CHAPTER 4

3094 Words
Dean POV Kararating lang namin dito sa baguio, ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin. At sa resthouse kami nila tita mina ang tita nila joyce at sheng tutuloy para sa isang linggong bakasyon namin dito sa baguio. "Guys nandito na tayo" anunsyo ni arvin pagkapark nya ng sasakyan "Tara na bumaba na tayo" utos ni renz samin At nagsibabaan na kami pwera lang kay rain at joyce kasi tulog pa rin si rain hanggang ngayon. "Hay sa wakas nakarating na tayo, sakit na ng pwet ko sa haba ng byahe" reklamo ni jacob habang nag-uunat "Ang dami mong reklamo, sana hindi ka na lang sumama bakla ka talaga" pang-aasar naman ni clark sa kanya "Oh tama na yan mamaya mag-away pa kayong dalawang bakla" pag-awat naman ni renz sa dalawa sabay ngisi "Sabing hindi kami bakla. Halikan kita dyan eh" sabi ni jacob pa bakla baklang magsalita "Bro kadiri ka wag kang lalapit sakin baka masapak kita"  banta naman ni renz sa kanya Tumawa naman kaming lahat sa kalokohan nila, pwera lang kay berna na nakapoker face. "Hoy tigilan nyo na yan ibaba nyo na yung mga gamit para makapasok na tayo sa loob at nang makapagpahinga na itong si Rain ng maayos" pagsaway naman ni joyce sa boys habang yakap si rain "Aba kelan pa naging sleeping beauty si Rain hahahah" pagbibiro ni sheng "Paimportante!" mataray na saad ni berna mahina lang at hindi nakaligtas sa pandinig ko yun "Hahahah! Oo nga kanina pa tulog yan hindi pa nga sya kumakain" hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni berna "Arvin kailangan ata ng mahiwagang halik mo para magising si Rain hahahah" biro naman ni jacob "Tsk! Daming alam" reklamo ni berna, kanina pa yan bulong ng bulong pero hindi na lang namin pinapansin "Sige wait lang" pagpayag ni arvin at papalapit na sya kay rain "Hoy Arvin! Subukan mo lang idikit yang nguso mo sa kapatid ko dudugo yan sakin" pagbabanta ni renz sa kanya "Renz 'di ka naman mabiro, joke lang naman yun" sabay kamot sa batok ni arvin Mga maaangas at mga siga pero takot naman kay renz. "Gisingin mo na yan myloves delikado na yan kanina pa yan tulog" sabi ni renz na nasa likod ng van dahil nagbababa sya ng mga gamit "Bakit delikado kasi hahalikan ni Arvin hahahah" pagbibiro naman ni clark "G@go! Trip mo na naman ako Clark" reklamo ni arvin sa kanya "Hoy tumigil na nga kayo, tumulong na lang kayo magbuhat ng gamit" saway ulit ni joyce sa boys Ako naman lumapit na kila joyce para gisingin na si rain minsan kasi tulog mantika din ang batang ito. "Rain gising na" sabay tapik ko sa braso ni rain "Rain gising na nandito na tayo" pang gigising din ni joyce sabay hawi sa buhok ni rain Unti unti naman na si rain gumalaw at nagkusot ng mata tsaka tumingin samin. "Hmm nandito na po ba tayo?" matamlay na tanong ni rain "Oh ang sleeping beauty natin nagising na hahahah" panunukso ni lhean Napatingin ako bigla sa kanila at nakita kong umirap si berna. Anu kaya problema nya. "Mga baliw wag nyo asarin si Rain baka magwala yan hahahah" natatawang saway ko sa kanila May mga oras kasi na parang bata si rain pag binibulabog ang tulog nya nagtatrumtams sya. "Baliw po talaga kayo" matamlay na sabi ni rain at ngumiti ng konti "Oh bakit ang tamlay mo na naman? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni sheng sa kanya "Wala po, ganun po talaga bagong gising po eh" sabay ngiti nya ulit "Oh tama na yan, tara na pumasok na tayo sa loob" aya ko na sa kanila Bumaba na sila joyce at rain sa van at sinarado na nila ang pinto. Pumasok na kami sa loob ng bahay. "Guys may pitong room dito pero lima lang ang magagamit natin kaya yung dalawang kwarto tig-tatlong tao at yung tatlong kwarto tig-dalawang tao, so sino sino ang magkakasama?" paliwanag ni joyce samin "Basta sa isang room kami ni Rain" may pagtaas at baba pa ng kilay si arvin "Naku Arvin tigil tigilan mo ang kapatid ko" sita sa kanya ni renz, overprotective kuya talaga sya "Hahahah bantay sarado si kuya" biro ko naman sa kanya "Speaking of Rain nasan na sya?" tanong ni sheng at lumingon lingon pa "Oo nga noh nasaan na naman si Rain?" paghahanap din ni clark "Wag nyong sabihin tulog na naman" pag-aalala ni lhean "Mukhang tama ka By, ayun oh nasa sofa" tinuro ni jacob yung sofa Sabay sabay kaming tumingin sa may sofa at nandun nga sya nakasandal at nakapikit. "Renz may sakit ba ang kapatid mo? Bakit laging tulog?" tanong ni arvin "W-wala naman. Siguro ano, ano lang pagod" sagot naman ni renz "Pagod? Pagod saan?" takang tanong ko, eh puro tulog nga lang ang ginawa nya kanina "Baka naman hindi na sanay bumyahe ng malayo" sagot naman ni joyce "Baka nga" pagsang-ayon ni lhean sa kanya "Hayaan nyo muna si Rain. Oh sino na magkakasama sa kwarto?" pag-iiba ng usapan ni joyce "Ganito na lang ako, joyce at rain tapos Dean, Sheng at Lhean tapos Jacob at Clark, Bob at Arvin then Berna at Red" paliwanag ni renz samin "Sige punta na tayo sa mga kwarto natin" pagsang-ayon ni bob sa sinabi ni renz "Oo nga tara na para makatulog na ng maayos si Rain" kinuha na ni joyce yung bag nya "Arvin buhatin mo na yang si Rain sa taas" biro ni sheng "Oh bakit ako? Sila Bob na lang dami ko pang-aayusin eh" reklamo na sagot ni arvin "Oo nga, bakit si Arvin pa tsaka pwede naman gisingin na lang yan si Rain hindi na naman yan baby para buhatin pa" sabat naman bigla ni berna "Malamang Arvin ikaw yung boyfriend" seryosong sagot ni bob "Si Renz naman yung kuya nya" depensa naman ni arvin "Oh anong problema Arvin kung sayo pinapabuhat yang girlfriend mo" seryosong tanong ni clark "Bakit kasi si Arvin pa?... Pwede naman yang si Renz na lang, tutal sya naman yung kuya" sabat ulit ni berna "Bakit ka ba sabat ng sabat hindi naman ikaw yung kinakausap" inis na saad ni sheng "Sandali nga lang Berna ano ba problema mo kay Rain ha" galit na tanong ni joyce "Kaya nga kung makahasta ka kala mo ikaw yung girlfriend ni Arvin" mataray na saad ni lhean "H-hindi nga ako yung g-girlfriend ako naman yung bestfriend bakit masama bang maging concern?" mataray na sagot ni berna "Wow concern.... Concern nga lang ba?" makahulugang tanong ni lhean sa kanya "Wag nyong na awayin si Berna, concern lang yan" saway ni arvin sa girls "Aba pinagtanggol mo pa" mataray na saad ni joyce Si red tahimik lang at nakikinig sa pagtatalo nila. "Hoy Arvin sabihin mo lang kung ayaw mong buhatin si Rain hindi yung ang dami mo pang sinasabi" seryosong saad ni renz "Kanina lang gusto mo makasama tapos ngayon inaayawan mo na" napailing na lang ako, ano ba problema sa pagbuhat sa girlfriend nya papunta sa kwarto "ITIGIL NYO NA ANG PAGTATALO!" sigaw ni rain kaya natahimik kami "AAKYAT AKO MAG-ISA!" sigaw ulit nya at tumayo na sya "Bunso sa dulong pinto kwarto natin" pahabol na saad ni joyce Umayak na si rain sa taas ng walang pinansin samin nh daanan nya kami, at eto kami pagkalagpas naman nya dito ay nagtatalo talo ulit. "Yan kasi nagtatalo talo pa kayo" sermon ko sa kanila "Aba si Renz ang sisihin mo inutos pa kasi yung dapat sya ang gumagawa sa kapatid nya" sumbat naman ni berna "Ikaw kanina ka pa eh may problema ka ba samin" matapang na pagkompronta ni joyce sa kanya "Myloves tama na yan, haya---" napatigil si renz *Booooooggssshhhh* "Guys ano yun?"  tanong ko sa kanila parang may bumagsak kasi galing sa taas "s**t! SI RAIN!" sigaw ni renz sabay takbo paakyat Kami naman sumunod na sa taas naiwan naman sila berna, red at arvin sa baba. Pagdating namin sa taas nakita namin yung isang pinto na nakabukas at nandun sa sahig si rain nakahiga at walang malay. Kaya tumakbo kami papalapit sa kanya. . . . Rain POV Bumaba na kami sa van at pumasok na kami sa loob ng bahay dahil antok pa ako at pinapasok pa nila yung mga gamit natulog muna ako sa sofa. Nagising ako dahil ang ingay nila nagtatalo talo sila. "Sandali nga lang berna ano ba problema mo kay rain ha" "Kaya nga kung makaasta ka kala mo ikaw yung girlfriend ka ni arvin" "H-hindi nga ako yung girlfriend ako naman yung bestfriend bakit masama ba maging concern" "Wow concern, concern nga lang ba" "Wag nyong na awayin si berna concern yan" "Aba pinagtanggol pa" "Hoy arvin sabihin mo lang kung ayaw mo buhatin si rain dami mo pa sinasabi" "Kanina lang gusto mo makasama tapos ngayon inaayawan mo na" "ITIGIL NYO NA ANG PAGTATALO!" sigaw ko kaya natahimik sila "AAKYAT AKO MAG ISA!" umakyat na nga ako mag-isa "Bunso sa dulong pinto kwarto natin" alam kong si ate joyce yun Pagdating ko sa taas pumunta agad ako sa kwarto namin pagbukas ko ng pinto hindi ko na alam kung ano nangyari kasi bigla nagdilim ang paningin ko. . . . Renz POV Pagkaakyat ni rain sa taas nagtalo talo ulit kami. Dahil sa narinig naming kalabog na parang may nahulog natigilan kami sa pagtatalo. Nagtaka kami kung ano yun. "Guys ano yun?" takang tanong ni dean "H-hindi ko alam" utal na sagot ni lhean At bigla nasagi sa isip ko si rain. "s**t! SI RAIN!" sigaw ko at napatakbo ako pataas At alam ko rin na nakasunod sila sa akin. Sa isip ko habang papunta ako kay rain sinasabi ko sa sarili ko na Sana hindi si rain yun. Sana hindi sya yun. Sana---  napatigil ako sa kakaisip ng makita ko si rain ng nakahiga sa sahig at walang malay kaya nagmadali ako pumunta sa kanya at buhatin sya papasok ng kwarto. "Hala anong nagyari kay Rain?" pag-aalala ni dean "Okay lang ba sya?" nag-aalalang tanong naman ni sheng "Okay lang ba si Rain?" takot na saad ni jacob "Guys wag muna kayo maingay please. Dun muna kayo sa labas" napalakas ata yung boses ko sa kaba kasi natahimik sila "Sige na labas muna kayo kami na bahala kay Rain. Magpahinga na muna kayo" mahinahong paliwanag ni joyce sa kanila "Sige sige basta sabihan nyo kami pag okay na si Rain" malungkot na saad ni dean Wala na silang nagawa pa kaya lumabas na sila, kami na lang dalawa ni joyce ang naiwan sa kwarto. "Myloves p-pwede ba kumuha ka ng planggana at l-lagyan mo ng tubig na malamig, yelo at bimpo salamat" natataranta kong sabi sabay inaayos ang higa ng kapatid ko sa kama "Okay myloves, pero huminahon ka muna" pagpapakalma ni joyce sakin, huminga na muna ako ng malalim At lumabas na sya ng kwarto para kumuha ng pinakukuha ko. "Eto na myloves" pagdating ni joyce sabay abot nya ng planggana Pagkabigay ni joyce pinunasan ko na agad si rain. Pagkatapos pinakiramdaman ko yung paghinga nya kung okay na, nung okay na yung paghinga nya ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Hays! Nangyari na naman ang kinatatakutan kong mangyari sa kapatid ko. Lagot ako kila mommy nito pagnalaman nila yung nangyari kay rain nangako pa naman ako na aalagaan ko sya. Sinasabi ko sa isip ko kaya napasapo ako sa noo ko. Umupo kami sa dulo ng kamang hinihigaan ni rain sa bandang paanan nya at nagsimula mag-usap. "Okay na ba si Rain?"  napalingon na ako sa kanya ng magtanong sya "Oo okay na sya. Siguro dahil sa pagsigaw nya kanina kaya naubos lahat ng lakas nya diba kanina pa sya nang hihina dahil hinika sya" paliwanag ko sa kanya "Ganyan ba talaga sya pag hinihika?" curious na tanong ni joyce "Hindi naman pero minsan ganyan sya, dalawang beses ko pa lang sya nakitang ganito pag nasosobrahan yung pag gamit ng lakas nya" paliwanag ko ulit sa kanya habang nakatingin sa kapatid ko "Grabe naaawa ako kay Rain, pinapahirapan sya ng hika nya" malungkot na saad ni joyce na nakatingin din sa kapatid ko "Naku wag mo iparinig kay Rain na sinasabi mo yan, ayaw na ayaw nya na kinaaawaan at inaalagaan na parang bata. Gusto nya kasi na maging normal lang ang ginagawa nya. Kaya nga hindi nya sinasabi sainyo eh" nakatingin lang ako kay rain, maputla pa rin sya "Kaya pala nakiusap sya na wag sabihin sa iba. Pero syempre may mga bagay pa rin siguro na bawal nyang gawin" paliwanag ni joyce "Dati konti lang ang bawal sa kanya pero ngayon medyo dumami na, kaya nga alaga ni daddy yan eh" kwento ko sa kanya "Daddy's girl talaga si Rain, spoiled kay Tito Nick" nakangiting saad ni joyce "Naku sinabi mo pa pero maka kuya's girl din yan" kahit minsan nag-aaway kami mahal ko yan "Oo nga spoiled nga sayo pagdating sa kalokohan" pagbibiro ni joyce "Kaya nga minsan nagkaka-away eh hahahaha, pero pag alam nya na nagtatampo ka o galit ka sa kanya lalambingin ka agad nyan, si Rain kaya stress reliever ko sa sobrang lambing nya" pagmamalaki ko sa kapatid ko, yun yung powers nya para maging okay kami ng pamilya ko pag may mga problema kami "Stress reliever talaga, anu si Eain gamot hahahah, at saan ka naman stress ha Mr. Millares?"  mataray na tanong ni joyce "Sa school tsaka pagbadtrip ako hahahah" natatawang sagot ko naman "Minsan nga ma-try magtampo gusto ko maranasan pano maglambing si Rain heheheh" sabay ngiti ni joyce Natigil kami sa pag-uusap ng magsalita si rain. "K-kuya" matamlay na pagtawag ni rain sakin kaya napalingon kami sa kanya "Oh bunso gising ka na pala" sabay lapit ni joyce sa kanya "W-what happen po?" tanong ni rain, ganyan naman sya pag nagigising "Nawalan ka ng malay, nailabas mo yata lahat ng lakas mo kanina sa pagsigaw mo"  paliwanag ko sa kanya at tumabi na rin ako sa kanya Tatayo sana si rain ng pigilan namin sya. "Bunso wag ka muna tumayo o kumilos mahina ka pa" mahinahong saway ni joyce sa kanya "Sabihin mo na lang samin kung may kailangan ka" hinawakan ko kamay nya "Ano kailangan mo? May gusto ka ba?" tanong ni joyce sa kanya "Hmm... N-nagugutom po ako" sagot ni rain na nanghihina pa rin "Oo nga pala hindi ka pa nakakain kanina puro tulog ka kasi. Saglit lang kunin ko yung tinake-out ni Arvin na pagkain kanina para sayo" tatayo na sana ako ng magsalita sya na ikinatinigil ko "K-kuya can I c-cook that I will eat" matamlay na tanong nya "Bakit ayaw mo ba nung pagkain? Binili pa naman ni Ar--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng nagsalita ulit si rain "B-basta po. P-please kuya" pangungulit nya "Naku hindi pwede at wag ka ng makulit yung pagkain na lang kanina" ayaw nya yung pagkain galing sa bf nya siguradong galit sya kay arvin "But k-kuya ----"  magrereklamo pa sana sya "No buts okay baby" pagsaway ko sa kanya "Im n-not baby anymore kuya. Okay l-let me have a f-favor please"  pagmamakaawa nya at nag puppy eyes pa "Okay what it is Rain?" tanong ko naman "C-can Ate Joyce c-cook for me?" malambing na tanong ni rain kahit nanghihina pa "No she's tired in the trip" hindi ko pagpayag, nako naglalambing na sya "Ate Joyce p-please" pakiusap ni rain at nagpuppy eyes kay joyce "Rain I told---" natigil ako sa pagsasalita dahil nagsalita bigla si joyce "It's okay myloves minsan lang naman maglambing si rain" nakangiting saad ni joyce "But myloves--" hindi dapat ma-spoiled si rain kay joyce "No but's mister" saway ni joyce sakin sabay tingin kay rain "Okay bunso I will cook for you" sabay kindat nya sa kapatid ko. Wala na, talo na ako nagkampihan na silang dalawang, wala na akong choice kung hindi ang pumayag. "Y-yehey thanks ate, I love you" nakangiting saad ni rain, yan na naglambing na "I love you too bunso, take a rest first" sabay ngiti ni joyce sa kanya "Hoy Rain wag mo agawin si myloves sakin may pa iloveyou iloveyou ka pang nalalaman" nakakaselos sila pag ganyan silang dalawa "Hahahahah kuya your jealous at me oh come on" sinimulan na naman nya mag-english "Ikaw bata ka kung makapang-asar ka akala mo walang nangyari, kung wala nga lang nangyari kanina lagot ka talaga sakin" pagbabanta ko ng pabiro kay rain "Ate oh si kuya inaaway ako" pagsusumbong nya "Hahahah ang kulit nyong magkapatid. Pero myloves wag mo na awayin kapatid mo wala pang lakas yan" saway sakin ni joyce, nakahanap ng kakampi ang kapatid ko "Okay" kunware nagtatampo at nagseselos ako hehehehe "Myloves wag ka nga magselos, alam mo naman na sayong sayo ako" sabay kindat sakin ni joyce kinilig ako dun ah hahahah "Narinig mo yun baby Rain akin lang ang Ate Joyce mo bleh" sabay labas ng dila ko sa kanya "Kuya your so childish hahahahah" sagot nya medyo nakapagpahinga na sya dahil nakakatawa na kahit mahina lang "I think you're a little bit okay now bunso, para tuluyan ka na maging malakas bababa na ako para maipagluto na kita ng favorite mo" tumayo na si joyce at humalik sa noo nga kapatid ko "Yes! You are the best ate in the world" tuwang tuwa sabi ni rain pero bakas pa rin na mahina pa sya "Rain pwede bang tama na ang pag-eenglish kasi pati kami nahahawa na sayo" sanay kasi mag english tong kapatid ko lumaki ba naman sa state "Okay po kuya" sagot nya with her sweet voice "Sige na baba na ako, myloves alagaan mo yang kapatid mo" pumunta na sa pintuan si joyce "Opo myloves ako na bahala, alam ko naman mahal mo tong baby sister ko" pang-aasar ko kay rain "Kuya I said im not baby anymore" sabay nguso ni rain, she so cute like a baby "Baby I said don't speak english anymore" sita ko sa kanya na may pang-aasar "Ate oh si kuya" pagsusumbong na naman nya kay myloves "Hahahahah renz wag mo na asarin yan mahina pa yan" saway naman sakin ni joyce at lumabas na ng kwarto Ako naman ay tumayo na para ayusin yung mga gamit namin. "Kuya can you do me a favor again?" pilit na tumatayo sya "Rain I told you not to move, just lay down on your bed" utos ko sa kanya "Kuya help me to sit down please" pakiusap nya na gusto talaga makaupo kaya inalalayan ko sya "Rain kasasabi ko lang na wag na mag-english" state pa more lil sis hahahah "Ops im sorry kuya i didn--- hindi ko po sinasadya" paumanhin nya "Okay okay. Anu yung favor ng lil sis ko?" sabay lapit ko sa kanya "Pwede po ba na wag nyo pong sabihin kila daddy yung nangyari baka kasi iuwi ulit nila ako sa state atsaka wag mo din pong sabihin sa barkada kung bakit nangyari yun kanina" pakiusap nya sa akin "Oo naman, hindi ko talaga sasabihin kila mommy kasi mapapagalitan din ako nila. Remember sagot kita" sabay akbay ko sa kanya "Thanks kuya, kaya mahal kita eh" naglambing na ulit sya "Mas mahal kita baby Rain" pang-aasar ko "Kuya!" pagmamaktol ni rain "Hahahah cute kaya" sabay ngiti ko, I really miss her "Thank you very much kuya. You're the best kuya" nakangiting saad nya sakin "No choice ka naman lil sis ako lang naman ang kuya mo" natatawang sagot ko "I know kuya!" sabay ngiti nya sakin Nagtawanan kami. Nag-usap pa kami hanggang sa dumating si joyce na dala dala yung pagkain ni rain. ************* End of Chapter 4: Ang Pagtatalo! Buti naman at maayos na ang kalagayan ni rain kahit medyo mahina pa sya. Ano naman kaya ang nangyayari sa iba nilang barkada? Abangan! Hope you like this chapter! Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD