CHAPTER 8

3955 Words
Red POV Simula nung nagkausap kami ni rain, lagi na kami nag-uusap, marami akong nalaman sa kanya kaya mahal na mahal sya ng barkada nya kasi hindi lang sya mabait, makulit din sya at mapagmahal tsaka ayaw nya nang may nag-aaway at madami pang iba. Nandito nga pala kami ngayon sa Camp John Hay, kami nila rain, berna, arvin at dean nakaupo sa piknik table, yung iba naman ay nagzipline. Magzizipline dapat kaming lahat kaso si rain pinagbawalan nila renz kaya nagpaiwan sya, si arvin naman sinamahan nya si rain, si berna bigla umayaw kaya ako no choice sasamahan ko na lang sya, si dean naman ayaw nya natatakot sya kaya nagpaiwan na lang din. "Guys punta lang akong restroom" paalam ni arvin samin "Sige lang bro" sagot ko Tumayo na sya at umalis na, biglang tumayo rin si berna. "San ka pupunta babe?" tanong ko sa kanya "Wala kang pakialam hindi ko kailangan magpaalam sa inyo" mataray na sagot nya tsaka sya umalis "Grabe talaga yang si Berna, ang sama nang ugali" inis na saad ni dean, alam ko naman na hindi talaga sila magkakasundo "Red is she always like that?" tanong naman bigla ni rain sakin "Minsan ganyan sya lalo na nung nakaraang araw" pag-amin ko sa kanya, mataray naman talaga si berna noon pa "Buti nakakayanan mo yang ugali ni Berna" pagtataka ni dean "Siguro nasanay na rin tsaka mahal mo eh kaya babaliwalain mo na lang" paliwanag ko sa kanya, pag mahal mo masama man sya o hindi mamahalin mo pa rin sya "You're right!" nag-apir kami ni rain "Ganyan din ako, syempre mahal mo kaya hindi mo na lang papansinin yung mali nya" pagsang-ayon nya sakin "Ganun naman talaga siguro pag mahal mo ang isang tao kahit masaktan ka at masama ang ugali nya tatanggapin mo pa rin kasi nga mahal mo eh" paliwanag ko sabay ngiti ko sa kanila "Tama, sabi nga nila love is blind" pagsang-ayon naman ni rain "Alam nyo bagay kayong dalawa" nakangiting saad ni dean "Baliw! Kung ano ano po iniisip mo" natatawang sita ni rain sa kanya "Bagay kayo, parehas kasi kayong sobra magmahal pero bagay talaga kayo" kinilig bigla si dean habang nakatingin samin ni rain "Hahahah ewan ko sayo dean" napailing na lang ako sa sinabi nya Medyo naging malapit na rin ako sa kanila simula nung araw na nagkausap ako ni rain. Hindi naman sila mahirap pakisamahan kaya nga nagtataka ako na hindi sila kasundo ni berna. "Para kang baliw talaga, oh sya punta lang akong restroom maiwan ko muna kayo dito" paalam ni rain "Sige mag-ingat ka R tanga ka pa naman hahahah" biro ni dean sa kanya "Hahahah grabe ka naman sa kaibigan mo" natatawang saad ko "Ganyan talaga yan sanay na ako" nakangiting sabi ni rain tsaka sya tumayo Sa pagtayo nyo nakita ko yung phone ni arvin na nasa upuan katabi ni rain. "Rain sandali yung phone ni Srvin oh naiwan" tinaas ko yung phone para makita nya "Dyan na muna yan, babalik din naman yun maya maya" naglakad na sya pero pinigilan sya ni dean "Dalhin mo na, baka makasalubong mo sya, ibigay mo na lang" pagpipilit ni dean sa kanya "Sige na nga po, akin na hindi naman po ako mananalo sayo eh" bumalik samin si rain "Buti alam mo hahahah" natatawang saad ni dean "Hahahah kulit nyo magtalo" sabay ngiti ko sa kanila "Ganito talaga kami hahahah sige na punta na ako dun" kinuha na ni rain yung phone sakin "Sige!.. Sige!.." sagot ni dean Nakaalis na si rain, naiwan kami ni dean dito at nag-usap na lang, mga limang minuto pa lang ang nakakalipas ng bumalik si rain, nagulat kami kasi naunahan nya pa sila arvin bumalik pero mas nagulat kami nang makita namin sya na namumula yung mata nya. "Ang bilis mo ata naunahan mo pa yung dalawa" pagtataka ko, medyo malayo kasi ang restroom sa pwesto namin "Bakit namumula mata mo R, umiyak ka ba?" pag-aalala ni dean na nakatingin sa kanya "May nangyari ba sayo?" bigla ako nakaramdam ng kaba "W-wala po, napuwing lang po ako" sagot nya pero hindi kami naniwala "Napuwing eh bakit dalawang mata namumula?... Sabihin mo na kung bakit" pagngungulit ni dean sa kanya "Wala nga po, napuwing lang po ako" sagot nya sabay upo sa tabi ko Bigla tumunog yung phone ni arvin kaya tinignan nya habang nagbabasa, napaiyak na lang sya bigla na kinagulat ko. . . . Rain POV Pagkakuha ko ng phone ni arvin pumunta agad ako sa restroom. Pagdating ko sa restroom may narinig akong pamilyar na boses sa may gilid kaya nakinig muna ako. "Daddy akala ko ba makikipaghiwalay ka na sa kanya" "Oo nga malapit na kaya wag ka na mainip" "Hirap na hirap na kasi ako ayoko na makipagplastikan sa kanila at nahihirapan na rin ako itago yung relasyon natin" "Mommy konting tiis na lang ha malapit na talaga promise" "Promise yan daddy ha gustong gusto na kasi kitang mayakap at mahalikan" "Ako din naman pero tiis muna tayo, tara na balik na tayo dun baka hinahanap na nila tayo" "Pwede mamaya na gusto pa kitang makasama daddy vin" Daddy vin hindi kaya si arvin yun o baka kapangalan lang? Kaya mas lumapit pa ako sa gilid para mapakinggan pa. "Yaan mo gagawa ako ng paraan para masolo ka pero ngayon balik na tayo dun" "Sige na nga pero pwedeng isang kiss muna bago tayo bumalik dun daddy arvin" "Sige na nga mommy berna" Daddy arvin? Mommy berna? Hindi kaya sila mako at berna yun. Kaya tinignan ko na kung sino yung mga nag-uusap. Napatulala ako nang makita ko si mako at berna na naghahalikan, kaya nagmadali ako bumalik sa pwesto namin habang pinipigilan kong maiyak dahil hindi pwedeng makita nila dean na umiyak ako. Pagdating ko sa kanila nagulat pa sila nang makita ako, nahalata naman nila na namumula yung mata ko at tinanong nila ako ng tinanong pero wala lang ang sagot ko. Magsasalita pa sana si dean nang tumunog yung phone ni arvin kaya tinignan ko, may nagtext lang pala kaya binasa ko na. ~ Fr: Mommy Berna❤      Sarap talaga ng halik mo daddy. Ulitin ulit natin yun iloveyou. ~ Dahil sa nabasa ko binuksan ko na yung convo nilang dalawa at binasa ko nang tahimik. Nabasa ko yung mga sweet message nila sa isat isa, ilang beses na pala silang nagkikita, ilang beses na rin pala silang naghahalikan. At hindi ko na talaga mapigilan maiyak sa nabasa ko. ~ Mommy Berna❤ Good morning daddy Salamat kagabi kahit masakit at nakakapagod yung ginawa natin napasarap pa rin yung tulog ko dahil nakasama kita gawin ulit natin yun sa susunod love you. Salamat din mommy next time ulit kahit nakakapagod ang sarap mo naman pati buong katawan mo hihihih love you too ~ Eto yung araw nang dumating ako dito sa Pinas, eto yung napansin ko na may nagbago sa kanya na totoo pala na nagbago talaga sya. Hindi ko na talaga napigilan maiyak dahil sa nabasa ko. Hindi ko din napansin na dumating na pala sila arvin dahil nakatingin pa rin ako sa phone nya. "Rain bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni red sabay hinawakan nya yung balikat ko "May masakit ba sayo bakit ka umiiyak lagot kami sa kuya mo pag nakita kang ganyan" natatarantang sabi ni dean "M-mako bakit ka umiiyak?" tanong naman ni arvin Lumapit sakin si arvin at hahawakan nya sana yung kamay ko ng mapansin nya hawak ko phone nya. "Shhh wag ka ng u--- s**t! B-bakit mo h-hawak phone k-ko?" medyo pasigaw na saad ni arvin Kinuha nya agad yung phone nya sa kamay ko na pahablot. It's confirmed na may tinatago talaga sya. "W-when did it all started?" nakayuko lang ako at nakatingin sa mga kamay ko "A-alin yun R-rain?" kabadong tanong nya, rain na lang ang tawag nya sakin ngayon ang saya "Arvin k-kelan pa?!" galit na pag-ulit ko nang tanong sa kanya "S-sorry Rain sorry talaga" hindi ko kailangan ng sorry mo, kailangan ko ng paliwanag mo "ANSWER MY QUESTION!" sigaw ko sa kanya pero nakayuko pa rin ako "R-rain pag-usapan natin ito" pakiusap nya sakin "Arvin sabihin mo na sa kanya, ito na ang panahon para malaman nya" pagsabat ni berna "Wag ka muna makisabay berna" saway ni arvin sa kanya Napapikit ako ng mariin, totoo nga na may relasyon sila pero gusto ko kay arvin manggaling yung sagot. "Sandali lang naguguluhan ako, bakit ano ba nangyayari?" halatang naguguluhang si dean samin "K-kelan pa? Kelan pa n-nagsimula ang relasyon nyo?" tumingin na ako kay arvin, hindi ko muna pinansin si dean "ANO?!" gulat na sabi ni dean pero hindi ko pa rin sya pinansin Yumuko lang si arvin, dahil sa ginawa nya unti unting nadurog ang puso ko. "SUMAGOT KA! KELAN PA!?" sigaw ko ulit sa kanya, ayoko sa lahat ang sinungaling "S-six months a-ago nung nasa America ka pa" pag-amin nya sakin, hindi sya tumitingin sakin "WALANG HIYA KA!! MANLOLOKO KA!!" sigaw ko muli sa kanya, para akong sinaksak sa puso sa nalaman ko Ang sakit na hindi lang pala ako ang gusto nya, hindi lang pala sya sakin sweet, at hindi lang pala ako ang mahal nya. "Rain pag-usapan na muna natin ito please" pagmamakaawa nya at tumingin na sya sakin Huminga ako ng malalim. "Mamili ka ako o sya?" nakatingin lang ako sa mata nya, kaya nakita ko kung paano sya nagulat "Wag naman ganito Rain, pag-usapan natin ito" lumapit sya kaya naman umatras ako palayo sa kanya "MAMILI KA ARVIN!!" sigaw ko ulit "Sorry rain siya a---" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya "Tapos ang usapan, wala na tayong dapat pang pag-usapan" tsaka ako naglakad palayo sa kanila "Mako mag-usap muna tayo" hinawakan ni arvin kamay ko at lumuhod sa harapan ko "Hayaan mo na sya Arvin atleast alam na nya ang lahat at hindi na tayo magtatago pa" pagsabat ulit ni berna, ang kapal talaga ng mukha nya para sabihin sa harapan ko ang mga yan "Saglit lang naguguluhan kami, anu ba talaga nangyayari?" pagsali din ni dean pero si red tahimik lang na nakikinig "M-mako please pag-usapan muna natin" pakiusap nya at nakaluhod pa rin sya sa harapan ko "Wala na dapat pang pag-usapan" mariin na sagot ko sabay binawi ko ng kamay ko sa kanya "Rain san punta mo?" nag-aalalang tanong ni dean sakin ng maglakad ako palayo sa kanila "Don't follow me! I need to be alone" mariin na utos ko nang hindi lumilingon sa kanya Nagpatuloy na ako sa paglalakad, nakasalubong ko pa nga sila kuya at narinig ko pa ang tinanong ni kuya sakin. "Rain san ka pupunta?" Pero hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Gusto ko munang mapag-isa at mag-isip bago humarap kila kuya. . . . Red POV Hindi ko alam kung anu yung nangyayari naguguluhan kami sa pinagsasabi nila rain, pero may kutob na ako hindi ko