Ang bilis ng mga pangyayari. Kagabi lang, pinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya lulusong sa inalok nito, wala pang bente kwatro oras ang nakalipas, binabali na niya. Life is just unfair. Sa mga katulad pa niya talaga umulan ng malas na lahat ay nasalo niya. Sa isang iglap, ang isang bagay na pinangako niyang hinding-hindi niya susukuhan, siya nang tinatakahak na landas sa ngayon. Nakaupo siya ngayon sa backseat ng isang sasakyan na sumundo sa kanya sa boardinghouse kanina. “S-saan ninyo po ako dadalhin?” nag-aalangan niyang tanong sa lalaking nasa harap ng manibela. “Kung saan ka gustong maabutan ni boss.” Saan? Mukhang malayo na mula sa bangkong pinagdalhan nito sa kanya kanina ang tinatahak niya. Sumandal siya sa upuan at tumitig sa labas. Ngayon pa ba siya mag-aalala kung s

