CHAPTER 16

3441 Words
Sheng POV Pagkaalis ng boys nag-usap usap kaming girls dito sa kwarto tungkol sa kalokohan na ginawa ng boys kanina pero mahina lang ang mga boses namin baka kasi magising si rain. "Loko loko yun si Red" natatawang sabi ni joyce sa ginawa ni red kanina "Nahawa na kila Jacob" napailing na lang ako sa kalokohan nila "Pero naka-ninja moves sya dun" nakangiting sabi naman ni lhean "One point for Red" biro naman ni dean Nagtawanan kami pwera lang kay joyce na nagtataka. "One point?... Bakit may gusto ba si Red kay Rain?" takang tanong ni joyce samin, ang bilis nya talagang makahalata "Wala daw pero crush nya lang daw, pag hanga daw" paliwanag ko sa kanya, yun naman talaga kasi ang sinabi samin ni red "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni joyce samin na nakangiti "Oo nakainterview kasi namin sya kahapon" kwento ni lhean sa kanya "Tapos tinanong namin kung may gusto sya kay Rain pero ang sabi nya crush lang paghanga daw" kwento ko naman pero iba yung kislap ng mata nya kahapon nang aminin nya samin yun "Talaga hahahah kaya pala lagi syang kasama ni Rain" nakangiting sabi ni joyce habang tumatango tango "Tsaka nakikita namin na masaya si Rain pagkasama nya si Red" yun ang napansin namin sa kanila nitong mga nakaraang araw na magkakasama kami "Pero wrong timing may girlfriend sya at may boyfriend naman si Rain" panghihinayang ni dean sa dalawa "Kaya nga eh bagay pa naman silang dalawa" pag-i-imagine ni lhean na nakatingin pa sa kawalan "Kaya pala tuwang tuwa yung mga boys kanina sa ginawa ni Red" napailing na lang si joyce nang maalala yung ginawa nung mga boys kanina "Mga loko loko nga pinagkaisahan nila si Red" natatawang saad ko "Kaya pala hindi kayo umaangal kung bakit ginawa ni Red yun kasi may alam kayo" masungit na sermon samin ni joyce, naka-ate mode sya hahahah "Pero nabigla din kami sa ginawa nya kanina" depensa ko agad, minsan kasi may pagka-renz din ang pinsan kong ito "Tapos si Renz kung makareact daig ba yung boyfriend hahahaha" pagbibiro ni lhean "Alam mo naman yun protective kuya" natatawang sabi ni joyce "Alagang alaga talaga ni Renz ang kapatid nya" nakangiting sabi ni dean habang nakatingin kay rain na natutulog "Sinabi nyo pa" pagsang-ayon ko sa kanila, pag tungkol talaga kay rain ang usapan hindi hahayaan masaktan ni renz ang kapatid nya kahit naman kami ganun din kay rain "Pero ang bilis ng araw noh, bukas uuwi na tayo, parang kahapon lang tayo pumunta dito" nakasimangot na sabi ni lhean na kinalungkot namin lahat "Ang bilis talaga, magpapasukan na naman" mas kinalungkot namin dahil alam namin na may tiyansang umalis na naman si rain "Si Rain ba sa school natin mag-aaral o babalik sya sa america?" malungkot na tanong samin ni dean "Hindi ko alam wala naman syang nababanggit tungkol dyan" sagot ni joyce na nakatingin kay rain "Sana dun ulit sya mag-aral nakakamiss na din kasi yung may makulit pag break time" para buo na rin kaming barkada, tumingin din ako kay rain na mahimbing ang tulog "May mga makukulit naman ah" napalingon kami kay lhean sa sinabi nya, sino naman ang tinutukoy nya "Sino?" pagtataka naman ni joyce "Yung mga boys hahahaha" sabay tawa ni lhean "Iba naman kasi yung kulit ni Rain sa kulit ng mga boys" pagkukumpara ni joyce sa dalawa "Iba talaga, yung kulit ni Rain ang cute eh, pero yung kulit ng boys nakakainis" biro ko, pero totoo yun lalo na pag may mga kailangan sila Nagtawanan kami pero mahina lang baka magising kasi si rain. Nagpatuloy pa kami sa pagkukwentuhan at pagtatawanan. "Ang bilis nang oras mag gagabi na agad" sabi ni lhean na nakatingin sa bintana "Ang bilis nga pero yung boys ang tagal kanina pa sila wala" mataray na saad ko, saan na naman kaya nagpupupunta ang mga yun bibili lang ng pagkain pagkatagal tagal pa "Dito muna kayo magluluto lang ako" paalam samin ni joyce, inayos nya muna yung kumot ni rain bago tumayo "Kami na muna ang magluluto, lagi na lang kasi ikaw couz ang nagluluto para sa ating lahat" pagpigil ko sa kanya, marunong din naman kasi magluto yun nga lang mas masarap yung luto nya samin "Hahahah! Sige sarapan nyo ha" natatawang sabi ni joyce at umupo ulit sya "Oo naman kami pa ba" sabay kindat ko sa kanya Tumayo na kaming tatlo, aalis na sana kami nang magsalita muli si joyce. "Wait lang!" pagpigil nya samin "Bakit?" tumingin naman kaming tatlo sa kanya "Nagtext kasi si Renz ang sabi nya wag na daw tayo magluto bibili na lang daw sila dun ng dinner natin" paliwanag ni joyce habang nakatingin sa phone nya "Ganun ba edi mabuti hindi na tayo mapapagod magluto" pagbibiro naman ni lhean at umupo na sya sa kama "Anu naisipan nila at bumili sila nang pang dinner" umupo na rin ako sa katabing kama ni rain "May pakulo na naman siguro ang mga yun" malakas din makaramdam si dean, tahimik lang sya pero nakikiramdam yan parang yung boyfriend nyang si bob "Sana nga hahahah" natatawang sabi ni joyce, hindi na kami aasa sa boys mga kuripot ang mga yun "Pero panu si Rain eh hindi naman nila kasama si Arvin" pag-aalala ko kay rain "Sus si Rain pa, hindi pababayaan ni Renz na wala ang kapatid nya" sagot naman ni joyce "Sabagay spoiled eh" sabay tawa ni lhean "Pero nasan nga ba sila Berna at Arvin?" pagtataka ni joyce "Naiwan sila nung umakyat kami dito" paliwanag ko, oo nga nasan pala silang dalawa "At hindi na namin alam kung nasan na sila kanina pa kaya tayo magkakasama dito" pansin ko lang parang sumeseryoso si dean pag sila arvin na ang pinag-uusapan simula nung nag-alisan sila rain dun sa camp john hay "Parang may something silang dalawa" tumingin kami kay joyce sa sinabi nya, napansin nya din pala yun "Lagi sila yung nawawala sa grupo para bang lagi silang magkasama" nahiga ako sa kama habang nagsasalita "Sinabi mo pa at lagi sila humihiwalay satin" pagsang-ayon ni lhean sakin "Siguro may namamagitan ulit sa kanila" sigurado akong may alam si dean sa nangyayare pero ayaw nya lang magsalita dahil sya ang kasama nung apat yung araw na yun "Wala naman siguro" pagtanggi ni joyce "Malay natin diba" nagkibit balikat ako, pero pakiramdam ko meron namamagitan sa dalawa "Naaalala nyo ba nung nasa mall tayo" pagpapaalala ni dean sa nakita namin sa mall nung namimili kami para sa baon namin papunta dito "Oo bakit?" napaupo ulit ako nang maalala ko yung nangyare "Diba hindi sumama satin si Arvin magsimba nun" pagkukwento ni dean samin, kami naman ay nakikinig lang sa kanya "Tapos nakita natin sila magkasama ni Berna sa grocery pati na dun sa isang store" pagpapatuloy nya sa kwento nya Nung hinahabol kasi namin si rain nung nakaraang linggo sa mall napadaan kami sa isang store at nakita namin dun sina arvin at berna na masayang magkasama at nagtatawanan pa sila. "Anong konek?" nagtataka pa rin si lhean "My point is bakit sila ang laging magkasama diba?" seryosong tanong ni dean samin Napaisip naman kami sa sinabi nya. Bakit nga ba sila ang laging magkasama this past few weeks. Nagkabalikan ba ulit sila, niloloko ba nila ang mga partners nila. "Sinasabi mo bang baka nagkabalikan ulit sila at niloloko nila si Red at Rain" paninigurado ni lhean "Hindi ako sure pero parang ganun na nga" may alam talaga si dean ayaw nya lang makialam kasi hindi naman nya masasabi ang mga ganyan kung wala syang ideya "Sana naman hindi totoo yan kasi kung totoo lagot talaga sya kay Renz at itatakwil talaga natin sya bilang kaibigan" pagbabanta ko kay arvin kahit wala sya dito, mahirap makalaban si renz kaya kahit ang boys ay takot sa kanya "Hindi naman siguro wag natin sila pangunahan" alam kong may side kay joyce na naniniwala sya pero ayaw nya lang paniwalaan "Wag na natin pag-usapan yan wala tayong basehan o ebidensya. Malalaman naman natin yun kung niloloko nila tayo o hindi" paliwanag ko sa kanila sabay higa ko ulit sa kama pero sana nga hindi totoo Iisipin ko pa lang na totoo ay naaawa na ako para kay red lalo na kay rain at natatakot sa gulong pwedeng mangyare sa pagitan ni renz at arvin. "Lalabas at lalabas din ang katotohanan" sumandal naman si lhean sa headboard ng kamang hinihigaan ko "Change top---" napatigil ako dahil biglang bumukas yung pinto "Nandito na kami!" sabay sabay sabi ng mga boys na nakangiti Ano kaya ang nginingiti ng mga ito, may ginagawa siguro silang kalokohan na naman kaya ang kung makangiti wagas. . . . Red POV Nandito kami sa mall at bumibili ng mga pagkain para sa plano namin mamaya mag movie marathon. "Hoy Red anong pumasok sa utak mo at ginawa mo yun sa kapatid ko?" seryosong tanong ni renz sakin at pinanliitan nya ako nang tingin "Wala biro lang yun" pagdadahilan ko pero masaya ako na ginawa ko yun, hindi ko alam basta masarap sa pakiramdam "Biro lang eh kung biruin din kitang sapakin. At kayo naman tuwang tuwa pa kayo" piningot ni renz si jacob, sya kasi ang malapit sa kanya "Aray naman Renz, relax ka nga lang may hindi ka kasi alam" nakahawak si jacob sa tenga nya na pingot pingot ni renz "Ngayon naman may tinatago kayo sakin. At anu yun?" binitiwan na nya yung tenga ni jacob at humarap samin Nasa unahan kasi sila nila jacob at clark, katabi ko naman si bob na nagtutulak ng cart. "Si Red na lang magsasabi sayo hahahahah" natatawang sagot ni clark na tumingin pa sakin nang nakakaloko "Bakit ako?" pagtanggi ko sabay kuha ng pagkain at inilagay ko sa cart "Dinamay nyo pa si Red sa kalokohan nyo" sermon sa kanila ni renz, palihim naman akong natawa "Hindi kaya, sya naman talaga" nakangiting sabi ni bob, pinagkakaisahan talaga nila ako "Nagtuturuan pa kayo sabihin nyo na lang kaya" masungit na sabi ni renz, naglakad na sya at sya na rin ang nagtulak ng cart Napalunok naman ako at huminga nang malalim. "C-crush ko ka-kasi si..... R-rain" nauutal kong pag-amin sa kanya, napahinto naman sya at gulat na napatingin sakin "ANO! Gusto mo ang kapatid ko?... Jusko Red may girlfriend ka at may boyfriend ang kapatid ko" reklamo nya sakin, hindi sya makapaniwala sa sinabi ko "Ang OA mo naman ang sabi ko crush paghanga ganun hindi gusto..... Tsaka wala na naman kami ni berna" huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko kaya napatakip ako sa bibig ko Shit! bakit ko sinabi sa kanila. Minsan talaga napakadaldal ko. "ANO!" sigaw nila, napatingin samin yung ilang namimili na malapit sa amin "Uy hinaan nyo naman boses nyo" pagsaway ko sa kanila tsaka kailangan talaga sabay sabay sila "Kelan pa?" tanong ni renz "bakit?" tanong naman ni bob "Pano?" tanong din ni clark "Isa isa lang mahina kalaban" napakamot ako sa batok ko sa mga tanong nila "Okay so kelan kayo naghiwalay?" si renz na ang unag nagtanong sakin "Nung isang gabi" sabay lakad ko sumunod naman sila sakin "Bakit?" tanong naman ni bob "Hindi ko alam. Siguro nagalit nung nagkasagutan kami ni Arvin nasapak pa nga ako" sagot ko sa kanya "Panu?" tanong ni clark habang tinutulak yung cart "Sinabi nya sakin magbreak na kami, nasampal pa nga ako ni Berna" kumuha ako ng pagkain at nilagay ko sa cart "Ang sakit nun sinapak na, sinampal pa" pang-aasar sakin ni jacob, sa kanya ko kaya gawin yun tignan ko lang kung hindi sya masaktan "Kaya ka pala may pasa nung umaga" paliwanag ni bob at naglagay din ng pagkain sa cart "Hindi pala totoo na tumama ka sa pinto kaya ka nagkapasa?" tanong muli sakin ni clark "Oo hindi yun totoo, ayoko lang na mag-alala si Rain alam mo naman yun masyadong concern sa ibang tao" paliwanag ko sa kanila tapos tumingin pa ako nang bibilhin ko "Bakit ngayon mo lang sinabi samin yan?" tanong sakin ni renz habag tumitingin din ng junkfood "Ayoko din kayo maabala tsaka ayokong magkagulo kayo dahil sakin" paliwanag ko sa kanila, sino ba naman ako para magsumbong sa kanila diba, kakakilala pa lang naman nila sa akin "Bakit hindi ka gumanti kay Arvin?" tanong sakin ni jacob "Kasi pag gumanti ako at pag nalaman ni Rain na ako ang sumapak sa kanya edi magagalit sakin yun, ayaw ko naman magalit sya sakin kaya pinabayaan ko na lang" paliwanag ko ulit sa kanila, masaktan na ako wag lang syang magalit sakin "Kung ako yun hindi lang sapak siguro nabugbog ko na yun" biro na may pagkaseryosong sabi ni jacob "Gusto mo bang gantihan natin kahit kaibigan namin yun, mali pa rin yung ginawa nya" hinawakan pa ni clark yung balikat ko "Mga baliw kayo wag na, kasasabi nyo nga lang kaibigan nyo sya bakit nyo naman sya sasaktan tsaka okay na yun, nasapak na naman sya ni Renz parang nakaganti na rin ako" pagsaway ko sa kanila, ayoko lang palakihin pa yung gulo sa pagitan namin ni arvin kasi si rain lang naman ang maapektuhan "Iba pa rin yung pag ikaw na yung nakaganti" pamimilit ni jacob sakin "Atleast pag nalaman nya na may pasa si Arvin hindi sya sakin magagalit, sa kuya nya na sya magagagalit" pagbibiro ko kay renz "Lagot ka bro, oo nga pala ayaw nya may nakikitang pasa kahit isa satin" pananakot naman ni jacob kay renz "Oo nga pala, hayaan nyo na magpapaliwanag na lang ako sa kapatid ko" sabay lapag ni renz ng pringles sa cart "Tara na bayaran na natin toh tas libre ko kayo ng DQ" tinulak ko na yung cart na dala namin "Yan ang gusto ko sayo Red" ngiting ngiti naman itong si jacob sabay akbay sakin "Ang PG mo talaga Jacob" sermon ni bob sa kanya na iiling iling pa Pumunta na kami sa counter para magbayad pagtapos pumunta na kami sa store ng DQ. "Ano gusto nyo ako na oorder?" tanong ko sa kanila habang nakatingin sa menu "Strawberry banana!" sagot ni jacob "Double dutch sakin" sabay ngiti ni bob "Kitkat na lang sakin" sagot naman ni renz "Cookies n' cream sakin" natatawang sagot naman ni clark Umorder na ako pagtapos pumunta na ako sa pwesto nila. "Eto na yung ice cream nyo" nilapag ko na yung ice cream sabay upo ko sa tabi ni renz "Rk yung malaki talaga yung binili" pagbibiro ni jacob pero kita naman sa mata nya yung tuwa "Minsan lang naman eh" nginitian ko sila "Sabagay" sabay ngiti ni bob "Kung dalan kaya natin sila Rain nito" tanong ko sa kanila, syempre hindi naman pwedeng kami lang ang mag-a-ice cream "Basta ikaw bibili" natatawang sagit ni clark "Oo naman!" sagot ko agad parang ice cream lang naman "Ikaw bahala, ikaw naman gagastos" sagot naman ni renz sabay subo ng ice cream "Pero hindi ko alam ang mga gusto nila" napakamot naman ako sa batok ko "Mamaya sabihin na lang namin sayo pag-uuwi na tayo baka matunaw kasi pag ngayon ka na bumili" paliwanag naman sakin ni renz "Okay pero diba last day na natin ngayon dito?" tanong ko sa kanila, may naisip na naman kasi ako "Oo bakit?" takang tanong ni renz habang kumakain ng ice cream "Kung isurprise kaya natin yung girls" suggestion ko sa kanila "Yung girls nga ba o si Rain" panunukso sakin ni jacob at nakangiting mapang-asar "Paalala lang may boyfriend na kapatid ko hahahah" pagbibiro din ni renz sakin "Grabe kayo sakin sabi ko girls hindi lang si Rain" paliwanag ko sa kanila Masaya sila kasama at madali silang pakisamahan kaya ganyan na nila ako kung asarin, napalapit na rin ako sa kanila lalo na sa boys sa kakulitan nila. "Pero maganda yan kasi hindi pa namin nasu-surprise yung mga girlfriend namin" pagsang-ayon naman sakin ni renz "Eh ano ang plano?" tanong naman ni clark "Kung bumili na lang kaya tayo ng dinner natin mamaya para naman hindi lagi girls ang nagluluto para sa kakainin natin" suggestion ko sa kanila at tinignan ko pa sila isa isa "Tama! Tama!" nakangiting sagot ni jacob "Diba magkakasama naman tayo mamaya matutulog?" tanong ko ulit sa kanila "Oo bakit?" sagot ni bob "Kung mag groupdate kaya tayo, ayusin natin yung sala mamaya para hindi nila alam kung anu itsura, magdesign tayo" sabay ngiti ko sa kanila, ang dami kong naiisip na pwedeng gawin namin pero kulang na kami sa oras "Ang galing mo talaga!" papuri sakin ni jacob "Tapos bilhan natin sila ng teddy bear at flower" dagdag ko pa "Wow lawak ng utak mo, dami mong alam na paandar" manghang sabi sakin ni clark "Wait pano si Rain? Sino ang bibili sa kanya hindi natin kasama si Arvin" tanong ni renz samin lahat "Edi ako na lang tutal wala na naman akong pagbibigay" prisinta ko pero yun talaga ang gusto kong gawin ang bigyan sya ng regalo "Aba nagpapaimpress kay Rain" panunukso sakin ni bob "Bet na kita para sa kapatid ko kaso may nauna kasi sayo" pagsakay ni renz sa panunukso ni bob, nagtawanan sila "Ewan ko sa inyo bilisan nyo na kumain at may bibilhin pa tayo" ang lakas talaga nilang mang-asar "Oo na!" natatawang sagot ni clark Pagtapos namin kumain pumunta na kami ng blue magic para bumili ng teddy bear, pagpasok namin ay naghiwalay hiwalay muna kami. Pagkatapos namin mamili ay nagkitakita kami sa labas. "Renz nagpapaimpress talaga si Red sa kapatid mo" patuloy na pang-aasar ni clark sakin "Hindi kaya, pano mo nasabi" depensa ko naman, hindi naman ako nagpapa-impress "Tignan mo nga yang binili mo mas malaki pa sa mga binili namin" sagot ni jacob at tinuro pa yung dala-dala kong teddy bear "Aba malay ko ba na dapat pala ganyan lang kalaki" palusot ko pero ito talaga ang gusto kong ibigay sa kanya "Hayaan nyo na nga yang si Red pera naman nya yan hahahah... . Goodluck na lang sayo" paliwanag ni renz sabay tapik sa balikat ko "Goodluck? Bakit naman?" pagtataka ko, ano ang ibig nyang sabihin "Bihira lang kasi tumanggap ng regalo si Rain samin, pagbinigyan namin sya ng regalo na walang okasyon hindi nya tinatanggap" kwento ni bob, parang nagdadalawang isip na tuloy ako "Ganun ba, pero sigurado naman ako na tatanggapin nya ito" pero kinabahan na ako paano nga kaya kung hindi nya tanggapin itong regalo ko "Tignan natin, baka masayang yan" pananakot sakin ni jacob "Tiwala lang tara na nga mag-aayos pa tayo sa sala at bibili pa ng pagkain at pasalubong" pag-iiba ko ng usapan pero kinakabahan talaga ako "Tara na nga mamaya magising na si Rain" aya na rin ni renz samin Bumili muna kami sa KFC ng dinner at dumaan ulit kami sa DQ. Pagtapos umuwi na kami. Pag-uwi namin inayos na namin yung sala ng matapos, umakyat na kami. Pagdating namin sa taas naririnig namin na nag-uusap sila. Pagbukas namin ng pinto nagulat pa sila ng makita kami. "Nandito na kami!" sabi nila na sabay sabay na nakangiti pa, hindi halatang excited sila "We're back!" masayang sabi ni jacob Napatingin sila samin na parang sinusuri kami, ilang minuto pa bago sila magsalita. "Ang saya natin ah, anong meron?" pagtataka ni lhean na tinignan pa kami isa isa "Eto pala ice cream para sainyo" sabay abot ko ng ice cream sa kanila "Salamat!" pasasalamat ng girls "Wala... Masama na bang maging masaya By" tanong ni jacob sa girlfriend nya "Hindi naman" sagot ni lhean habang kumakain ng ice cream "Bakit antagal nyong bumalik?" tanong naman ni joyce samin "May ginawa lang kami" sagot ni renz nag taas baba pa ng kilay "Ano naman yung ginawa nyo aber?" pagtataray ni joyce "Secret hahahahah" sabay sabay naming sagot "Malalaman nyo rin" nakangiting sabi ni bob "May ginawa kayong kalokohan noh" mataray na tanong ni sheng "Sinali nyo pa yang si Red" napailing naman si dean "Siguro nang chix kayo, kaya natagalan kayo at kaya kayo masaya" pagbibintang ni lhean samin Grabe mga imagination nila, nangbabae agad. b***h mode on agad sila. "Pag nalaman talaga namin na nangbabae kayo patay kayo samin" pagbabanta samin ni joyce na tinuro pa kami isa isa Nagtawanan kaming boys. "Oh anong nakakatawa?" tanong ni sheng na nagtataray "Grabe naman ang brutal ng mga girlfriend nyo buti na lang ligtas ako" pagmamalaki ko sa boys, wala naman kasing magagalit sakin "Anong ligtas? Kasali ka din sa kanila" masungit na sabi sakin ni joyce na nakataas pa ang isang kilay na nakatingin sakin "Ang OA nyo naman sa tingin nyo ba mangbababae kami" tanong ni renz sa mga babae "Oo!" sabay sabay na sagot ng girls "Boom basag hahahah" pang-aasar ko sa boys "Manahimik ka dyan Red baka gusto mong sabihin ko sa---" renz "Mananahimik na nga eh" natigil sya kasi nagsalita ako agad "Takot ka pala eh hahahah" pang-aasar sakin ni jacob "Sige tawanan mo ako baka gusto mong sabi---" di ko na natuloy yung sasabihin ko nang takpan nya yung bibig ko "Subukan mo lang, sasabihin talaga namin kay ano yung sikreto mo" pananakot sakin ni jacob "Ito naman hindi mabiro joke lang yun" mas mabuti na kami na lang ang nakakaalam nun para walang gulo "Tapos na ba kayong mag-asaran?" nakataas yung isang kilay ni joyce medyo nakakatakot na sya "Oh bakit naman nakataas yang kilay mo myloves?" lumapit na si renz sa kanya at tinabihan na sya "Pag kayo talaga may tinatago samin sinasabi ko sa inyo maghiwalay na lang tayo" sermon ni joyce kay renz at tinuktok pa yung noo nya "Grabe naman myloves tsaka wag kang mag-alala hindi kami nangbabae" paliwanag ni renz sabay akbay sa kanya "Siguraduhin nyo lang" pagbabanta ni joyce "Yes boss!" sumaludo pa sila "Mga under hahahah" pang-aasar ko sa boys "Under pala ah... Girls may sasabihin kami sa inyo" simula ni clark "Anu yun?" tanong naman ni sheng sa boyfriend nya "Tungkol kay Red" dugtong naman ni jacob "Pre wag naman ganyan" pagpigil ko sa kanila "Wag kang maingay dyan" saway ni jacob sakin mukhang naasar nga sila sakin "Ano yung tungkol kay Red?" tanong naman ni dean "May gusto sya kay Rain" pagrereveal ni clark sa sikreto namin "Alam namin" simpleng sagot ni joyce "ANO?!" sabay sabay na sabi ng boys tapos ang epic ng mukha nila "Pano mo nalaman?" pagtataka ni clark sa sinabi ni joyce "Sinabi sakin ng girls" nakangiting sagot ni joyce "Hello alam kaya namin kasama kaya kami nung ininterview si Red" mataray na paliwanag ni sheng sa boys "Ay oo nga pala" napakamot si jacob sa batok nya "Ano pahiya kayo hahahaha tsaka ang OA nyo wala akong gusto, crush lang paghanga ganun lang yun" depensa ko naman, crush ko lang naman talaga sya, masyado lang nila pinapalaki "Ewan ko sayo Red, papunta na rin dun yun" pagkontra agad ni jacob "Okay lang naman sakin yun, wag kang mag-alala" nakangiting sabi ni renz sakin pero kanina lang galit na galit sya "Kapatid na nya nagsabi hahahah" natatawang sabi ni bob "Ano po yung okay sayo kuya?" nanlaki yung mata ko nang marinig ko ang boses nya Napatingin kami kay rain lahat. No way kanina pa kaya sya gising, sana hindi nya narinig yung usapan namin. ***************** End of Chapter 16: Damoves! Ano ang ibig sabihin ng mga kanta nila, nagpapaalam na kaya sila sa isa't isa dahil sa nalaman ni rain? Saan kaya aabutin ang paghanga ni red kay rain? At ano ang surprise ng boys sa girls? Abangan! Hope you like it! Thank you for reading and viewing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD