Rain POV
Nagising ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin, pagdilat ko nakita ko si arvin nakaupo at nakatitig sakin kaya napangiti ako.
"Gising ka na pala" nakangiting sabi ni arvin sakin
"Why are you staring at me? May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong ko sa kanya, baka naman may panis na laway ako
"Wala naman, masama bang tignan ang maganda kong girlfriend" sabay ayos nya nang buhok ko
"Sus nambola ka pa hahahah" bolero talaga sya mana kay kuya hahahaha
"Hindi kita binobola, totoo yun" depensa nya agad
"Oo na po. Wait anong oras na ba bakit parang ang dilim na ata?" tumingin ako sa paligid
"6 na ng gabi aking prinsesa" ang sweet nya ata sakin ngayon
"Anong meron bakit ang sweet mo?" takang tanong ko sa kanya
"Masama na bang maging sweet sa aking girlfriend na prinsesa ko?" nakangiting tanong nya sakin
"Ewan ko sayo mako, tara na baba na tayo baka kanina pa tayo hinahanap ng mga yun" alam kong bumabawi lang sya, ganyan naman yan pag may ginawang hindi ko nagustuhan
"Oo nga eh tagal din natin nakatulog. Sarap talaga matulog pagkatabi ang mahal ko" pangbobola muli nya
"Hahahah ewan ko sayo" umupo na ako sa kama
"Sus kinikilig ka lang mako eh" panunukso nya
"Tse! Mauna ka na bumaba mako magbibihis lang muna ako, hindi pa pala ako nakakapagpalit simula pa kanina" utos ko sa kanya, ngayon ko lang na realize, nakakahiya sa kanya
"Kaya naman pala may naamoy akong amoy pawis ikaw pala yun hahahah" nagmadali syang tumayo ng hahampasin ko na sya
"Hoy grabe ka naman ang sama mo" inamoy ko yung sarili ko "Hindi naman ah" reklamo ko sa kanya
"Eto naman joke lang. Kahit ano pa ang amoy mo mahal pa rin kita" sabay yakap nya sakin
"Tse! Bumaba ka na nga dun magbibihis na ako" birong pagtataboy ko na sa kanya
"Eto na po, bababa na. Pero kaya mo na ba bumaba mag-isa?" pag-aalala nya, ano akala nya sakin pilay
"Oo naman! Hindi naman po ako baldado ano po, tsaka nakapagpahinga na ako, kaya okay na ako" nginitian ko sya
"Osige na bababa na talaga ako, see you later mako" he kiss me on my forehead
"Sige po, see you later" nagwave ako sa kanya
Nakalabas na si arvin ng kwarto, ako naman ay magpapalit na ng damit kanina ko pa kasi ito suot, nang matapos ako ay bumaba na agad ako.
Habang bumababa ako ng hagdan naririnig ko sila nag-uusap usap hindi nila ako napansin na pababa na kaya nagulat sila ng magsalita ako.
"Mga ate, mga kuya anu pong pinag-uusapan nyo?" sabay ngiti ko sa kanila
Natahimik sila at napatingin sakin.
"Parang nakakita naman po kayo ng multo" pagbibiro ko pa sa kanila
Nang matauhan sila, ang dami agad nilang tanong sakin.
"Rain okay ka na ba?" tanong ni lhean
"Ayos ka lang ba?" tanong din ni dean
"May masakit ba sayo?" tanong naman ni jacob
"Magaling ka na ba?" tanong din ni clark
"Buti naman nagising na si sleeping beauty" natatawang sabi naman ni sheng
"Sleeping beauty ka po dyan, tsaka pwede po ba magrelax lang kayo. Opo okay na po ako, wag na po kayong mag-alala" ganyan sila sakin sa tuwing mag-aalala sunod sunod ang mga tanong nila
"Hay buti naman okay ka na" sabay ngiti ni bob
"Magiging okay talaga si Rain kasa---" naputol sasabihin ni sheng
"Oo nga eh buti okay na sya" pagsingit bigla ni arvin
"Anu ba problema mo? Masama bang sabihin na ma----" naputol ulit sasabihin ni sheng
"Ang daldal mo namang bata ka" tinakpan ni ate joyce ang bibig ni sheng
"Buti nagising ka na, gigisingin na sana namin kayo eh" sabay lapit sakin ni kuya
"Oo nga, paakyat na nga sana kami eh para tawagin kayo" inalis na ni ate joyce yung kamay nya sa bibig ni sheng
"Magigising talaga si Rain nandyan yung prince charming nya eh hahahah" nagsimula na naman dumaldal si sheng
"Loka loka ka talaga prince charming ka dyan. Tara na nga po kain na po tayo" lumapit na ako sa kanila
"Gaganahan kang kumain bunso kasi special yung niluto at nagluto hahahaha" inakbayan ako ni kuya
"Ano nga po pala yung pagkain at sino po nagluto?" tanong ko naman sa kanila
"Malalaman mo mamaya, kaya tara na sa kusina" aya naman ni sheng samin
"Sugod mga kapatid!" sigaw bigla ni jacob
"Baliw! Sige na una na kayo dun tatawagin lang namin sila Red" utos naman ni kuya samin
"Sige po, intayin na lang po namin kayo sa kusina" sagot ko
Umakyat na sila kuya, kami naman ay nagpunta na sa kusina.
Pagdating namin sa kusina naghain na kami tapos nag-usap usap muna habang hinihintay sila kuya.
"Rain anu ba ang nangyare sayo?" Nag-aalalang tanong ni dean
"Wala po, kulang lang po talaga ako sa tulog at may jetlag pa" pagdadahilan ko ng hindi tumitingin sa kanila
"Rain 1 week ka na nandito sa Pinas, jetlag pa rin" biro ni sheng
"Bakit po ba, eh sa jetlag pa po ako eh, tsaka wag na po kayong mag-alala okay na po ako" pagpapakalma ko sa kanila
"Sure ka ba na okay ka na talaga?" paninigurado ni bob para talaga syang si kuya
"Oo naman po, malakas po ata toh" pinakita ko yung kunwaring muscle ko sa braso
"Oo sure na sure na okay na yan si Rain nakasama nyang matulog prince charming nya eh" nang-aasar na naman si sheng
"Sinong prince charming nya?" takang tanong ni jacob
"Ewan ko sayo Jacob engot ka talaga, sino ba jowa nya?" yamot na saad ni sheng
"Si Arvin!" sagot ni jacob
"Yun ang prince charming nya. Ang slow mo talaga" napailing si sheng
"Panu naging prince charming si Arvin eh wala naman kaharian yan" sunga talaga si jacob, kaya laging syang inaasar nila kuya eh
"Oo nga tsaka wala naman mga kawal at korona si Arvin" isa pa itong si clark, mag bestfriend talaga sila ni jacob
"Hahahah ewan ko sa inyo slow nyo kahit kelan. Pero Sheng pano mo nalaman?" pagsali naman ni arvin
"Edi sinabi sakin ni Joyce" sagot ni sheng
"Hala nakita pala nila kami? Buti hindi nagalit si Renz" takang tanong ni arvin
"Akala mo lang Arvin, nagka LQ nga sila kanina pagtapos kayong makita" paliwanag ni sheng
"Wait nakita kami nila kuya, pano, kelan at bakit?" gulat na tanong ko
"Kanina kasi dapat gigisingin nila kayo para maki-join sa MoMa (Movie Marathon), pag akyat nila nakita nila kayo natutulog na magkayakap galit na galit nga daw si Renz nun eh susugurin sana si Arvin buti na lang napigilan ni Joyce at dun na sila nagtalo, nainis si Joyce kaya ayun nauna bumaba sumunod naman yung kuya mo at hindi na sila nagpansinan" pagkukwento ni sheng samin
"Hala grabe dahil samin nag-away pa sila" nakakaguilty naman
"Wala ka naman kasalanan nabigla lang siguro kuya mo" tinap ni arvin yung balikat ko
"Kahit na kailangan ko pa rin magsorry sa kanila" ayaw ko maging dahilan ng pag-aaway nila
"Hindi na ako makikipagtalo sayo Rain alam ko naman na hindi kaya ng konsensya mo" pagsuko ni arvin
"Hahahah. So anu po pala ang ulam?" pag-iiba ko ng usapan
"Hulaan mo alam namin na kaya mo hulaan yan" nakangiting saad ni sheng
"Wait!" inamoy ko yung kusina "Tinola po ang ulam" nakangiting sagot ko
"Ang galing mo talaga hahahaha alam mo na din kung sino ang nagluto" tanong naman ni dean
"Oo naman po edi si Ate Joyce" confident na sagot ko
"Oh bakit narinig ko pangalan ko dyan" napatingin kami sa nagsalita
"Parang gulat na gulat kayo hahahah epic ng mukha nyo" natatawang saad ni kuya habang papalapit samin
"Nandyan na pala kayo bro, lika na umupo na kayo, kain na tayo" aya ni bob sa kanila
Nagsiupuan na sila. Ganito pwesto namin.
~
Clark-sheng-lhean-jacob-bob-dean
TABLE
Kuya- Ate joyce-ako-arvin-berna-red
~
"Bakit narinig ko pangalan ko kanina?" takang tanong ni ate joyce
"Pinahuhulaan kasi namin kay Rain kung ano yung ulam at sino nagluto" kwento ni dean
"Nahulaan naman nya sakto naman pagkasabi ng pangalan mo eh dumating kayo" dugtong ni sheng
"Galing talaga ni Rain pagdating sa pagkain alam nya agad kung anu yung niluto" pagmamalaki ni ate joyce sakin
"Yan pa eh matakaw yan hilig sa pagkain pero hindi naman tumataba" pagbibiro ni kuya
"Hahahah natutunan ko lang po yan kila daddy, tsaka nga pala Kuya at Ate Joyce sorry po" paumanhin ko sa kanilang dalawa
"Sorry para saan?" tanong ni ate joyce
"Bakit?" ganun din si kuya
"Dahil po sakin nag-away pa kayo" paliwanag ko
"Anu ka ba wala yun, tsaka okay na kami" ngumiti si ate joyce
"Oo nga naman bunso hindi mo kasalanan yun, OA lang ako" paliwanag ni kuya
"OA ka naman lagi eh" pang-aasar ni jacob kay kuya
Nagtawanan kami lahat pwera lang sa dalawa sila berna at red.
"Hoy bakla, wag kang sumabat dyan baka gusto mo masapak" pagbabanta ni kuya kay jacob
"Pwede na bang kumain" mataray na pagsingat ni berna
"Tama na yan, kain na nga tayo" pagsaway ni ate joyce sa kanila
"Buti naman puro kasi dada" sagot ni berna sabay umirap sya
"Tsk! Magpray na muna tayo" utos ni ate joyce
After namin mag pray kumain na kami syempre hindi mawawala ang pagkwekwentuhan at tawanan habang kumakain. Tapos na kami kumain pero hindi pa rin kami tumatayo.
"Sarap talaga ng luto mo myloves" pagmamalaki ni kuya sa luto ni ate joyce
"Mas masarap kaya ang luto ni Rain" pagmamalaki naman ni ate joyce sa luto ko
"Hindi naman po. Mas masarap kaya luto mo ate" sagot ko naman
"Tama si Rain mas masarap luto mo at hindi kaya masarap luto ni Rain" panunukso ni kuya sakin
"Kaya pala kuya nasisira diet mo pag ako yung nagluto" biro ko naman
"Tse! Oo na masarap din luto mo" pag-amin ni kuya, nagtawanan kami
"Nagtalo pa kayo magkapatid" natatawang saad ni ate joyce
"Bakit po pala kayo nagsisigawan kanina?" tanong ko sa kanila
Napalunok sila sabay sabay at nagtinginan confirmed nagsisigawan nga sila kanina.
"W-wala yun" utal na sagot ni kuya
"Nagkakasiyahan lang" sagot naman ni ate joyce na hindi makatingin samin
"Sigurado po kayo?" tinignan ko sila isa isa
"Oo naman" sagot naman ni sheng na sa baso nya nakatingin
"Maiingay lang talaga kami" palusot naman ni jacob na nakangiting pilit
"Okay sabi nyo po eh" kahit na alam kong nagkagulo naman talaga kayo
"Sino pala maghuhugas ng mga ginamit natin?" tanong ni dean samin
"Si Berna wala naman yang ginawa simula kanina" sagot agad ni sheng
"Oo nga si Berna na lang" pagsang-ayon ni lhean
"Bakit naman ako? Ayoko ko nga maghugas" maarteng pagtanggi naman ni berna
"Hindi pwedeng ayaw mo, hindi ka prinsesa dito kaya kailangan mo kumilos" mataray na sagot ni sheng
"Tama at wala ka sa inyo kaya sa ayaw at gusto mo ikaw ang maghuhugas" pagsang-ayon ulit ni lhean
"Ayoko kahit ano pa sabihin nyo hindi ako maghuhugas" mariin na sagot ni berna
"Ano pa donya ka dito alalahanin mo teryotoryo namin ito" nagsalita na rin si ate joyce ramdam ko yung inis nya
"Wala akong pakialam. Ayan si Rain paghugasin nyo tutal okay na naman sya, wala din syang ginawa simula kanina at bagay naman sa kanya" pagbaling sakin ni berna kaya napayuko ako
"Hoy! Magpreno ka naman, kapatid ko yang sinasabihan mo!!" galit na sabi ni kuya na tinuro pa si berna
"Bro relax lang hayaan nyo na kung ayaw nya maghugas" pag-awat naman ni arvin sa kanila
"Arvin hindi pwede yun kailangan nyang matutong makisama, sumama sama sya dito kailangan nyang kumilos" sabat naman ni jacob
"Eh sa ayaw ko maghugas edi kayo ang maghugas ang dami dami nyo" inis na sagot ni berna
"Ang kapal ta---" hindi na natapos ni sheng yung sasabihin nya ng magsalita na ako
"Stop it okay. I will do it" pag-awat ko sa kanila
Hay nako eto na naman po sila nagtatalo talo sila dahil sakin. Hindi ko naman alam kung bakit ganyang ang pakikitungo sakin ni berna.
"Hindi pwede Rain baka mabinat ka pa" pagkontra agad ni dean
"Bawal ka pa mapagod kailangan mo pa magpahinga" paliwanag naman ni kuya
"Masyado nyong bine-baby yan, sya na nga daw maghuhugas ayaw nyo pa" galit na sabi ni berna
"Mako hindi pwede sila na lang paghugasin mo" pagkontra din ni arvin
"Arvin wag nyong gawin baby yan malaki na yan kaya nagiging tamad at mahina yang si Rain eh masyado nyo kasing bine-baby" galit na saway ni berna kay arvin
"Hoy wala kang alam sa pinagdadaanan ni Rain kaya wag kang magsalita ng kung ano ano" naiinis na saad ni ate joyce
"Tama na po yan ako na ang maghuhugas wag na kayo kumontra, kaya ko naman po" pag-awat ko muli sa kanilang pagtatalo
"Pero Rain hi--"
"Kasasabi ko lang po, na wag na po kumontra" pagpigil ko sa sasabihin ni kuya
"Tutulungan ko na lang si Rain" pagsingit bigla ni red
Napatingin kami kay red sa sinabi nya. Hindi nya na siguro kinaya anh pagtatalo nila.
"Yan tutulungan na po ako ni Red kaya wag na po kayo mag-alala" ngumiti na ako sa kanila
"Oh ano okay na pwede na ba ako umalis" inis na tanong ni berna
"Sige! Pwede na!" galit na sagot ni dean
"Oo umalis ka na!... Umalis ka na dito!" galit din si sheng
"Wag ka ng babalik!" inis na sabi naman ni lhean
Umalis na si berna na galit yung itsura, nagkibit balikat na lang ako.
"Red ano lika na magligpit na tayo" pagyaya ko kay red tsaka ako tumayo
"Sige!" sagot nya at tumayo na rin sya
"Wag na Rain kami na dyan gusto lang naman sana namin turuan si Berna na kumilos" pagpigil ni dean samin
"Kami naman talaga ang maghuhugas" pagliwanag ni lhean
"Okay lang po, sige na po pahinga na kayo, kami na po bahala dito kaya na namin ito" sagoy ko naman sa kanila sabay ngiti
"Sure ka ba mako?" paninigurado ni arvin sakin
"Oo naman" simpleng sagot ko
Niligpit na namin ni red yung pinagkainan namin kaya wala na silang nagawa kaya umalis na sila, habang naghuhugas kami ng plato kinausap ko si red masyado kasi syang tahimik.
"Why are you so quite?" tanong ko sa kanya sabay banlaw ko sa mga plato
"A-ako ba?" kabadong tanong ni red na nakaturo pa sa sarili nya
"Hindi yung katabi mo" tumuro pa ako sa gilid nya "Malamang ikaw tayo lang naman ang nandito eh" pagbibiro ko sa kanya
"A-ano kasi nahihiya ako sa inyo" yumuko si red pagtapos nya magsalita
"Don't be shy. Mababait naman kami" sabay ngiti ko sa kanya
"Oo nga eh halata naman lalo ka na" sabay ngiti nya din sakin
"Thank you!" nakangiting sagot ko sabay banlaw ulit ng plato
"English speaking ka pala?" tanong nya habang nagsasabon ng plato
"Nasanay lang" lumaki ka ba naman sa america eh sinong hindi masasanay mag-english
"Oh okay" simpleng sagot ni red
"Girlfriend mo pala si Berna, ilang years na kayo?" pag-uusisa ko sa lovelife nya
"Ah oo pero bago lang kami mga 10 months na rin" sagot ni red habang nagsasabon pa rin ng plato
"Matagal tagal na rin ah, stay strong sa inyo" nginitian ko sya
"Salamat! Pero lately nagiging cold na sya" malungkot na paliwanag nya
"Oh bakit may problema ba kayo?" takang tanong ko, kaya ba hindi sila sweet sa isa't isa
"Wala naman, hindi ko alam sa kanya, wag na natin pag-usapan" pag-iwas nya sa usapan
"Okay po" sabay kibit balikat ko
"Po ka dyan magkasing age nga lang ata tayo eh" reklamo nya
"Hahahah ganun lang talaga ako mahilig mag po at opo kahit mas bata pa sakin" paliwanag ko naman sa kanya
"Ang bait mo talaga kaya alagang alaga ka nila eh" nakangiting sabi nya
Parang may naaalala ako sa mga ngiti na katulad sa kanya, hindi ko lang alam kung saan at kanino.
"Hindi naman, ewan ko ba sa kanila kung bakit nila ako bine-baby malaki na naman ako hindi lang halata sa height" pagbibiro ko sa kanya
"Hahahahah kaya pala mahal na mahal ka nila lalo na ni Arvin kasi hindi ka lang mabait may sense of humor ka din" pagmamalaki nya sakin
"Hahahahah sana nga mahal pa rin nya ako hanggang ngayon" nararamdaman ko kasi na may nagbago kahit na okay naman kami kanina parang may nagbago talaga
"Sino si Arvin? Halata naman na mahal ka nya, panu mo naman na sabi?" pagtataka nya na humarap pa sakin
"Parang lovelife mo naging cold na rin sya sakin simula nung bumalik ako dito sa Pinas" pagkukwento ko naman sa kanya, magaan ang loob ko na magkwento sa kanya
"Galing ka palang ibang bansa?" pag-iiba nya sa usapan, ayaw nya siguro mang-usisa pa
"Oo kakauwe ko lang a week ago" sagot ko sa kanya tinigil ko muna ang ginagawa ko at humarap din sa kanya
"Welcome back?" nagugugulihang pagbati nya
"Salamat pero yung totoo binabati mo ako o tinatanong?" natatawang tanong ko sa kanya
"Hahahah welcome back!" nakangiting bati nya na
"Thanks ulit, medyo makulit ka din naman pala"
"Sa totoo lang, sayo ko nga lang naipapakita yung kakulitan ko" pag-amin nya sakin habang nakatingin sa mga kamay nyang may sabon
"Huh? Bakit naman kay Berna ba hindi ka ganyan?" naguguluhang tanong ko, sila ni berna pero hindi pinapakita kung sino talaga sya? ang gulo
"Hindi.... Pagkasama ko kasi sya tahimik lang ako, seryoso pero maalaga naman, pero yung kakulitan ko na ganito hindi ko nilalabas pagkasama sya, siguro pag nasa bahay lang ako" paliwanag nya sakin habang nakatingin na sakin
"Bakit naman?" pagtataka ko, nakakunot pa ang noo ko
"Hindi ko alam basta magaan lang loob ko sayo" nagkibit balikat sya sabay ngiti
"Hahahahah okay, mas bagay nga sayo yung ganyan masayahin at naka-ngiti hindi katulad kanina seryoso ka lang" nakangiting saad ko, ang cute nya
"Talaga? Salamat friend?" tanong nya sabay abot nya ng kanang kamay nya
"Friend!" nagshakehand kami
"Ay sorry hindi ko sinasadya" natalsikan kasi ako ni red ng tubig
"Ah ganun" tinalsikan ko din sya "Sorry hindi ko din sadya" natatawang paumanhin ko sa kanya
"Ganyan pala gusto mo ha" panghahamon nya
Nagbasaan na kami pagtapos namin maglaro umakyat na kami para magpalit dahil basa kami.
Magaan din ang loob ko sa kanya para bang nagkita na kami dati parang ganun, basta magaan ang loob ko sa kanya.
***************
End of Chapter 7: Ang Pagiging Sweet!
Ilang beses na silang nagtatalo talo, matatapos pa kaya ang pagtatalo nila? Magiging maayos at maganda pa kaya ang bakasyon nila? Hanggang saan kaya makakarating ang pagkakaibigan nila rain at red?
Abangan!
Thank you for reading and viewing, Hope you like it this chapter