nakangiti dahilan kaya lumalabas ang dimple sa kaniyang pisngi. He's like that when he's about to make a reason. "Traffic," palusot niya. "Walang traffic ng ganitong oras 'no." Napatingin naman siya sa orasan niya. "5 minutes late lang naman ako sa usapan. Bakit ba ang bugnutin mo ngayon? Magkakaroon ka na ba?" Hinampas ko siya ng hand bag ko na natatawa niyang sinalag. "Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng sakit sa katawan d'yan." "Hindi ka naman mabiro," natatawa nitong sabi bago lumapit sa akin at pinaghiwalay ang kunot kong noo. "Nakakunot na naman ang noo mo." "Ano ba!" Tumawa siya bago bahagyang inilapit ang mukha sa tainga ko. "Stay still, he's looking at us," mahina niyang bulong habang nakangisi. Wala siyang binanggit na pangalan pero alam kong si Nico ang tinutukoy niya. Palihim ko rin tuloy na binalingan ang gilid namin at tama nga ito, nakarating na sa b****a ng mansyon ang dalawa. I cleared my throat. "Tara na baka literal na ma-traffic na tayo niyan." Hinawakan ko na siya sa braso pero talagang mapang-asar itong si Jasper at hindi sumunod sa akin. "Oh, Nicholas! You're back, ang akala ko ay wala ka pa rin," pagbati niya sa nakalapit ng magkasintahan. Inis akong napapikit bago bumulong sa magaling kong kaibigan. "You're doing this on purpose don't you?" Hindi niya ako sinagot at tinawananlang. Wala tuloy akong nagawa kundi harapin din ang dalawa ngunit hindi ko inalis ang pagkakahawak ko kay Jasper na palihim kong kinukurot dahil sa pang-aasar nito. Inaasar kasi nila ako ni Zyrille na may gusto kay Nicholas nitong nakaraan lang. But of course it's not true! As if! Over my dead body! "Oh, you're back," ang pagtataray kong sambit kay Nicholas na naabutan kong pinasadahan ang kamay kong nakakapit kay Jasper bago magtaas ng tingin sa akin. "Yeah. Kani-kanina lang. Mukhang aalis 'ata kayo?" ang pormal nitong tanong pero daretso lang ang tingin sa akin. Na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bahagya kong ikinailang pero hindi ko hinayaan na mahalata niya iyon. "Yes. We're about to leave actually," binalingan ko ang kasama niya at bahagyang ngumiti rito na ginantihan din ako ng ngiti. "Enjoy your stay. Let's go, Jas." "Alright!" Hindi ko na muling nilingon sila Nicholas pero sa buong byahe ay badtrip na ako. Hindi ko alam kung saan ko na gustong pumunta kaya nauwi kami sa bar ni Jasper kahit na maliwanag pa. Hindi naman ako tinigilan ng panunukso ng kaibigan ko dahil sa mga tingin daw sa akin ni Nicholas kanina. "Don't tell me you're jealous that's why you're drinking?" pang-aasar nito matapos kong makaubos ng dalawang bote ng alak ng magkasunod. I rolled my eyes on him. " What made you think that I am jealous? At bakit naman ako magseselos? Ano ko ba siya? Stop ruining my mood, Jas." "Woah, chill! Masiyado ka namang high blood!" tumawa ito ba bago isuot sa akin ang jacket na dala niya. "Bakit ka ba nagsusuot lagi ng backless kapag nasa bar tayo?" tanong niya na tumitingin pa sa mga nasa likuran namin. Napabaling din ako sa mga iyon at nakita ang mga lalaking malagkit na nakatingin sa akin. Napairap na lang ako bago bumaling muli sa baso ko. I'm sure na kung hindi ko lang kasama ngayon si Jasper ay nilapitan na ako ng mga ito. But I'm not in the mood to flirt. I just want to drink as much as I can, para mawala ang inis sa sistema ko. Inis na hindi ko rin alam kung saan nanggagaling. Napabaling ako sa cellphone ko ng makitang may text message na naman galing kay Nicholas. He's been texting me for an hour but I never replied to any of his text. Maaga pa para pauwiin ako, and I'm not a teen anymore. "Si Nicholas?" tanong ni Jasper na nakita rin ang