Arvin POV
Pagkababa ko kay rain ay lumayo agad sya sakin, ramdam ko yung pagkailang nya. Pag-akyat ko sa taas sa kwarto nila berna ako dumeretso.
"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong ko sa kanya pagpasok ko
"Oo naman, ano ba pag-uusapan natin daddy?" pagpayag nya at agad nya ako pinaupo sa tabi nya
"Napag-isipan ko na hindi muna ako makikipaghiwalay kay Rain" seryosong saad ko na nakatingin sa mga mata nya
"ANO! Bakit naman?!" sigaw nya kita ko yung gulat at galit sa mata nya
"Naawa kasi ako sa kanya tsaka natatakot din ako kay Renz baka mabugbog ako. Pero wag kang mag-alala pagkauwe natin sa manila makikipaghiwalay na ako" pero yung totoo hindi ko pa kaya makipaghiwalay kay rain
"Sigurado ka ba dyan daddy baka kaya ayaw mo lang makipaghiwalay kasi mahal mo pa sya" mataray na sabi ni berna sakin
"Anu ka ba syempre nandun pa rin yung pagmamahal ko sa kanya hindi naman yun mawawala, naawa lang talaga ako sa kanya" mahal ko pa din sya at kailangan ko sya
"Okay basta pag ako niloloko mo sisirain ko buhay nyan ni Rain pag hindi mo tinupad pangako mo" hindi naman ako natatakot sa banta nya pero kailangan ko ingatan si rain
"Oo naman mommy pangako, ikaw ba nakipaghiwalay ka na ba kay Red?" balik na tanong ko naman sa kanya
"Mamaya pag-akyat nya makikipaghiwalay na ako tsaka parang hindi ko naman kailangan gawin yun hindi ko naman sya minahal parang wala nga lang yung relasyon namin" alam ko naman yun dahil nakikita ko, pinaglaruan nya lang talaga si red dahil mayaman at may nakukuha nya ang gusto nya
"Mabuti na yung may closure kayo mamaya maghabol sayo yung tao magmukha ka pang two timer" kahit two timer naman tayo parehas, pero sa tingin ko naman hindi maghahabol si red sa kanya
"Sige gagawin ko para sayo, alam mo naman na mahal na mahal kita" sabay ngiti ni berna sakin
"Mahal din naman kita" hinalikan ko sya sa lips
"Gusto mo ba gawin natin yung ginawa natin dati daddy" tanong ni berna yung nakakaakit na boses nya
"Gusto ko sana pero siguro bukas na lang medyo napagod ako kanina" bukas na lang para may energy ako at magpapaiwan talaga kami dito kung sakaling umalis ang iba
"Promise bukas? Namiss ko kasi si jr eh" malanding sabi ni berna at hinimas si jr
"Promise po, mommy miss ka na rin daw nya. Ang clingy mo naman eh tignan mo tuloy tumayo si jr" baka hindi na ako makapagpigil pa dahil sa pang-aakit nya
"Jr behave magready ka para bukas hahahaha" hinipo nya ulit si jr at napapikit ako
"Wag mo na hawakan baka maging wild hahahah sige na magpahinga ka na magpapahinga na din ako" pagsaway ko sa kanya, baka hindi na talaga ako makapagpigil pa
"Sige daddy goodnight iloveyou" matamis na sabi ni berna
"Goodnight mommy iloveyou too" nilapit ko ulit ang mukha ko sa kanya
Nagkiss kami ng matagal, naghiwalay lang kami dahil naubusan na kami ng hangin.
"Ang sarap talaga ng halik mo" sabay smack ko sa kanya, isa ito na gustong gusto kong gawin sa kanya ang halikan sya
"Sige na magpahinga ka na mamaya hindi pa ako makapagpigil" natatawang sabi ni berna
"Pwede isa pa last na lang tapos aalis na ako" pakiusap ko habang nakatitig sa labi nya
"Sige na nga nasarapan din ako" pagpayag nya at sya na ang lumapit sakin
Nagkiss ulit kami ng matagal, nakakaadik talaga ang mga halik nya, nakakabaliw, nakakawala sa sarili. Natigil kami dahil bumukas bigla yung pinto.
.
.
.
Red POV
Magaling pala magmasahe si rain hindi pa sana ako aakyat kung hindi lang dumating kuya nya nakakarelax kasi yung pagmasahe nya.
Hindi ko alam kung bakit ang saya ko pagkasama sya at pagkausap sya hindi ko na nga napapansin si berna tsaka hindi ako masyado nasaktan nung nalaman ko ang totoo.
Matutulog ako ng masaya ngayon. Sabi ko sa sarili ko pero napalitan nang sakit at galit nung pagpasok ko sa kwarto.
"R-red?" si berna na gulat na gulat nung makita ako
Napatulala na lang ako dahil nakita ko sila naghahalikan tapos nakaupo na si berna sa hita ni arvin.
"Sige labas na ako" paalam bigla ni arvin sabay tayo nya
"Wag dito ka lang, walang aalis" pagpigil ko sa kanya, tumingin naman silang dalawa sakin
"Anu bang problema mo?" mataray na tanong ni berna sakin, sya pa talaga ang may ganang magtaray at magtanong
"Anong problema ko? Ang problema ko lang naman yung girlfriend ko nakikipaghalikan sa ex nya na may girlfriend na" inis na saad ko, hindi ako naiinis para sa sarili ko naiinis ako sa kanila dahil kay rain, hindi na sila naawa sa kanya ang bait bait nung tao
"Wag kang umasta na parang boyfriend ko hindi naman talaga kita minahal, si Arvin lang talaga ang minahal ko kaya wag kang mangialam samin" matapang na sabi ni berna, sa totoo lang hindi ko nga alam bakit ko sya naging girlfriend nagsisisi na talaga ko
"Grabe kayo hindi na kayo naawa kay Rain niloloko nyo sya, hindi lang sya pati barkada nyo. Hindi na kayo nahiya sa kanila, talagang naghahalikan pa kayo dito konting respeto naman. Okay lang sana kung ako lang yung masasaktan eh pero hindi pati yung taong napakabait at mapagmahal sinaktan nyo. Wala kang kwentang boyfriend" tinuro ko si arvin sa sobrang inis ko, wala syang karapatan saktan si rain
Pagkasabi ko nun sinapak agad ako ni arvin. s**t ang sakit. Kaya napahawak ako sa mukha ko. Gaganti sana ako kaso naisip ko baga magalit si rain kaya pinabayaan ko na lang.
"Arvin!" pagtawag ni berna at hinawakan nya si arvin
"Wala kang karapatan sabihan ako nang ganyan dahil wala kang alam" galit na sabi sakin ni arvin
"Oo wala akong alam pero sana man lang naisip mo yung mararamdaman ni Rain at ng barkada mo sa pinag gagawa nyo" galit na saad ko, wala akong alam at wala din alam si rain sa pinag gagagawa nila
"Kung makapagsalita ka kala mo kasali ka sa barkada, alalahanin mo sampid ka lang dito" mayabang na sabi ni arvin na dinuro duro pa ako
"Alam ko kaya nga alam ko kung saan ako lulugar, hindi katulad nyo kung saan saan na lang naghahalikan ang lalandi nyo lalo ka na Berna, kaya pala hindi mo kasundo yung mga girls ang landi mo kasi" sinampal ako ni berna dahil sa sinabi ko, wala akong pakialam kung saktan man nila ako nang paulit ulit
"Red tumahimik ka na lang dyan wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan. Magbreak na tayo!" galit na sabi ni berna sakin
"Talagang magbreak na tayo! Mga wala kayong kwenta! MGA MANLOLOKO!!" sigaw ko sa kanila, gusto ko silang saktan pero hindi pwede ayokong gumawa nang eksena dito dahil alam kong sampid lang ako sa bakasyong ito
Susugod pa sana si arvin sakin nang pigilan sya ni berna. Kahit pa bugbugin nya ako wala akong pakialam hindi pa rin mapapalitan nun ang panlolokong ginagawa nila kay rain.
"Tama na Arvin, sige na magpahinga ka na" pag-awat ni berna kay arvin
"Magpasalamat ka may pumipigil sakin kung hindi nabugbog na kita" pagbabanta ni arvin sakin, hindi nya ako madadaan sa ganyan
"Edi salamat" pangpipilosopo ko sa kanya
"Humanda ka sakin bukas" pagbabanta ulit ni arvin
Binangga nya pa ako bago lumabas si arvin sa kwarto, si berna naman ay humiga na. Ako nakaupo lang sa kama at hawak hawak yung mukha ko. Nahilo ako sa pagsuntok sakin ni arvin kaya humiga na ako at pumikit.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw pag bangon ko naramdaman ko yung sakit sa mukha ko. Aray ang sakit ng mukha ko suntukin at sampalin ba naman eh sasakit talaga. Iiling iling akong tumingin sa orasan alas-otso na pala ng umaga kaya naman bumangon na ako.
Pagtayo ko natutulog pa si berna kaya bumaba na ako bago pa sya magising at mapatulan ko pa. Bago ako bumaba naghilamos at nag ayos muna ako pagtingin ko sa salamin. s**t ang itim ng black eye ko hindi nila ito pwedeng makita. Nagsuot ako ng shade at bumaba siguro naman wala pang tao sa baba.
Pagdating ko sa baba ang tahimik kaya pumunta ako sa kusina pagdating ko dun nandun na pala sila kumakain si arvin at berna lang ang wala.
"Buti gising ka na. Tara na sumabay ka na samin kumain" pagyaya ni renz pagkakita nya sakin, napatingin tuloy sila sakin
"Red why are you wearing a shades?" takang tanong ni rain sabay kain
"Ah ano magja-jogging sana ako" palusot ko
"Jogging? 8am na kaya, sana sinabihan mo kami kagabi para naisabay ka na namin kanina" paliwanag naman ni renz
"Nagjogging pala kayo kanina?" nako mali pa palusot ko
"Oo etong si Rain lang ang hindi kaya sya ang naghanda ng umagahan" sagot naman ni joyce
"Marunong pala magluto si Rain hahahah" pagbibiro ko para malihis sakin yung usapan
"Hey! What do you think of me? An idiot?" mataray na tanong ni rain sakin
"Rain please stop speaking in english" saway ni renz sa kapatid, sya din naman nag-english
"Im sorry kuya" paumanhin ni rain sa kuya nta
"Oo hindi kasi halata sayo hahahah" pang-aasar ko naman sa kanya
"Naku Red pag natikman mo ang luto nyan baka kainin mo yang mga sinasabi mo" pagmamalaki ni dean sa luto ni rain
"Sige tignan na lang natin" panghahamon ko sa kanya
"Tama na yang usap, Red kumain ka na rin" pagsaway samin ni renz
Umupo na ako sa tabi ni rain.
"Huy! Baka gusto mo po tanggalin yang shades mo" tinuro pa ni rain yung shades ko
"Ayoko nga, trip ko to walang basagan ng trip" pagdadahilan ko na lang, ayoko makita nila ang black eye ko
"Ewan ko sayo para kang ewan kumakain ng nakashades" mataray na sabi nya sakin
"Ang astig kaya try mo minsan hahahaha" pagbibiro ko
"Tse ewan ko sayo" sabay irap nya
"May pagkamataray ka din minsan eh noh" reklamo ko sa kanya
"Sinabi mo pa Red, minsan amazona pa yan" pagsang-ayon ni jacob sakin
"Grabe ka naman po sakin Jacob" maktol ni rain
"Totoo naman kasi Rain" pagkampi ni clark samin
"Sheng, Lhean pagsabihan nyo nga po yang mga jowa nyo" pagsusumbong ni rain sa mga kaibigang babae
"Tigilan nyo na si Rain. Pero nagsasabi lang naman sila ng totoo" saway ni bob pero sumang-ayon din naman agad samin
"Hala sige pagtulungan nyo po ako ganyan naman kayo eh" pagrereklamo ni rain sabay kain nya
"Hahahah asar talo" pang-aasar ko sa kanya
"Tama na yang asaran nyo, Red ikaw naman tanggalin mo na yan" saway samin ni renz
"Kaya nga! Bakit may sore eyes ka ba?" tanong ni joyce
"Hala wag kang tumabi sakin baka mahawa ako" pagtataboy nya sakin may kasama pang pagtulak nang mahina
"Ang OA mo naman Rain, wala akong sore eyes noh" pangtanggi ko naman
"Eh bakit ayaw mo tanggalin yang shades mo?" mataray na tanong nya nakataas pa yung isang kilay nya
"Eh kasi--- ano kasi..." napakamot ako sa batok ko
"Kasi ka ng kasi" naiinis na sya dahil hindi na sya makapag-antay sa sasabihin ko
"Hays bahala na nga, wag kayo mabibigla ah" hindi nila ako titigilan kaya no choice na ako
"Oo na sige na tanggalin mo na" pangungulit na utod nya sakin
Dahan dahan ko tinanggal yung salamin ko, napatingin ako sa kanila napatigil naman sila sa pag kain at titig na titig sakin
O_o ganyan reaction nila kaya naman natawa ako.
"Bakit ka tumatawa?" takang tanong ni rain
"Ang epic kasi ng mga mukha nyo hahahahah" natatawang sagot ko
"Ikaw lang ata yung may black-eye na tumatawa pa" inis na sabi nya pero kita ko yung pag-aalala nya
"Sorry naman, wala yan wag nyong pansinin" nginitian ko sila, halata naman kasi na nag-aalala sila
"Eh ano bang nangyari dyan?" tanong ni bob sakin at pinagpatuloy nya yung pagkain nya
"Bakit ka may pasa?" ganun din si clark
"Nakipagsapakan ka ba kagabi diba hindi naman natuloy yun" napakadaldal talaga ni jacob, muntikan na kasi kami magsuntukan ni arvin kung sino ang magbubuhat kay rain buti na lang na awat nila at nagpaubaya na lang ako
Hindi nga natuloy dun sa labas, nasuntok naman ako nung nasa loob na ng kwarto.
"Yung alin ang hindi natuloy?" tanong naman ni rain, wala syang alam tulog kasi sya nung oras na yun
"Wala yun Rain... Ikaw naman Jacob kung ano ano pinagsasabi mo" sermon naman ni lhean sa boyfriend nya
Nakiusap din ako sa kanila na wag na nila ipaalam kay rain yung nangyare, pumayag naman sila sadyang madaldal lang talaga si jacob.
"Sorry po By" sabay yakap ni jacob sa girlfriend nya
"San mo naman nakuha yan ha?" napatingin ako kay rain sa muling pagtatanong nya
"Wala tumama lang sa pintuan kagabi" pagsisinungaling ko, ayoko na lumaki pa ang gulo
"OA naman nun, sigurado ka ba hindi ka ba nakipag-away?" pag-aalala nya, masarap sa pakiramdam yung may nag-aalala sayo, napangiti ako ng palihim
"Oo naman tsaka hello nasa baguio tayo sino naman ang makakaaway ko dito" paliwanag ko sa kanya habang kumukuha ng pagkain
"Aba malay ko ba kung lumabas ka pa kagabi tapos na pagtripan ka" sagot nya na nakatingin talaga sakin, kaya humarap ako sa kanya
"Eh bakit concern ka?" panunuksong tanong ko sa kanya
"W-wala bakit masama bang m-maging concern sa kaibigan" utal na sagot ni rain sabay iwas ng tingin sakin
"Kaibigan nga lang ba bunso?" panunukso naman ni renz sa kapatid nya
"Hala sila kung ano ano iniisip, edi hindi na ako magiging concern tatahimik na lang po ako" pagtatampo ni rain at nagpatuloy na sa pagkain
"Yan nagtampo na tuloy si Rain pinagtulungan nyo kasi, kumain na nga lang kayo" saway samin ni joyce
Kumain na lang kami at hindi na nagsalita si rain, kami nagtatawanan tapos sya tahimik lang, natapos na kami sa pagkain hindi pa rin sya umiimik.
"Tapos na tayo kumain hindi pa rin nagigising yung dalawa" iiling iling na sabi ni renz
"Oo nga masyado ata napagod kahapon" pagsang-ayon ni joyce
"Natapos na nga tayo kumain hanggang ngayon tahimik pa rin yung isa" tumingin si dean kay rain, kaya napatingin kami sa kanya lahat, tahimik lang sya habang nakatingin sa baso nya
"Yan kasi inasar nyo pa, nainis tuloy hanggang mamaya na yan tahimik, pag kami nadamay at hindi din kinausap nyan lagot kayo sakin dalawa" sermon samin ni joyce na may kasamang pagbabanta pa
"Bunso sorry na" malambing na sabi ni renz sa kapatid nya habang hinahaplos ang buhol nito
Ngumiti lang si rain sa kuya nya at sumandal na lang sya sa upuan nya.
"Huy! Ulan sorry na" nakangiting paumanhin ko naman sa kanya
Ngumiti lang din sya sakin. Nakakalungkot yung ngiti nyang ganyan, nasasaktan ako.
"Rain okay ka lang?" tanong ni dean pero tumango lang si rain
"Yan na nga ba sinasabi ko eh hindi na nya kakausapin pati kami lagot talaga kayo sakin" pagbabanta muli samin ni joyce
"Myloves sorry na. Rain bunso sorry na please" tarantang sabi ni renz, takot pala sya sa girlfriend nya
"Gising na pala kayong lahat" pagsulpot bigla ni arvin sabay upo sa tabi ko
"Oh Arvin buti nagising ka na, sige na kumain ka na dyan" alok ni bob sa kanya
"Mamaya na ako magliligpit para sabay sabay na" sabi ni dean at inilapag nya yung mga platong hawak mya
"Ang tahimik ata ni Rain ngayon" pagpansin ni arvin sa girlfriend nya
"Eh panu ininis nitong dalawa, kausapin mo naman girlfriend mo baka ikaw ang kausapin nya" pagsusumbong ni clark sa kanya
"Red pwede excuse kausapin ko lang GIRLFRIEND ko" plastic na sabi ni arvin sakin, akala mo talaga mabait
Kapal talaga ng mukha nya hindi na nahiya sa ginawa kahapon tapos talagang inempasize pa yung word na girlfriend. Kaya tumayo na lang ako at lumipat tignan natin kung kausapin ka nyan.
"Bakit ka pala may pasa Red? Anu nangyare dyan?" pa-inosenteng tanong ni arvin sakin
Aba nagtanong pa talaga eh sya naman may gawa nito, lakas talaga ng loob nya.
"Ah wala ito, tumama lang sa pintuan kagabi" sacrastic na sagot ko sa kanya
"Tanga naman nung pinto hindi umiwas" sabay nakangisi ni arvin
"Arvin itigil mo yan" sita ni renz sa kanya, tumingin na lang sya kay rain
"Mako okay ka lang ba wag ka na mainis. Sorry na!" paghingin ng tawad ni arvin, hindi ko alam kung para sa nangyare kahapon o ngayon yung paghingi nya ng tawad
Hahawakan nya pa sana yung kamay ni rain ng bigla itong tumayo.
"Im done, I'll go upstairs" paalam ni rain tsaka sya umalis
"Lagot kayo galit na si Rain hindi inis" pananakot samin ni sheng
"San ba yung mall okaya grocery dito myloves parang mapapagastos ako" tarantang tanong ni renz sa girlfriend nya
"Mapapagastos ka talaga, ginalit nyo kasi yung kapatid mo" pagsang-ayon naman ni joyce sa kanya
"Bakit ka naghahanap ng mall renz anu naman gagawin mo dun?" takang tanong ko naman, anong meron sa mall at naghanap bigla si renz
"Pag galit kasi si Rain okaya tampo or inis binibilan namin sya ng mga paborito nyang pagkain para magkabati kami" paliwanag naman ni renz, food lover pala si rain pero hindi halata sa kanya
"Ganun ba, mapapagastos rin ata ako ah" sabay kamot ko sa batok ko
"Mapapagastos ka talaga hahahah" biro ni jacob sakin
"Ayan asar pa more hahahah" pang-aasar naman ni lhean samin ni renz
"Samahan ko kayo mamaya sa mall may bibilhin din ako" sabi ni joyce
"Sama naman kami wala naman tayong gagawin ngayon" nakangiting sabi ni sheng
"Oo nga naman" pagsang-ayon naman ni lhean sa kanya
Mga gala talaga sila, siguradong magsha-shopping lang naman sila.
"Sige sumama na kayo, ikaw Arvin sasama ka ba?" tanong naman ni renz kay arvin
"Hindi na dito na lang ako magpapahinga" pagtanggi ni arvin
"Si Rain isama na rin natin" sabi ni renz sabay inom
"Kung sasama yung kapatid mo" natatawang sabi ni dean
"Sasama yun, sige na mag-ayos na kayo, aalis tayo ng mga nine" utos ni renz samin
"Sige akyat na kami" paalam naman ni bob
"Sige sige, Arvin pag wala pa kami tapos nagutom ka magluto ka na lang muna" habilin ni joyce kay arvin
"Sige ako na bahala" sagot ni arvin
"Sige akyat na rin kami mamaya na namin huhugasan yan pag baba namin" paalam na din ni joyce
"Red tara na akyat na tayo" aya sakin ni renz
"Sige po!" natatawang sagot ko
Lumapit na ako sakanya, nagulat pa ako ng akbayan nya ako at sabay na kaming umakyat, pagdating ko sa kwarto gising na si berna.
"Bumaba ka na dun sabayan mo na kumain si Arvin sya lang mag-isa dun" paliwanag ko sa kanya habang kumukuha ako ng damit na gagamitin ko
Hindi sya sumagot at lumabas na ng kwarto. Ako naman naligo at nag-ayos na.
**************
End of Chapter 11: Ang Pasa!
Ang hilig kasi nila mang-asar mapapagastos tuloy sila. Ano pa kaya ang mga gagawin nila para mawala ang tampo ni rain?
Abangan!
Hope you like it! Thank you for reading and viewing!