Pagdating sa bahay, inayos niya kaagad ang takeout food na inorder ni Sir Wade para sa hapunan. Para raw hindi na siya maabala sa studies niya. Ililipat na niya sana sa mga sisidlan ang mga ‘yon nang bigla na lang siyang napatanga habang nakatitig sa bagong rolyo ng tissue sa countertop. Sa pinakagitna ng island counter ay may malaking basket na napupuno ng iba’t-ibang prutas. Nangunot ang noo niya kakaalala kung sinong namalengke. Pagbukas niya ng ref, natuklasan niyang ang daming laman niyon. Meat, poulty, fish, fruits and vegetables. Katabi ng canned juices ang sandosenang beer. “Matigas ang ulo mo. Ayaw mong mamili, so I brought the groceries home.” Awang ang mga labi niyang napalingon sa nakatayong si Sir Wade sa bungad ng kusina. Pumasok ito at nagbukas ng ref na kakasarado niya p

