Renz POV
Nalibot na namin yung buong park pero hindi pa rin namin nakikita si rain medyo mag gagabi na rin, baka nandun na sila kaya bumalik na kami sa pwesto namin.
"Guys bumalik na ba sila Rain dito?" yan agad ang bungad ko sa kanila
"Hindi pa eh siguro pa balik na yun" sagot ni bob na naka-akbay kay dean
"Kumain na muna kayo" aya naman ni dean samin
"Kaya nga kanina pa kayo walang kain" pagsang-ayon ni sheng sa kanya
"Mamaya na lang ako kakain pag nakita ko na si Rain. Myloves sige na kumain ka na" saan kaya nagpunta ang kapatid ko
"Myloves sabay na tayo, tara na siguro naman pa balik na yun" aya na din sakin ni joyce
"Pero hi----" natigil ako dahil narinig ko ang boses na kanina ko pa hinahanap
"Kuya help me to this guy hahahah" paghingi nya ng tulong
Napatingin kami dun sa nagsalita nakita namin si rain tumatakbo papunta samin at hinahabol sya ni red.
"Hahahah takot ka pala eh, lagot ka sakin pag naabutan kita" pananakot naman ni red sa kanya
Naghahabulan pa rin sila, paglapit nila ay umiikot sila samin habang nagtatakbuhan.
"Oh yan na pala sila Rain eh kumain na kayo, mukhang okay naman sya" sabi ni clark habang nakatingin sa dawala
"Kaya nga, mukha nga walang nangyari kanina" sabi ni lhean habang nakatingin din kila rain
"Sobrang saya nga nya oh" nakatingin din si sheng kila rain
Tinignan ko ulit sila rain naghahabulan pa rin at kitang kita sa mukha nya yung saya.
"Kuya oh si Red ayaw ako tigilaaaan!" sumbong ni rain habang tumatakbo pa ikot samin
"Renz gaganti lang ako saglit lang toh hahahah" paalam ni red na malapit na sa kapatid ko
"Kuya hahahah tulong hahahah please hahahah" paghingi nang tulong ni rain dahil nahuli sya ni red at kinikiliti na sya
Napangiti na lang ako habang pinapanood sila, ngayon ko na lang ulit nakita ang kapatid ko na ganyan kasaya.
"Myloves tama na ang pagngiti ngiti mo, tulungan mo na kapatid mo" mahinang sita ni joyce sakin na dinunggo pa yung balikat ko
"Hayaan mo muna sila myloves ngayon na lang ulit naging masaya si Rain" nakangiting saad ko sa kanya pero sa dalawa ako nakatingin
"Osige bahala ka mamaya mahirapan huminga yan, remember yung puso nya" bulong nya sakin na kinalaki ng mata ko
"Oo nga pala" oo nga pala yung puso ng kapatid ko hindi normal
"Hahahah tama hahahah na hahahah" rinig kong sabi ni rain habang tumatawa sya
"Pst! Tama na yan kumain na tayo dito" malakas na saway ko sa kanila
"Kayong dalawa tigilan nyo na yan" pagsaway din ni joyce sa kanila
Tinigilan na ni red kilitiin si rain at tumayo na sila parehas. Kami naman ni joyce ay umupo na at nakaharap kami sa dalawa.
"Whoo! Lagot ka sa kuya ko hahahaha" pananakot ni rain kay red habang palapit samin
"Renz wag ka magalit ah, peace tayo" nagpeace sign pa si red sakin, makulit din pala ang isang toh
"Takot ka pala sa kuya ko eh hahahah" pang-aasar naman rain kay red
"Syempre kuya mo yan mamaya maiwan pa ako dito" napangiti naman ako sa biro ni red
"Tama na yan pumunta na kayo dito" pagsaway ko sa asaran nilang dalawa
"Eto na po kuya" sagot ni rain, lumapit na sila samin at umupo sa harapan namin
"Magpahinga ka na muna, yung bimpo mo nasaan magpunas ka na ng pawis mo lalo na sa likod, malalagot ako kila daddy pagnatuyuan ka ng pawis" sunod sunod na utos ko sa kapatid ko,
"Uy Renz malaki na yang si Rain kung makareact ka kala mo baby pa yan" natatawang saway sakin ni jacob
"Kaya nga naman kuya, hindi na po ako bata noh" pagsang-ayon naman ni rain kay jacob, nakahanap nang kakampi
"Hindi nga pero yung ---" ang hilig nya talagang putulin ang sasabihin ko
"Oo na kuya magpupunas na po" sagot agad ni rain
"Hahahah takot ka din pala sa kuya mo eh" pang-aasar naman ni red sa kanya
"Tse! Syempre naman kuya ko kaya yan" mataray na sabi ng kapatid ko kay red
"Tama na yang asaran nyo baka magkatuluyan pa kayo hahahah" biro ko sa kanila
"Asa naman sya bakla kaya yan" panunukso ni rain kay red
"Wag ka magsalita ng tapos Rain, malay mo hahahah" biro naman ni red
"Ang lakas ng hangin dito" pagpaparinig naman ni rain
"Tama sya Rain wag kang magsalita ng tapos, baka bigla namin malaman na kayo na pala" pang-aasar ko din sa kanya
"Sige kuya pagtripan nyo ako, pagtulungan nyo ako nito ni pula, ate oh sila kuya" pagsusumbong bigla ni rain kay joyce
"Hahahah naghanap ng kakampi" pang-aasar sa kanya ni red
"Tigilan nyo na si Rain, pagpahingahin nyo muna yan" saway samin ni joyce
"Kala nyo ah... Bleeeh!" sabay dila ng kapatid ko samin ni red
"Para kang bata hahahah" natatawang sabi ni red sa kanya
"Dyan nagsimula ang lolo at lola ko" pagsali sa pang-aasar ni clark
"Ang korny nyo po" sabay irap ni rain
"Tsaka hindi naman sila magkakatuluyan" sabat naman ni jacob
"Go jacob pagtanggol mo ako" pagchicheer ni rain sa kanya
"Bakit naman?" takang tanong ni dean
"Slow nyo talaga, malamang may boyfriend si Rain, si Arvin tsaka may girlfriend si Red, si Berna" paliwanag ni jacob
Natahimik kami bigla sa sinabi ni jacob at napayuko si rain. Kami pa ang tinawag ni jacob na slow eh sya nga yung slow, hindi ba nya alam yung salitang biruan lang.
"Oh bakit natahimik kayo bigla, tama naman ako" insensitive talaga ito ni jacob, ang sarap nyang batukan
"Kain na tayo myloves, kayong dalawa ba kumain na?" pag-iiba ko nalang nang usapan
"Not yet" mahinang sagot ni rain
"Sumabay na kayo samin para makauwe na tayo maya maya" aya naman ni joyce sa dalawang nasa harapan namin
"Sige sige nagutom ako katatakbo kanina eh" kumuha na ng paper plate si red
"Sige una na kayo kuya magpupunas lang po ako ng pawis" kinuha ni rain yung bag nya at kinuha yung bimpo sa loob tsaka nagpunas
Habang kumakain ako nakita ko si rain na nahihirapan punasan yung likod nya tutulungan ko na sana kaso nagsalita si red.
"Ako na, amin na yang bimpo mo" prisinta ni red at binaba nya yung hawak nyang kutsara
"Ayieeeee!" panunukso naman ng mga girls
"Hala mga baliw!.... Red hindi na ako na, kaya ko naman" tumanggi tuloy ang kapatid ko dahil sa hiya
"Sige na Rain magpatulong ka na" utos ko sa kanya
"Kuya kaya ko naman, ako na lang" reklamo agad nya sakin, alam ko naman nahihiya lang sya dahil sa panunukso ng girls sa kanya
"Kaya ka dyan hindi mo nga maabot oh, liit kasi ng braso mo eh" panunukso ni red sa kapatid ko, napangiti na lang ako
"Para makakain ka na rin, magpatulong ka na" utos naman ni joyce sa kanya
"Okay fine" pagsuko ni rain
Nakita ko naman na dumila si red sa kapatid ko, napatawa ako nang mahina. Ang cute nilang tignan pag nag-aasaran silang dalawa.
"Aasarin mo na lang ba ako o tutulungan mo ako" pagtataray ng kapatid ko, amazone mode sya
"Papatulong ka din naman pala eh" si red na nagpipigil ng tawa
"No choice naman po ako pinagtulungan nyo na naman kasi ako" reklamo ulit ni rain, ayaw magpatalo ng kapatid ko
Habang pinupunasan ni red si rain ng pawis sa likod nya, biglang dumating sila arvin kasama si berna. Sandali ko lang sila tinignan tsaka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Oh ayan na pala sila Arvin" pagpansin ni jacob sa dalawa
"Bro san kayo galing?" tanong naman ni clark sa bagong dating
"Wala dyan lang naglibot libot" sagot ni arvin, nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sya kila rain
"Kumain na din kayo sabay sabay na tayo" aya ko sa kanila pero hindi ako tumingin sa kanila
"Sige salamat" nakatingin pa rin si arvin kila rain
"Tapos na po baby Rain hahahaha" pang-aasar ni red kay rain kaya napatingin ako sa kanila
"Baby ka dyan hindi ako baby, kasi sabi ko naman ako na eh" pagmamaktol ni rain, hindi nya pinapansin si arvin kahit nasa malapit lang sa kanya
"Oh wag ka na magalit tapos na, kumain na tayo" pagpapakalma ni red sa kanya
"Sige na mauna na kayo, magpapalit lang ako ng damit" paalam ni rain habang kumukuha ng damit sa bag nya
"Sige bilisan mo na para makakain ka na" pagpayag ko, kaya naman tumayo na sya
Dinaanan lang nya sila arvin kahit lingon hindi nya ginawa dere-deretso lang sya. Si arvin naman ay pinapanood ang mga kilos nya, may hindi nga maganda nangyare sa kanilang dalawa.
Maya maya pa ay may nagtext kay joyce at pinabasa nya ito sakin.
~
Fr: Rain Bunso
Ate can you please get my inhaler in my bag. Im not feeling well.
~
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagpaalam na agad kami sa kanila.
"Guys saglit lang abot lang namin kay Rain yung bag nya" paalam ko sa kanila
"Kailangan dalawa pa kayo pwede naman si Joyce na lang" reklamo naman ni jacob
"Sige na myloves ako na lang" pagpayag ni joyce
"Sigurado ka ba?" nag-aalala lang kasi ako sa kapatid ko
"Oo naman sige na kumain ka na lang ulit" sabay ngiti nya sakin
"Sige sige" pagpayag ko
Kinuha na ni joyce yung bag ni rain tapos humalik sya sa pisngi ko at umalis na.
.
.
.
Joyce POV
Habang kumakain kami ay nagtext sakin si rain, pinapakuha nya yung bag nya kaya naman nagpaalam agad ako sa kanila at pumunta agad ako sa restroom ng girls, pagdating ko dun kumatok na ako.
"Bunso si Ate Joyce ito buksan mo na yung pinto" pagkatok ko sa pinto ng banyo
"A-ate?" mahinang pagtawag ni rain
"Oo ako ito buksan mo na yung pinto" kinatok ko ulit yung pinto
"S-sandali l-lang p-po" utal na sabi ni rain, sana naman walang nangyare sa kanya
Narinig ko naman yung pag unlock ng pinto kaya pumasok na ako. Nakita ko si rain na nahihirapan na huminga at nakasandal sa pader.
"RAIN! O-okay ka lang ba eto na yung inhaler mo" natataranta ako dahil sa takot, sobrang pawis na pawis na kasi sya
Kinuha naman nya agad yung inhaler at nagtake na sya. Inilock ko naman yung pinto nang banyo.
"Rain inhale... Exhale... Inhale... Exhale..." utos ko sa kanya na sinunod naman nya
Inulit ulit nya lang yung ganon hanggang sa maging maayos na ang paghinga nya
"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya habang hinahagod ko likod nya, sobra nang basa yung damit nya
"M-medyo okay na po" pagod na sagot nya
"Yan kasi takbo ka ng takbo kanina" sermon ko sa kanya
"Sorry po n-nakaabala na naman ako s-sayo ate" napayuko sya
"Wag mo na isipin yun sige na magpalit ka na tignan mo pawis na pawis ka na naman" nakangiting saad ko habang hinahaplos ang likod nya
"Opo ate salamat po talaga, lagi kayo nandyan" ngumiti rin sya sakin
"Wala yun sige na magbihis ka na para makakain ka na" inabot ko sa kanya yung bag nya
"Ate pwede po ba sa resthouse na lang po ako kumain kasi gusto ko na po magpahinga" pakiusap nya sakin
"Sige sige sabihan ko kuya mo" siguradong pagod na talaga sya lalo pa nang inatake sya ng hika nya
"Thank you ate" ngumiti sya sakin
Lumabas na ako, sinarado na nya yung pinto at nagpalit na sya, maya maya lumabas na sya sa restroom.
"Ate can we go now in the van? I want to take a rest" halata sa boses ni rain na napagod sya
"Sige sige pero maglagay ka muna ng bimpo sa likod mamaya matuyuan ka na naman ng pawis malamig pa naman dito" utos ko sa kanya
"Yes ate, but can you do it for me?" paglalambing nya
"Oo naman sige akin na" kinuha ko yung bimpong hawak nya
Nilagay ko na sa likod nya yung bimpo pagtapos naglakad na kami papunta sa van.
Nasa akin naman yung susi ng van kaya binuksan ko agad yung pinto paglapit namin sa van.
"Rain pasok ka na para makapagpahinga ka na rin" utos ko sa kanya
"Sige po ate" inalalayan ko sya sa pagpasok nya sa loob "Salamat po" sabi nya pagkaupo nya sabay ngiti sakin
"Text ko lang kuya mo then pasok na din ako sa loob" paliwanag ko sa kanya
"Okay po" sagot nya
Nginitian ko sya at kinuha ko na yung phone ko para ma-text na si renz.
.
.
.
Renz POV
Pagkaalis ni joyce pinagpatuloy ko ang pagkain ko ganun din si red na nasa harapan ko.
"Okay naman pala itong si Red" sabay inom ko ng coke, sya naman ay napatingin sakin
"Akala ko talaga tahimik lang sya" sabi naman ni bob na nasa tabi ko
"Sorry nakukulitan na ba kayo sakin?" nahihiyang tanong ni red samin
"Hindi ganyan nga yung gusto namin sa grupo yung mapang-asar din hahahaha" nagthumbs up ako sa kanya, naging malapit na din sya samin dahil mabait sya
"Tsk pakitang tao" bulong ni arvin na narinig ko pero hindi ko pinansin
"Ganyan din si Rain nung unang sama sa amin tahimik lang pero nung tumagal ayun naging makulit na" kwento ko tungkol sa kapatid ko nung unang beses nya makasama ang barkada
"Tahimik pala yun hahahah hindi halata" pang-aasar ni red sa kapatid ko
"Pag ikaw narinig nun lagot ka dun hahahah" birong pananakot ko sa kanya
"May pagkaamazona din minsan yun" natatawang dugtong naman ni dean
"Sya nga pala ano nangyari kanina?" tanong ko sa kay red kaya napatigil sya, akala nila nakalimutan ko na
"S-saan?" kabadong tanong ni red
"Dito nung wala kami. Bakit sabay sabay kayo nag-alisan?" seryoso kong tanong sa kanya
"S-si Arvin na lang magpapaliwanag" sagot ni red sabay yuko nya
"Bakit ako?" matapang na tanong ni arvin, kaya napatingin ako sa kanya
"Sige kung ayaw nyo magsalita, hindi ko kayo pipilitin" baka magkainitan pa sila, sa tono pa lang ni arvin siguradong mag-iinit sya
"Renz mas maganda kung si Rain na lang ang magsasabi sayo" paliwanag naman ni red na nakatingin sa plato nyang paubos na yung pagkain
"Mas mabuti pa nga" ang kapatid ko na lang ang tatanungin ko, baka mag-away pa itong dalawa
"Speaking of Rain, tagal naman nilang bumalik" inip na tanong ni sheng
"Kaya nga natapos na kayong kumain wala pa rin sila" pagsang-ayon ni jacob sa kanya
Sakto naman nagvibrate yung phone ko."Wait lang guys nagtext na si joyce" kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.
~
Fr: Myloves
Myloves okay na si rain sa bahay na lang daw sya kakain gusto na kasi nya magpahinga, nandito na kami sa van ngayon, intayin na lang namin kayo dito.
~
"Anong sabi ni couz?" tanong agad ni sheng
"Nandun na daw sila sa van, kaya tara na magligpit na tayo" tumayo na ako
"Hindi ba kakain si Rain?" tanong ni red habang nag-aayos nang gamit, mabuti pa sya nag-aalala yung isa walang pakialam
"Sa bahay na lang daw sya kakain" sagot ko sabay tapik sa balikat nya
"Sige tara na magligpit na tayo medyo pagabi na isang oras pa byahe natin" aya na rin ni dean sa lahat
Niligpit na namin yung mga gamit at pumunta na sa van, pagdating namin dun nakita ko si rain na nagpapahinga.
"Mukhang pagod na pagod si Rain" sabi ni bob na nakatingin sa kapatid ko
"Tumakbo ba naman eh, talagang mapapagod yan" napailing na lang ako sa kakulitan ng kapatid ko minsan
"Tumakbo lang pagod na pagod agad ano yan lampa okaya may sakit" sabat bigla ni berna sa likuran namin
"Tsk! Kung wala kang sasabihin na matino wag ka na lang magsalita" inis na sabi ni joyce sa kanya
Umirap naman si berna.
"Sino pala magdadrive?" lagi na lang kasi ako
"Ako na lang" prisinta ni red
"Sige ikaw na lang" pagpayag ko tsaka ko inabot yung susi sa kanya
"Pasikat!" mahinang sabi ni arvin
Ano bang problema ng dalawang ito bigla bigla na lang sumasabat.
Sumakay na kami sa van, katabi ko ang kapatid ko, napansin kong wala nakaupo sa tabi ni red, si berna nasa labas pa.
"Oh bakit hindi ka pa sumakay sa tabi ng boyfriend mo?" tanong ko sa kanya
"Ayoko sa harapan, gusto ko dito" maarteng sagot ni berna sabay turo sa pwesto nila arvin na nasa likuran lang namin
"Aba wag ka na makisiksik dito, anluwag luwag dun sa harap oh" mataray na sagot ni joyce
"Maluwag pala edi dun ka umupo" pilosopong sagot ni berna
"Kung ayaw mo umupo dun, edi maiwan ka dyan" inis na sabi ni sheng
"Edi ikaw magpaiwan, ikaw nakaisip" mataray na sagot naman ni berna
"Sumosobra ka na, kanina ka pa!" sigaw ni sheng sa kanya, b***h mode on na sya
"Ikaw din kanina ka pa hindi mo naman pala kaya makipagsabayan kaya manahimik ka na lang dyan" matapang na sabi ni berna
"Makakatikim ka na ta----" hindi na natuloy ni sheng yung sasabihin nya ng magsalita ako
"Tama na yan, wag na kayo maingay baka magising si Rain" pag-awat ko sa kanila at tumingin sa kapatid ko na natutulog pa rin
"Hayaan nyo syang magising puro na lang sya tulog baka hindi na yan magising" galit na sabi ni berna, napantig ang tenga ko kaya bumaba ako sa van
"HOY!" dinuro ko pa sya sa inis "Magdahan dahan ka sa pananalita mo kapatid ko yan, wala kang karapatan magsalita ng ganyan sampid ka lang dito!" nainis ako sa sinabi nya kaya napalakas ang boses ko
"Anu ba b-bitawan mo ako n-nasasaktan ako" reklamo ni berna nang hawakan ko sya sa magkabilang braso nya
"Bro tama na yan" pag-awat ni arvin sakin at hinawakan yung kamay kong nakahawak kay berna
"Sige kampihan mo na naman yang ex mo" may inis sa boses ni joyce
"Renz babae pa rin yan tama na" hinawakan ako ni red sa balikat hindi ko namalayan na nakababa na sya
"Sumusobra na kasi yung talas ng dila nito eh" dinuro ko pa si berna
"K-kuya stop it!"
Tuluyan ko nang binitawan si berna, at tinignan sya ng masama.
.
.
.
Rain POV
Pagpasok ko sa loob ng van sumandal agad ako sa bintana at natulog na, napagod kasi ako kanina.
Nagising ako dahil sa ingay nila nagtatalo na naman sila kung sino uupo sa harap. Nagulat pa ako pagdilat ko nakita ko si kuya nakahawak sa braso ni berna kita naman sa mukha ni berna na nasasaktan na sya nasa labas din yung iba.
"K-kuya stop it!" nanghihina kong pigil kay kuya
Binitiwan nya na si berna mukhang napalakas kaya napaupo sya sa sahig.
"Kung ayaw mong umupo sa harap, maiwan ka dyan" galit na sabi ni kuya kay berna
Pagbaba ko nakita ko tinulungan ni arvin na tumayo si berna, si berna naman ang sama ng tingin sakin.
"Rain pumasok ka na ulit sa loob, at kayo pumasok na rin kayo" utos ni kuya samin, hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya alam nya agad na nakababa na ako
Nagsipasukan naman sila maliban samin lima ako sina kuya, ate joyce, arvin at berna.
"Rain sige na pasok ka na" seryosong utos ni kuya na hindi ako tinitignan
"Okay po pasok na rin po kayo" ngumiti lang si ate joyce sakin, sya lang kasi ang nakatingin sakin
"Sige sunod kami kausapin ko lang sila" paliwanag ni kuya na nakatingin pa rin kila berna
"Kuya calm down okay" hinawakan ko sya sa balikat
"Sige na pumasok ka na" seryoso pa rin si kuya, mukhang napuno na si kuya kaya hindi na makausap ng mahinahon
Bumalik na ako sa van, pumasok na ako sa passenger seat, nagulat naman si red sakin.
"Oh bakit ka dyan umupo?" nakakunot yung noo nya na nakatingin sakin
"Ako na lang uupo dito, eto lang naman yung pinagtatalunan nila" sumandal na ako at naglagay ng seatbelt
"Baka mapagalitan ka ng kuya mo" pag-aalala nya
"Hindi yan ako bahala kay kuya" umayos ako ng upo tsaka pumikit
"Sigurado ka ba?" paninigurado nya, mukhang nag-aalala talaga sya
"Bakit parang ayaw mo naman ako makatabi, wag ka mag-alala wala akong virus" pagbibiro ko at tumingin ako sa kanya
"Hahahah hindi naman sa ayaw" sabay ngiti naman nya, nawala na ang pag-aalala nya
"Yun oh gusto mo rin pala makatabi si Rain" sigaw mula sa likod
Kaya napatingin kami sa likod, nakalimutan ko may kasama pala kami dito.
"Ikaw Red ha napapansin ko parang may something" panunukso ni clark kay red habang nakaakbay kay sheng
"H-huh? A-anong something?" pagtataka naman ni red sa sinabi ni clark
"May gusto ka kay Rain noh" panunukso din ni jacob na nag taas baba pa ng kilay
"H-hindi ah" utal na sagot ni red
"Oh bakit ka nauutal kasi totoo" pang-aasar ni sheng sabay ngisi
"Hindi kaya" pagtanggi ni red at tumingin na sya sa harapan
"Tigil tigilan nyo nga po pang-aasar kay red, tama na yan" pagsaway ko naman sa kanila, halatang nahiya si red
"Ayun oh pinagtanggol na hahahahaha" pang-aasar naman ni jacob sakin
"Alam nyo kung wala lang kayong mga jowa bagay kayo" pagsali naman ni dean na nakasandal din sa boyfriend
"Ewan ko po sa inyo kung ano ano po naiisip nyo, magpapahinga na nga po ako" tumingin na rin ako sa harapan at sumandal na ulit
"Dyan ka talaga uupo baka magalit kuya mo" pag-aalala naman ni bob
"Wala naman pong magagawa si kuya, magpahinga na lang po kayo dyan ang dadaldal nyo po eh" tinignan ko sila sa salamin
"Umiiwas sa topic hahahaha" panunukso naman ni lhean na nakahilig sa balikat ni jacob
Hindi ko na lang sila pinansin at pumikit na lang ako. Kung ano ano ang naiisip nila at sinasabi.
.
.
.
Renz POV
Pagkaalis ni rain kinausap ko agad sila berna. Napupuno na ako sa kanya.
"Tandaan mo ito Berna subukan mo ulit pagsalitaan ng ganun ang kapatid ko hindi lang yan ang aabutin mo" dinuro duro ko pa sya, nanggigigil ako sa kanya gusto ko sya bugbugin pero hindi pwede
"Sumosobra ka na wala nang preno yang bibig mo kaya kahit kelan hindi ka naging malapit sa barkada eh, ang sama kasi nang ugali mo" galit na sabi naman ni joyce sa kanya
Kahit sino naman ay magagalit kung sasabihin na mamatay na yung isa sa mahal mo sa buhay.
"Tama na yan guys sa resthouse nyo na lang ituloy ang pagsermon nyo gabi na oh" pag-awat samin ni arvin
"Yan sige ipagtanggol mo yang ex mo tandaan mo pag may nangyaring hindi maganda kay Rain malalagot ka din samin" pagbabanta naman ni joyce sa kanya
"Ang OA nyo naman bakit naman isisisi nyo kay Arvin yung mangyayare kay Rain, anu sya may sakit" sabat muli ni berna, wala talagang kadala-dala ang isang ito
"Tumigil ka dyan Berna sinabihan na kita kanina kahit minsan magpreno ka naman sa mga sinasabi mo, bakit kasi sumama ka pa dito puro kapahamakan lang ang dala mo sa kapatid ko!!!" inis na inis na talaga ako sa kanya
"Pwede naman ako sumama dahil parte din naman ako ng barkada" matapang na sagot ni berna
"Oo nung kayo pa ni Arvin, pero ngayon hindi na kasi wala ka na sa buhay nya" galit pa rin si joyce, kahit noon pa ay galit na talaga sya kay berna nagtitimpi lang talaga sya
"Kung alam nyo lang kung ano ako sa buhay nya..... Ngayon naman sinisisi nyo sakin yang kamalasan ng kapatid mo aba ang lupet nyo" mayabang na sagot ni berna
Nasampal ko sya kaya napahawak sya sa pisngi nya at umiyak. Wala kasi syang karapatan sabihin na malas ang kapatid ko dahil hindi nya alam yun pinagdadaanan ni rain.
"Sinabihan na kita kanina Berna, isipin mo muna yang mga sasabihin mo para hindi ka nasasaktan!!!" lumakas na ang boses ko konti na lang talaga sasamain na sya sakin
"G-grabe kayo sakin parang w-wala tayo pinagsamahan" umiiyak na sabi ni berna
"Meron nga pero kaya kong itapon lahat yun kung ganyan ang ugali mo at basta para sa kapatid ko lahat gagawin ko!!!" mariin na saad ko
"Myloves tama na yan pumasok na tayo nang makaalis na para makapagpahinga na yung kapatid mo" pag-awat ni joyce alam kong nagulat din sya sa ginawa ko kanina
Walang sali-salita tinalikuran ko na yung dalawa, nakasunod naman sakin si joyce, pagbukas ko ng pinto wala si rain sa loob pagtingin ko sa harapan nakita ko sya nakaupo dun at nakapikit.
"Oh Rain bakit ka nandyan dito ka nga umupo hayaan mo dyan yung girlfriend nya" mariin na utos ko sa kanya
"Kuya dito na po ako eto lang naman yung pinagtatalunan nyo kanina, ngayon may nakaupo na dito kaya okay na po ang lahat" sagot nya nang nakapikit
"Hindi pwede, pumunta ka na dito ako na lang dyan" utos ko muli sa kanya
"Kanina po ayaw nyo magsi-upo dito ngayon may nakaupo na po ayaw nyo pa rin..... Sige na kuya okay lang po ako dito, umupo na kayo dyan ng makaalis na po tayo at para makapagpahinga na" tumingin sya samin at ngumiti
"Myloves hayaan mo na si Rain, tawagin mo na yung dalawa para makaalis na tayo" pagkampi ni joyce sa kapatid ko, kaya malakas minsan ang loob ng kapatid ko dahil sa kanya
Wala na nga akong nagawa, tinawag ko na yung dalawa bago ako magsalita ulit.
"Yan kinakampihan mo na naman yan kaya spoiled sayo" sermon ko kay joyce
"Selos ka naman kuya hahahaha" pagbibiro nya na nakatingin sa salamin para makita kami
"Hoy rain hindi ako natutuwa sa biro mo, manahimik ka na lang dyan kung ayaw mong lumipat" pananakoy ko sa kanya, nakita ko naman na pumikit sya agad
"Relax lang myloves, wag ka na magselos sa kapatid mo" pagpapakalma naman ni joyce sakin na hinahaplos pa ang braso ko
"Napakaseloso mo talaga Renz" pang-aasar naman ni jacob
"Buti na lang hindi nagsasawa si Joyce sa kakaselos mo" pagsali din ni clark sa pang-aasar
"Kayong dalawang bakla dyan manahimik kayo kung ayaw nyo masapak" banta ko sa kanila, wala ako sa mood makipag-asaran sa kanila mainit pa rin ang ulo ko
"Tama na nga po yan kuya. Red tara na start mo na yan para makauwi na tayo" saway samin ni rain
"Yes boss hahahah" sagot ni red at sumaludo pa sa kapatid ko
Red | Rain
Joyce | ako | arvin
Dean | bob | berna
Clark | sheng | lhean | jacob
.
.
.
Red POV
Habang nasa byahe kami sobrang tahimik inaantok tuloy ako kasi naman tulog silang lahat pero kailangan kong maging gising, dahil napagod ako kanina bigla sumakit yung balikat ko kaya medyo minasahe ko muna.
"Are you okay?" tanong bigla ni rain
Nagulat ako bigla kasi syang nagsalita akala ko tulog sya.
"Y-yes im fine, sige na magpahinga ka na ulit" tumingin ako sa kanya saglit at binalik ko agad yung tingin ko sa kalsada
"Okay but are you sure you're okay?" may halong pag-aalala sa boses nya na nakatingin sa balikat ko
"Yes 100% sure" nakangiting sagot ko sa kanya
Ngumiti na lang sya sakin at pumikit ulit. Ako naman nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
*************
End of Chapter 9: Ang Pagiging Close!
Hanggang sa pag-uwi nagtatalo talo pa rin sila at nag-aaway hanggang kailan kaya sila magiging ganyan? Matatapos pa kaya ang awayan nila baka hanggang sa huling araw nila ay puro away pa rin sila?
Abangan!
Hope you like it! Thank you for reading and viewing!