Pagkabukas ng pinto, agaran siyang ipininid ni Wade sa pintuan. Bumunggo ang likuran niya sa matigas na dahon ng pinto. Natanggal sa pagkakapusod ang buhok, ilang hibla ang tumabing sa mukha. Bago pa man makahuma, nagawa na siyang bakuran ni Wade ng katawan nito, She was pinned, sandwiched between his massive body and the door. Malakas ang pintig ng kanyang dibdib habang nakatingala sa nakatunghay nitong mukha. Napatungo siya. Hindi niya kayang salubungin ang matiim at nakakapaso nitong mga titig. Nagkakagulo ang sistema niya. Sobrang lapit knila, ramdam niya ang init ng katawan at ang mabangong hininga nitong dumadampi sa pisngi. Inangat ni Wade ang kanyang panga. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ramdam niya ang intensidad sa mga titig nito. His stare alone made her heart pounder faster

