Nilapag ni Sir Wade ang dalang brown bag sa ibabaw ng countertop at nagsimulang kumuha ng mga plato sa drawer. Ang bilis ng mga kilos nito. Parang nagmamadali. Siguro nga gutom na. Tinangka niyang tumulong pero nayayamot siya nitong nilingon. “Sit there,” turo nito sa isa sa mga upuan. Nabitin ang mga gagawin sana niyang paglapit dito at dahan-dahang umupo. “Sige po.” Tamang antabay na lang ang ginawa kung kailan ito matatapos. Marami-rami ring pagkain ang t-in-ake out nito. Naaamoy na niya ang sinigang, ang adobo at kung anu-ano pang ulam na isinalin na ngayon sa kanya-kanyang sisidlan. Pinagmeryenda naman siya ni Sir Rex kanina pero nagugutom na naman siya. In just a few minutes, nasa harapan na niya ang nakapaglalaway na mga pagkain. Pati kubyertos ay ito ang naglagay. Kumain na la

