Mag-aalas onse na pero nasa bahay pa rin si Sir Wade. Natapos na niya at lahat ang nakabinbing assignments pero hindi pa rin ito umaalis. Ang balak sanang pagtambay sa sala upang doon mag-aral para sa quiz, hindi niya nagawa. Habang nasa harapan ng study table, panay ang silip niya ritokay. Kaharap nito ang laptop at tila nalulukot na ang noo nito sa kung anumang binabasa. Wala naman siyang natatandaang may dala itong anumang gamit kanina ah. Pero bahay nga naman nito itong kinaroroonan nila at may office pa ito dito sa bahay, malamang, hitik sa gamit iyon ng lalaki. Bumalik siya sa ginagawa at tinapos ang paperwork. Hindi pa man umiinit ang puwet niya nang makarinig ng kalabog sa labas. Dali-dali siyang napasugod sa labas. Sa kusina pala nanggaling ang ingay. May nahulog na kung ano sa

