She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan. “Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari. Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang

