Nagising siyang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang sikmura. Pagmulat niya ng mga mata, natuklasan niyang ang matipunong braso ini Wade iyon. Nakayakap ito sa kanya. Unan siya ng braso nito. Kagabi, ‘di na siya nakalipat sa kabilang silid. Nakatulog na siya sa pagod pero ang Wade Carvajal na ito, sumige pa rin. Wala yata itong kapaguran. Ang kulit din nito. Maingat niyang inalis ang kamay ni Wade at umahon sa kama. Mabuti na lang at hindi umungot. Sumubsob lang ang ulo sa unan na binakante niya at niyapos naman ang isa pa. Sa ginawa nitong paggalaw, lumilis sa katawan nito ang unan. Para siyang nahiya na nag-iwas ng tingin. Paano kasi, para itong nude model sa ayos. Isa-isa niyang pinulot ang mga pinaghubaran na walang awang nakahandusay sa sahig. Nagmamadali niyang isinuot at

