Natapos rin ang madugong exam week sa wakas. Natapos ang buong linggo na wala si Sir Wade. Kung saan nagpunta, ‘di niya alam. Hindi naman sila ‘yong tipong nagtatawagan. May numero sila sa isa’t-isa pero nahihiya siyang mag-text. Basta pagkatapos ng gabing ‘yon, nawala na naman itong bigla kinaumagahan. Expected naman niya na. “Tashi, sama ka naman sa amin.” Lagi na lang siyang humihindi kapag nagyayaya sina Thea. “Grabe siya o, hihindi na naman.” Kinuha ni Thea ang bag niya at isinukbit sa balikat. “Thea…” “No buts, no ifs!” Mga babae lang naman ang kasama niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Wade. Kakain lang naman. Napatingin siya sa spot kung saan laging naghihintay si Mang Pancho. Masyado pa namang maaga at wala pa ito. ‘Di na rin masama na pagbigyan ang kaklase. Sa totoo