pag-ilaw ng cellphone ko. "Why don't you reply? Baka nag-aalala na si Don S, hindi ka pa naman nagpaalam." "Hindi na ako bata para magpaalam." Muli kong nilagok ang laman ng baso ko. "Wow, hindi na bata pero kung magselos parang bata!" humalakhak siya na ikinasama ko sa kaniya ng tingin. "How many times do I have to tell you na hindi nga ako nagseselos? At bakit naman ako magseselos?" pagalit ko ng tanong. Nagkibit-balikat naman si Jasper. "Don't deny what is obvious. You're in love with him—with Nicholas, I mean." "I already told you, I'm not." "Then, why are you drinking this much?" "Bawal ba? I can drink whenever I want and I'm pissed right now kaya 'wag mo ng dagdagan puwede?" Marahan itong tumawa. "You're pissed because you saw him with a girl. Well, they look good together. The girl's also beautiful, kung ako si Nicholas baka mag-propose na ako sa kaniya. Or what if nag-propose na siya kaya gano'n katagal silang nawala—" Padarag kong ibinaba ang babasagin na basong hawak ko, mabuti na lang at makapal at matibay ang glass nito. Inis kong binalingan si Jasper na halatang tinitrigger lang ako pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay natrigger nga ako. Hindi pa naman ako lasing pero may kung anong emosyon akong nararamdaman na parang may bumabara sa lalamunan ko. Sinapak ko si Jasper. "Gago ka ba talaga?" Naglaho ang ngisi sa labi niya ng makita ang nangingilid kong mga luha na hindi pa man tumutulo ay pinunasan ko na. "s**t! Are you crying?" ang nag-aalala na niyang tanong habang pilit tinitignan ang mukha ko. "Why would I? Napuwing lang ako," dahilan ko bago ulit umakto na tila walang nangyari but deep inside I felt some... pain. Habang iniimagine si Nicholas na ikinakasal sa iba. Do... Do I really have feelings to that asshole? No! It's impossible. Bumuntong hininga si Jasper na mukhang natakot dahil sa muntikan ko ng pag-iyak. "Ghad! Don't scared me like that." "I will tell this to, Lolo S," busangot kong banta sa kaniya na ikinataranta niyang muli. "Don't do that! He will kill me for sure!" aniya. Bago itapat ang palad sa dibdib niya. "Hindi na kita aasarin kay Nicholas. Baka bigla ka na lang kasing umiyak at ako pa ang masisi." Inirapan ko siya. "Dapat lang." We spent the night there drinking and having fun. Pero hindi na mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Jasper. Kung ang babaeng kasama nga ni Nicholas ay ang girlfriend niya, na kasama niyang nag-out-of-town maybe they're really engaged? Wala naman talaga akong pake kung magpakasal siya o ano, iyon ang nasa isip ko pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot at pagdaan ng sakit sa puso ko. Siguro ay dahil nasanay na akong nandyan siya palagi sa bawat pag-uwi ko, palaging nakabuntot, at kaaway ko. Hindi ko pa naiisip na darating ang araw na ganito, nakalimutan ko ng bukod sa mas matanda siya sa akin ng ilang taon ay may sarili rin siyang buhay. Hindi siya habang buhay bubuntot sa akin at makikipag-away na parang bata. Tumatanda na kami at alam kong pangarap niya ang magkaroon ng isang maayos at masayang pamilya, dahil iyon ang pinaka hinahanap-hanap niya sa lahat. Hindi ko na namalayan ang oras kaya ng sinabi ni Jasper na alas dos na ng madaling araw ay halos dagain ang dibdib ko. Dahil bukod sa hindi ako nagpaalam kay Lolo ay napakarami ng missed calls at text ni Nicholas sa akin, tinatanong kung nasaan ako at kung bakit hindi ako nag-u-update dahil hinahanap na raw ako ni Lolo sa mansyon. "I'm doomed!" tarantang sabi ko habang pinagpapawisan ng malagkit. "Nag-text din ba sa 'yo si Don Simon?" ang natataranta na ring tanong ni Jasper. Nanlulumong tumango ako sa kaniya at alam na niya ang ibig sabihin no'n, yari ako sa lolo ko. I'm not a teen anymore, I'm almost 21 pero I am required to tell my gramps kapag may mga ganito akong gala lalo na at gagabihin dahil grabe siya kung mag-alala. The last time na hindi ako nagpaalam at umuwi ng dis-oras ng gabi ay nireport na niya akong missing sa mga pulis. And that's embarrassing! Dagdag pa ang walang tigil na panenermon niya. Pero naiintindihan ko naman si Lolo, alam kong hanggang ngayon ay takot pa rin siya kapag lumalabas ako ng gabi ng ako lang, alam kong natatakot siyang mangyari ang nangyari sa mga magulang ko sa akin. "Dito na lang, Jas. Kaya ko ng maglakad papasok sa mansyon, baka masermonan ka rin ni Lolo at i-banned ka na naman dito," sambit ko nang huminto na kami sa gate sa ng mansyon. "Are you sure? Ayos lang sa akin para makausap ko rin si Don—" "No need na. Baka hindi ka makauwi agad, may lakad pa naman kayo mamaya nang maaga ni Tita. Kaya ko na 'to, may guard naman magpapasama na lang ako." Mariin niya pa akong tinitigan na parang ayaw pumayag sa gusto ko pero wala rin siyang nagawa kundi mapabuntong hininga. "Okay. Update me later. 'Wag kang mag-alala ipagdadasal ko ang kaluluwa mo," biro niya pa na ikinairap ko lang sa hangin bago siya itaboy paalis. Pinanood ko siyang makalayo bago ako nagpasiyang pumasok sa gate. Agad naman akong pinagbuksan ng guard ng makilala ako. Bahala na kung magalitan man ni Lolo, ang mahalaga umuwi ako. Tama, tama. Pagkumbinsi ko sa sarili bago mapabuntong hininga. Hindi pa man ako nakakalayo sa gate ay naaninag ko na ang isang anino ng lalaki mula sa dilim at papalapit sa puwesto ko. Hindi man siya tamaan ng liwanag ay kilala ko na agad iyon. Marahas akong napalunok ng magtama ang tingin namin ni Nicholas, malamig ang mga tingin nito at mukhang kanina pa ako nakita pagpasok ko pa lang sa gate. Huminto ako sa kasabay nang paghinto niya sa harapan ko. Pinasadahan niya agad ako ng tingin, mapanuri at tila may galit sa mata? Muli namang nabuhay ang inis ko sa kaniya kaya inis ko siyang inirapan. "Did you have some fun?" ang tila sarkastikong tanong nito. Napataas ako ng kilay. "Ano naman sa 'yo?" Bahagya siyang natawa na parang nanunuya at naiinis. "Ano naman sa akin? You're ignoring my calls and messages tapos uuwi kang amoy alak at... suot ang jacket ng isang lalaki? Is this how you spent your days habang wala ako?" I can tell that he is mad, but I still don't get his damn point. Lalo lang kumulo sa inis ang dugo ko. "At kailan ko pa naging responsibilidad na sagutin ang text messages at calls mo? And for your information mister, I am old enough to drink and be with anyone I want. At, oo, ganito ko inabala ang sarili ko habang wala ka. Bakit? Asawa ba kita para magalit at pagbawalan ako sa mga ginagawa ko? Kung ikaw nga malayang makipag-date sa girlfriend mo, bakit ako bawal?!" ang mahaba at pagalit na reklamo ko. Kumunot naman ang noo niya at inis na napaiwas ng tingin. Ang akala ko ay tatalikuran na lang niya ako pero naglakad siya papalapit sa akin. Tinanggal niya ang suot niyang coat at inalis ang jacket ni Jasper sa akin, bago palitan iyon ng coat niya. Sinubukan ko pang kunin ang jacket ni Jasper pero hindi niya iyon binigay at tumalikod na para maunang maglakad papunta sa mansyon. Malalaki ang hakbang na hinabol ko naman siya. "I don't need your coat, give me back that jacket, Nicholas," ang paghabol ko sa kaniya ngunit hindi na niya ako nilingon at patuloy lang sa paglakad. "Amoy alak na ang jacket na 'to, mapapagalitan ka lang lalo ni Don Simon kung susuotin mo pa 'to hanggang sa loob," ang tanging sagot niya. "Ano namang pake mo? Iyon naman na ang ginawa mo kanina, ang pagalitan ako!" singahal ko bago siya kapitan sa braso ng maabutan. Kapuwa kami muli natigilan sa paglalakad. Binalingan na niya ako habang nakakapit ako sa braso niya. "Ibalik mo na sa akin ang jacket na 'yan. Mas gugustuhin ko pa na mag-amoy alak ako kaysa gamitin 'tong coat mo na kaamoy ng babae mo," inis kong sambit bago sinubukang agawin ang jacket sa kamay niya pero inilayo niya lang 'yon sa akin. Nakataas na ang kilay niya ngayon. "Babae ko?" tila ay lito niyang tanong. Napairap ako sa hangin at napahalukikip. "Ahh, sorry ha? Ayaw mo bang tinatawag ng gano'n ang girlfriend mo? O baka naman fiancée mo na?" "Wala akong alam sa sinasabi mo." "Come on, Nicholas. Maglolokohan pa ba tayo gayong nakita ko naman kayo kanina? Stop the act. Akin na ang jacket ko!" Muli kong sinubukang kuhain ang jacket ngunit inilayo niya iyon dahilan kaya muntikan na akong sumubsob sa dibdib niya kung hindi lang niya ako nahawakan sa baywang. Napaangat ako ng tingin sa kaniya habang mariin ang titig niya sa akin. "She's not my girlfriend, Tamara," ang mababa ang boses na sambit nito. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay malakas na kumabog ang dibdib ko. Marahas akong napalunok at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "A-Ano naman. Kung hindi, edi hindi. Bitaw," pagsusungit ko bago kumawala sa pagkakahawak niya. Nakita ko pa ang pagsilay ng ngisi niya. Nang bitawan na niya ako ay hindi na ako nagpumilit na kuhain ang jacket ni Jasper sa kaniya dahil natatakot akong marinig niya ang lakas ng kabog ng puso ko. Habang naglalakad ay nanatili lang siya sa likod ko, nakasunod at tahimik lang katulad ng palagi niyang ginagawa kapag sinusundan ako pero hindi ko alam kung bakit naiilang ako. Nang buong bakasyon ko na iyon ay wala namang pinagkaiba sa mga nakalipas kong pag-uwi, aso't pusa pa rin kami kung mag-away ni Nicholas pero napapansin ko na sa pagtagal ang mga wirdo kong nararamdaman kapag malapit siya. Ayokong kumpirmahin kung ano man iyon—hindi ko kayang kumpirmahin sa sarili ko. Habang patuloy pa rin ang pag-asar sa akin ni Jasper at Zy tungkol kay Nicholas na tingin ko ay siyang nagpasimula ng wirdo kong nararamdaman sa lalaking 'yon. And I hate those weird feelings of mine, but I hate him more lalo na ng makita ko siyang muli kasama ang babaeng itinanggi niyang girlfriend niya. Natigil ako sa paglalakad gano'n din si Jasper at Zy na bibisita ngayon sa mansyon. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at daretsong nakatingin sa isang puno sa garden ng mansyon. Sa ilalim ng puno ay ang nakatalikod na si Nicholas habang naka sandal ang kamay sa punong pinagsasandalan ng babaeng nasa harapan niya, ang parehong babaeng isinama niya noon. Malakas na kumabog ang dibdib ko, hindi ko man kita pero alam ko ang ginagawa nila. Gumuhit ang pait sa puso ko lalo na ng magtama ang tingin namin ng babae kasunod ng pagbaling sa akin ni Nicholas. Walang emosyon ang mga mata niya na lalong nagpatindi ng pagguhit ng kung ano sa dibdibko. "Ano bang tinitignan mo d'yan?" si Zy na sinubukan pang tignan ang tinitignan ko pero tumalikod na ako at nagdare-daretso na papunta sa mansyon na parang walang nakita. After that I distance myself to Nico, and he never bought his girl to our mansion. Alam kong nagtataka siya sa halatang pag-iwas ko sa kaniya pero hindi ako nagpatinag, mas mabuti na iyon lalo na para mawala ang mga wirdo kong nararamdaman. Naging gano'n ako sa kaniya hanggang sa muli akong bumalik sa Australia para tapusin ang isang taon ko pa sa college. At hindi ko inaasahan na iyon na ang simula ng lalong pagtindi ng pagkamuhi ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD