Masarap na amoy ng pagkain mula sa kung saan nagpagising sa diwa niya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang mataas na ang araw sa labas. “Nasa kama na ako?” Sa couch siya natulog kagabi. Paggising niya ngayong umaga, nakamulatan niyang nasa malaking kama na siya ni Sir Wade. Nag-sleepwalking siya? O sadyang may naglipat sa kanya kagabi? Si Sir wade! Totoo pala at hindi panaginip ang lahat? Kung anu-ano pa ang sinabi niya kagabi. “Magsi-s*x na po ba tayo, Sir?” Natutop niya ang bibig. Ang laswa ng mga sinabi niya. Nakakahiya. Pero teka! May nangyari ba sa kanila? Nakapa niya ang sarili. Walang nagbago sa sarili niya maliban sa tila gumagaang pakiramdam at suot niya pa rin hanggang ngayon ang damit na ipinahiram ni Sir Wade sa kanya. Malakas na kalansing ng kung ano