lang sigurado kaya tinignan ko yung phone ni arvin na nakalapag sa lamesa. ~ Mommy Berna❤ Good morning daddy Salamat kagabi kahit masakit at nakakapagod yung ginawa natin napasarap pa rin yung tulog ko dahil nakasama kita gawin ulit natin yun sa susunod love you. Salamat din mommy next time ulit kahit nakakapagod ang sarap mo naman pati buong katawan mo hihihih love you too ~ Tama nga ang hinala ko may relasyon sila kaya nagiging cold si berna lately at may nangyari pa sa kanilang dalawa. Narinig ko na pinapipili ni rain si arvin at pinili ni arvin si berna kaya napatingin ako kay berna. "Bakit?" ang dami kong gustong itanong pero yan na lang muna "Wala kang pakialam, hindi naman talaga kita minahal" mataray na sagot nya "Panakip butas lang pala ako. Ganun ba?" inis na tanong ko sa kanya Hindi ko alam pero imbes na masaktan ako mas nakaramdam ako ng inis sa panloloko nya. "Oo buti nakuha mo rin kaya wag kang umarte na parang boyfriend ko" iritang sagot nya sabay irap sakin Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lang ako kila rain na nag-aaway. "Saglit lang naguguluhan kami, anu ba nangyayari?" sobrang naguguluhan na si dean sa nangyayari Walang pumansin sa kanya, gusto ko man sabihin sa kanya pero wala akong karapatan. "M-mako please pag-usapan muna natin" lumuhod si arvin sa harapan ni rain at hinawakan ang kamay nya Gusto ko man sya suntukin pero hindi ko magawa, kawawa naman si rain ang bait pa naman nya. "Wala na dapat pang pag-usapan" mariin na sagot ni rain tsaka sya  umalis Tumayo na rin ako at umalis, hindi ko alam kung bakit ko sinundan si rain siguro dahil alam kong kailangan nya ng karamay. Hindi pa ako nakakalayo sa pwesto namin nang makasalubong ko sila renz. "Red san ka pupunta?" tanong ni renz "Wala dun lang sige una na ako" simpleng sagot ko sabay paalam sa kanya "Okay.... Sige?" naguguluhan naman na sabi nya Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na ako papalayo sa kanila. . . . Renz POV Katatapos lang namin magzipline, isa ito sa pinakamagandang zipline na nasubukan ko. Sinabihan ko na sila na pumunta na kami kila rain, habang naglalakad kami palapit kila rain may narinig kaming sumigaw boses babae at pamilyar sakin yung boses. "Mamili ka arvin" "Tapos ang usapan wala na dapat pang pag-usapan" "Wala na dapat pag-usapan" Alam kong boses ni rain yun kaya nagmadali kami, malapit na kami sa pwesto namin nang makasalubong ko si rain. "Rain san ka pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin Dere-deretso lang syang naglakad na para bang hindi kami nakita at nadaanan. "San punta nun?" nagtatakang tanong ni joyce sakin "Hindi ko alam hindi nga ako pinansin" sagot ko naman at kibit balikat ako "Tara punta na tayo kila dean" aya ni joyce Naglakad ulit kami nang malapit na kami ay nakasalubong naman namin si red. "Red san ka pupunta?" tanong ko sa kanya "Wala dun lang sige una na ako" simpleng sagot nya "Okay... Sige?" naguguluhang sabi ko Umalis na sya hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanila kaya dumeretso na kami, pagdating namin nakita ko si arvin na nagpupunas ng luha. "Oh anong nangyare dito?" seryosong tanong ko sa kanila, sandali lang kami nawala may nangyare na agad "Arvin bakit ka umiiyak?" tanong namab ni jacob kay arvin "Wala ito, sige dun muna ako" walang buhay na sagot nya sabay alis Sinundan naman sya ni berna. Nag-away ba sila ng kapatid ko? "Dean anong nangyare dito? Bakit nag-alisan sila?" si dean na lang ang pwede kong tanungin kasi sya na lang ang naiwan "Bakit umiiyak si Arvin?" dugtong ni bob "Hindi ko nga din alam eh kanina pa ako naguguluhan" naguguluhang sagot ni dean "Naguguluhan saan?" pagtataka naman ni joyce "Wait! Si rain ba yung sumigaw kanina?" kinabahan ako sa tanong ko, baka mamaya mawalan na naman sya ng malay "O-oo nag-aaway s-sila ni A" utal utal na sagot ni dean "Ano! Bakit?" nako masama ito baka maubusan ng lakas si rain "Hindi ko nga alam eh, gulong gulo na ako kanina pa" pag-amin ni dean, halatang hindi nya alam ang gagawin nya "Myloves baka may mangyari kay Rain" palihim na bulong ni joyce sakin "Susundan ko lang si Rain" paalam ko sa kanila "Wag Renz sabi nya samin kanina wag daw sumunod" pagpigil ni dean sakin "Wala akong pakialam susundan ko si Rain, dito lang kayo. Tara myloves samahan mo ako" sabay hawak ko sa kamay ni joyce, kailangan ko makita agad ang kapatid ko bago pa may mangyare sa kanya "Sige bro mag-iingat kayo" pagpayag ni jacob, eh wala naman silang magagawa kung hindi ang pumayag, tumango na lang ako Tumango na lang ako sa kanila bago umalis. Sana naman walang masamang mangyare sa kapatid ko. . . . Red POV Nakita ko si rain nakaupo sa may bench sa dulo. Umiiyak sya dahil nakikita kong gumagalaw yung balikat nya kaya nilapitan ko na sya. Umupo ako sa tabi nya at inabutan ko sya ng panyo. "Shhh wag ka nang umiyak, sorry kung sinundan kita kahit na sinabi mo na wa---" hindi ko na natuloy sasabihin ko sa gulat Nagulat ako dahil bigla nya akong niyakap, bigla naman bumilis yung t***k ng puso ko. Hala ano nangyayari sa puso ko. Pero niyakap ko pa rin sya at hinagod hagod yung likod nya. "Sige iiyak mo lang yan" pagpapakalma ko sa kanya Ilang minuto pa ang lumipas ay kumalas kami sa pagkakayakap. "P-panget ba ako?" biglang tanong ni rain habang umiiyak pa rin sya "Hindi... Bakit?" naguluhan ako sa sinabi nya, ang ganda kaya nya "Is there something wrong on me?" tanong ulit nya "No!... Nothing!" wala naman talaga, halos nasa kanya na nga lahat ng pwede mo magustuhan sa isang babae "But why?" tanong nya ulit "Anong bakit?" hindi ko maintindihan ang sinasabi nya "Bakit nya ako n-niloko..... Ang sakit sakit Red, sobrang sakit" umiyak lalo si rain kaya niyakap ko ulit sya "Shhh tama na Rain... Hindi nya deserve yung mga luha mo" hinaplos haplos ko yung buhok nya, hindi dapat iniiyakan ang mga taong manloloko "S-sobrang sakit kasi, sya ang f-first boyfriend ko, at first heart break ko puro s-sugat na ang puso ko" umiiyak na sabi nya habang nakasubsob sa dibdib ko "Tama na wag ka nang umiyak, sige ka papangit ka nyan" biro ko sa kanya dahil hindi ko kayang makita syang ganito umiiyak at nasasaktan "Tse ewan ko sayo" humiwalay sya sa pagkakayakap ko at masama ang tingin nya sakin "Eto naman pinapatawa lang kita, hindi mo dapat iniiyakan yung mga ganung tao hindi nya deserve yang pagmamahal mo" kahit sinong tao ay walang karapatan na manakit physical or emotional man yan. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan din ako nung nakita ko sya umiyak. Oo masakit yung nangyare samin pero mas masakit sakin na makita syang umiiyak at nasasaktan. "Red Why? How?" halatang nagtataka sya sa pagkunot ng noo nya "Anong bakit pano?" takang tanong ko naman "Bakit parang wala lang sayo. Hindi ka ba nasaktan? At pano mo nakakayanan yung sakit?" tanong nya sakin na nakatingin sa mata ko, parang hinihigop ako ng mga tingin nya "Nasaktan syempre sya din kasi ang first ko, pero ano ba magagawa nang pag-iyak ko? Hindi naman mababalik sa dati kung iiyak lang ako...... Kailangan kayanin, siguro hindi lang talaga sya para sa akin" paliwanag ko sa kanya, mas nasasaktan pa nga ako para sa kanya "Sana kasing lakas mo ako, sana kasing tatag mo ako at sana kayanin ng puso ko ang lahat" parang may ibang meaning yung pagkakasabi ni rain "Kaya mo yan ikaw pa malakas ka kaya. Kayang kaya ng puso mo yan" pagpapalakas ko ng loob nya, hindi dapat sya mawalan ng pag-asa "Sana nga. Sana nga kayanin ng puso ko" malungkot na sagot nya, ramdam ko yung lungkot nya Sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko kaya bigla bumilis ulit yung t***k ng puso ko. Dug! Dug!.... Dug! Dug!..... Dug! Dug!... Shet sana hindi nya maramdaman na mabilis yung t***k na puso ko. Huminga ako ng malalim. "Red thank you!" malunanay na sabi nya sakin "Para saan naman?" tanong ko na nakatingin sa malayo "Para sa pagdamay sakin dapat sila kuya ang gumagawa nito pero ayoko silang mag-alala sakin" paliwanag nya habang nilalaro ang mga kamay nya "Akala mo ba libre itong pagdamay ko sayo syempre may kapalit ito" biro ko sa kanya ayoko na makita syang malungkot "Grabe ka naman hindi ko naman sinabi na damayan mo ako" reklamo nya sabay tingin sakin Dug Dug..... Dug Dug!.... Dug Dug! Ang lapit ng mukha nya sakin pag lumingon ako mahahalikan ko na sya. "Hahahah joke lang naman, wag ka na malungkot hindi lang naman sya yung lalaki sa mundo" paliwanag ko nang hindi tumitingin sa kanya "Alam ko pero parang hindi ko kaya na wala sya" naiiyak na naman sya pero nakahinga ako nang maayos nang binaba nya yung tingin nya sa kamay nya "Shhh yan ka na naman, wag ka na umiyak" hinagod ko likod nya "Hindi ko pa alam kung kaya ko syang harapin at kung kaya ko makisama sa kanila lalo na't nasa bakasyon tayo gusto ko na sanang umuwi kaso ayokong sirain yung bakasyon ng barkada" pag-amin ni  rain sa nararamdaman nya, lahat naman gustong umiwi pag ganon ang nangyare "Kaya mo yan. Hayaan mo na tulungan kita na harapin ang lahat, mag-enjoy ka na lang dito sa bakasyon nyo" pasimple akong tumingin sa kanya sabay ngiti "Hello anong mag-enjoy broken hearted nga ako tapos mag eenjoy pa ako, ano ako baliw" pagtataray nya sabay alis sa pagkakahiga sa balikat ko "Baliw ka naman talaga hahahah" pagbibiro ko "Ang sama mo talaga, hindi ako baliw hahahah" natatawang sagot nya, napangiti ako "Oh ayan tumatawa ka na, sabi ko sayo eh mag enjoy ka lang" nakangiting saad ko, mas bagay sa kanya ang nakangiti at masaya "Baliw ka kasi eh" nakangiting sabi nya "Sabay tayo mag momove-on rain. Game ka ba?" tanong ko sa kanya "Hindi ko pa kaya mag move-on, mahal ko pa kasi sya" malungkot na sagot nya, parang may kirot sa puso ko yung sinabi nya "Kaya mo yan magtiwala ka lang sa sarili mo tsaka sakin. Pero ngayon mag enjoy ka muna" nginitian ko na lang sya "Sige na nga... Salamat talaga Red,  na enjoy ko yung company mo" mabuti naman nakangiti na sya at masaya ako dahil sakin nakakangiti na sya "Hala wala akong company yung parents ko lang meron kompanya" pagbibiro ko ulit "Hahahahah loko loko i mean is masaya ka palang kasama akala ko boring ka, kasi ang tahimik mo" paliwanag nya nang nakangiting nakayingin sakin "Grabe ka naman ang jugdemental mo" biro ko na naman "Kaya nga sorry eh" sabay ngiti nya sakin "Ayoko ng sorry" tampo tampuhan ko "Hala ang arte mo naman, bakla ka ba" pang-aasar nya sakin, "Ako bakla halikan kaya kita dyan" pagbabanta ko sa kanya "Subukan mo lang kung gusto mo maging panda pag balik natin sa kanila" pagbabanta nya rin sakin "Joke lang naman hahahah" nagpeace sign pa ako, takot ko lang sa kanya "Takot ka pala hahahah" sabay tawa nya "Sige tawa lang mamaya pagbalik natin iiyak ka ulit" pang-aasar ko naman sa kanya Tinignan nya ako ng masama. Ang cute nya pala pag naaasar. "Oh baka mamatay ako sa tingin mo, tara dun libre na lang kita ng ice cream" biro ko sabay turo dun sa ice cream vendor 'di kalayuan sa pwesto namin "Ice cream?" lumaki yung pagkakangiti nya "Yehey! Mag iice cream kami!" masayang sabi nya may kasama pang palakpak "Para kang bata ang cute mo" nakangiting nakatingin lang ako sa kanya Yung mga ganitong babae hindi dapat sinasaktan at niloloko, almost perfect na nga sya tapos lolokohin lang sya. She's not deserve him. "Salamat hahahah tara na dun" natawa naman ako sa sinabi nya, ang cute nya sa ganyang pagiging childish Pumunta na kami sa nagtitinda ng ice cream grabe kanina lang iyak ng iyak ngayon naman tuwang tuwa baliw talaga toh. . . . Rain POV Pagkatapos namin kumain ng ice cream, mag-usap at magtawanan naisipan na namin bumalik sa kanila medyo magdidilim na kasi kaya naglakad na kami. Habang naglalakad kami napapaisip ako. Masaya naman pala kasama si red akala ko talaga boring sya hindi naman pala, gusto ko na sya i mean gusto ko pa sya makilala. Rain ano ba yang pinagsasasabi mo gusto mo sya o humahanga ka lang, humahanga lang siguro kasi ang lakas nya at ang tatag nya. "Rain are you crazy? Why are you talking to yourself?" bulong ko sa sarili ko "Baliw ka na talaga" sabi ni red na nakatingin lang sa harap nya Hala narinig nya sinabi ko. "Ang sama mo talaga" sinamaan ko sya ng tingin, nakangiti na humarap sya sakin "Oh bakit ako ikaw kaya nagsabi nun tapos kinakausap mo pa sarili mo ano tawag mo dun" natatawang sabi nya "Crazy?" sabay kamot ko sa batok ko, nakakahiya naman "Hindi ako nagsabi nun ha ikaw hahahah" tuluyan na syang tumawa "Sige tawanan mo lang ako" banta ko sabay inirapan ko sya "Hala may baliw akong kasama" pang-aasar naman nya sakin "Baliw pala ha" lumapit ako sa kanya Kiniliti ko sya ng kiniliti. "Rain hahahah tama hahahah na hahahah" napaupo sya sa damuhan habang tawa ng tawa "Hahahaha! Bahala ka hindi kita titigilan" nakakahawa yung tawa nya, kiniliti ko pa rin sya "Lagot hahahah ka hahahah sakin hahahah pag hahahah nakatakas ako" pagbabanta nya sakin "Kung makakatakas ka pa" sabay dila ko sa kanya Pero nagulat ako nang gumulong sya at nakatakas sa pangingiliti ko. "Whoo.... Nakatakas na ako kaya lagot ka na sakin" tumayo na sya at inayos nya yung damit nya "Kung kaya mo" humakbang ako patalikod "Kaya ko talaga lagot ka na" palapit sya ng palapit sakin Wala na akong choice kundi tumakbo. "Kung kaya mo akong habulin" sabay takbo ko pabalik sa pwesto namin kanina Bahala na si kuya este si batman sa hika ko. ************** End of Chapter 8: Ang Pag-amin! Grabe ang intense ng kaganapan sa mga character natin, maayos pa kaya nila ang gulo? Ano na ang mangyayari sa bakasyon nila pag nalaman ng lahat ang nangyari sa apat? Abangan! Hope you like it! Thank you for reading and viewing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD