Rain POV
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ako bigyan ng bear at flower ni red, dapat ba akong mahiya, dapat ba akong mainis o dapat ba akong kiligin. Pero bakit parang kinikilig ako, dapat ko ba itong maramdaman parang mali kasi pero nakakakilig naman talaga yung ginawa nila lalo na ni red may gusto ba ako sa kanya pero ang bilis naman baka crush lang paghanga mga ganun siguro naman walang masama dun.
"Uy ano nginingiti ngiti mo dyan?" panggugulat sakin ni red
"Ay kabayo!" bigla bigla kasi syang nagsasalita
Nagulat ako sa kanya hindi ko namalayan na wala na pala ako sa sarili kanina habang nakangiti na pala nakakahiya.
"Ang pogi ko namang kabayo" natatawang sabi ni red
"Wow ang hangin dito" napakahangin nya minsan pero hindi nakakainis yun
"Bakit ka kasi nakangiti siguro kinikilig ka" pang-aasar nya
Oo kinikilig ako bakit masama ba? yan yung gusto kong sabihin pero hindi pwede.
"Ang kapal!.... Bakit ka kasi nang gugulat?" pagtataray ko sa kanya pero sa teddy bear lang ako nakatingin
"Aba malay ko ba na wala ka sa sarili mo nagtatanong lang naman ako" depensa naman nya agad sabay tawa, bakit kasi nahuli nya pa ako
"Bakit masama na bang ngumiti ngayon at FYI hindi ako kinikilig kung anu-ano pinagsasabi mo dyan" masungit na saad ko at hindi pa rin ako tumitingin sa kanya
"Sus hindi daw kaya pala nakangiti ka dyan mag-isa at namumula" pagpaparinig nya sakin kaya nanlaki yung mata ko
Anu daw namumula? Ako nagba-blush hala nakakahiya talaga.
"Hindi kaya kapal neto" tapos tinakip ko sa mukha ko yung bear na bigay
"Hindi pala bakit ka nagtatago?" pang-aasar nya habang hinihila nya yung bear at sinisilip yung mukha ko
"Hindi ako nagtatago inaamoy ko lang kung mabango" idinidiin ko pa yung mukha ko sa stuff toys na bigay
"Sus palusot, sabihin mo kasi na kinikilig ka lang hahahaha" pang-aasar ulit nya sabay tawa
"Ewan ko sayo ang hangin mo talaga, baka gusto mong ibalik ko sayo" pananakot ko sa kanya habang nakaturo sa binigay nya
"Hindi ka naman talaga kinikilig joke lang naman yun diba" pagbawi nya agad sa mga pang-aasar nya sakin
"Yan ganyan dapat, kailangan ka pa palang takutin para tumigil" buti naman natakot sya kung hindi, hindi ko na alam ang sasabihin ko
"Syempre takot ko lang sayo pati sa kuya mo" sagot nya
"Kumain na nga lang tayo, ang dami mo pang sinasabi" pagsusungit sungitan ko
"Ikaw kasi pangiti ngiti ka pa" mahinang sabi nya, tignan mo sinisi nya pa ako
"Ako na naman.... Abot mo nga yung funshot at isang chicken tapos subuan mo ako" mautusan nga ito, tignan ko kung talagang takot sya sakin
"Ayaw mo ng kanin" tanong nya tapos kumuha na ng chicken at funshot
"Ayoko hindi naman ako kumakain ng kanin sa gabi" pero minsan kumakain ako minsan nga lang
"Ano ka diet sa payat mong yan diet ka pa" pang-aasar nya sakin
"Hindi po ako payat sexy kaya ako" pagbibiro ko sa kanya, nakita nga naman na napangiti sya
"Oo na sige na lang, oh eto na..... Say ahh" tinaas nya yung chicken para subuan ako
"Ahhh..." sinubo ko naman yung chicken
"Very good Baby Rain hahahaha" natatawang sabi nya
"Ikaw din kumain ka na" utos ko sa kanya
"Mamaya na, ikaw muna" pagtanggi nya kaya naman kumuha ako ng pagkain para sa kanya
"Kumain ka na... Say ahh" utos ko sa kanya
"Pero--- ahm..." sinubuan ko sya nang madaming spaghetti "Shabi ko mamaha na" reklamo nya habang may laman yung bibig nya
"Shhh! Don't talk when your mouth is full hahahaha" sermon ko sa kanya sabay tawa, nilunok naman nya yung kinakain nya
"Grabe ka ang dami nun sabi ko mamaya na ako kakain" reklamo naman nya
"Ang daldal mo kasi eh... Eto pa isa pa..." sinubuan ko ulit sya, nagpanic ako nang mabulunan sya "Hala sorry sorry eto inumin oh" inabot ko sa kanya yung inumin at ininom naman nya yun "Uy okay ka lang ba? Sorry na, sorry talaga" pag-aalala ko dahil hindi pa rin sya nagsasalita, tapos bigla syang tumawa
"Hahahahah ang epic hahahahah ng mukha mo hahahah" tumatawa pa rin sya nang tumatawa
"Letse ka kala ko kung ano na nangyare sayo" inis na saad ko, sobra pa naman akong nag-alala sa kanya tapos tatawanan nya lang ako "Sige tawa pa maubusan ka sana ng hangin" pagbabanta ko, tawa pa rin kasi sya nang tawa. Kainis na-isahan nya ako dun kinabahan kaya ako.
"Joke lang naman ikaw kasi.... Oh eto na kumain ka na nga" tumigil na sya sa pagtawa, sinubuan nya na ulit ako at kumain na din sya
Habang kumakain kami ay may napansin ako kaya nilunok ko muna yung kinakain ko bago magsalita.
"Anu ba yan ang kalat mo naman kumain may sauce pa yung bibig mo" tinuro ko yung sauce sa bibig nya
"Huh saan?" dinilaan nya yung gilid ng bibig nya pero hindi pa rin natanggal
"Ako na nga para ka kasing bata kumain" prisinta ko, kumuha ako ng tissue at lumapit sa kanya. Pinunasan ko yung gilid ng bibig nya tapos bigla bumilis ang t***k ng puso ko ng maramdaman kong nakatitig lang sya sakin
Dug! Dug!... Dug! Dug!... Dug! Dug!...
Alam ko naman may sakit ako sa puso pero bakit ganito ang t***k ng puso ko.
"A-ayan w-wala na" utal utal na saad ko at napatingin ako sa mata nya kaya napatitig din ako sa kanya
Ayan na naman yung mga mata nyang nangungusap tsaka nanghihigop ng lakas. Hindi ko kinaya makipagtitigan sa kanya at nailang ako kaya naman umiwas ako nang tingin sa kanya, kinuha ko yung kinakain ko na hawak nya at ako na lang kumain mag-isa.
Wala nang nagsalita samin, ako naman ay nakatingin lang sa kinakain ko, hindi ko na magawang lingunin sya sa pagka-ilang at hiya.
Naramdaman ko naman na may mga nakatingin sakin kaya napatingin ako sa kila kuya.
"B-bakit po kayo nakatingin?" kinakabahang tanong ko sa kanila
"Wala naman" nakangiting sagot ni sheng
"Nanonood lang kami nang nakakakilig na eksena" sagot naman ni clark sabay kain
"Huh?" napakunot yung noo ko, hindi ko maintindihan sinasabi nila
"Ang sweet nga eh, may subuan pang ginagawa" sabay ngiti ni lhean
"Tapos may pagpunas pa ng bibig" dugtong ni jacob
"At yung nakakakilig na part eh yung nagkatitigan pa sila" kinikilig na sabi ni ate joyce
No way! Nakita ba nilang lahat yung nangyare samin ni red.
"K-kanina pa po ba kayo n-nakatingin samin?" sobrang nakakahiya sa kanila, yung pakiramdam na gusto mo magpakain sa lupa
"Hindi lang nakatingin pinapanood pa namin kayo" natatawang sagot ni dean
"Infairness may chemistry kayong dalawa" sabay ngiti ni bob
"Nakakakilig kaya pati nga ako kinilig" ngiting ngiti naman si kuya, nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya
"Kuya pati ba naman ikaw" jusko sana kainin na ako ng lupa
"Oh bakit sa kinilig ako eh" natatawang reklamo ni kuya
Nahiya naman ako bigla tapos etong katabi ko naman ay nakangiti lang habang ngumunguya.
"Ano naman nginingiti ngiti mo dyan?" pagtataray ko sa kanya, tumingin naman sya sakin na nakangiti
"Wala masama ba bang ngumiti ngayon?" pa-inosenteng sagot nya, ginaya nya pa yung sinabi ko kanina, kainis!
"Ako hiyang hiya na dito tapos ikaw nakangiti ka lang dyan" sermon ko sa kanya, sya ang may kasalanan nang lahat ng ito
"Panung hindi ngingiti kanina pa yan tumitingin samin" pagsingit ni jacob sabay kain ng chicken
"So ibig sabihin alam mo na pinapanood nila tayo" sinamaan ko sya ng tingin habang tinatanong
"Y-yes?" sagot nya, kainis talaga
"Ano! Hindi mo man lang sakin sinabi bwisit ka" hinampas hampas ko sya sa braso nya
"Uy tama na ang sakit kaya hahahaha" rekalmo nya pero tumatawa sya
"Nakuha mo pang tumawa talaga" hinampas ko ulit sya, nakakainis talaga at nakakahiya kila kuya
"Renz may pagkaamazona talaga itong kapatid mo.... Tulungan nyo naman ako" pagsusumbong nya kay kuya, tinawanan lang naman sya nila kuya
"Bahala ka dyan kaya mo na yan" bumalik ulit sa pagkain si kuya
"Uy tama na, sakit na kaya" hinihimas-himas nya na yung braso nya kaya naman tumigil na ako
"Ikaw kasi nang-aasar ka pa" reklamo ko na parang bata, ang lakas nya talagang mang-asar
"Ang cute mo kasing asarin eh" nakangiting sagot naman nya habang hinihimas yung braso nya
"Cute pala ah" kiniliti ko naman sya nang kiniliti
"Guys hahahah tulong hahahah naman" paghingi nya nang tulong kila kuya
Hindi naman sya pinansin nila kuya at tumatawa lang na nakatingin sa amin.
.
.
.
Arvin POV
Pagkatapos ako sapakin ni renz umalis na sya. s**t ang sakit nya talagang manuntok. Tinulungan naman nila akong umupo at tumayo sila sa harapan ko.
"Bakit ka nun sinuntok?" takang tanong ni bob sakin
"Hindi ko alam nagulat nga ako eh" hawak ko yung mukha kong sinuntok ni renz
"Wala ka bang ginawang kalokohan?" kinabahan ako sa tanong ni clark
"W-wala" sagot ko, alam na kaya nila, may alam kaya si renz
"Patingin nga" sabat ni berna at hinawakan yung mukha ko
"Aray!.. Masakit" nadiinan nya kasi yung pagkakahawak sa mukha ko
"Sorry sorry. Kuha lang ako ng yelo" umalis na si berna
"May problema ba kayo ni Rain?" pang-uusisa ni sheng sakin
"W-wala naman" meron at malaki pero hindi ko pwedeng sabihin
"Eh bakit yung mga kantahan nyo parang may ibig sabihin?" tanong naman ni lhean
"Baka ano... Nagkataon lang" pero hindi, nagpapaalam na talaga sya hindi pwedeng mangyare yun
"Nagkataon lang eh parang nagpapaalam na si Rain sa relasyon nyo" seryosong sabi ni dean, alam kong may alam sya pero hindi lang malinaw sa kanya ang lahat
Oo alam kong nagpapaalam na sya sa pamamagitan nang pagkanta pero hindi nya ako pwedeng iwan.
"Hindi naman siguro alam nyo naman na mahal na mahal ako nun" nakahawak pa rin ako sa mukha ko, mabigat talaga ang kamay ni renz
"Baka naman may ginawa kang kasalanan kay Rain" nakacross arm pa si dean na nasa gilid ko, gusto nya sigurong malinawan yung nalalaman nya
Napalunok ako sa tanong ni dean.
"Wa-wala naman ako ginagawang ka-kasalanan" pagsisinungaling ko, hindi na nila dapat malaman pa ang tungkol samin ni rain
"Mabuti na yung malinaw" si sheng na nakataas pa yung isang kilay
"Siguraduhin mo lang tandaan mo hindi lang sya ang mawawala sayo pati kami" paalala ni lhean sakin
"Oo alam ko naman yun tsaka wala ba kayong tiwala sakin" hindi pwedeng mangyare yun, hindi nila akong pwedeng talikuran, kailangan ko sila
"Meron dati pero ngayon hindi na namin alam" mataray na sagot ni sheng
Dumating na si berna na may dalang yelo at panyo.
"Tumabi nga kayo dyan" mataray na sabi ni berna at tinabig sila lhean at sheng
"Wow ang lakas mo magpaalis samin dito" may inis sa boses ni sheng, magsisimula na naman sila
"Eh bakit masama ba? Gagamutin ko lang si Arvin" umupo na sa tabi ko si berna
"Pwede naman mag excuse" si lhean na may pagkamataray
"Edi excuse!.... Ang dami nyong arte" pamimilosopo ni berna sa kanila
"Anong sabi mo?" medyo lumakas na yung boses ni sheng
"Tama na yan..... Arvin siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang mali" pagsaway ni dean sa girls at pagbabanta nya sakin
"Kung hindi mapapatay ka sa bugbog ni Renz" pagpapaalala ni bob
"Alam mo naman na para sa kapatid nya kahit p*****n pa yan gagawin nya" dagdag ni clark
"Oo alam ko parang hindi nyo naman ako kilala tsk!" inis na sabi ko, nakakarindi na kasi sila alam ko naman kung ano ang kaya gawin ni renz para sa kapatid nya
"Nililinaw lang namin kasi ayaw din naman namin na magkaka-away tayo" paliwanag ni jacob, ayaw ko rin naman tsaka mahirap kalaban si renz tapos kakampihan pa ng barkada mas mahirap lalo
"Isang tanong na lang sigurado ka ba na wala kang ginagawang mali" paninigurado ni dean, kasi may alam sya tungkol sa pinag-usapan namin ni rain nung nakaraang araw
"Bakit ba tanong kayo nang tanong ang kukulit nyo din" galit na sabat ni berna
"Eh bakit ba sabat ka ng sabat?" mataray na tanong ni lhean sa kanya
"Anong pakialam nyo" mayabang na sagot naman ni berna sa kanya
"Hoy babaita wag ka nga sumabat dyan hindi ikaw yung kausap namin" halatang naiinis na talaga si sheng
"Tsaka wala kang karapatan makisali nang usapan naming magba-barkada" inis na sabi naman ni lhean
"May karapatan ako dahil parte din ako ng barkada tsaka mas may karapatan pa nga ako kesa dyan kay Red dahil ako nakasama nyo na dati, sya ngayon pa lang" pagmamayabang ni berna
Napatingin naman ako kay red nakaupo lang sya nakayuko at nakikinig samin.
"Bakit kung makapagsalita ka kala mo hindi mo boyfriend ang sinasabihan mo" seryosong sabi ni dean, alam kong nakakahalata na talaga sya
"Bakit ba ang init ng dugo nyo sakin? Bakit kahit kelan hindi nyo ako matanggap? Si Red na kailan nyo lang nakilala mas tanggap na tanggap nyo kesa sakin" tama naman si berna bago lang si red pero tanggap na nila agad
"Kasi si Red marunong makisama, ikaw hindi!!!" galit na sagot ni sheng
"Umalis na nga kayo dito hindi naman kayo kailangan ni Arvin dito" matapang na utos ni berna sa kanila
"Bakit sa tingin mo ba ikaw ang mas kailangan ni Arvin dito pwes manigas ka ang kailangan nya si Rain ang GIRLFRIEND nya hindi ikaw" lumalakas na ang boses ni lhean
"At mas lalong hindi ka kailangan dito. Bakit kasi sumama ka pa hindi ka naman part ng barkada" galit na sagot ni sheng
"Tsaka mas kailangan kami ni Arvin kasi kami ang kaibigan eh ikaw ex lang, EX ka lang" inis na sabi ni dean, minsan lang sya magsabi nang ganyan
"Kung alam nyo---" napatigil si berna nang magsalita
"TAMA NA YANG AWAY NYO, TIGILAN NYO NA NGA SI BERNA WAG NYO NA PAGKAISAHAN PARANG WALA KAYONG PINAGSAMAHAN!" sigaw ko sa kanilang lahat puro si away na lang sila
"Bro wag na wag mong sisigawan ang mga girlfriend namin" may inis na sa boses ni jacob
"Sumosobra na kasi sila baka pwede nyo pagsabihan" utos ko sa kanila
"Kami pa ngayon ang sumosobra nagsasabi lang kami nang totoo Arvin" galit na sabi ni sheng
"Hindi ka na talaga namin kilala Arvin" inis na sabi ni dean, minsan lang syang maging ganyan
Umalis na yung mga girls.
"Ewan ko sayo Arvin kung bakit ka ganyan" napailing na lang si jacob sakin
"Ikaw pa ba yung kaibigan namin" pagdadalawang-isip ni clark sa pagkakaibigan namin
"Bahala ka na sa buhay mo" seryosong sabi ni bob
"Red tara na" aya ni jacob kay red
Pagkatapos nila tawagin si red umalis na rin sila at sumunod sa mga babae.
"Daddy okay ka lang?" pag-aalala ni berna sakin
"Sa tingin mo ba okay ako pagkatapos ako iwan ng mga kaibigan ko" badtrip naman talaga, ayoko nang ganito
"Sorry pinagtatanggol lang naman kasi kita sobra na kasi sila" paliwanag ni berna sakin
"Hindi mo kailangan na ipagtanggol ako, kaya ko ang sarili ko at alam ko naman kung bakit nila ginagawa yun kasi ayaw lang nila na magkagulo ang barkada at pinoprotektahan lang nila si Rain" medyo may inis sa boses ko, sa umpisa pa lang alam kong ganyan na sila
"Kasalanan ko pa ngayon, concern lang naman ako sayo tapos ako pa ang mali totoo nga yung sinabi nila hindi na kita maintindihan" nagalit si berna at umalis din sya
"AAAAAAAAAHHHHH!" sigaw ko
Anu ba ito nangyayare sakin kay rain lang naman akong may kasalanan bakit lahat sila galit sa akin pati si berna nagalit na din. Ayokong ganito kami ng barkada mali na niloko ko si rain, kailangan kong gumawa nang paraan para ayusin ito sana hindi pa huli ang lahat.
Umakyat na ako sa kwarto namin ni bob at dun nagpahinga. Nagising ako dahil nakaramdan ako nang gutom, kaya naisipan ko ng lumabas at bumaba. Pagbaba ko sa sala nakita ko sila nagkakatuwaan at kumakain. At parang dun sila matutulog dahil may nakalatag na comforter at madaming CD ang nakalabas, napansin ko yung dalawang tao banda sa dulo medyo malayo sila sa iba.
Ang saya saya nila naglolokohan pa sila. Ang sweet nga nila nagsusubuan sila may pagpunas pa sa bibig at ang kinainit ng ulo ko yung magtitigan sila, yung titig na parang inlove sila. Lalo kinainit ng ulo ko nung magkilitian sila dahil iba yung saya nya.
Kaya ang sama ng tingin ko sa kanila gusto ko sana suntukin ulit si red kaso naisip ko ako pala may atraso sakanila.
.
.
.
Red POV
Habang kinikiliti ako ni rain napatingin ako sa may baba ng hagdanan nakita ko si arvin na ang sama nang tingin samin, kung nakakamatay lang yung tingin siguradong kanina pa ako nakahandusay dito.
Tumigil naman si rain sa pangingiliti sakin at tinanong ako.
"Uy anu tinitignan mo?" nagtatakang tanong nya sakin
Hindi ako sumagot nakatingin lang ako kay arvin, tumingin din sya sa tinitignan ko kaya napatulala sya, napansin naman yun nila renz kaya napatingin din sila sa baba ng hagdanan.
Yung mga kamao nila nakakuyom agad at parang gusto nila bugbugin si arvin buti na lang pinapakalma sila ng mga girlfriend nila, tumingin ulit ako kay rain parang naluluha na sya.
"A-anong g-ginagawa mo dito?" galit na tanong ni rain sa kanya, umayos ako nang upo para umalalay sa kanya
"Umalis ka dito. Wala kang karapatan magpakita pa samin hayop ka!" galit na galit na pagtataboy ni renz sa kanya
"Ang lakas mo rin magpakita pa kay Rain" naiinis na sabi naman ni joyce sa kanya
"Hindi ka na nahiya kay Rain at samin" sabay irap ni sheng sa kanya
"Umalis ka na dito bago pa magdilim ang paningin ko" pagbabanta ni renz sa kanya
"Pero Renz gusto ko lang kausapin ang kapatid mo" pagmamakaawa ni arvin kay renz
"Wala kang karapatan kausapin ang kapatid ko pagkatapos mo syang gaguhin hayop ka!" lumakas na ang boses ni renz
"Arvin sige na umalis ka na" galit na pagpapaalis ni rain sa kanya
"Kung ayaw mo magkagulo tayo dito umalis ka na" pagbabanta muli ni renz sa kanya
"Kung gusto mo pang umuwi nang maayos ang mukha mo, umalis ka na sa harapan namin" banta din ni jacob sa kanya
"Sige na umalis ka na Arvin bago pa dumilim paningin nila" si dean ang medyo kalmado sa kanila
Wala syang nagawa kaya umakyat na lang ulit sya.
"Rain okay ka lang?" hinawakan ko sya sa balikat
"O-okay lang ako wag na po kayo mag-alala" ngumiti si rain ng pilit, nakaramdam ako nang lungkot sa reaksyon nya
"Sigurado ka ba bunso?" nag-aalalang tanong ni renz sa kanya
"Opo kuya. Balik na po tayo sa pagkain natin" umayos na nang upo si rain
"Sige basta sabihin mo lang pag hindi ka okay" sabay ngiti ni joyce sa kanya
"Opo ate salamat po sa inyo" simpleng sagot ni rain
"Wala yun sige na bumalik na kayo sa paglalambingan nyo" pagbibiro ni joyce sa kanya
"Grabe naman po yung paglalambingan hindi po ba pwedeng nagkukulitan lang" reklamo agad nya, para sakin paglalambingan na yun hahahahah
"Parang gusto ko yun hahahaha" pagsakay ko sa biro ni joyce
"Sira! Loko loko ka talaga kumain ka na nga lang dyan" saway sakin ni rain na nakangiti na nang totoo
"Eto naman hindi mabiro" napansin ko naman nakatingin naman sila samin kaya nakaisip ako nang plano
"Rain may plano ako" pasimplebg bulong ko sa kanya habang nakatingin sa pagkain ko
"Para saan?" napakunot ang noo nya habang nakatingin naman sa pagkain nya
"Sa mga kaibigan mo tignan mo nakatingin na naman sila satin, pagtripan natin" pasimple kaming tumingin sa kanila nang hindi nila alam
"Anu naman gagawin natin?" bulong na tanong naman nya sakin
Sinabi ko sa kanya yung plano namin tapos pumwesto na kami.
"Rain tikman mo ito... Ang sarap" sinubo ko yung chicken sa kanya at nakangiti pa akong nakatingin sa kanya
"Ahm!... Ang sarap nga... Ikaw naman" sinubuan din nya din ako ng chicken
Nag-aantay naman sila kung ano ang susunod namin gagawin.
Nagkatitigan kami at hinawakan ko yung mukha ni rain tapos inilapit ko yung mukha ko sa kanya, nilapit ko pa yung 1inch na lang ang pagitan.
"HOY RED ITIGIL MO YAN!" sigaw na saway bigla ni renz
Tumawa naman kami nang tumawa ni rain.
"Hahahah tapos na po ang palabas hahahah" tumatawa pa rin si rain
"Pwede na po kayo kumain ulit hahahah" natatawa pa rin ako sa reaksyon nila
"Anu ba yan binitin nyo kami" reklamo naman ni sheng sa amin
"Akala namin magtutukaan na" bitin ang itsura ni jacob
"Tukaan ka dyan tignan mo nga po yung reaksyon ni kuya" masungit na sagot ni rain sa kanya
"Eh kung wala pala si kuya mo matutuloy yun" panunukso naman ni joyce kay rain
"Ate naman syempre hindi po, planado kaya lahat yun" sabay tawa ni rain
"Ano pinagtitripan nyo lang kami?" pagtatakang tanong ni renz samin dalawa
"Hahahah opo nakatitig na naman po kasi kayo samin" natatawang sagot ni rain
"Hulaan ko kung sino ang may pakana nyan" tumingin sakin si renz, grabe ang bilis nyang makaramdam
"Hahahah sino po?" tanong naman ni rain sa kanya
"Si Red madaming alam yan na pakulo eh" bigla akong sinamaan nang tingin ni renz
"Alam na alam mo na talaga hahahah" uminom ako ng coke natakot ako sa tingin ni renz
"Kumain na nga po kayo para makanood na po tayo nang totoong palabas hindi yung kami po ang pinapanood nyo" pagbibiro ni rain
"Pwede ba na kayo na lang panoodin namin" pang-aasar muli ni jacob
"Baliw sige na po kumain na kayo may kukunin lang po ako saglit sa taas babalik din po agad ako" paalam ni rain sa lahat at umalis na sya at umakyat sa taas
.
.
.
Rain POV
Nagpaalam muna ako sa kanila sandali para uminom ng gamot at magtake ng inhaler pakiramdam ko kasi aatakihin ako ng hika dahil sa kanina. Pagkatapos ko uminom ng gamot bumaba na ako. Pagdating ko sa sala nakita ko sila nagkakasiyahan nagtatawanan kaya napaisip ako. Kung malalaman nila yung sakit ko baka hindi na sila maging ganito kasaya kasi ang iisipin nila yung sakit ko at ako, kaya mabuti na yung hindi nila alam para wala silang inaalala. Masaya na ako na makita silang masaya. Napangiti na lang ako bigla dahil sa kanila.
"Uy Rain para kang baliw dyan nakangiti ka mag-isa" natatawang sita sakin ni sheng, napatingin naman yung iba sakin
"Baliw naman talaga yan hahahah" pang-aasar ni red sakin
"Ha ha ha nakakatawa" pamimilosopo ko sa kanya, nahawa na sya kila jacob na mahilig mang-asar
"Yan na naman kayong dalawa" saway ni ate joyce samin
"Si Red kasi ate mapang-asar" pagsusumbong ko kay ate joyce
"Asar talo ka naman" pang-aasar na sagot ni red sakin
"Tse! Ewan ko sayo" sabay irap ko sa kanya
"Tama na yan, halika na dito Rain para masimulan na natin yung palabas" aya na sakin ni kuya, wala na naman silang sinabi
Umupo na ako sa tabi nila. Ganito pwesto namin.
/Clark-sheng-lhean-jacob-red-ako-kuya-ate joyce-dean-bob/
Manonood kami nang iba't ibang uri nang palabas nakakatakot, nakakatawa, nakakaiyak at nakakakilig. Puyatan daw sabi nila.
"Anong gusto nyong unahin panuodin?" tanong samin ni kuya habang tinitignan yung mga CD
"Yung nakakatakot" sagot ni jacob
"Para mapayakap yung girl satin" sabay kindat ni clark kay sheng
"Ang kapal ng mukha mo By mas takot ka pa nga kesa kay Rain" pang-aasar ni lhean sa boyfriend nya
"Ano ba yan pre daig ka pa ng babae hahahaha" pang-aasar naman ni red kay jacob
"Bakla kasi yan Red hahahahah" sabi ni bob nag-apir naman sila ni kuya
"Sige pagtulungan nyo ako!!!" reklamo agad ni jacob
"Tama na nga po yan, simulan natin ang katatakutan" awat ko sa kanila
Sinalang na nila yung insidious at nagsimula na kami manood.
Nung umpisa medyo hindi pa ako natatakot pero yung girls tili na nang tili lalo na si jacob hahahah.
"Anu ba yan Cob mas malakas pa sigaw mo kesa sa mga babae" reklamo ni red kay jacob na katabi nya lang
"Nakakagulat kasi eh" nakangusong sagot ni jacob
"Ang bakla mo talaga" pang-aasar ni kuya sa kanya
"Shhh wag na po kayong maingay" pagsaway ko sa kanila, para silang mga bata kung mag-asaran
"Tapang mo naman pala" bulong ni red sakin
"Ako pa ba?... Eh hindi naman masyado nakakatakot" mahina lang pagkakasabi ko, sapat na para marinig namin parehas
"Baka mamaya mapapayakap ka na rin sakin dahil sa takot" pagmamayabang nya sakin,
"In your dreams" inirapan ko sya
"Uy wag na nga kayong maingay dalawa" saway samin ni dean na nakatingin lang sa TV
"Sorry po" paumanhin ko sa kanya, ang sungit ni ate dean
"Tignan na lang natin ang tapang mo mamaya" ngumisi sya sakin
Mga bandang gitna mas nakakatakot na dahil hindi kinaya nang powers ko kaya napayakap ako kay red.
"Chansing ka ah hahahah" panunukso ni red sakin kaya napahiwalay na ako sa kanya
"Kapal nito parang napayakap lang sa kanya chansing agad" pagsusungit ko sa kanya pero infairness ang bango nya
"Nawala na yung tapang mo ngayon" sabay ngisi nya sakin
"Tse lahat ng tao may kinakatakutan din kahit gaano ka pa katapang noh" inis na saad ko, mang aasar na talaga sya
"Sige lang okay lang naman na yumakap ka, alam ko naman na kanina mo pa ako gustong yakapin" may pagkamayabang din sya pero hindi ganong nakakainis
"Ang hangin mo talaga bahala ka nga dyan" tumingin na ako sa tv
Nanood na lang ulit ako, buti na lang patapos na, siguro naman wala nang nakakatakot sa huli pero nagkamali ako mas nakakatakot pa yung huli kaya nagsigawan kaming lahat pati mga boys natakot.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!" sigaw namin lahat at napapikit ako hindi ko alam kung ano na ang nangyare
Pagdilat ko nakayakap ako kay red tapos pati sya nakayakap sakin yung bang parang batang takot na takot kaya natawa ako.
"Uy ano nakakatawa?" pagtataka ni kuya na kinalabit pa ako nang mahina
"Kelan pa nakakatawa yung nakakatakot ha" reklamo naman ni jacob
"Tapos na ba wala na ba?" takot na tanong ni red sakin pero mahina lang
"Oh chansing ka ha" pang-aasar ko naman ngayon sa kanya
"Hindi kaya, ikaw nga yung una yumakap" depensa nya at umayos nang pagkakaupo
"Hahahah nasan na yung tapang mo hahahah" nakakatawa talaga yung itsura nya kanina
"Baliw ka talaga, wala naman nakakatawa" asar na sabi nya, sya na ngayon ang naasar
"Ang epic kasi nung mukha mo kanina parang batang takot na takot hahahaha" tawa pa rin ako nang tawa
"So tinitigan mo ako kanina" ngiting ngiti sabi nya kaya napatigil ako sa pagtawa
"H-hindi nakita ko lang" ang bilis nang karma ayan bumalik tuloy sakin
"Palusot ka pa" pang-aasar nya na sakin, wrong move ako dun
"Hindi naman talaga" pagtanggi ko sabay iwas nang tingin sa kanya
"Gusto mo rin naman na yumakap ako" patuloy pa rin sya sa pang-aasar
"Ang kapal mo" inirapan ko sya
"Tapos na ba kayo? Baka pwede na ulit tayong manood" pagsingit ni lhean samin
"Pwede wait lang, magsi-cr lang ako" paalam ni jacob
Tumayo na si jacob at naglakad papuntang kusina nang bigla syang takutin ni red.
"Hala Jacob sino yang nasa gilid mo" pananakot ni red sa kanya
"Aaahhhhh!" sigaw ni jacob tapos tumakbo pabalik samin at nagtalukbong sa tabi ng girlfriend nya
Tumawa naman kami nang malakas. Matatakutin talaga si jacob.
"Hahahahah ang epic hahahah" pang-aasar ni red sa kanya habang tumatawa
"Bro hahahah ang bakla mo hahahah" ganun din si kuya
"Sumakit tiyan ko dun hahahah" tawa pa rin nang tawa si bob
Tapos tumingin sya samin nang masama pero tumatawa pa rin kami.
"Ang sasama nyo" inis na reklamo ni jacob samin
"Hindi kaya kami yun si Red kaya yun hahahah" tumatawang paninisi ni bob kay red
"Ang sama mo bro may araw ka din sakin, tara na nga manood na tayo" umayos na nang pwesto si jacob
"Hindi ka na magsi-cr baka magkasakit ka nyan" tanong ko sa kanya
"Ayoko na tinakot ako eh" natakot nga talaga si jacob sa kalokohan ni red
"Sorry na hahahah magCR ka na baka magkaUTI ka pa, ako pa sisihin nyo" natatawang sabi ni red sa kanya
"Wag na mamaya na lang" pagtanggi ni jacob at tumingin na sa tv
"Sige na sasamahan na kita" pamimilit sa kanya ni red
"Yun lumabas din ang totoo gusto mo lang magpasama dahil natatakot ka din" pang-aasar ko naman kay red
"Hindi kaya, kahit ako lang mag-isa kaya ko" sagot naman nya
"Sige nga" panghahamon ko sa kanya
Tumayo na sya, pupunta na sana sya ng CR nang magsalita yung boys.
"Red wait lang" pagpigil ni jacob sa kanya, lumingon naman sya samin
"Sama kami" sabi ni clark
"Hahahah mga takot din pala kayo kung makatawa kayo kanina wagas mga duwag din naman" pang-aasar ko sa kanila
"Mga duwag tara na nga" natatawang pag-aya ni red sa dalawa
Umalis na sila para magCR, maya maya tumatakbo na sila pabalik sa pwesto namin.
"Para naman kayong mga bata" sita sa kanila ni ate joyce
"Bakit ba kayo tumatakbo?" takang tanong ko sa kanila
"Si Red kasi nananakot" pagsusumbong samin ni jacob na parang bata
"Mga bakla talaga kayo hahahaha" pang-aasar naman ni red sa kanila habang paupo sa tabi ko
"Tara na manood na tayo" pag-awat sa kanila ni kuya, puro kalokohan talaga sila pag nag sama sama
Pumuwesto na ulit kami at nagpatuloy na sa panonood.
.
.
.
Renz POV
Sa sobrang tutok namin sa panonood ay hindi na namin napansin ang oras. Mag-a-ala-una na pala at gising pa rin kami.
"Myloves tignan mo yung kapatid mo tulog na at ang sweet nila tignan para silang mag jowa" kinikilig na sabi ni joyce na nakatingin sa gilid ko
Kaya napatingin ako sa gilid ko nakita ko natutulog na yung dalawa at ang sweet nga nilang tignan.
Nakaunan si rain sa braso ni red tapos si red naman nakayakap kay rain, si rain yakap nya yung bear na bigay ni red sa kanya.
"Picturan nyo bilis" rinig kong utos ni clark kaya napatingin ako sa kanila
"Sige para may pang blackmail ako kay red" pagsang-ayon ni jacob habang pinipicturan yung dalawa
"Picturan natin lahat hahahah" natatawa naman si sheng habang inilalabas yung phone nya
"Mga baliw kayo pati kapatid ko pinagtripan nyo pa" pagbibiro ko sa kanila, hindi ko alam kung bakit okay lang sakin na ganyan ang ayos ng kapatid ko at ni red, pero nung si arvin ang kayakap nya nakaramdam talaga ako nang-inis
"Makabawi man lang sa pang-aasar nila" nakangiting sabi ni jacob habang tinitignan yung picture nung dalawa sa phone nya
Pagkatapos nila pagkaguluhan yung dalawa sa pagkuha ng litrato ay nanood na ulit kami.
"Hindi talaga sanay yang kapatid mo na walang yakap yakap noh" nakangiting sabi ni joyce habang nakatingin sa dalawa
"Sinabi mo pa at hindi din yan sanay na maluwag yung kama nya" sabay kuha ko ng pringles sa paanan ko
"Bakit naman?" nagtatakang tanong nya
"Natatakot sya kaya yung kama nya sa bahay puno ng unan tsaka stuff toys" ayaw nya kasi na maluwag yung kama nya hindi ko alam kung bakit
"Oo nga nakita ko nga yung kwarto nya isang beses" sagot nya at kumuha sa pagkain na hawak ko
Nakaisang movie pa kami bago matulog.
"Inaantok ka na ba?" tanong ko kay joyce
"Medyo pero kaya pa naman" sagot nya
"Sigurado ka ba?" tumingin na ako sa kanya
"Oo na--- yawn" napahikab na sya
"Sige na matulog ka na alam kong antok ka na" sabay ngiti ko sa kanya
"Pero sino magpapatay ng tv?" pag-aalala nya
"Kami na bahala ng mga boys, matulog ka na tignan mo yung ibang girls tulog na ikaw na lang ang gising" tumingin kami sa mga kasama namin, mga tulog na sila jacob na lang ang gising
"Sige matutulog na ako. Good night myloves iloveyou" malambing na sabi ni joyce sakin
"Goodnight din myloves iloveyou too" hinalikan ko na sya sa noo tapos humiga na sya sa tabi ko at yumakap sakin
Ilang minuto pa ang nakalipas nakaramdam na din ako nang antok, tumingin ako sa mga boys para magpaalam sana na matutulog na ako pero pagtingin ko sa kanila mga tulog na pala kaya pinatay ko na yung tv at dvd player, bago ako matulog hinalikan ko muna si rain sa ulo.
****************
End of Chapter 18: Kulitan at Lambingan!
Muntikan na naman sila magkagulo buti na lang hindi natuloy. Ang huling gabi nila naging masaya sila. Ano naman kaya ang mangyayare sa pag gising nila magiging maganda kaya o hindi?
Abangan!
Hope you like it! Thank you for reading ang viewing!