Renz POV
Nakalipas na ang anim na araw at bukas uuwi na kami. Marami na ring nangyari samin sa loob na anim na araw na bakasyon namin lalo na sa kapatid ko.
Nandito pala kami ngayon sa sala at nagkakantahan kumpleto kami, napansin ko na hindi magkatabi si rain at arvin, madalas kasi pag nagkakantahan kami lagi sila ang magkatabi pero ngayon sobrang layo nila sa isa't isa tapos tahimik pa si rain.
Rain dean sheng lhean
Joyce jacob
Ako clark
Red arvin
Bob berna
TV
"Tahimik ata ni Rain myloves" bulong sakin ni joyce habang nakatingin sa hawak ko
"Oo nga eh hindi ko alam kung bakit" bulong ko pabalik habang naghahanap ako nang kanta sa songbook
"Kausapin mo kaya yang kapatid mo" bulong muli ni joyce na tumingin na sakin
"Mamaya na lang siguro" baka kasi ayaw nya pang pag-usapan kung anuman yun
"Pakantahin mo na lang kaya" suggestion ni joyce
"Mabuti pa nga" pagsang-ayon ko sa kanya "Bunso!" pagtawag ko kay rain lumingon naman sya sakin
"Bakit po?" matamlay na sagot nya
"Kanta ka naman" pinakita ko yung songbook na hawak ko
"Ayaw ko po" pagtanggi nya at tumingin na ulit sa tv
"Sige na Rain kumanta ka na" pagpilit ni dean sa kanya
"Oo nga naman kanina ka pa kasi hindi naimik dyan" pamimilit din ni sheng sa kanya
"May prob--" ayaw nya talaga na nag-aalala kami kaya pinutol nya ang sasabihin ko
"Sige po, kakanta na po ako" pagpayag ni rain alam ko naman na napipilitan lang sya para lang hindi mapag-usapan kung anoman yung problema nya
Kinuha nya sakin yung songbook at remote control, pagkapili nya naglagay na sya nang kanta at kinuha yung mic.
~
Rain:
Pasensya na
Kung patutulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang
Segundong kayakap ka
Maari bang magkunwari akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
"May problema nga talaga yang kapatid mo" bulong muli sakin ni joyce na nakatingin sa kapatid ko
"Halata nga" bulong ko pabalik at nakatingin din ako sa kapatid ko
Baka sakaling
Makita kitang muli
Pagsikat ng araw
Paglipas ng gabi
Hindi pipilitin
Hindi pa para sakin
Baka sakali maibalik
Malaya ka na
Malaya.....
Susuko na ang sandata
Aatras na sa laban
Hindi dahil naduduwag
Kundi dahil mahal kita
Mahirap ng labanan
Mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa
Lalo lang masasaktan
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling
Makita kitang muli
Pagsikat ng araw
Paglipas ng gabi
Hindi pipilitin
Hindi pa para sakin
Baka sakali maibalik
Malaya ka na
Malaya.....
Pagkatapos kumanta ni rain tinabihan ko sya at kinausap.
"Bunso okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya
"O-okay lang naman po ako, bakit po?" pero halata sa mata nya yung lungkot at sakit na hindi ko alam ang dahilan
"Bakit ganun yung kinanta mo?" tinignan ko yung mata nya at parang konti na lang may babagsak nang mga luha
"B-bakit bawal po ba?" pagtataka nya sabay iwas nang tingin sakin
"Hindi naman iba kasi yung pagkanta mo ngayon. Tignan mo sila sheng naiyak sa kanta mo" tinuro ko sila sheng na sakto naman na napaluha nga
Napatingin naman sya kila sheng tapos napayuko sya.
"Sorry po!" mahinang sabi nya
"Sige kausapin mo ako paghanda ka na" hinawakan ko yung balikat nya
Tumingin sya sakin at ngumiti nang pilit. What's wrong my little sis?
"Sino sususunod na kakanta?" tanong naman ni jacob sa lahat
"Ako!" sabay tayo ni arvin
Binigay naman nila yung mic, songbook at remote, naglagay sya na g kanta at nagsimula na syang kumanta.
~
Arvin:
Nagpapaalam ka
Dahil nasaktan kita
Noo'y di makitang mali ako
Ngayo'y alam ko na
Sayo ay nagkasala
Sana muli ako'y mapatawad pa
Araw araw kang lumuluha
Sa akin ay nagmamakaawa
Noo'y di narinig pag samo mo
Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang katulad mo
Na labis na nagmamahal
Di napansin na wala
Katulad ang alay ng pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin
Kay tagal akong bulag sa katulad mo
Gayong wagas yaring pag-ibig mo
Iniwan pa kita muling nag iisa
Bakit pa nagawa ito sayo
Araw araw kang lumuluha
Sa akin ay nagmamakaawa
Noo'y di narinig pag samo mo
Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang katulad mo
Na labis na nagmamahal
Di napansin na wala
Katulad ang alay ng pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin
Araw araw kang lumuluha
Sa akin ay nagmamakaawa
Noo'y di narinig pag samo mo
Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang katulad mo
Na labis na nagmamahal
Di napansin na wala
Katulad ang alay ng pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin ....
~
Sa mga kinakanta nila parang may problema silang dalawa na sila lang dalawa ang nakakaalam.
Nagulat kami nang kinuha ulit ni rain yung mic at naglagay ulit nang kakantahin.
~
Rain:
Paalam na sa ating pag-ibig na minsan pinag-isa
Paalam na sa mga pangakong hindi na mabubuhay pa
May bago ka ng mamahalin
Wag kang mag alala ako'y masasanay rin
Parang kahapon lang tayo'y magkasama
Naging isa na syang alaala
Mula ngayon araw araw ng mananalangin
Na sana'y lagi kang masaya
Paalam na sa ating pag-ibig na minsan pinag-isa
Paalam na sa mga pangakong hindi na mabubuhay pa
Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan
Sinayang mo lang ang iyong pag-asang pag-ibig
Hindi na kita kukulitin
Paalam na sa ating pag-ibig na minsan pinag-isa
Paalam na sa mga pangakong hindi na mabubuhay pa
Paalam na sa ating pag-ibig na minsan pinag-isa
Paalam na sa mga pangakong hindi na mabubuhay pa
Paalam na
Paalam na
Paalam na
Paalam na........
~
Pagkatapos kumanta ni rain tumakbo sya sa taas na ikinagulat naming lahat.
"Anu nangyari dun?" gulat na tanong ni dean
"Bakit bigla tumakbo yun?" pagtataka naman ni bob
Hahabulin na sana sya ni arvin nang pigilan ko sya. Alam kong may kinalaman sya dito.
"Arvin!" tawag ko sa kanya, tumayo ako "Wag mo nang sundan ang kapatid ko" sabay suntok ko sa kanya
"Renz! / Arvin!" sigaw naman nila, alam kong nagulat sila
"Para saan yun?" tanong sakin ni arvin habang hawak yung mukha nya
"Para sa kapatid ko!" tumakbo na rin ako paakyat para sundan si rain
Pagdating ko sa kwarto nakalock naman yung pinto. Ang hilig nyang maglock ng pinto.
"Rain buksan mo ito" pagtawag ko sa kanya habang kumakatok nang malakas sa pinto "Rain si kuya ito papasukin mo ako handa ako makinig" pero wala pa ring sumasagot, nag-aalala na talaga ako wag naman sana mangyare yung nangyare sa kanya nung isang araw
"Rain nandito na kami ng kuya mo" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni joyce sa gilid ko
"Myloves nakakagulat ka naman" reklamo ko sa kanya
"Sorry naman po" paumanhin naman nya
"G-gusto ko pong m-mapag-isa" sigaw ni rain mula sa loob ng kwarto
"Hindi pwede Rain mamaya kung anu na naman mangyare sayo" pagtanggi ko sa gusto nyang mangyare, hindi ko sya pwedeng iwan mag-isa
"Tama ang kuya mo kaya buksan mo na ito" utos naman ni joyce sa kanya habang kumakatok
Bigla tumahimik sa loob at walang sumagot maya maya biglang bumukas yung pintuan tapos napayakap agad sakin si rain.
"K-kuya!" umiiyak na pagtawag nya sakin
"Shhh wag ka nang umiyak, nandito na si kuya" hinagod ko yung likod nya para kumalma na sya
Pumasok na kami sa loob ng kwarto nang nakayakap pa rin sakin si rain.
"Rain tahan na, wag ka nang umiyak makakasama sayo yan" hinahagod din ni joyce yung likod ni rain
"A-ang sakit po" umiiyak na sumbong nya
"Yung alin? Nasaan ang masakit? Sabihin mo sakin" tarantang tanong ko sa kanya, ano ang masakit sa kanya
"A-ang lo-lokohin ka ng m-mahal mo" umiyak sya lalo pagtapos nya magsalita
Nagkatinginan kami ni myloves. Sana hindi ito tungkol sa kanilang dalawa ni arvin kundi malilintikan talaga si arvin sakin.
"Bakit ano bang nangyare?" mahinahong tanong ko sa kanya
"H-hindi ko pa po k-kaya" malungkot na sagot nya tulo pa rin nang tulo ang luha nya
"Sige nandito lang kami, handang mag-antay at makinig sayo" pagkakalma ko sa kanya, hindi ko na muna sya pipilitin baka makasama pa sa kanya
"Tahan na wag ka na umiyak baka atakihin ka na naman" pagpapatahan din sa kanya ni joyce
"Shhh! Yung puso mo" bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya
Nararamdaman ko na yung paghahabol nya sa hininga nya.
"Myloves abot mo nga yung inhaler ni Rain please" medyo natataranta na ako, ganito ako pag inaatake na ang kapatid ko ng hika nya
Tumayo na sya at kinuha yung inhaler sa tabing kama ni rain.
"Eto na myloves" inabot sakin ni joyce yung inhaler
Kinuha ko naman yun at pinatake si rain nang dalawang beses.
"Rain Inhale.... Exhale.... Inhale.... Exhale...." utos ko sa kapatid ko sumunod naman sya pero hindi pa rin sya tumitigil sa pag-iyak nya "Rain tama na pag-iyak tignan mo muntikan ka nang atakihin ulit" malungkot na paliwanag ko sa kanya, ayoko nang makita syang nahihirapan
"Tahan na bunso, tahan na nandito lang kami" pagtatahan muli ni joyce sa kanya
Hinawakan ko yung mukha nya at pinahiran yung mga luha nya gamit kamay ko.
"Bunso tahan na, tama na ang pag-iyak ha nandito na si kuya" nginitian ko sya ayoko nang makita syang ganito
"Tara dun sa kama mo upo tayo" aya ni joyce samin
Inalalayan ko sya papunta dun sa kama na hinihigaan nya. Last day na nga namin dito may pahabol pa na ganito.
Umupo ako sa kama nya nakasandal ako sa sideboard tapos sya nakayakap sakin yung ulo nya nasa dibdib ko at umiiyak pa rin sya.
"Shhh! Shhh! Shhh! Tama na" pagtatahan ko sa kanya, masyado talaga syang nasaktan
Si joyce naman nakaupo sa kabilang side ng kama at nakatingin samin.
Umiiyak pa rin si rain hinahaplos ko naman yung likod nya para marelax sya. Maya maya tumigil na sya sa pag-iyak.
"Buti naman tumigil na sya" malungkot na sabi ni joyce na nakatingin sakin
"Tumigil nga sya pero nakatulog naman kakaiyak nya.... Napagod na syang umiyak" may halong lungkot yung boses ko na nakatingin sa kapatid ko
"Ano ba kasi nangyare kanina at bakit mo naman sinuntok si Arvin?" takang tanong sakin ni joyce
"Hindi ko alam basta pakiramdam ko may ginawang hindi maganda si Arvin sa kapatid ko kaya ganun yung mga kanta nila" paliwanag ko kay myloves, hindi naman kasi iiyak nang ganun yung kapatid ko nang basta basta
"Parang nga, pansin ko sa mga kanta nila tagos hanggang puso. Pero hindi pa tayo sure kung ano yung totoo sana hindi mo na sinuntok si Arvin" sermon nya sakin, alam kong mali yung ginawa ko pero malakas kasi ang pakiramdam ko na may kasalanan si arvin sa nangyareng ito
"Pag nalaman ko na may kinalaman talaga sya dito at pag may nangyare talagang masama kay Rain lagot sya sakin hindi lang suntok aabutin nya sakin" pagbabanta ko kay arvin kahit na wala sya dito, masasaktan talaga sya sakin
"Wag ka munang mag-isip ng ganyan hindi pa tayo nakakasigurado" pagpapakalma sakin ni joyce
"Subukan nya lang talagang saktan ang kapatid ko, hindi lang si Rain ang mawawala sa kanya pati ako mawawala sa kanya" galit na banta ko, wala syang karapatan saktan ang kapatid ko
Saktan na nila ako wag lang ang kapatid ko, magkakamatayan talaga kami pag nangyare yun.
"Relax lang myloves wag pangunahan ang lahat hayaan natin sabihin satin ni Rain yung totoo" pagkakalma muli ni joyce sakin, kilala ko ang kapatid ko magsasabi man sya pero tapos na ang lahat
"Hays buti na lang hindi natuloy yung pag-atake ng hika ni Rain kung natuloy yun hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dyan kay Arvin" pinaglalaruan ko yung buhok ni rain, naiinis pa rin talaga ako
"Kaya pa... kaya pa ng puso ni Rain yan" positibo man ang sinabi nya pero may halong takot pa rin sa boses nya
"Oo nga eh sana kayanin pa nya kasi kung sya handa na, ako hindi pa lalo na sila mommy" naramdaman kong namasa yung mata, isipin ko lang na hindi ko na makakasama ang kapatid ko gumuguho na ang sistema ko
"Wag kang mag-isip ng ganyan myloves malakas at matatag si Rain kakayanin nya yan" nakangiting hinawakan ni joyce ang kamay ko at pinisil pisil
"Anu yung kakayanin ni Rain?" mula sa may pintuan
Napatingin kami sa pinto at nakita namin sila dun pwera lang kila arvin at berna, kaya nagulat kami.
"Ka-kanina pa ba kayo dyan?" kinakabahang tanong ko sa kanila
"Hindi naman kapapasok lang namin sakto lang para marining namin yung malakas at matatag si Rain kakayanin nya yan" paliwanag ni dean talagang inulit pa yung sinabi ni myloves
Nakahinga naman ako nang maluwag buti na lang yun lang ang narinig nila, kung hindi malalagot ako sa kapatid ko.
"Pasok kayo!" aya sa kanila ni joyce
Pumasok naman sila at umupo sa katabing kama at yung iba nakatayo lang at nakasandal sa pader.
"Ano pala ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila at inihiga ko na nang maayos ang kapatid ko
"Titignan lang sana namin si Rain kung okay lang sya" sagot ni sheng habang nakatingin sa kapatid ko
"Ah okay lang naman sya katutulog nya lang" ngumiti ako sa kanila para hindi na sila mag-alala
"Bakit? Ano ba nangyare kanina?" naguguluhang tanong ni clark
"Bakit biglang umiyak at tumakbo si Rain?" may halong pag-aalala ang boses ni red, ayun na naman yung kakaibang pag-aalala nya sa kapatid ko
"Hindi rin namin alam, pagdating nga namin dito iyak lang sya nang iyak" tumingin ako sa kapatid ko na mahimbing na ang tulog
"Bakit kasi ayun pa yung kinanta nya tapos iiyak sya baliw talaga yang kapatid mo" pagbibiro ni jacob
"Grabe ka naman sa kapatid ko" sinamaan ko sya ng tingin, hindi naman kasalanan ng kapatid ko na idaan nya sa kanta yung nararamdaman nya
"Joke lang yun renz, pero okay lang ba talaga sya?" palabiro man si jacob pero alam ko naman na nag-aalala din sya para kay rain
"Oo okay na sya, napagod kakaiyak kaya nakatulog na" paliwanag ko muli sa kanila
"Pero ano pala yung sinasabi nyo na malakas at matatag si Rain?" iba talaga ang pag-aalala nya kumpara sa mga kaibigan namin, maiintindihan ko pa kung sila bob ganyan mag-alala dahil matagal na nila nakakasama ang kapatid ko pero si red ilang araw pa lang grabe na sya mag-alala
"Ah ano kasi...." mag-isip ka nang dahilan hindi nila pwede malaman na may sakit ang kapatid mo "Ano kasi feeling namin na parang nagkakaproblema yung relasyon nila ni Arvin kaya ganun yung mga kanta nila kanina" pagdadahilan ko sa kanila pero totoo naman yun, hindi nga lang yun ang pinakadahilan
"Sabi kasi ni Renz baka daw hindi kayanin ni Rain kaya sabi ko malakas at matatag si Rain kakayanin nya yan" pag-ulit ni joyce sa sinabi nya kanina
"Ganun ba... Pansin ko nga rin parang may meaning yung mga kanta nila" pagsang-ayon ni lhean sakin na nakasandal kay jacob
"Meron nga" mahinang sabi ni red na hindi nakaligtas sa pandinig namin
"Huh?" sabay sabay naming sabi lahat
"Anong meron nga?.... May alam ka ba?" seryosong tanong ko kay red at nakakunot noong nakatingin ako sa kanya
"W-wala, a-ano feeling ko labg m-meron nga meaning" sagot ni red sabay iwas nang tingin sakin, mukhang may alam ang isang ito pero natatakot na magsalita
"Ahhh kumpletuhin mo kasi" seryosong sabi ni bob, sa tingin ko nararamdaman nya din na may alam si red
"Buti hindi sumama sa inyo si Arvin" baka kasi masuntok ko ulit sya pag nakita ko sya ngayon dito
"Paano sasama pagkatapos mo ba namang suntukin, takot nya lang sayo" kwento ni sheng, sana nga natatakot sya sakin
"Pero bakit mo pala sya sinuntok?" tanong sakin ni bob alam nya kasi hindi ako basta basta nanununtok o pumapatol nang walang dahilan
"Oo nga lahat kami nagulat sa ginawa mo" pagtataka naman ni lhean
"Pakiramdam ko kasi may kinalaman sya sa pag-iyak ng kapatid ko" pero sigurado akong meron syang kasalanan sa kapatid ko
"Parang may mga ibig sabihin nga yung mga kanta nila" pagsali ni dean, napansin din nya pala yun
"Guys may sasabihin ako sa inyo" sumeryoso ako sa kanila at tumungin naman sila sakin lahat
"Ano naman yun?" tanong sakin ni jacob
"Wait parang nakakatakot yan" kinakabahang sabi naman ni lhean
"Kinabahan agad ako" ganun din si sheng
"Pagnalaman kong may kinalaman dito si Arvin baka hindi ko na sya maituturing na kaibigan at kabarkada, sana patawarin at maintindihan nyo ako" paliwanag ko sa kanila, hindi ko na alam kung paano pa ako makikisama kay arvin pag napatunayan ko nagloko sya
"Akala ko naman kung ano.... Oo naman maiintindihan ka namin" sabay ngiti ni bob sakin, alam ko naman sya ang unang makakaintindi sakin
Baka nga sya pa ang masaya pag nangyare yun, hindi nya kasi kasundo si arvin noon pa man.
"Alam naman namin iniisip mo lang ang kapakanan ng kapatid mo" supportive talaga si dean samin magbabarkada basta makakabuti sa amin
"Salamat sa inyo at naiintindihan nyo ako" nginitian ko sila
"Wala yun, ikaw kaya ang leader/master namin hahahaha" pang-aasar bigla ni jacob sakin
"Loko loko ka Jacob hahahah" kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, wala eh ganun talaga siguro pag kasama mo mga kaibigan mo
"Medyo maaga pa, wala ba kayong gagawin last day na natin dito" tanong ni joyce sa kanila, ito na nga ang huling araw pero nasira pa
"Wala naman mas gusto pa namin damayan si Rain kesa naman magsaya kami tapos sya malungkot" napangito ako sa sagot ni dean, talagang importante ang kapatid ko sa kanila
"Kaya dito na lang muna kami para pag gising ni Rain makita nya agad tayo para maging masaya sya" sabay ngiti ni lhean sa ideya nya
"Mahal na mahal nyo talaga kapatid ko noh" panunukso ko sa kanila at nginitian ko sila
Ganyan nila kamahal ang kapatid ko, naging importante na rin sa kanila ang kapatid ko at tinuring na rin nila ito bilang tunay na kapatid.
"Oo naman napamahal na sya samin kahit sandaling panahon pa lang namin sya nakakasama" nakangiting sabi ni bob sya kasi ang pangalawang kuya ni rain
"May naisip ako tutal last day na natin dito" biglang singit ni red na nakangiti nakatingin samin
"Ani na naman yan?" natatawang tanong ni sheng sa kanya
"Mamayang gabi matulog tayong lahat sa iisang kwarto pero bago matulog magMoMa na muna tayo" suggestion ni red na ikinangiti nang lahat
"Gusto ko yan!" nakangiting pagsang-ayon ni sheng sa kanya
"Good idea!" ganun din si clark, mag-jowa talaga ang dalawang ito
"Maganda nga yan" masayang sagot naman ni lhean
"Pero saang kwarto naman tayo matutulog lahat" tanong namab ni bob sa kanya
"Dito sa kwarto nila renz" simpleng sagot ni red kay bob
"Nye hindi tayo kakasya" pagkontra naman ni joyce, malaki man itong kwarto hindi pa rin kami kakasya
"Eh kung sa sala na lang kaya tayo matulog malaki naman dun" suggestion ko naman sa kanila
"Pwede! Ang galing mo talaga" paghanga ni clark, idol na naman ako nito
"Panu tayo matutulog dun?" tanong naman ni jacob, antukin talaga ang isang ito tulog agad ang iniisip
"Ang tanong matutulog ba tayo?" biro ko sa kanila, napatingin sila sakin lahat
"Hindi!" lahat kami sabay tawa
"Pero maglagay na rin tayo ng mga foam just in case hahahah" sagot naman ni sheng
"Kahit comforter na lang pwede na" sagot naman ni red
"Ano bibili pa tayo ng comforter?" tanong ni jacob, slow talaga ang isang ito
"Naku hindi na, may comforter dito sa kwarto" sagot ni joyce etong kwarto kasi namin ang pinakamalaking kwarto sa lahat ng mga kwarto dito
"Yun naman pala edi okay na ang lahat" masayang sabi ni red, sya ang pinaka excited sa lahat.
Something fishy to him! Malalaman ko din ang lahat nang yan.
"Foods for dinner & midnight snack na lang ang problema natin" paliwanag naman ni lhean
"Dahil maaga pa naman tara na bumili na tayo ngayon" paliwanag naman ni sheng
"Kami na lang mga boys ang bibili kayong mga girls maiwan na lang kayo dito" nakangiting sagot ni red samin
"Sige sige basta bilisan nyo bago magising si Rain" pagpayag ni joyce sa plano ni red
"Sige alis na kami" paalam na ni red at nagtayuan na sila
"Okay mag-iingat kayo" paalala sa kanila ni joyce
"Sige bye guys!" paalam ko din sa kanila, napatingin naman yung boys sakin
"Hoy bye ka dyan kasama ka kaya namin" sita sakin ni clark
"Hoy ka din wala naman akong sinabing sasama ako" kaya na nila yan, ayoko iwanan ang kapatid ko
"Renz ang sabi namin boys so kasama ka, maliban na lang kung---" nakangising sabi ni jacob na hindi nya natuloy nang magsalita agad ako
"Subukan mo ituloy yan baka gusto mo magkaroon katulad ng kay Red" banta ko sa kanya at tinignan ko sya nang masama
"Joke lang naman hindi ka naman mabiro, tara na kasi" takot naman pala itong si jacob, puro pang-aasar lang ang kaya nya
"Hindi pwede kailangan pag gising ng kapatid ko dapat nasa tabi nya lang ako" pagtanggi ko sa kanila, nangako ako sa kanya kanina na hindi ko sya iiwanan
"Ang OA mo bro eh kung umalis na kaya tayo ngayon, edi maaga tayo makakabalik ano" inis na sabi ni clark, nahahawa na sya sa kasungitan ni sheng
Hindi talaga sila makaalis nang wala ako. Napailing na lang ako sa kakulitan nila.
"Sige na myloves kami na bahala kay Rain tsaka hindi ko naman pababayaan kapatid mo noh" pagpilit din sakin ni joyce
"Oo nga naman Renz parang pababayaan namin si Rain" sermon sakin ni dean
"Alam ko naman yun pero---" napabuntong hininga na lang ako nang pangunutan nila ako ng noo "Sige na nga basta wag nyo muna palalapitin si Arvin sa kanya" wala na akong choice kaya nagbilin na lang ako sa mga babae
"Opo boss hahahah" biro ni lhean at sumaludo pa sya
"Kayo na ang bahala sa kapatid ko ha, myloves alam mo naman na ano si Rain" pagpapaalala ko kay joyce yung kalagayan ng kapatid ko
"Oo na myloves kami na ang bahala at alam ko yun sige na, umalis na kayo para makabalik agad kayo bago pa magising kapatid mo" natatawang pagtataboy samin ni joyce
"Sige alis na kami" paalam ko sa kanila at tumayo na ako
Hinalikan na namin yung mga girlfriend namin sa noo at lumapit na ako sa boys.
"Oh ikaw hindi ka ba hahalik" panunukso ni jacob kay red
"Renz pwede ba?" baling naman sakin ni red
"Oo naman bakit hindi" bakit pa sya nagpapaalam sakin
Lumapit sya papunta kay rain, kaya nagtaka ako.
"Oh ano gagawin mo dyan?" tanong ko sa kanya
"Sabi mo pwede" sagot naman ni red
"Oo nga" sagot ko naman
"Eto na nga" sagot nya tapos hinalikan na nya sa ulo yung kapatid ko
"Hoy! Bakit mo hinalikan kapatid ko?" medyo napalakas yung boses ko sa pagkagulat sa ginawa nya
"Boses mo naman hinaan mo" saway naman ni joyce sakin
"Sorry naman kasi itong si Red" takot ko lang sa myloves ko, pero lagot sakin itong si red
"Nice move Red hahahah" natatawang sabi ni jacob
"Idol na kita" ganun din si clark
"Sabi nyo kasi kung hindi ba ako hahalik kaya nagpaalam ako sayo kung pwede, pumayag ka naman kaya hinalikan ko na kapatid mo alangan naman sa kanila, eh hinalikan nyo na sila" paliwanag naman ni red habang papalapit sa amin
"May pag ka loko loko ka rin pala eh noh malamang sa girlfriend mo ikaw hahalik" sermon ko naman sa kanya
"Lilinawin nyo kasi malay ko ba na dapat pala sa kapartner akala ko kung sino yung nandito" pagbibiro nya pa, malakas din ang topak ng isang ito
"Tara na nga bago pa kayo mag-away, Renz mamaya ipapaintindi na lang namin sayo hahahah" pag-awat samin ni bob sabay akbay sakin, may alam sila na hindi ko alam
"Lagot ka sakin mamaya loko ka" pagbabanta ko na pabiro kay red
"Bye na girls!" natatawang paalam ni red at hindi ako pinansin, loko talaga sya
"Bye!" sagot naman ng girls
Umalis na kami ng bahay para pumunta sa pinakamalapit na mall na pagbibilhan namin ng nga kailangan namin mamayang gabi.
**************
MALAYA by Moira Dela Torre
BAKIT PA BA by Jay-ar
PAALAM by Silent Sanctuary
.
.
End of Chapter 15: Fun to Fight
Nakakaiyak naman ang eksena nila rain at arvin, hanggang dito na lang kaya ang relasyon nila? Kaya nga ba igive up ni renz ang friendship nila?
Abangan!
Hope you like it! Thank you for reading and viewing!