CHAPTER 3

3790 Words
Rain POV Nandito ako sa kwarto ko nagdodouble check kung ayos na ang mga gamit ko na dadalhin ko para sa bakasyon namin nang may biglang kumatok. *Knock.... knock....* "Come in po!" sigaw ko habang inaayos ko ang mga gamit ko "Bunso ready ka na ba?" tanong ni kuya pagpasok nya "Opo nagdo-double check lang po ako" sagot ko, mukhang wala na namam akong nalimutan "Sige bilisan mo at nasa baba na yung iba" sabay ngiti ni kuya sakin "Opo kuya, susunod na po ako sa baba" sinarado ko na yung bag ko "Sige intayin ka namin" lumabas na si kuya Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko bumaba na rin ako. Naabutan ko sila sa sala nag-uusap usap. "Goodmorning mga ate at kuya" pagbati ko sa kanilang lahat "Goodmorning din!" bati naman ni ate joyce sakin sabay halik ko sa pisngi nya "Rain akin na yang gamit mo ilalagay na natin sa likod ng van" kinuha ni kuya yung bag ko "Sige po. Sino pa po ba inaantay natin?" tanong ko sa kanila "Sila Jacob alam mo naman yun laging late" natatawang sagot ni dean "Hahahah sila na lang po ba?" always late talaga sila jacob kahit saang usapan "Oo pati boyfriend mo" sagot ni sheng "Ah okay po. Sige kain po muna ako, tara kain po tayo" yaya ko sa kanila at iniwasan ko yung topic kay Arvin "Tapos na kami, ikaw na lang ang kumain. Hintayin na lang namin sila" sagot ni kuya at umupo sya sa tabi ni ate joyce "Okay po!" sagot ko sabay kibit balikat ko Pumunta na ako sa kusina at naabutan ko dun si mommy na nag-aayos ng pagkain. "Goodmorning mommy, aga nyo naman pong gumising" bati ko sabay halik sa pisngi ni mommy "Goodmorning anak! Inaayos ko lang yung mga dadalhin nyong pagkain" sagot ni mommy habang nagsasarado ng tupperware "Ah okay po, nasan po pala si daddy?" tumingin pa ako sa paligid para hanapin si daddy "Nandun sa banyo umihi lang. Oh kumain ka muna dyan sabayan mo na ang daddy mo" malambing na sagot ni mommy "Okay po!" umupo naman na ako sa katabing pwesto ni daddy "Goodmorning baby ko buti naman at bumaba kana kanina ka pa nila inaantay" masiglang bati ni daddy pagkadating sabay halik sa ulo ko at umupo na sya sa tabi ko "Goodmorning din po daddy. Atsaka hindi na po ako baby" nakangusong reklamo ko "Hay naku RD wag kang gumanyan hindi bagay sayo, at kahit may asawa ka na ikaw parin ang baby namin" bigla biglang sumusulpot si kuya na paranh kabute "Oh Renz nandyan ka pala, kumpleto na ba kayo?" tanong ni daddy sa kanya "Hindi pa po dad. Baby RD bilisan mo na dyan ha" sagot ni kuya sabay baling sakin "Sabing hindi na ako baby! Mommy oh sila kuya" pagsusumbong ko kay mommy "Hahahaha kayong dalawa wag nyo ng asarin ang baby natin este si Rain" pagsaway ni mommy pero inasar din ako sa dulo "Mommy naman eh!" sabay inom ko ng gatas "Hahahaha oh tama na yan asaran, bilisan mo na dyan Rain" natatawang saad ni daddy "Yes daddy!" kumain na ako ng kumain, pancake at bacon lang naman ang breakfast ko "Dun po muna ako sa kanila dad, mom" paalam ni kuya sa amin "Sige anak" sagot ni mommy Tapos na ako kumain, kaya nagpaalam na ako kila daddy na pupunta na ako kila kuya pero bago ako umalis may sinabi muna sila. "Princess dala mo ba yung dapat mong dalhin?" tanong sakin ni daddy "Oo naman po!" syempre hindi ko pwedeng kalimutan yun "Oh wag mo kakalimutan inumin yun ha" paalala naman ni mommy "Shhh!... Wag po kayo maingay mommy baka may makarinig" pagpigil ko kay mommy "Bakit kasi ayaw mo pa sabihin sa kanila at lalo na sa kuya mo?" eto na naman po yung palaging tanong ni daddy sakin "Daddy diba po okay na naman po ako kaya hindi na nila kailangan malaman, tsaka okay na yung hika lang po ang alam ni kuya" paliwanag ko ulit sa kanila "Osya mag-iingat ka dun ha. Kagagaling mo lang sa---" pagputol ko kay daddy "Yes daddy! I'll go there na po" paalam ko sa kanya "Okay princess" sagot naman ni mommy tsaka sya napabuntong hininga Papunta na ako kila kuya ng makita ko si ..... "A-ate j-joyce?" utal na sabi ko . . . Joyce POV Papunta ako ng CR ng makita ko sila tito na nag-uusap, hindi nga nila ako napansin. Nandito ako sa loob ng cr ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. May hika pala sya, kaya pala masyadong protektive ang kuya nya sa kanya kahit na minsan nag-aaway sila. Lumabas na ako ng CR ng makasalubong ko si rain. Halatang nagulat sya pagkakita nya sakin. "A-ate J-joyce?" utal utal na saad nya, mukhang kinakabahan sya Nginitian ko lang sya. "Na-narinig mo po?" utal na tanong nya sakin Ngumiti ulit ako at tumango. "May hika ka pala?" simpleng tanong ko "O-opo" sabay yuko nya "Bakit hindi mo sinasabi samin?" tanong ko sa kanya "Ayoko lang po kayo mag-alala. Ate pakiusap po, sana sating tatlo na lang po ito nila kuya" sanay talaga sya na kinikimkim ang problema nya "Sige sabi mo eh basta pag kailangan mo ng tulong nandito lang ako" ngayon alam ko na, poprotektahan ko na din sya "Yes ate! Thank you po" sabay ngiti nya sakin "Oh tara na dun, baka kumpleto na sila" aya ko sa kanya at inakbayan sya, tumango lang naman sya at ngumiti sakin bilang pagpayag nya Pagpunta namin sa labas nakita namin na nandun na sila jacob tapos nagtatawanan pa sila. Pumasok si rain sa loob ng van. Lumapit naman ako kay renz at bumulong. "Myloves bakit hindi mo sinabi na may hika pala si Rain?" palihim na bulong ko kay renz Nagulat sya sa sinabi ko kaya napatingin sya bigla sakin. "P-paano mo nalaman myloves?" utal na tanong ni renz "Sorry narinig ko kasi pinag-uusapan nila tito kanina nung nag CR ako" paumanhin ko sa kanya "Alam ba ni Rain na alam mo na?" nag-aalalang tanong nya "Oo alam na nya, nakiusap nga na wag sabihin sa iba" sagot ko naman Tumango sya at ngumiti sakin. Tapos nagsalita si rain. "Oh kumpleto na po pala tayo eh, tara na 4am na po eh" aya ni rain samin "Kumpleto ka dyan wala pa kaya jowa mo" sagot ni lhean sa kanya "Ganun ba, Okay!" nagcellphone ulit sya "Always late talaga yang si Arvin" dakilang late talaga sya "Sinabi mo pa myloves" pagsang-ayon ni renz "Speaking of nandyan na sya" biglang sabi ni jacob Sabay tingin namin sa gate lahat papasok si arvin. "Sorry late kami" paumanhin ni arvin "Kami???" sabay sabay naming sabi "Oo kami bakit?" takang tanong ni arvin "Sinong kayo? Don't tell---- s**t!" nagulat si renz sa nakita nyang papasok sa gate Napamura sya kasi nakita namin kasama nya si berna at may kasama pang isang lalaki. "Uy bibig mo naman kuya" sita ni rain sa kuya nya Napatingin ako sa kanya hindi pa pala nya nakikita kung sino ang kasama ng boyfriend nya kasi nasa loob sya ng van nakaupo malapit sa pinto, kami kasi nasa labas. "B-bakit kasama mo sya? At sino yung kasama nya?" takang tanong ni dean Kaya patingin si rain sa gate. Pagtingin nya napalaki ang mata nya at napatayo palabas. Kaya nilapitan ko sya napatingin naman si rain sakin pati ang kuya nya. . . . Rain POV Nakaupo ako sa loob ng van pero malapit sa pintuan at nakabukas yung pinto naglalaro ako sa phone ko at sila naman nag uusap usap. Inaantay pa namin si arvin dumating para makaalis na kami as usual late na naman yun. Dahil kalalaro ko hindi ko namalayan na dumating na si arvin. Natigil ako sa paglalaro dahil sa sinabi ni dean. "B-bakit kasama mo sya? At sino yung kasama nya?"  alam ko si dean yun Kaya napatingin ako sa gate. Pagtingin ko napalaki ang mata ko at napatayo. Lumapit naman si ate joyce sakin kaya napatingin ako sa kanya nakita ko din si kuya na tumingin samin. Napatingin ulit ako kay arvin nung nagsalita sya at lumalapit sakin. "Mako goodmorning, sorry late ako" bati ni arvin sabay akbay sakin "G-goodmorning din" yan na lang ang nasabi ko dahil sa gulat "Guys niyaya ko pala si Berna, okay lang ba? Barkada din naman natin sya diba?" tanong ni arvin samin Walang sumagot alam ko naman na ayaw nila kasama si berna, kaya ako na lang ang sumagot. "O-oo okay lang" no choice naman, kaya pumayag na lang ako Tama naman sya part si berna ng barkada nakakahiya naman kung tanggihan ko/namin. Nagulat naman yung girls sa sinabi ko kaya napatingin sila sakin at bumulong si ate joyce sakin. "Sure ka ba Rain na sumama sya satin?" nag-aalalang tanong ni ate joyce Nginitian ko lang sya. "Goodmorning!" bati ko kila berna sabay ngiti totoong ngiti yun "Hello guys goodmorning. Namiss ko kayo. Sya nga pala si Red boyfriend ko" pakilala ni berna sa kasama nya Ako ang bumati sa kanya tapos ang binati nya yung barkada, sabagay sila naman talaga ang original. Kaya ngumiti na lang ako. Boyfriend nya pala yung kasama nya, parang wala naman silang spark. "H-hello?" nahihiya pa si red "Hi/Hello Red!" sabay sabay nilang bati "Bro eto nga pala si Rain girlfriend ko eto naman si Renz kuya nya, si Joyce gf ni Renz, si Dean, Lhean, Sheng, Bob, Jacob, at Clark mag jojowa din sila" pakilala samin ni arvin "Ako pala si red nice meeting you" nahihiyang pagpapakilala ni red sa amin "Nice meeting you din Red!" bati ni kuya Pagkatapos sabihin ni kuya yun, natahimik ang lahat bigla walang nagsalita parang nagpapakiramdaman. "So nandito na ang lahat, tara na po alis na tayo" aya ko sa kanila, ang akward kasi "Tara na, tawagin ko lang sila mommy" pumasok na sa loob si kuya Nang matawag na ni kuya sila daddy nagpaalam na kami na aalis na. "Mom, dad alis na po kami" paalam ni kuya sabay beso kila mommy "Tito, tita una na po kami" paalam din ni ate joyce sabay beso kila mommy "Bye mommy! Bye daddy!" sabay kiss ko sa kanila "Oh sige mga bata mag-iingat kayo ha. Anak magtext or tumawag kayo samin pag nakarating na kayo dun" paalala ni mommy samin "Opo sige po. Ingat din po" sagot ni kuya sa kanila "Renz alagaan mo yang kapatid mo" utos ni daddy kay kuya "Opo ako na po bahala sa baby natin dad hahahaha" pang-aasar pa sakin ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin pero nginisian nya lang ako "Hahahahah. Baby este Rain ang puso mo ha" pahabol pa ni daddy kaya nagtinginan silang lahat sakin "Naku tito na kay Arvin na po ang puso nyan hahahah" biro pa ni jacob, loko loko talaga toh "Loko ka Jacob, wag na po kayo mag-alala daddy" yan na lang ang sinabi ko baka kung ano pa ang masabi ko "Sige na umalis na kayo baka abutan kayo ng traffic, Renz mag-ingat sa pagdadrive" paalala muli ni mommy kay kuya "Opo!" sagot ni kuya Nagsipasukan na kami sa loob ng van at muling nagpaalam sa kanila bago umalis. "Bye daddy, mommy!/ Bye tito, tita!" sabi namin at sinarado na yung pinto Ganito ang pwesto namin sa van. Kuya | Joyce    Ako | Arvin        Dean | Bob |  Berna | Red      Lhean | Jacob | Clark | Sheng |   Mga gamit   |  Dahil medyo maaga pa naman at matagal pa ang byahe namin natulog muna kami pwera lang kila kuya syempre sya ang driver namin. . . . Renz POV Dahil medyo maaga pa at matagal pa ang byahe natulog muna yung iba. May lisensya naman ako kaya pinapayagan na nila akong magdrive kahit kami kami lang ang magkakasama. "Myloves matulog ka muna matagal pa naman ang byahe" hawak ko ang isang kamay nya "Gustuhin ko man matulog hindi pwede mamaya habang tulog kaming lahat eh bigla kang antukin baka maaksidente pa tayo" paliwanag ni joyce, ang nega naman nitong girlfriend ko "Ang nega mo naman myloves hayaan mo pag may nakita tayong gas station makikipagpalitan ako para makatulog tayo kahit papaano" paliwanag ko naman sa kanya "Sino naman ang papalit?" tanong nya sakin "Ako na lang bro" pagsingit ni arvin na kinagulat ko "Nakakagulat ka naman Vin akala namin tulog ka" bigla bigla kasi nagsasalita tong mokong na ito "Sorry naman. Eh hindi ako makatulog eh" paliwanag naman nya "Vin isandal mo nga yang ulo ng kapatid ko sa balikat mo mamaya mauntog pa yan" utos ko sa kanya, sa bintana kasi nakasandal ang ulo ng kapatid ko "Opo kuya hahahah" biro ni arvin at dahan dahan naman nya isinandal yung ulo ni rain sa balikat nya "Kuya ka dyan sapakin kaya kita" banta ko sa kanya "Joke lang bro hindi ka naman mabiro" depensa agad ni arvin "Hoy Vin matulog ka na nga para mamaya pag ikaw ang pumalit hindi ka antukin" pagsaway naman ni joyce sa kanya "Opo ate joyce" sabay tawa nya "Maka-ate wagas, hoy si Rain lang ang pwedeng tumawag sakin nyan tsaka parehas lang tayo ng edad noh" mataray na reklamo ni joyce "Sige na matutulog na ako" nakangiting saad ni arvin "Mabuti pa nga ang ingay mo kasi baka magising yung iba lalo na yang kapatid ko magwala pa yan" mahirap na magtantrums ang kapatid ko "Oo nga eh, sige tulog na ako" sagot ni arvin sabay pikit, hawak sa kamay at patong ng ulo nya sa ulo ng kapatid ko "Para paraan din si Arvin noh" naiiling na saad ni joyce "Yaan mo na holding hands lang naman eh. Wag ka na mainggit" biro ko sa kanya "At sino naman nagsabi na naiingit ako aber!" mataray na saad nya sabay irap at bato sa kamay ko "Eto naman galit agad, joke lang yun myloves" sabay hawak ulit sa kamay nya "Para paraan ka rin eh noh, manang mana sayo yang mga boys" sermon ni joyce sakin "Syempre gwapo!" pagmamalaki ko "Anong connect? Ang hangin mo naman" mataray na saad ni joyce "Pero mahal mo naman" naka hirit tuloy ako hahahah "Kuya, ate please lower down your voice po" pakiusap ni rain samin "Sorry bunso tulog ka na ulit" paumanhin ni joyce "Etong kapatid ko american girl talaga" panunukso ko pa sa kapatid ko "Kuya you're so noisy" iritang sabi ni rain "Sorry baby Rain" pang-aasar ko pa "Tsk!" asar talo talaga hahahaha Bumalik ulit sya sa pagkakatulog. At tumahimik na sa loob ng van. 3hrs na ang nakakalipas at may nakita na akong gasoline station kaya huminto muna kami. Para makipagpalitan na at makakain na rin. Pagkapark ko ay ginising na namin sila. "Guys gising na kain muna tayo" malakas na saad ko sa loob ng van Unang nagising yung boys na nag-inat inat pa. "Malapit na ba tayo?" tanong ni bob na nagkukusot ng mata "Oo medyo malapit na, kaya kumain na muna tayo at gisingin nyo na yang mga girlfriend nyo" utos ko sa mga boys "Red, Berna gising na kain muna tayo" pag gising ni joyce sa dalawa "Vin, Rain gising na kain na tayo" pag gising ko naman sa dalawa Naunanh gumising si arvin. "Rain, mako gising na" pang gigising ni arvin sa kaparid ko at tinapik tapik sa braso "Bunso gising na" pang gigising din ni joyce "I want to sleep more" sabay sandal sa bintana ni rain "Hays yaan nyo na muna yan matulog, ipag take-out na lang natin sya" pagpinilit pa namin sya baka magtantrums "Sure ka ba iiwan natin sya dito? Baka mainitan yan" pag-aalala ni joyce "Oo iwan muna natin sya kesa magtantrums na parang bata yan. Hindi ko naman papatayin yung makina" paliwanag ko naman sa kanya "Okay, bilisan na lang natin kumain" saad ni dean tsaka bumaba "Oh tara na para makabalik tayo agad" aya naman ni lhean pagkababa nya "Rain kain lang kami, dito ka muna ipagte-take out ka na lang namin" paalam ko sa kapatid ko, hinalikan ko sya sa noo "Hmmm!" sagot nya lang "Tara na!" aya na ni joyce samin Sinarado na namin yung pinto ng van at sabay sabay pumunta sa fastfood store. . . . Rain POV Hindi na ako sumama sa kanila kasi inaantok pa talaga ako, pero siguro mga 10 minut9 pa lang ang nakakalipas ay biglang sumakit yung dibdib ko at unting unti akong nahihirapan huminga. s**t! yung hika ko baka umatake na naman. Dahil dun napaluha ako hindi ako makakilos para makapunta sa likod nandun kasi yung inhaler ko. "T-tu...long, Ku...ya..!" nanghihinang saad ko Umiiyak na ako, nahihirapan na talaga ako huminga. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nagtext na lang ako bahala na kung kanino masend. . . . Joyce POV Nandito kami sa isang fastfood kumakain, si rain hindi na sumama inaantok pa daw, pero habang kumakain kami bigla tumunog yung phone ko, may nag text lang pala. ~ From: Rain Bunso     Tulong..... ~ Pagkabasa ko natulala ako, natauhan ako ng magsalita si renz. "Myloves sino nagtext?" tanong ni renz sakin Pinabasa ko sa kanya yung text kaya napamura sya ng mahina. "s**t!" mahinang mura nya "Guys wait lang may bibilhin lang kami, kita kita na lang sa van" paalam ko sa kanila At tumango naman sila kaya nagmadali na kami lumabas ng fastfood store at pumunta sa van. Pagbukas namin ng pinto nakita namin si rain umiiyak nahihirapan huminga at nakahiga. "s**t! Nasan yung inhaler mo?" tarantang tanong ni renz sa kapatid "N-nasa b-bag pong ma...laki" hirap na sya magsalita kaya lumapit na ako sa kanya at inalalayan syang makaupo Si renz naman ay pumunta sa likod para hanapin yung bag ni rain at kunin yung inhaler. "Bakit kasi dito mo pa nilagay sa bag mo dapat dyan na lang sa bulsa mo okaya ipinalagay mo na lang sa shoulder bag ni Joyce" sermon ni renz, alam ko naman na kinakabahan lang sya "Shhh! Renz wag mo na pagalitan bilisan mo na lang hanapin" pagsaway ko na lang sa kanya "Eto na... Eto na..." nagmamadaling lumapit samin si renz Binigay nya na kay rain yung inhaler at sinarado yung pinto. "Bunso sundan mo ako. Inhale.... exhale..., isa pa inhale... exhale..., isa pa inhale... exhale..." utos ni renz sa kapatid nya Ako naman hinahagod yung likod ni rain, habang sinusundan nya ang kuya nya. "Last na lang inhale... exhale..." mahinanong saad ni renz At unti unti nang nakakahinga si rain ng maayos, kinabahan din ako sa nangyareng yun. "Okay ka na ba Rain?" tanong ko sa kanya "Y-yes I'll be f-fine" utal utal na sagot ni rain at pawis na pawis sya "Buti na lang nagtext ka agad" nakahinga na ako ng maluwag "Rain sa susunod magdala ka ng maliit na bag at dun mo ilagay itong inhaler mo" sermon ulit ni renz sa kapatid nya alam ko naman nag-aalala lang sya "Y-yes kuya. S-salamat po sa inyo" sagot nya medyo umiiyak pa rin "Shhh tama na yan, sige na pahinga ka na muna" pagpapatahan ni renz sa kapatid habang hinahaplos ang pisngi nito "Wag ka na umiyak, okay na ang lahat nandito na kami" pagpapakalma ko sa kanya Sabay yakap ko kay rain kaya napayakap din sya sakin pati si renz yumakap na samin. "Tahan na bunso, baka makita ka nilang umiiyak" paalala ko sa kanya "Oo nga ang sabi lang namin may bibilhin kami. Buti nga patapos na kami kumain nung nagtext ka" kumalma na rin si renz ngayon "Sorry po baka naka-abala po ako sa pagkain nyo" sagot ni rain habang nagpupunas ng luha nya at pawis nya "Wala yun ano ka ba. Diba sabi ko sayo pagkailangan mo ng tulong nandito lang ako kaya pumunta agad kami sayo" sabay ngiti ko sa kanya "Maraming salamat po talaga" yumakap ulit sakin si rain Nagulat kami ng bigla bumukas yung pinto kaya napahiwalay kami at napatingin sa may pinto. "Oh anong nangyayari dito?" takang tanong ni clark na nakatingin kay rain "Wala!... wala naman" palusot ko "Wait alis muna ako  bibilhan ko muna ng pagkain si Rain" biglang paalam ni renz samin "Akala ko ba binilhan nyo na, kaya kayo umalis kanina" naguguluhang tanong ni bob samin dalawa ni renz "A-ano kasi.... H-hindi pa kami nakabili, hindi kasi namin alam ang gusto kainin ni Rain" pagdadahilan ni renz sabay tingin sakin "Tinanong kasi namin kung ano ang gusto nyang kainin" palusot ko naman "Wag na kayong bumili, kasi bumili na si Arvin pa VIP kasi"  mataray na sabi ni berna Kung wala lang nangyare eh papatulan ko ang katarayan nitong si berna. "Ah ganun ba sige pasok na kayo" sagot ko na lang hindi ko na lang pinansin ang pagtataray ni berna "Wait lang. Rain umiyak ka ba?" tanong ni lhean na titig na titig kay rain "A-ako? H-hindi kagigising ko lang po kasi" pagsisinungaling naman ni rain "Medyo mapula kasi ang mata mo" pumasok na sa loob si lhean at umayos ng upo "Sige na pasok na kayo hintayin na lang natin si Arvin" utos ko sa kanila "Myloves kayo na lang muna magtabi ni Rain. Ikaw na bahala sa kanya " bilin ni renz at binulong nya lang ang huling sinabi nya "Sige... Sige..." sagot ko Sinarado nya na yung pinto. Sakto naman at dumating na si arvin dala yung pagkain ni rain. Sumakay na silang dalawa sa harapan. "Mako oh eto na pagkain mo" sabay abot ni arvin ng paperbag sa pwesto namin "Thank you mako" kinuha naman yun ni rain "Buti Arvin bumili ka ng pagkain ni Rain, hindi kasi ako nakabili" nagkabit ng seatbelt si renz "Oo naman, alam ko naman na magdedate lang kayo ni Joyce eh hahahaha" biro naman ni arvin samin "Loko ka talaga Vin" buti na lang yun ang inisip nya "Wait lang pala Renz bakit ka pala nandyan, diba dapat si Rain dyan" pagtataka ni arvin at nilingon pa kami ni rain Nagkatingin na lang kami ni renz bago ako sumagot. "Ah a-ano kasi a-ano ayaw lumipat ni Rain" palusot ko sa kanya Ilang beses na ako nagsinungaling ngayong araw. Lord patawad po! "Tsaka nagrequest gusto daw nya makatabi si Joyce" dugtong ni renz "Sorry mako ah" matamlay na sabi ni rain "Okay lang yun mako. So pano alis na tayo?" tanong ni arvin samin lahat "Tara na!" si renz na lang ang sumagot Nagsimula na magdrive si arvin at nakatulog naman ulit si rain nang nakayakap sakin. "Napansin ko lang bakit matamlay si Rain" tanong ni sheng mula sa likod "Oo nga. May nangyari ba kanina?" tanong naman ni lhean "Ah eh wala naman baka hindi lang nakatulog kagabi" pagdadahilan ko, Lord patawad po ulit! "Sa bagay ganyan naman lagi yan pagpuyat" pagsang-ayon sakin ni dean "Kilalang kilala nyo na talaga yang kapatid ko" sabi ni renz na nakatingin sa salamin para makita kaming nasa likuran "Madali lang naman kasi kabisaduhin yang si Rain kahit 10months lang namin syang nakasama kasi yung 1yr nasa state sya diba" paliwanag na sagot ni dean "Oo nga pala, bakit nga pala pumunta si Rain dun, Renz?" takang tanong naman ni clark Bakit nga ba? Kahit ako walang ideya kung bakit sila umalis. "Hindi ko din alam kila mommy, gusto pa nga nila na isama ako at dun na kami tumira pero nakiusap si Rain na wag na daw ako isama kasi madami daw akong maiiwan dito kayong barkada ko at si myloves" paliwanag ni renz samin, ngayon ko lang nalaman yun "So dapat pala dun na kayo titira" pagsali ni jacob sa usapan "Parang ganun na nga, buti na nga lang nakiusap yang si Rain kila mommy at napapayag nya" sagot naman ni renz "Kung hindi pala pumayag sila tita edi dun na kayo nakatira ngayon" parang hindi ko yata kayang malayo sa kanilang dalawa "Oo buti nga umuwi sila dito after 1year ang balak talaga nila dun na tumira" kwento ni renz "Buti na nga lang umuwi sila kundi sobrang mamimiss natin si Rain" masayang saad ni dean "Tama kasi hindi natin alam kung kelan ulit sila uuwi" sabat ni arvin "Tsk! Mabuti nga yun nang hindi na sya bumalik" rinig kong bulong ni berna sa likuran ko Di ko na lang pinansin yung sinabi nya dahil wala naman akong mapapala kung papatulan ko sya kaya natulog na lang ako. ************ End of Chapter 3: Hello Baguio? Hello Hika? Ano kaya ang magyayari sa bakasyon nila? Magiging masaya kaya o magkakagulo sila? Abangan! Enjoy lang po! Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD