1.
"It's been a while, my princess!"
Mahigpit kong niyakap ang Lolo Simon ko nang salubungin niya ako paglabas ko ng airport. It's our summer break again at isang buwan muli akong magbabakasyon ngayon dito sa Pilipinas.
It's my yearly routine, uuwi ako tuwing summer break sa school at babalik ulit sa Australia isang linggo bago magsimula ang klase. Minsan ay bumabalik din ako nang mahahalagang okasyon, lalo na ang kaarawan ni Lolo S, I can't missed that.
Pagtapos sa airport ay dumaretso agad kami pabalik sa mansyon para iuwi ang mga gamit ko at makapagpahinga. Marami akong baong kuwento kay Grampa na tahimik niyang pinapakinggan. He loves listening to my stories about school and such, mga nangyayari lang sa buong taon ko sa Australia habang namumuhay roon... mag-isa.
Pero alam kong sa likod ng mga ngiti at pakikinig ay gusto niya na akong pabalikin dito sa Pilipinas at dito na rin mag-aral. Pero alam na rin niya ang magiging sagot ko. I can't. Hindi ko pa kaya sa ngayon, dahil kahit masaya akong umuuwi para sa kaniya, sa loob-loob ko ay ramdam ko pa rin ang sakit ng mga alaalang nagbabalik sa akin sa tuwing umuuwi ako rito.
It's all coming back to me na parang malakas na bugso ng tubig na tinatangay ako ng walang kalaban-laban.
Pagdating sa mansyon ay wala pa rin bago bukod sa mga dekorasyon sa paligid dahil malapit na naman ang pasko. Mabuti na lang at palaging December ang summer break namin at nakakapagpasko ako kasama si Lolo S, maging ng new year.
He's my only family now, he's all I've got after my parents died. As much as I want to spend more time with him, I really can't. The accident that happened 3 years ago still haunts me whenever I come back here.
"Maligayang pagbabalik, Tamara! Bakasyon niyo na naman pala," agad na bungad sa akin ng mayordoma ng mansyon si Manang Ester na nagpalaki kay Papa.
Nagmano ako sa kaniya katulad ng nakagawian. "Opo. Magugulo na naman ang mansyon niyong pinamahayan na ng multo," biro ko na ikinatawa niya at ng mga nakahilerang kasambahay na malapit na rin sa akin.
"Itong bata talagang ito. Halika na at alam kong gutom ka, ipinahanda ko ang lahat ng paborito mo kay Ester."
Agad na nagniningning ang mga mata ko at masiglang pumasok sa loob ng mansyon na wala pa rin namang pinagbago. Malinis, malawak, makaluma, ngunit elegante pa rin ang paligid at maganda!
Daredaretso ako sa kusina habang patalon-talon pa dahil talagang na-miss ko ang amoy ng mansyon. Amoy na nagpapaalala sa akin ng pakiramdam na may tahanan pa rin akong mauuwian sa kabila ng lahat ng nangyari.
Natigil lang ako sa pagtalon-talon ng madulas ako sa sahig at muntikan ng tumihaya. Narinig ko ang pagtili ng mga kasambahay at ang boses nila Lolo at Manang Ester. Sa gulat ay napatili at pikit din ako habang hinihintay na bumagsak ako sa marmol na sahig ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi iyon nangyari.
"Harujusko! Muntikan na akong atakihin!" si Manang Ester.
"Tamara! Ayos ka lang ba? Linisin niyong muli ang bahaging ito. Delikado kung may madulas dito," ang boses naman ni Lolo.
Dahan-dahan naman akong napadilat at ang agad na bumungad sa akin ay isang pares ng mga hindi pamilyar na mata. Nakakunot ngayon ang noo ng lalaking nasa harapan ko at nakadungaw sa akin, sa gulat ay itinulak ko siya dahilan ng pagkabitaw niya sa akin at pagsalampak ko sa sahig.
"Aray!" daing ko matapos tumama ang pang-upo ko sa marmol na sahig. Masama ang tingin na binalingan ko ang lalaking sumalo sa akin kanina. "Bakit mo ako binitawan!"
Lalong nangunot ang noo nito. "Tinulak mo ako."
Dahan-dahan akong tumayo kahit masakit pa rin ang pang-upo ko. Hinarap ko siya. "Pa'nong hindi kita itutulak kung napakalapit mo sa akin?"
"Sinalo lang kita," he said stating the fact.
"Even so! Bakit—"
"Hep. Hep. Hep." Pumagitna sa amin si Lolo at nakangiti kaming pinaghiwalay. Hindi ko naman inalis ang masama kong tingin sa lalaking nasa harapan ko, at gano'n din siya kahit na mukhang naguguluhan ang mga tingin niya. "Alam niyo ang rules sa mansyon. Bawal ang away."
"He started it first, Lolo!" bulaslas ko kahit na wala namang ibang ginawa talaga ang lalaki sa akin.
Hindi naman ito nagsalita ngunit nanatili na nakakunot ang kaniyang noo. Na tila ay hindi niya alam ang sinasabi ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Tamara," si Lolo na binalingan ako. "I saw everything at wala akong nakitang maling ginawa ni Nico sa 'yo bukod sa saluhin ka para hindi ka mabagok sa sahig."
Napanguso ako. "Binitawan niya ako!"
"'Cause you push him first. Tamara Brielle Sandoval," pagtawag sa buo kong pangalan ni Lolo ang ibig sabihin ay dapat akong mag-sorry.
Lalong humaba ang pag-nguso ko bago balingan ang lalaki sa harapan ko na wala pa ring emosyon ang mukha. "I'm sorry," mahina kong sabi.
Malawak namang ngumiti si Lolo bago kami muling iharap sa isa't isa ng lalaking hindi na inalis ang kaniyang tingin sa akin.
"Tamara, I want you to meet Nicholas," panimula ni Lolo bago naglahad ng kamay niya ang lalaking si Nicholas, labag man sa loob ay tinanggap ko iyon. "Dito na siya ngayon titira simula ngayon. At ijo, ito ang apo kong palagi kong ikinukwento sa iyo si Tamara."
Marahan lang itong tumango bago bitawan ang kamay ko. Nanatili naman ang titig ko sa kaniya kahit na gusto ko pang magtanong kay Lolo kung paano siya napadpad dito sa mansyon at bakit dito na siya titira pero inaya na kami nitong kumain sa hapag.
-----
Iyon ang una naming pagkikita ni Nicholas. He was 16 back then and I was 13. Inampon siya ni Lolo matapos mamatay ng mga magulang niya sa aksidente ng taon ding iyon, wala na siyang mapupuntahan dahil ang mga kamag-anak nila ay hindi siya tinatanggap. That's when my grampa decide to took him in the mansion, since apo siya ng bestfriend nito.
Wala naman akong reklamo dahil hindi na bago kay Lolo ang tumulong sa iba, he's that kind of man, tutulong hanggat kaya niya. Pero may kung ano talaga sa lalaking Nicholas na 'yon na nagpapainit ng ulo ko sa tuwing nakikita ko siya.
Sa baway uwi ko sa Pilipinas ay siya na ang palaging sumasalubong sa akin lalo na kapag may important business meeting si Lolo. Nagiging bodyguard ko na nga siya dahil nakabuntot siya sa bawat galaw ko, at kapag pinapalayo ko siya ay ang sagot niya lang ay iyon ang bilin ng Lolo ko.
Away rito, away roon. Hindi natatahimik ang mansyon sa bawat pag-uwi ko dahil sa walang katapusan naming bangayan na tumitindi lang sa bawat bakasyon na umuuwi ako.
"What are you doing here?" ang naka krus ang brasong tanong ko nang sunduin niya ako isang gabi sa isang party ng kaibigan kong si Zyrille.
Pinasadahan ako ng tamad niyang tingin na ikinataas ng kilay ko. "Pinapasundo ka sa 'kin ni Don Simon," ang simple lang nitong sagot.
Napaikot ang mata dahil sa narinig. Malakas pa rin ang tugtog mula sa loob ng bahay nila Zy, maging ang mga sigawan ng mga lasing na niyang bisita. Nakainom na rin ako pero hindi pa ako lasing, hindi naman kasi ako madaling malasing, at wala akong balak na magpakalasing.
"Are you serious? It's not even midnight!" protesta ko.
Napatingin naman siya sa relo niya at mataman niya akong tinignan. "Yes, because it's almost morning. Kaya uuwi na tayo."
Almost morning!? Pakiramdam ko ay wala pang alas dyes ng gabi!
"No!" ang matigas kong pagtutol sa gusto niya. "I'm not a teen-ager anymore. Well, I'm still nineteen, but I'm too old enough to be fetch like this in a party."
Hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya habang nasa gilid ang nakaparada niyang sasakyan na he bought with his first salary on our company. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin, ang pinaka kinaiinisan kong tingin.
"Then, I'm not leaving," pagmamatigas din nito.
Inis na nilapitan ko siya. "Puwede ba, Nicholas, let me live my life! Minsan na nga lang ako umattend ng party!"
Nagtaas siya ng kilay. "Minsan pa bang matatawag kung pangatlo na 'to ngayong linggo?"
Napaawang ang bibig ko at inis na tinulak ang dibdib niyang matigas pa 'ata sa bato. "You're a jerk!" singhal ko ngunit nginisian lang ako nito. Sinubukan ko siyang itulak ulit ngunit nahuli na niya ang kamay ko.
"And you're a bratt," balik na pang-aasar niya.
Inis na sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hindi niya ako binitawan at nakipagtitigan lang sa akin habang may mapang-asar na ngisi sa labi. Magsasalita na sana ako ng mapalingon kami sa isang boses.
"Is there any problem here, Tamara?" boses iyon ni Owen na mukhang sinundan ako rito sa labas.
Napairap na lang ako sa hangin. Isa pang asungot na ayaw akong lubayan. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko kay Nico pero hinila na niya ako papunta sa likuran niya.
"What are you doing!"
Hindi niya pinansin ang pagprotesta ko, at daretso lang na nakatingin kay Owen. "Ginugulo ka na naman ba ng isang 'yan?" pagtukoy niya kay Owen na salitan kaming tinitignan.
Hindi ko sumagot. Of course, kilala niya si Owen dahil minsan na siyang napaaway sa pagtatanggol sa akin sa makulit na lalaking 'yan.
"Oh, it's you again mr. Knight in shining armor," ngising bati sa kaniya ni Owen na ikinaikot ko ng mata.
"And it's you again, mr. Matapang lang kapag may kasama," balik na pang-aasar ni Nicholas na nagpalaki ng mata ko.
"Are you insane? Bakit pinapatulan mo pa 'yan!"
Kita ko naman ang pagbakas ng inis sa mukha ni Owen na naglakad na papalapit sa amin, taas noo namang hindi umatras si Nico na mayabang itong tinitignan. At alam ko na kung saan iyon mauuwi kaya agad ko nang hinatak ang basagulero kong sundo.
"Let's go, Nicholas." Hinila ko siya. Nung una ay hindi pa 'to nagpahatak. "Nicholas!"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nakangising tinalikuran na lang ang halatang pikon na si Owen. Pinauna ko muna siyang makasakay sa driver seat bago ako pumasok sa kotse.
Inis ko siyang binalingan. "Why do you always ruin everything!"
Pinaandar niya muna ang kotse bago ako lingunin. "Did I ruined your great night with that bastard?" he said sarcastically.
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "What?! You're not getting my point. Labas si Owen dito."
Saglit niya akong binalingan muli may inis na sa mga tingin. "And now you're defending him? After what he had done to you before." He's now serious.
Napabuntong hininga na lang ako at padarag na napasandal sa upuan ko. "This is getting nowhere," pagtapos ko sa usapan at sa labas na lang binaling ang tingin.
Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makauwi kami sa mansyon. Nauna akong pumasok sa loob at naabutan ko agad si Lolo na umiinom ng tsaa niya habang may hawak na mga papeles na binabasa. Nakasuot business attire nito dahil may maaga silang appointment na pupuntahan ni Nicholas.
Ramdam ko ang mapanuring tingin niya at kagustuhang magtanong pero wala na ako sa mood para magmaktol sa inasal ng magaling niyang apo-apuhan. Nagmano lang ako saglit bago nagdare-daretso pataas ng hagdanan para makapanik sa kuwarto ko.
I heard Lolo asking Nicholas on what happened pero hindi ko na narinig ang sagot nito dahil mabilis kong tinahak ang kuwarto ko at agad na ni-lock iyon.
----
Our days like that never change as years and summer breaks had passed. Puro bangayan pa rin kahit na minsan ay hindi na ako pinapatulan ni Nico. Nakabuntot pa rin siya sa akin sa ilang bagay ngunit ng tumagal na siya sa kumpanya ay mas naging busy na siya kaysa kay Lolo, lalo na at siya muna ang pinapahandle ng kumpanya namin habang hinihintay akong matapos sa college.
My relationship with my grampa was great as it was, siya ang referee sa pagitan namin ni Nicholas pero palaging side nang mokong na iyon ang kinakampihan niya though I understand his point, Nicholas was always right but still, I hate his guts.
Sa tuwing uuwi ako ay palaging maingay ang mansyon, na gustong-gusto naman ng lahat dahil puro seryoso ang mga tao roon. Though, I kinda feel jealous whenever I see how much care and bond ang nabuo ni Nicholas sa mansyon, no body hates him.
Sino nga bang magagalit sa isang matulungin at masipag na binata? Dagdag na lang siguro ang kakisigan at kagwapuhan niya. Habang ako, kahit na binubuhay ko ang mansyon dahil sa kaingayan ko, palagi akong may nakakaaway.
Alam kong malaki na ako para magselos, pero kasi sila na lang ang pamilya ko and I hate it whenever I came home and it feels like I am burden to them. O ako lang ang nag-iisip no'n dahil sa inggit na nararamdaman ko kay Nicholas? Siguro ay dahil doon kaya rin malayo ang loob ko sa kaniya bukod sa natural na nakakairita siya.
Pero, aminin ko man at hindi, may roon na ring bond and connection na nabuo sa pagitan namin ni Nico kahit na madalas kaming mag-away. Pakiramdam ko ay may kulang na sa bawat uwi kong wala siya at hindi siya kabangayan. Kaya gano'n na lang siguro ang inis ko ng magbakasyon ako at maabutan na wala si Nicholas ng ilang araw sa mansyon dahil nag-out-of-town ito kasama raw ang girlfriend niya.
That was the first time I've heard about him having a girlfriend dahil masiyadong workaholic at babad sa pag-aaral ang lalaking iyon noon.
"I'm bored! Let's go out please!" pakiusap ko sa dalawa kong kaibigan habang naka-video-call kami. It's Zyrille and Jasper.
"Girl, kaka-party lang natin last last night! Isang linggo ka pa lang na nakakabalik, bored ka na agad," si Zyrille.
Napanguso lang ako sa tapat ng I-pad ko. "But I'm really bored here. Nagawa ko na yata lahat ng puwedeng gawin dito sa mansyon! Also, Lolo was not here wala akong makausap."
"How about Nicholas? His still not there?" si Jasper na kumakain pa ng salad.
Napairap ako sa hangin dahil sa narinig. "Oh, please. Don't even say that name. Hindi na 'ata uuwi ang isang iyon."
Zy smirked at me. "Oh, no. Don't tell me that's why you're feeling down these past few days since you came back? Wala pala ang favorite enemy mo!" she said laughing at me.
Sinamaan ko siya ng tingin. "As if. Stop the nonsense, Zy. Tara na, baka bumaon na ang likod ko rito sa kama."
"Pass! May date ako ngayon with my man," dahilan nito.
"Why everyone is on a date!?" asar kong bulaslas na ikinatawa nilang dalawa.
"'Wag mo nga kaming sisihin kung ikaw wala at kami, meron."
Inirapan ko siyang muli. "How about you, Jas? 'Wag mong sabihin na may date ka rin?"
Humalakhak ito. "I'm on. Mukhang miss mo na ako eh," kumindat ito na pareho naming ikina-cringe ni Zyrille.
Nagtawanan pa kami bago saglit na nag-usap at nagpaalam na rin sa isa't isa. Agad akong naligo at masiglang nag-ayos dahil sa wakas ay makakalabas na ulit ako ng mansyon. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba sa salas, doon ko na lang hihintayin si Jasper na susunduin ako.
Pagbaba ay nakita kong nagbubulungan ang mga maids kaya saglit akong nakiusosyo.
"Anong meron?" ang kuryoso kong tanong at sinusulyapan din ang tinitignan nila.
Mukha naman silang nagulat dahil sa biglaan kong pagsulpot at agad na napaayos ng tayo. "Kayo po pala, miss Tamara."
"Anong tinitignan niyo? Sumisilip na naman ba kayo sa mga bagong guards?" taas kilay na pang-aasar ko sa kanila na agad nilang ikinailing.
"Naku, hindi po! Si sir Nico kasi dumating na," agad napataas ang kilay ko dahil doon. Oh, the devil is back! "At mukhang kasama niya po ang girlfriend niya!" ang tila kinikilig nitong sambit na lalong nagpataas ng kilay ko bago bumaling sa labas ng mansyon.
At mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang lalaking ilang araw ng laman ng isip ko kahit na itanggi ko. He was holding the girls hand while slowly walking and showing her around. May sinasabi siya rito na kapuwa nilang tatawanan.
Ano naman kaya ang nakakatawa sa halaman? Irita kong tanong sa isipan ngunit hindi ko maialis sa kanila ang tingin ko hanggang sa marinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Jasper. Doon ay napabaling sa gawi ko si Nicholas pero agad akong nag-iwas ng tingin at agad sinalubong si Jasper.