CHAPTER 10

2917 Words
Rain POV Naalipungatan ako dahil parang medyo matigas yung sinasandalan ko at parang nakalutang ako kaya napadilat ako pagtingin ko buhat buhat ako. "A-arvin?" tumingin sya sakin "Mako magpahinga ka lang dadalhin na kita sa kwarto nyo" ngumiti sya sakin "H-hindi na baba mo na ako kaya ko naman maglakad at gising na ako" pagtanggi ko, ayaw ko pa sya makausap at makasama "Wag na alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na lang" pagpupumilit nya "Please Arvin ibaba mo na ako, please lang" seryoso kong saad napatigil naman sya Tumitig muna na sya sakin bago nya ako binaba sa tapat ng pinto ng resthouse. Pagtingin ko sa loob nakita ko nakatingin sila samin at kung nakakamatay lang yung tingin kanina pa ako patay sa sobrang sama ng tingin sakin ni berna. "Why are you looking at us?" painosenteng tanong ko sa kanila "Ang sweet nyo kasi eh" nakangiting saad ni sheng "Nakakakilig rain" ganun din si lhean Tumingin ako kay dean na nakakunot ang noo nya. Alam kong may alam na sya pero naguguluhan pa rin sya. "Ewan ko po sa inyo, bakit hindi nyo po ako ginising edi sana hindi na nya ako binuhat" reklamo ko habang lumapit ako sa kanila "Kanina ka pa kaya ginigising ni Red pero tulog mantika ka, bubuhatin ka na sana nya kaso sumingit yang jowa mo kaya sya na ang nagbuhat sayo muntikan pa nga---" mahabang paliwanag ni jacob na hindi nya na natuloy "Jacob!" sigaw na sayaw nila "Sorry!... Peace!" nagpeace sign pa si jacob sa kanila "Ganun ba... Salamat Arvin sa pagbuhat sana hindi mo na yun ginawa" kahit papaano marunong pa rin naman ako magpasalamat kahit galit ako "Okay lang boyfriend duty naman yun eh" nakangiting sagot nya sakin Boyfriend duty eh pinili mo nga yung ex mo. Bigla nagflashback sakin yung nangyari kanina kaya namasa yung mata ko pero hindi nya dapat ako makita umiyak lalo na ang barkada kaya ngumiti na lang ako nang pilit. "Ahm punta lang po ako sa kusina" paalam ko sa kanila Naglakad na ako papunta sa kusina, nakasalubong ko si kuya at napahinto ako dahil sa sinabi nya. "Sige kumain ka na dyan, pagkatapos mo kumain kakausapin pa kita" seryosong bili nya sakin na kinatakot ko "T-talk about what kuya?" painosenteng tanong ko "About what happened earlier but now eat first at kayo naman umakyat na kayo at magpahinga na" seryosong sabi nya, mainit pa rin ang ulo ni kuya "Nahahawa ka na sa kapatid mo mag english" biro ni jacob "Sige na akyat na" hindi sya pinansin ni kuya at seryoso pa rin sya Dahil sa sinabi ni kuya napalunok bigla ako at napabuntong hininga. Sila naman ay umakyat na pero hindi ko nakita si red. Nasan kaya yung pulang yun. Bakit ko ba sya hinahanap hays. Kaya dumeretso na ako sa kusina pagdating ko dun nakita ko si red na nakaupo at umiinom ng tubig. "Nandidito ka pala" bungad ko sa kanya pagpasok ko sa kusina at napatingin sya sakin "Gising ka na pala" balik na sabi nya sakin sabay inom "Bakit hindi mo naman ako ginising kanina tapos pinabuhat mo pa ako sa kanya alam mo naman na hindi ko pa sya kayang makita" sermon ko habang lumapit sa kanya "Excuse me po Ms. Ulan kanina pa kaya kita ginigising nakapasok na nga silang lahat tapos ikaw hindi pa gumigising" sermon nya din sakin, ganun ba talaga kahimbing ang tulog ko "Sana inantay mo na lang ako gumising kesa ipabuhat sa kanya" paliwanag ko naman tsaka ako umupo sa tabi nya "Ang dami po kayang lamok sa labas" reklamo nya naman "Ang arte mo naman bakla ka nga siguro" sabay irap ko sa kanya "Ewan ko sayo. Bubuhatin na sana kita kanina eh kaso yung jowa mo bigla sumingit kaya ayun pinaubaya na kita, boyfriend duty daw ang sama pa nga ng tingin sakin" pagkukwento naman nya "Don't mind him" sagot ko habang kumuha ng pagkain ko "I know. Sya nga pala kumain ka na para tuloy tuloy na yung pagpapahinga mo" sincere na sabi nya sakin "Yun na nga eh hindi pa ako makakapagpahinga agad" inilapag ko yung kutsara at tinidor sabay sandal sa upuan "Bakit naman?" takang tanong nya "Kakausapin daw ako ni kuya tungkol sa nangyari kanina" hindi ko nga alam kung magsasabi ako kay kuya baka kasi magkagulo lang ang lahat "Hala lagot ka, ready ka na ba sabihin sa kuya mo?" pananakot nya sakin pero halatang nag-aalala sya "Hindi pa nga eh, kinakabahan nga ako" hindi ko din alam kung paano sasabihin kay kuya "Kaya mo yan tandaan mo nasa likod mo lang ako" sabay tapik nya sa balikat ko "Salamat talaga Red" sabay ngiti ko sa kanya "Wala yun, sige na kumain ka na dyan" ngumiti din sya sakin bago tumayo "Sabayan mo ako, hindi kasi ako sanay nang walang kasabay" aya ko sa kanya, nawawalan kasi ako nang gana pag mag-isa lang akong kumakain "Anu ka bata hahahah kaya mo yan. Dun lang ako sa sala" natawa pa sya sa sinabi ko bago mag paalam "Tse sige na umalis ka na" pagtataboy ko sa kanya, tatawa tawa naman syang lumabas ng kusina Kumain na ako, pagtapos ko ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko, aakyat na sana ako ng makita ko si red na nakaupo sa sofa. Naalala ko nung nasa van kami kanina hinihilot nya yung balikat nya kaya naisipan ko na hilutin ko sya para makabawi ako sa pag comfort nya sakin. "Pula!" pagtawag ko sa kanya "Ulan bakit?" nagtatakang lumingon naman sya sakin Umupo ako sa tabi nya. "Talikod ka bilis" utos ko sa kanya "Bakit?" tanong naman nya "Basta! Talikod na" utos ko ulit at tapos tumalikod na sya Nagulat sya nung hinawakan ko yung dalawang balikat nya kaya napaharap sya sakin. "Uy! Anong gagawin mo?" tarantang tanong nya "Ang OA mo naman parang hihilutin ko lang naman yung balikat mo" paliwanag ko sa kanya "Bakit naman? Okay lang ako" pagtanggi nya "Okay ka dyan nakita kaya kita sa van hinahawakan mo yung balikat mo kanina" kwento ko sa kanya "Nangalay lang ako, pero okay na ako" nakangiting sagot nya "Sus! Wag ka na maarte sige na tumalikod ka na ulit" utos ko ulit sa kanya "Hindi naman ako maarte, nakakahiya lang kasi tsaka okay na naman ako" sabay ngiti nya ulit "Dami mo pang sinasabi, sige na tumalikod ka na bilis tsaka wala kang dapat ikahiya kasalanan ko naman kung bakit sumakit balikat mo" hanggang ngayon nahihiya pa rin sya sakin "Wala ka kasalanan kagustuhan ko rin naman na makipagkulitan sayo" sagot nya "Talikod na bilis kung ayaw mo magtampo ako sayo" pananakot ko sa kanya, napabuntong hininga naman sya "Hays eto na po" dahan dahan naman syang tumalikod "Tatalikod din naman pala eh, gusto pa tinatakot eh" napailing na lang ako Sinimulan ko na sya masahihin halata sa kanya na nasasaktan sya. "Don't move please" ang likot kasi nya parang kitikiti "Ang sakit kaya... Araay!" reklamo naman nya "Akala ko ba okay ka lang bakit ka nasasaktan" pang-aasar ko sa kanya "Syempre tao pa rin po kaya ako" pamimilosopo naman nya "Anyenyenye dami mong angal pula" pambabara ko sa kanya "Dami mo namang sinasabi ulan" balik pang-aasar naman nya sakin "Tse ewan ko sa---" napatigil ako sa narinig kong boses "Bunso!" mariin na tawag ni kuya sakin kaya napahinto kami sa pag-aasaran "K-kuya why?" dahan dahan akong humarap sa kanya, kinabahan ako bigla "Let's talk now" seryosong utos ni kuya "Sige Renz at Rain akyat muna ako... Salamat pala rain" paalam ni red akmang tatayo na sya ng magsalita ulit si kuya "Red maupo ka lang dyan at kakausapin din kita" umupo na si kuya sa harapan namin "A-ako b-bakit?" kabadong tanong ni red kay kuya "Hindi yung katabi mo, malamang ikaw tatlo lang naman tayo dito" pamimilosopo ni kuya sa kanya "Pft... pft... pft..." pagpigil ko sa pagtawa "Wag kang tumawa dyan Rain" seryosong sita ni kuya sakin "Magkapatid nga talaga kayo" napailing si red sa amin "Sorry! Sorry kuya" paunanhin ko sa kanya "Ano nangyare kanina?" seryosong tanong ni kuya "K-kanina?" nagpatay malisya ako "Oo kanina bakit kayo nagsi-alisan tsaka umiyak ka ba kanina?" tanong muli ni kuya sakin "A-ako po? No im not" pagsisinungaling ko, ayoko lang na mag-alala sya "Sigurado ka ba?" tinignan ako ni kuya sa mata "Yes kuya. Why?" sagot ko ng diretso "Nakita kasi namin na umiiyak si Arvin kanina, nag-away ba kayo?" tanong ulit ni kuya "Kuya can we just not talk about it please" nakaramdam ako nang inis nang marinig ko ang pangalan na yun "So it's true that the two of you are not okay" seryosong sabi ni kuya "Kuya please! Not now" pakiusap ko sa kanya, ang kulit ni kuya talaga "Sige pagbibigyan kita, siguraduhin mo lang na sasabihin mo din agad sakin kung ano ang nangyare sa inyo" pagsuko ni kuya sakin "Opo kuya!" sagot ko, sorry kuya but not now "Ikaw naman Red bakit kayo magkasama ng kapatid ko kanina? Nag-away din ba kayo ni Berna?" baling naman ni kuya kay red "H-hindi ano nakita ko lang si Rain kaya sinamahan ko na sya"  palusot ni red at pasimple pa syang tumingin sakin "Sigurado ka ba baka may gusto ka na sa kapatid ko, napapansin ko madalas na kayo mag-usap at magkasama" seryosong tanong ni kuya sa kanya "H-huh? W-wala pa" utal na sagot ni red "Anong wala pa?" nakakunot noong tanong ni kuya sa kanya "Ang ibig kong sabihin wala akong gusto sa kapatid mo" paliwanag naman nya agad Sa sinabi ni red parang may kirot sa puso ko. Hala may gusto ba ako sa kanya, hindi pwede. Rain wala kang gusto sa kanya okay. "Kuya what kind of question is that? He has a girlfriend" pagsingit ko sa usapan nila "Mabuti na yung nakakasigurado kesa naman magkagulo pa" paliwanag naman ni kuya "Magulo na nga po" bulong ko sa sarili ko "Anong sabi mo?" nakakunot noong tanong muli ni kuya sakin "Nothing. I want to rest now im so tired today" sumandal ako sa sofa "Sino ba kasi nagsabing maghabulan kayo ha, yan tuloy napagod ka" sermon naman ni kuya samin "Sorry po nagkasiyahan lang naman" paumanhin ko na lang "Oo na sige na, alam kong gusto mo normal lang pero alalahanin mo din yung kalagayan mo" pangaral ni kuya "Kuya!" saway ko sa kanya "Normal lang? Kalagayan nya? Bakit abnormal ba si Ulan?" takang tanong ni red Hindi ko alam kung inosente sya sa tanong nya o nang-aasar lang. Hindi ko din alam kung maiinis ako o tatawa. "Aba kung makatawag ng ulan close na close ah parang apat na araw pa lang kayo nagkakasama" panunukso ni kuya sa kanya "Grabe ka naman sa abnormal, kasi nga bine-baby nila ako kaya sabi ko gusto ko normal lang" paliwanag ko naman sa kanya "Ah ganun ba akala ko naman may sakit ka na" pag-aalala ni red, napatingin naman ako kay kuya "Osige na magsi-akyat na kayo para makapagpalit at makapagpahinga na kayo" utos ni kuya samin "Sige Renz una na ako, Ulan salamat ulit sa masahe" paalam samin ni red "No problem!" sabay tango ko "Sige goodnight ulan, night sayo Renz" bati nya samin tsaka sya tumayo "Aba sa kapatid ko goodnight tapos sakin night lang, something fishy ha" pang-aasar ni kuya sa kanya "Ewan ko sayo Renz, sige na akyat na ako" natatawang sabi ni red "Hahahah sige lalabas din ang totoo" pahabol ni kuya sa kanya "Kuya ang seloso mo naman, hahahah sige na Red goodnight" sabay ngiti ko sa kanya Umakyat na si red. Naiwan naman kami ni kuya dito sa baba. "Bunso feeling ko may gusto sayo si Red" tumabi na si kuya sakin "Kuya naman para ka pong ewan, hello may girlfriend po sya" saway ko sa kanya, ano ba yang pinagsasabi ni kuya "Oo nga alam nating may girlfriend sya pero sa kinikilos nila parang wala naman silang relasyon" paliwanag ni kuya sakin, hindi lang pala ako yung nakakapansin nun "Ewan ko sayo kuya, sige na akyat na tayo, para makapagpahinga na po tayo" aya ko na sa kanya, baka saan pa umabot ang pag-uusap namin "Sus umiiwas ka lang sa topic" pang-aasar ni kuya sakin "Hindi po kaya kuya, kung ano ano kasi naiisip mo" nang-iinis na naman sya "Sandali nga lang bakit ka pala tumakbo nang tumakbo kanina nakipagkilitian ka pa dyan kay Red mo" sermon ulit ni kuya sakin "Kung maka-Red mo ka naman kuya, eh bakit po kasi hindi mo agad ako tinulungan edi sana hindi na ako nakiliti" reklamo ko sa kanya, pinanood nga lang nya ako kanina habang kinikiliti ako "Aba kasalanan ko pa ngayon. Nadala lang ako sa kasiyahan mo ngayon ko na lang ulit kasi nakita yung ganung ngiti at tawa mo simula nung umuwi ka dito at bago sya umalis" paliwanag naman ni kuya sakin "Talaga ba kuya ngumingiti naman ako lagi ah" napakunot yung noo ko sa sinabi nya, ngumingiti at tumatawa naman ako anong pinagkaiba nun dati "Oo nga pero iba yung ngiti mo ngayon, ganyan yung ngiti mo dati nung mga bata pa tayo pero nawala bigla yung ganun mong mga ngiti nung umalis sya at bumalik lang yung ngiti mo nung nagkagusto ka kay Arvin at nung naging kayo ni Arvin ang saya saya mo kaya nun pero iba pa rin yung ngiti mo nung mga panahon na kasama mo sya noon" pagkukumpara nya sa ngayon at nakaraan na pangyayare "Alam na alam mo po talaga kung kelan yung mga masasaya kong ngiti kaya lang naman nawala yung ganun kong ngiti dahil nalaman ko ng may sakit ako at umalis sya" nalungkot ako bigla ng maalala ang nakaraan "Kaya naman pala nawala yung mga ngiti mo at parang ayaw mo nang makihalubilo sa ibang tao o makipag-usap, lagi ka na lang school bahay, bahay school" sabay hawak ni kuya sa kamay ko "Kasi nangako ako sa kanya at yun ang sabi ng doctor kailangan umiwas sa stress at kailangan pigilan ang mga sobrang emotion, tsaka nung mga panahong yun ay gusto ko nang sumuko dahil nahihirapan na ako at pakiramdam ko pabigat na ako kila daddy" malungkot na kwento ko tsaka ako yumuko, nakita ko kasi kung paano nahihirapan sila daddy dahil sa sakit ko "Ano ang ibig mong sabihin sa sobrang emotion? Tsaka hindi ka pabigat" niyakap ako ni kuya "Naaalala mo po kuya nung nalaman nila daddy naging kami ni Arvin diba sobrang nagalit sila at pinaghiwalay pa nga nila kami pero pinaglaban namin yun relasyon namin kaya napapayag namin sila, hindi naman talaga dahil sa bata pa ako dahil yun sa sakit ko bawal kasi sakin sobrang magmahal, malungkot, masaya at masaktan kasi nga hindi kaya ng puso ko pero sabi naman ng doktor kailangan ko lang naman daw kontrolin yung nararamdaman ko kaya nga ayaw ko yung may nag-aaway o may kagalit kasi nga baka hindi kayanin ng puso ko" pagkukwento ko sa kanya, ang hirap din kayang pigilan ang nararamdaman ko minsan "Hayaan mo nandito lang si kuya para protektahan ka, sabay natin lalabanan yang laban mo tandaan mo nandito lang ako kami ng barkada at sila mommy para sayo" inakbayan ako ni kuya nakita ko na tumulo ang mga luha nya "Alam ko po yun, kuya salamat talaga" sumandal ako sa kanya "Tama na ang drama para tayong mga ewan dito na umiiyak" natatawang sabi ni kuya "Ikaw lang naman yung umiyak kuya eh, iyakin ka talaga" pang-aasar ko sa kanya "Iyakin pala ha lagot ka sakin" banta ni kuya sakin "Kuya joke lang hahahah wag mo nang ituloy binabalak mo" pagsaway ko kay kuya "Magtago ka na dahil pag naabutan kita lagot ka sakin" pananakot ni kuya "Kuya naman eh" tumayo na ako "Isa.... Dalawa.... Tat---" kuya "TATLO TAKBO hahahah" sigaw ko naman Tumakbo ako paakyat sa kwarto si kuya naman hinabol ako. Pagdating ko sa kwarto nakita ko si ate joyce na nakaupo sa kama nagulat pa nga sya nang magtago ako sa likod nya. "Bakit ka tumatakbo masama sayo yan" saway sakin ni ate joyce "S-si kuya kasi ate" pagsusumbong ko naman "Nandyan ka lang pala" pagsulpot ni kuya sa pintuan "Ate si kuya oh" sumbong ko ulit "Huli ka!" paglapit nya sakin tsaka nya ako kiniliti "Ate hahahah tulong hahahah" paghingi ko ng tulong "Huy Renz tigilan mo kapatid mo mamaya atakihin yan" saway naman sa kanya ni ate joyce Tumigil naman si kuya at kumindat sakin na gets ko naman sya. "Okay edi titigilan ko na"  sabi ni kuya "Kuya parang may naiinggit" pagpaparinig ko at pasimpleng tumingin kay ate joyce "Oo nga eh parang may naiinggit" pagsang-ayon ni kuya "Oh bakit kayo ganyan makatingin sakin?" takang tanong ni ate joyce "Alam mo ba kung sino yung naiinggit myloves" nakangiting nakakaloko si kuya "Kayong magkapatid tigilan hahahahahah" saway samin ni ate joyce at lumayo sa amin Wala nang nagawa si ate joyce nang simulan namin sya ni kuya kilitiin. "Tama na hahahah ayoko na hahahah myloves" pag-ayaw ni ate joyce "Kuya tama na kawawa naman si Ate Joyce" awat ko kay kuya, pulang pula na din kasi si ate joyce Tinigilan na ni kuya kilitiin si ate joyce, tumingin naman si ate sakin sumenyas sya na kilitiin daw namin si kuya kaya tumango ako. "Myloves lika dito" utos ni ate joyce kay kuya "Bakit?" takang tanong naman ni kuya at lumapit naman sya kay ate joyce "Kasi gaganti kami sayo"  kiniliti na nya si kuya kaya tinulungan ko sya "Hahahah daya nyo hahahah lagot kayo hahahah sakin" pagbabanta ni kuya samin "Ate joyce ikaw na bahala dyan matutulog na ako hahahah" napagod na ako at natakot sa banta ni kuya Tumigil na si ate sa pangingiliti at umayos ng upo sa kama nya. "Takot ka pala bunso eh" panunukso ni kuya sakin "Malamang kuya mamaya hikain ako nakakapagod din kaya" umupo ako sa tabi nila "Sabi ko nga hahahah sige na pahinga ka na" nakangiting sabi sakin ni kuya "Opo. Goodnight ate, goodnight kuya" kiniss ko na sila sa pisngi nila "Goodnight bunso!/ Goodnight baby Rain!" sabay nilang sinabi sakin "Kuya naman hindi na ako baby" reklamo ko naman dahil sa pagtawag na baby sakin "Oo na sige na tulog ka na" ginulo ni kuya buhok ko Pumunta na ako sa pwesto ko, humiga, pumikit at natulog na. Hindi ko na muna masyadong inisip yung tungkol samin dalawa ni arvin. ************** End of Chapter 10: Ang Sakit! Naging close na nga sila rain at red sa isa't isa. Hanggang kelan ang pagiging close nila? Hanggang matapos ang bakasyon? Baka naman hanggang dulo? Abangan! Hope you like it! Thank you for reading and viewing! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD