Rain POV
Pagkatapos nang nangyare kanina nakatulog pala ako kakaiyak ko.
Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid. Ang pagkakaalam ko si kuya at si ate joyce lang ang kasama ko kanina eh bakit ang daming boses ang naririnig ko hindi kaya nandito na silang lahat. Pagdilat ko tama ako at nandito nga silang lahat parang may pinag-uusap sila.
"Okay lang naman sakin yun wag kang mag-alala" nakangiting sabi ni kuya kay red
"Kapatid na nya nagsabi hahahah" natatawang sagot naman ni bob kay red
Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila at bakit kay red sila nakatingin lahat, kaya naman hindi na ako nakatiis pa, nagtanong na ako kay kuya.
"Ano po yung okay sayo kuya?" tanong ko kay kuya na nasa paanan ko nakapwesto katabi si ate joyce
Nagulat naman sila nang magsalita ako kaya napatingin sila sakin at napatahimik. Problema ng mga toh.
"Ano po yung okay sayo kuya?" tanong ko ulit sa kanya
Nagtinginan silang lahat.
"K-kanina ka pa ba gising?" utal na tanong ni red sakin, bakit parang kinakabahan sya
"Hindi naman kagigising ko lang" ano ba problema nila
"Hoo buti kung ganun" napabuga ng hininga si red
"Okay ka na ba bunso?" tanong sakin ni kuya
"Okay na po siguro ako" sagot ko kay kuya
"Siguro? So hindi ka pa okay. Ano ba kasi ang nangyare sayo kanina?" pag-aalala ni ate joyce
"Bigla bigla ka na lang umalis" pag-aalala din ni dean
"May problema ka ba?" tanong sakin ni lhean
Sasabihin ko na ba sa kanila yung totoo o hindi pag sinabi ko kasi magkakagulo lang sila, ayoko naman ng gulo pero pag hindi ko naman sinabi masasaktan lang ako lalo. Bahala na si lord. Nagbuntong hinga muna ako bago magsalita.
"May sasabihin po ako sa inyo" sumeryoso sila nang tingin sakin
"Anu yun?" seryosong tanong ni kuya
Kinabahan at natakot ako baka magkagulo tapos nakita ko na may hawak na ice cream yung girls kaya may naisip akong palusot.
"Bakit sila may ice cream ako wala?" pag-iiba ko nang usapan na nakatingin pa sa ice cream na hawak ni ate joyce
"Bwisit akala ko pa naman seryoso na" inis na sabi ni jacob, mukhang disappointed sya
"Sisihin mo yang si Red apat lang ang binili" sagot ni clark na nakaturo pa kay red na nakatayo sa tabi ng puntuan
"Ganyan ka na ngayon pula sila lang nilibre mo" nagtampo tampuhan ako
"Malay ko ba na magigising ka na pagdating namin baka kasi matunaw lang pag hindi agad kinain kaya sila lang binilhan ko, tsaka bagong gising ka kaya baka sumakit tiyan mo" paliwanag naman agad ni red
"Ang dami mong sinabi, ang haba nang paliwanag mo, hindi mo lang talaga ako binilihan" pagtatampo ko tapos yumuko ako
"Lagot ka nagtampo na" pananakot ni clark kay red
"Alam mo na mangyayari pag nagtampo kapatid ko" paalala naman sa kanya ni kuya
Lumapit sakin si red.
"Eto naman hindi mabiro" sabay ngiti nya
"Tse! Dun ka wag kang lumapit sakin" pagtataboy ko sa kanya habang nakayuko
"Hala lagot ka red" pananakot sa kanya ni ate joyce
Tumayo si red at lumabas bigla ng kwarto, nakita ko naman na tumatawa sila kuya.
"Ang harsh mo naman bunso" natatawang sabi ni kuya
"Ang tampuhin mo talaga Rain" nakangiting sabi ni ate joyce
"Si Red pa syempre hindi nya malilimutan yun" nakangiting sagot ni bob na naka-akbay sa girlfriend nya
"Bakit umalis yun?" takang tanong ko sa kanila, binibiro ko lang naman sya eh
"Pagkatapos mo sungitan malamang nasaktan yun" saad ni jacob
"Joke lang naman po yun eh, sineryoso nya agad" malungkot na saad ko, nakaramdam talaga ako nang lungkot nung umalis sya
"So hindi ka galit?" tanong sakin ni dean
"Hindi bakit na--"
Bigla pumasok si red na may dalang DQ yung malaki.
"Wow ha ang bilis mo naman bumili" pagbibiro ko sa kanya
"Sino nagsabing bumili pa ako kinuha ko lang kaya ito sa ref hahahahah" natatawang sagot ni red at lumapit na sya sakin
"Talagang malaki yung kanya" pagpaparinig ni lhean
"Syempre naman special eh" nakangiting sagot naman ni jacob
"Loko ka jacob" binigay nya na sakin yung ice cream at umupo sya sa gilid ko "Sorry na, biro lang naman yung hindi ka namin binilhan hahahaha" paliwanag nya agad
"Ewan ko sayo ang dami mong alam" kinuha ko yung ice cream sa kanya
"Okay na ba tayo?" tanong sakin ni red
"Okay naman talaga tayo tsaka joke lang din yung kanina hahahah" sabay tawa ko, nakatingin lang sila sa amin
"Joke lang pala ha" akma na kikilitiin nya ba ako nang pigilan sya ni kuya
"Red tigilan mo yan" saway ni kuya sa kanya
"Joke lang naman hindi kayo mabiro" napakamot si red sa ulo nya sabay tayo at bumalik sa pwesto nya
"Hahahah yan kasi ninja moves" pang-aasar sa kanya ni jacob
"Wag kasing dumamoves pag nandyan yung kuya" panunukso naman sa kanya ni clark
"Ewan ko sa inyo" napailing nalang si red sa kanila
"Uy salamat sa pa-ice cream mo" nginitian ko sya
"Wala yun para sayo i mean para sa inyo" nakangiting sagot ni red
Ayan na naman yung mga ngiti nyang nakakahawa at mapang-akit. Napailing na lang ako sa naiisip ko.
"Palusot.com hahahah" pang-aasar naman sa kanya ni bob
"Rain anu na pala yung sasabihin mo?" tanong bigla sakin ni ate joyce kaya napatingin ako sa kanya
Oo nga pala may sasabihin ako sa kanila. Si red kasi pero biro lang.
"Basta wag po kayo susugod o magagalit sa kanya" pakiusap ko sa kanila, nagtinginan naman sila na parang may naiisip na sila
"Sa kanya bakit ano ba yun?" sumeryoso na ulit si kuya
"Magpromise po muna kayo na hindi po kayo magagalit at makikipag-away" tinignan ko sila isa isa nakita ko nakayuko lang si red
"Promise!" sagot nilang lahat at nakataas pa yung kanang kamay nila pwera lang kay red
"Kasi po ganito yun....."
Kiniwento ko sa kanila kung ano yung nangyare nung nasa camp john hay kami, kung bakit bigla akong umalis.
"Yun kaya po ako nag walk-out pero inisip ko baka hindi totoo yun, sinabi nya lang yun para magalit po ako sa kanya at iwan ko na sya" paliwanag ko sa kanila habang kumakain ng ice cream
Yun ang naiisip ko bago ko sila mahuli sa kusina pero ngayon hindi ko na alam ang iisip ko tungkol sa kanila.
"Siraulo pala yun eh!!!" galit na sabi ni kuya
"Lagot sakin yan si Arvin" banta naman ni jacob
Tatayo na sana sila kuya nang pigilan ko, sabi ko na nga ba iinit ang ulo nila.
"Please kuya wag na po, ayoko po nabg gulo, alam mo po yan" hinawakan ko sa kamay si kuya
"Pero Rain niloko ka ng ungas na yun hindi pwedeng ganun na lang yun" pag-aalala ni kuya alam kong hindi tama ang ginawa nya pero hindi rin naman tamang saktan nila yung tao
"Tama ang kuya mo at para maiganti na rin namin si Red" pagsang-ayon ni jacob kaya naman napatingin ako kay red
"Guys please wag na po, yan na nga po ba ang sinasabi ko kaya hindi ko sinabi sa inyo, iinit lang po ang ulo nyo" pagpigil ko sa kanila, nakayuko pa rin si red hanggang ngayon
I know he's hurt because I'm hurt too. I feel what he feels right now.
"Ano ka ba Rain sinong hindi iinit ang ulo sa ginawa ng boyfriend mo" galit na sabi naman ni ate joyce
"Miski ako galit na dyan kay Arvin" galit na sabi din ni dean, sya kasi ang may pinakamahabang pasensya samin
"Relax lang po kayo guys, kung yan pa lang po ang nasasabi ko galit na galit na po kayo, pano pa kaya pag nalaman nyo pa po yung isa" baka hindi ko na sila mapigilan pa pero tama ba na sabihin ko pa sa kanila yun
"Hindi lang pala isa ang kasalanan ni Arvin sayo" matapang na sabi ni clark
"Sige kwento mo na" inis na sabi ni dean
"Wag na lang po baka kung ano pa magawa nyo sa kanya" baka hindi ko na talaga sila mapigilan pa
"Hindi ko alam sayo Rain ikaw na yung niloko pero concern ka pa rin" inis na sermon sakin ni kuya
"Ikaw na yung nasaktan pero ayaw mo sya masaktan" mataray na sabi naman ni lhean
"Ganun naman talaga pag nagmahal po diba, okay lang masaktan ka wag lang yung mahal mo" sabay ngiti ko sa kanila pero hindi nagbago ang expression ng mukha nila
"So may balak ka pang ipagpatuloy yang relasyon nyo?" mataray na tanong ni sheng
"Hindi ko nga po alam eh, pero kasi hindi ko pa po kaya na bitawan sya" malungkot na sagot ko sa kanila, oo masakit yung nalaman at nakita ko pero mahal ko pa rin sya
"Naku Rain hindi na pagmamahal yan, pagpapakatanga na yan" tama yung sinabi ni bob pero ganun naman talaga magpapakatanga ka para sa taong mahal mo
"Kayanin mo Rain kasi lalo ka lang masasaktan at mahihirapan, lalo na ang puso mo" para sakin iba yung ibig sabihin ni ate joyce
"Tama si Ate Joyce mo Rain, wag mo nang dagdagan pa ang sakit sa puso mo" pag-aalala naman ni kuya
"Hays hindi ko pa po alam ang gagawin ko, bahala na po" napabuntong hininga na lang ako
"Ano naman ang masasabi mo dun Red?" baling ni ate joyce kay red kaya napatingin din ako sa kanya
"Ahm wala" simpleng sagot ni red
"Anong wala?" pagtataka naman ni sheng
"Wala! Wala naman na kami ni Berna" paliwanag nya na hindi makatingin sakin
"Ano?!" sigaw ng girls
"Kelan pa?" tanong sa kanya ni lhean
"Wait bakit nyo pala sinabi na para maiganti nyo si red?" pagsingit ko sa kanila at nakakunot noo ko
"Si Red na ang magpapaliwanag" sagot ni bob
"Nung isang araw diba nakita nyong may pasa ako" simula ni red, tumango naman ang girls ako nakikinig lang "Hindi totoong nabangga ako sa pinto, yung totoo kasi sinuntok ako ni Arvin nung gabi" kwento nya samin tumingin sya sakin pero agad din nya iniwas
"Bakit?... Bakit naman nya gagawin yun?" bakit naman nya sasaktan si red, eh wala naman syang ginagawang masama sa kanya
"Diba nung araw na inamin sayo ni Arvin ang lahat nung gabing yung doon din nakipaghiwalay si Berna sakin. Kaya naman ako sinuntok ni Arvin kasi nagkasagutan kami ni Berna pinagtanggol nya lang" pagku-kwento nya ulit, yun yung araw na nag-usap usap pa kami sa sala kasama si kuya
"Bakit hindi ka gumanti?" takang tanong ko sa kanya
"Kasi alam kong magagalit ka pag nalaman mo na may pasa si Arvin dahil sakin, kaya pinabayaan ko na lang" baliwalang kwento ni red pero may saya akong naramdaman dahil inaalala nya pa ako kesa sa sarili nya
"Grabe sila hindi lang sila ang niloko pati tayo" galit na sabi ni dean
"Kaya pala laging wala si Arvin kasi magkasama sila" inis na sabi naman ni sheng
"Rain ano pa yung isa mong sasabihin?" si ate joyce talaga laging nakakaalala sa lahat
Napalunok ako dahil naalala ko na naman yung nakita ko kahapon kaya napaiyak ako, pumunta naman agad sa tabi ko si kuya.
"Uy Rain bakit ka umiiyak?" pag-aalala ni red, nakita ko na gusto nya din lumapit pero pinipigilan nya yung sarili nya
"K-kasi kahapon po n-nakita ko sila na n-nag h-hahalikan sa kusina" sobrang sakit yung pangyayaring yun, nakita ko yung pagpikit ni red at pagkakalma nya sa sarili nya
"ANO!" sigaw nilang lahat
Tumayo ulit si kuya at nakayukom yung kamay nya.
"Sumosobra na talaga yang si Arvin!!" galit na galit na sabi ni kuya
"K-kuya please wag, d-dito ka lang" pakiusap ko sa kanya at hinawakan ko yung kamay nya
"Bibigyan ko lang ng leksyon si Arvin. Boys tara!" aya ni kuya sa boys
Tumayo naman yung mga lalaki pwera lang kay red na nakatingin lang sakin.
"Uy wag nga kayong magpadalos dalos Renz gusto mo ba umiyak na naman yang kapatid mo" sermon ni ate joyce sa kanila
"Umupo nga kayo" utos naman ni sheng sa kanila at hinila paupo si clark
"Kuya wag please!" pagmamakaawa ko sa kanya
"Pero kasi sumosobra na sya sa pananakit sayo" galit na sagot ni kuya
"May point naman kasi ang kuya mo, gusto ka lang nyang protektahan" nakita ko kay red yung pagpipigil nya nang galit
"Pero alam nyo po na ayaw ko nabg away at gulo, kaya please lang po" pagmamakaawa ko sa kanila at kay red dahil sa kanya ako nakatingin
Pumunta ulit si kuya sa tabi ko.
"Shhh! Tahan na wag ka nang umiyak" niyakap ako ni kuya kaya nawala kay red yung paningin ko
"Rain basta nandito lang kami para sayo" hinawakan naman ni ate joyce yung kamay ko
Yung mga babae naman yung biglang tumayo.
"Oh saan naman kayo pupunta?" tanong ni kuya sa kanila
"May kakausapin lang kami para magtanda" matapang na sabi ni ate joyce
"Ate naman sila kuya nga pinigilan natin pero kayo din naman po pala ang susugod" malungkot na paliwanag ko sa kanila
"Para naman sayo ito kailangan mabigyan ng leksyon yang si Berna" galit na sabi ni ate joyce
"Kaya nga may boyfriend na lumalandi pa, aba hindi pede yun" galit din si sheng, magpinsan nga talaga sila
"Myloves maupo nga kayo kami pinigilan nyo tapos kayo naman ang susugod" pagpigil sa kanila ni kuya
"Mga ate at kuya please wag, ako na pong bahala kumausap sa kanila" pakiusap ko naman sa kanila
"Kaya mo ba?" panghahamon ni dean sakin
"Kailangan kayanin pero hindi pa po ngayon kasi hindi ko pa po kaya makita sila" humilig ako sa balikat ni kuya
"Hays ang baby namin ang bait talaga" malambing na sabi ni kuya
"Baby kaya ni Red yan" panunukso naman ni jacob
"Huy bunganga mo!!" saway ni red sa kanya
"Huh? Anu pong ibig mong sabihin?" ano kaya ibig sabihin nila
"Wala yun pinagloloko ka lang ni Jacob" sagot ni red pero masama ang tingin nya kay jacob
Nagtawanan naman sila. Ang bilis magbago nang mood nila kanina galit na galit sila ngayon tumatawa na sila, eto ang maganda sa grupo namin mabilis mapalitan nang masaya ang malungkot na nangyare.
"Tandaan mo lagi kami nandito para sayo" nakanigiti sabi ni lhean sakin
"Hindi ka namin pababayaan" ganun din si sheng
"Salamat po talaga sa inyo" nginitian ko din sila
"Teka anong oras na ba?" tanong bigla ni clark
"Seven na... Bakit?" sagot ni sheng sa boyfriend nya
"Seven na hindi pa tayo kumakain" sagot naman jacob, gutom na sya hahahah
"Diba may binili kayong foods para sa dinner natin diba?" tanong ni lhean sa boys
"Oo meron" sagot ni red
"Tara kain na tayo" aya naman ni dean
Tumayo na kaming mga babae.
"Ops!... Teka lang" pagpigil ni jacob samin
"Oh bakit?" takang tanong ni ate joyce sa kanila
"Kasi may surprise kami sa inyo girls" sabay ngiti ni kuya
"Una na po ako sa baba may surprise daw po sa inyo mga boyfriend nyo hahahah" panunukso ko sa kanila tapos tumayo na ako
"Ang dami nyong pakulo, pano naman si Rain?" sabay tingin sakin ni sheng
"Teka hindi ka pwedeng mauna" pigil naman sakin ni red nang maglakad ako papunta sa pinto
"Huh bakit naman eh may surprise nga daw sila kuya sa mga girlfriend nila, tsaka wala--- hala don't tell me kasali sa inyo si Arvin, kuya naman kasasabi ko lang hin----" hindi ko na naituloy sasabihin ko nang sumingit si red
"Dami mong sinasabi, pwede po ba wag ka pong maingay maupo ka muna" pag-awat sakin ni red
"Pero hindi naman ako---" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko
"Sabi wag ka munang maingay" saway ni red sakin
Hindi na ulit ako nagsalita, kasi kusang tumikom ang bibig ko sa pagsaway nya sakin.
"Boys alam nyo na" nakangiting sabi ni kuya at nagtanguhan naman sila
"Yes boss!" sagot ng boys pwera lang kay red na nakangiti lang
Tapos may kinuha silang panyo sa bulsa nila at tinakip sa mga mata namin mga girls.
.
.
.
Red POV
Pagkatapos namin mag-usap usap nilagyan na namin nang piring sa mga yung mga girls.
"Red ano bang kalokohan ito, bakit pati ako kasali?" reklamo sakin ni rain habang tinatali ko sa kanya yung panyo
"Pwede po ba ulan wag nang madaming tanong makisakay ka na lang" malumanay na pakiusap ko sa kanya
"Bakit kasi ang dami nyong alam na pakulo kakain lang naman tayo" pagmamaktol nya ang cute nya para syang bata
"Kaya nga pano kami kakain kung may mga ganito kami sa mga mata" reklamo naman ni dean sa boyfriend nya
"Pano rin kami bababa kung hindi namin nakikita yung daan" reklamo naman dun ni joyce
"Shhh! Magtiwala kayo samin" saway sa kanila ni jacob
"Myloves hindi naman kita ipapahamak noh" sagot ni renz
"Kaya ikaw mahal magrelax ka lang" sagot naman ni bob
"Bakit kasi may pa ganito pa?" mahinang reklamo ni rain yung kami lang nakakarinig
"Just trust me, okay?" bulong ko sa kanya sabay hawak sa magkabilang balukat nya at tumango naman sya bilang sagot kaya napangiti ako
"Tara na alalayan nyo na mga girlfriend nyong mabuti at Red ang kapatid ko ah, alalayan mo maigi pag yan nadapa lagot ka sakin" pagbabanta sakin ni renz na nakangiti
"Oo naman ako na bahala kay ulan" nginisian ko sila
"Galing talaga ng mga damoves mo Red" pang-aasar sakin ni jacob
"Ninja moves pa more" tukso naman ni clark sakin
Inalalayan na namin silang tumayo at dahan dahan namin sila pinalakad.
"Ang dami mo talagang paandar Roberto" sermon sakin ni rain habang dahan dahan kami lumalakad
"Redbert po hindi Roberto" pagtatama ko pati pangalan ni daddy dinamay nya pa
"Eh gusto ko Roberto" mataray na sagot ni rain
"Tsaka hayaan mo na last day na natin dito kaya enjoyin na natin, go with the flow ka na lang" ngumiti ako kahit hindi nya nakikita
"Pag ako talaga nadapa o kaya nahulog lagot ka sakin" pagbabanta nya sakin
"Hayaan mo sasaluhin naman kita" nakangiting sagot ko
"Aaayyyiiieeeeee!!" tukso nila
"Mga baliw!!" sigaw ni rain sa kanila, hindi namin alam nakikinig pala sila
Pababa na kami, pero nasa hulihan kaming dalawa, dahan dahan namin silang inalalayan. Nang makarating kami sa sala pinagtabi tabi namin sila.
"Girls dyan muna kayo" lumayo na si renz kay joyce
"Tayo lang muna kayo dyan" ganun din si bob
"Uy wag nyo kaming iwan" sabi ni lhean pagkabitaw ni jacob sa kanya
"Pagkami talaga natumba lagot kayo samin" banta ni joyce samin
"Sinasabi ko na sayo pula malalagot ka talaga sakin" banta naman ni rain sakin
"Shhh! Relax lang kayo" pagpapakalma ko sa kanila at binitawan ko na si rain
Kinuha namin yung mga teddy bear at flowers tapos pumesto kami sa may ibabaw ng comforter at sa harap namin yung mga pagkain namin at yung mga favorite nila.
"Pagbilang namin ng tatlo tanggalin nyo yung panyo" utos ni renz sa girls
"1" clark
"2" bob
"3" jacob
Sabay sabay nila tinanggal yung piring sa mga mata nila.
0_0 girls ^_^ kami.
"Wow ang ganda" manghang sabi ni sheng
"Ang sweet nyo naman" nakangiting sabivnaman ni lhean
"Aw ang cute" nakatingin si dean sa stuff toys na hawak ni bob
"Sweet naman ni myloves" nakatingin naman si joyce kay renz
"Wow ang sasarap ng pagkain puro paborito ko" masayang sabi ni rain
Napatingin kami kay rain na sa mga pagkain nakatingin, sya lang kasi yung iba ang sinabi.
"Oh bakit ganyan po kayo makatingin sakin?" pagtataka ni rain nang maramdaman nyang sa kanya kami nakatingin
"Yung pagkain talaga yung una mong nakita" reklamo ko sa kanya
"Ang takaw mo talaga" biro naman ni jacob
"Anong gusto nyong tignan ko?" mataray na tanong naman ni rain
"Ako!... Sana man lang tinignan mo muna yung dala ko" tinaas ko pa yung dala ko
"Aba malay ko ba. Malay ko ba kung para kanino yang dala mo, malay ko baka para yan kay Berna" sagot nya nang hindi makatingin sakin
"Tsk! Kasasabi ko lang kanina wala na kami ang kulit mo din" inis na saad ko, hindi ba sya nakikinig kanina
"Eh para kanino ba yan, hindi naman pwede sa kanila kasi binigyan na sila ng mga jowa nila" minsan slow rin si rain
"Ang tanga mo talaga girl" natatawang sabi ni lhean sa kanya
"Commonsense naman" biro naman ni sheng
"Rain ang manhid mo na hahahaha" sabay tawa ni joyce
"Ate Joyce naman mas mabuti na yung nakakasigurado kesa mag-assume diba" pagmamaktol ni rain para talaga syang bata
"Ewan ko sayo bahala ka hahahah" napailing na lang si joyce
"So Red para kanino yan?" tanong sakin ni rain
"Malamang para sayo, ikaw lang naman ang wala pa" diretsong sagot ko sa kanya
"Sa-sakin? Ba-bakit?" utal utal na sabi ni rain
"Oo para sayo. Wala lang masama ba magbigay ng regalo sa kaibigan" pagdadahilan ko, masama bang magbigay ng regalo sa crush ko
"Pero hindi ko matatanggap yan hindi ka ba nasabihan nila na hindi ako tumatanggap ng regalo" pagtanggi agad ni rain parang nanlambot ang mga tuhod ko
"Sinabihan pero alam ko naman na tatanggapin mo" sabay ngiti ko, tama nga sila renz mahirap bigyan ng regalo ang kapatid nya
"Lakas ng fighting spirit mo Red" pagchicheer ni sheng sakin
"Tsaka para saan, hindi ko naman birthday, hindi rin naman pasko o bagong taon wala naman okasyon" daming dahilan ni rain
"Ano ka ba hindi kailangan may okasyon para bigyan ang isang tao ng regalo. Pasasalamat ko lang ito" paliwanag ko sakanya, sana tanggapin nya na
"Pasasalamat saan?" takang tanong naman ni rain
"Para sa pagtanggap sakin at sa pakikipagkaibigan remember ikaw ang una kong naging ka-close at kaibigan" mahirap nga talaga syang bigyan ng regalo, nawawalan na ako nang pag-asa
"Pero hindi mo naman kailangan gawin ito. May utang pa nga ako sayo dahil sa pagdamay mo sakin nung isang araw" sagot naman nya, lahat ata nang sasabihin ko may isasagot sya
"Hindi naman kailangan magbilangan ng mga utang na loob. Sige na tanggapin mo na" pagmamakaawa ko sa kanya at lumapit na ako sa kanya
"Pero hindi talaga" pagtanggi ulit ni rain
"Rain tanggapin mo na" utos ni renz sa kapatid
"Pero kuya" maktol ni rain
"Wag na pabebe Rain" sabay ngiti ni lhean
"Wag na umarte pa hahahah" sabay tawa ni dean
"Kung ayaw mo tanggapin akin na lang" biro ni jacob
"Sige na please" nagpuppy eyes ako sana gumana
Tumingin muna sya sa kuya nya at sa mga kaibigan nya bago tumingin ulit sakin.
"Sige na nga, akin na pasalamat ka may mga kakampi ka" kinuha na ni rain yung dala ko
"Salamat, maraming salamat" nginitian ko sya
"Tatanggapin din naman pala umaarte pa hahahah" pang-aasar ni clark sa kanya
"Uy hindi ah hahahah" sabay tawa ni rain
"Tara kainan na" aya ni renz sa amin
"Let's go!" sigaw ni jacob
Nagsiupuan na kami sa comforter, kanya kanyang pwesto at kuha ng pagkain, napansin ko naman na nangiti si rain at nakatingin sa binigay ko sa kanya.
******************
End of Chapter 17: Group Surprise!
Yun pala ang surprise nila isang group date, ang galing magplano ni red. Magiging masaya kaya sila or magkakagulo na naman sila?
Abangan!
Hope you like it! Thank you for reading ang viewing!