CHAPTER 14

2904 Words
Renz POV Magsi-six na ng gabi nang magising ako, napabangon ako bigla nang maalala ko na may gagawin pa pala akong surprise. Ginising ko na si joyce nang dahan dahan baka kasi magising si rain. "Myloves gising na" bulong ko kay joyce pero hindi pa sya gumagalaw "Gising na myloves" bulong ko ulit na may kasamang pagtapik sa braso nya "Hmmm bakit?" bulong na tanong nya sakin na nakapikit pa "Magsi-six na kailangan na natin planuhin yung surprise" mahinang sabi ko sa kanya, napadilat naman sya "Oo nga pala, napatagal ata yung tulog natin" bumangon na si joyce at naupo sa kama "Kaya nga eh, tara na baba na tayo sabihan na natin sila" mahinang saad ko at tumayo na ako "Sige tara na, para makapagluto na rin ako bago pa magising si Rain" mahinang sagot nya at tumayo na din sya Nag-ayos muna kami ng sarili namin bago lumabas ng kwarto. Pagbaba namin sa sala ang tahimik at walang tao. "Mukhang nakatulog din sila" nilibot pa ni joyce yung tingin nya sa sala "Akyat lang ako para gisingin sila" paalam ko sa kanya "Sige ako naman punta muna sa kusina para makapagluto na rin" nakangiting paalam naman nya "Sige myloves" hinalikan ko sya sa noo Pumunta na si joyce sa kusina ako naman umakyat ulit para tawagin sina jacob pagpunta ko sa kwarto nila walang tao. Baka nasa kwarto nila bob. Kaya pumunta naman ako sa kwarto nila bob pero wala din tao. Baka nasa kwarto ng mga girls. Kaya pumunta na ko sa kwarto ng girls pero wala pa rin tao. Nasan kaya sila? Dahil wala sila bumaba na ulit ako at nagpunta sa kusina pagdating ko dun si joyce lang nandun na naghihiwa. "Nandyan ka na pala, nasan na sila?" tanong ni joyce habang naghihiwa nang lulutuin nya "Wala sila sa taas pinuntahan ko na lahat ng kwarto pero wala sila" paliwanag ko sa kanya, nasan kaya ang mga yun, hindi man lang sinabi na aalis sila "San naman kaya sila nagpunta?" tanong naman ni joyce na hindi tumitingin sakin "Hindi ko alam teka lang tawagan ko si Jacob" nilabas ko yung phone ko Tatawag na sana ako nang may biglang nagsalita. "Gising na pala kayo" Napalingon naman kami sa nagsalita. . . . Red POV Pag-akyat namin sa taas pumunta na agad ako sa kwarto namin, pagpasok ko nakita ko si berna na natutulog pero hindi lang sya yung tao dun pati si arvin nandun natutulog din at magkatabi pa sila at walang suot na damit. Hindi na talaga sila nakapagpigil talagang dito pa sila nags*x. Hindi na sila nahiya, ang bababoy nila. Hindi na awa kay rain. Badtrip! "Mga walang hiya kayo, nakakadiri kayo!" malakas na sabi ko sa kanila tapos lumabas na ako ng kwarto at sinarado ko nang malakas yung pinto Pumunta na lang ako sa kwarto nila jacob, dahil yun lang naman ang pwede kong tambayan. *Tok... Tok... Tok...* "Pasok!" narinig kong sigaw sa loob kaya pumasok na ako Nandito din pala si bob lahat sila nakahiga, si clark at bob ang magkatabi tapos nag-iisa si jacob sa kama. Sinarado ko na yung pinto at lumapit sa pwesto ni jacob. "Oh Red ikaw pala may kailangan ka ba?" tanong agad ni jacob pagkalapit ko sa kanila "Wala naman pero pwede bang dito muna ako" paalam ko sa kanila, wala na akong ibang mapupuntahan "Oo naman, pero bakit parang badtrip ka ata" pagtataka naman ni clark na nakakunot pa yung noo "Ah w-wala ito, wala kasi ako maisip na plano" pagdadahilan ko, nako nahalata nya ako "Yun lang ba? Hayaan mo tutulungan ka namin" nakangiting sabi ni bob "Salamat, pwede din ba makihiga muna para makapag-isip ako" tanong ko sa kanila, nakahiga kasi silang tatlo "Oo naman sige lang. Sabihin mo lang samin kung may naisip ka na" pagpayag ni jacob, umusog naman sya para makahiga ako sa tabi nya Humiga naman ako sa kama kung nasaan si jacob. "Sige sige, pero may tanong ako" tumingin naman sila sakin "Anu yun?" takang tanong naman ni clark "Mahilig ba si Rain sa music?" tumingin ako sa kisame at ginawa kong unan yung braso ko "Oo magaling din sya kumanta at sumayaw" pagmamalaki ni jacob sa talento ni rain "Ganun ba. Anu naman ang paborito nyang pagkain?" nakatingin pa rin ako sa kisame "Lahat... Hindi naman sya maarte sa pagkain pero may mga favorites pa rin sya" sagot ulit ni jacob "Okay salamat" ngumiti ako sa kanila kahit hindi ako nakaharap sa kanila "Welcome basta yung pahabs namin hahahah" natatawang sabi ni jacob matakaw talaga sya yun yung napansin ko sa kanya "Hahahah ako na bahala dun" munting pasasalamat ko lang naman yun sa kanila kaya walang problema dun Tumahimik muna ako saglit para makapag isip. Maya maya Ting! may naisip na ako. "Guys may naisip na ako" umupo ako at humarap sa kanila "Wow ang bilis ha" hindi makapaniwalang sabi ni jacob "Oh! Anu naman yun?" excited na tanong naman ni clark, sya naman ang napansin ko medyo may pagkachismoso hahahah Sinabi ko sa mahinang boses yung plano ko sa kanila, kung paano yung set-up, kung ano ang mga kailangan, kung saan gagawin at kung ano oras. "Magandang ideya yan" pagsang-ayon ni jacob "Gusto nya yung mga GHOHOL" halata naman kay clark na nasayahan sya sa plano ko "Ano tara na baba na tayo?" aya ko sa kanila "Sige pero tawagin muna natin yung girls" napansin ko naman kay bob seryoso lang sya pero minsan maloko din "Sige tara" tumayo na kaming apat Lumabas na kami at tinawag na namin yung mga babae sa kwarto nila at sinabi ko na rin yung plano ko sa kanila kaya naman mas excited pa sila kesa sakin, 3:30pm palang naman ng hapon kaya pumunta muna kami sa pinakamalapit na mall at bumili ng mga kailangan. 5pm na kami nakabalik at nagsimula na mag-ayos natapos kami bandang 6:30 kaya pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin napansin namin na may tao na sa kusina kaya duon na kami dumeretso, nakita naman namin dun sila renz at joyce. "Gising na pala kayo" bungad ko sa kanila pagpasok namin Napatingin naman sila samin. "San kayo galing kanina ko pa kayo hinahanap, tatawag na nga sana ako kay Jacob" pinakita pa ni renz na hawak nya yung phone nya "Dyan lang may inayos lang kami" sagot ni jacob sabay upo "Dahil nandito na kayo magplano na tayo para isurprise si Rain" umupo na rin si renz sa tabi ni jacob "Oo nga pala may plano ka rin pala isurprise si Rain" tumabi si clark kay jacob "Hala nakalimutan nyo agad" gulat na sabi ni renz nanlaki pa yung mata Kitang kita ko reaksyon nya dahil nasa harapan ko sila nakatayo kami ni bob at nakapatong ang mga siko sa sandalan ng upuan. "Sorry eto kasi si Red nagpatulong din samin para isurprise kapatid mo" paliwanag naman ni clark sa kanya, sinisi pa talaga ako loko din ito "Red ano naman yung plano mo?" baling naman sakin ni renz Sinabi ko sa kanya yung plano pati kay joyce kahit na nagluluto ay nakikinig din. "Maganda yung ideya mo" nakangiting sabi ni joyce sakin habang hinahalo yung niluluto nya "May plano ka na pala eh hindi na ako gagawa pa, iisip na lang ako kung ano pa pwedeng idagdag sa plano mo" nakangiting paliwanag ni renz sakin "Ayos yun, mas mapapaganda natin yung plano" pagsang-ayon ni jacob sa kanya, may pagka-sipsip din si jacob kay renz "May naisip na ako" masayang sabi ni renz na nakatingin sakin "Ano?" tanong ko naman sa kanya Sinabi nya samin yung dagdag na plano nya pero saming boys lang, kaya ang mga kilay ng girls ay nakataas abot hanggang bubong. "So tara na ayusin na natin" aya ko sa kanila "Tara! Girls tulungan nyo na lang si Joyce magluto ng dinner natin" utos naman ni renz sa girls "Sige Renz goodluck sana hindi pa magising si Rain" natatawang sabi ni sheng "Oo nga eh kaya bibilisan namin ang pag-aayos" sagot ni renz at umalis na kami Sinimulan na namin yung pag-aayos. Kalahating oras din bago kami matapos. Nakaready na kami nakahanda na rin ang lahat si rain na lang inaantay namin. . . . Rain POV Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom hindi nga pala ako nakakain kanina dahil sa nakita ko, hays naalala ko naman yung nangyare kanina. Nakakadiri sila, hindi ko sila kayang makita. Sabi ko sa sarili ko. Napansin ko na ako na lang pala mag-isa dito sa kwarto wala na sila kuya, pagtayo ko may nakita akong letter sa gilid ng kama kaya kinuha ko. "Follow the light outside the room baby!" nakasulat sa letter Baby? Sigurado akong kay kuya galing ito sya lang naman tumatawag ng baby sakin, bago ako lumabas ay naghilamos muna ako at nagpalit ng damit tapos pumunta na ako sa pinto pagbukas ko sobrang dilim ang nagbibigay liwanag lang ay yung mga kandilang nasa kaliwa at kanan sa lapag. Kaya sinundan ko ang mga yun papunta sa hagdanan pababa, sinundan ko naman pagbaba ko madilim pa rin tapos yung kandila papunta sa sala pagdating ko dun putol na yung linya ng kandila banda sa pinto papuntang garden ng resthouse kaya pumunta na ako sa may pintuan, pagbukas ko biglang bumukas yung mga ilaw (christmas light), nakita ko yung barkada nakatayo na nakaharap sakin at sa harapan nila may malaking tela na nakalatag sa sahig at may mga paborito kong pagkain. Hmm mini picnic! "SURPRISE!" sigaw nila Tapos may narinig akong nagstrum ng gitara, nahati sila sa dalawa. Nakita ko si kuya at si red na may hawak na gitara sa gitna nila. Kuya: Kahit na anu pa ang iyong gusto Okay lang basta't magkabati tayo Minamahal kita, Hihintayin kita  Sorry na pwede ba Napaluha ako dahil sa effort nila. Yung barkada naman nagsu-sway sa magkabilang gilid Buhay ko na sayo oh Matitiis mo ba ako oh baby Wag sanang magtampo  Sorry pwede ba Pagtatapos nila sa kanta, nakangiti silang nakatingin sakin. This is the first time na may nangharana sakin at masaya ako na si kuya ang gumawa nun sakin. "Baby Rain sorry na" paghingi ng tawad ni kuya, okay na sana kaso may baby pa "Sorry din ulan" ganun din si red sabay ngiti nya sakin Lumapit na ako sa kanila at niyakap sila isa isa. "S-salamat pero hindi nyo naman po k-kailangan gawin lahat ng ito" sobrang nakakatouch ang ginawa nila para lang sa pagtatampo ko kina kuya "Para sayo lahat gagawin namin di ba guys" pero sakin lang sya nakatingin habang nakangiti "Oo naman" sagot naman ni jacob pero kay red lang ako nakatingin Parang iba yung ngiti nya ngayon lalo na yung pagkakatingin nya sakin mapapatitig ka talaga sa kanya. "Wag ka nang umiyak, smile ka na" nagulat naman ako sa pagkakaakbay sakin ni kuya Umiwas na ako nang tingin kay red at pinunasan ko na yung luha ko. "Pero sino po nakaisip nito?" tanong ko sa kanila pero hindi ko na tinignan pa si red "Sino pa edi yung mga nang-asar sayo kanina" natatawang sagot ni ate joyce "Dami nyo naman pong pakulo, pero salamat po sa effort nyo" sabay ngiti ko sa kanila at palihim na tumingin kay red nakatingin lang sya sakin "So okay na tayo bunso kakausapin at papansinin mo na kami" tanong sakin ni kuya kaya naman humarap ako sa kanya "Oo naman po no choice na ako hahahahaha" natatawang sagot ko sa kanya "Wala ka naman talagang choice Rain" pagbibiro ni red sakin, ngumiti lang ako sa kanya at umiwas agad nang tingin nakakailang kasi yung pagkakatingin nya sakin "Dahil okay na ang lahat tara na at magkainan na tayo" aya ni jacob sa lahat, buti naman at nagsalita agad sya "Tamang tama gutom na po ako" sagot ko sa kanya, umupo na kami sa sapin na nakalatag sa damuhan "Alam namin kaya ka nga nagising dahil gutom ka na, takaw mo talaga hahahahah" panunukso sakin ni sheng na kumukuha nang pagkain "Wait lang po bago tayo kumain patayin po muna natin yung mga kandila sa loob mamaya magkasunog pa po tayo" natatawanang saad ko nang maalala ko yung mga kandila sa loob ng bahay "Oo nga pala hahahah sige kain na kayo, kami na lang mga boys magpapatay ng kandila" tumayo na si kuya nakakamot kamot ang ulo "Sige po pero intayin na po namin kayo matapos para sabay sabay na po tayong kumain" ang gentleman talaga ng kuya ko "Sige boys tara na" aya ni kuya sa boys at nagtayuan na sila Pumasok na sila sa loob ng bahay binuksan na nila yung mga ilaw, pinatay at niligpit na yung mga kandila. Ilang minuto lang ang nakalipas nakabalik na sila. "Tara na! KAINAN NA!!" masayang sigaw ni jacob pagkaupo nya "Basta pagkain hyper ka talaga Jacob" panunukso ni kuya kay jacob "Nahiya naman ako kay Rain sya kaya yung mas matakaw satin" panunukso naman sakin ni jacob "Hindi kaya ako matakaw, ikaw kaya yun" pagtanggi ko pero malakas ako kumain hindi lang halata Nagtawanan kami. "Bunso nagustuhan mo ba yung surprise namin?" tanong sakin ni kuya na nakangiti "Opo naman kuya, sobrang gustong gusto" sabay ngiti ko sa kanya "Thanks to Red sya talaga nakaisip nito" masayang saad ni kuya "Totoo ba yun pula?" baling ko kay red na nasa tabi ko lang at kumukuha ng pagkain "Ako lang ang nakaisip pero kaming lahat yung nag-ayos, pero yung pagkanta at pa kandila sa loob kuya mo nakaisip nun" nakangiting paliwanag ni red sabay tingin sakin "Seryoso kuya nag-effort ka hahahah pero kay Ate Joyce hindi ka makaisip ng ganung effort lagi ka pang nagtatanong sakin" panunukso ko kay kuya, umiwas agad ako nang tingin kay red "Sige bunso manlaglag ka" reklamo sakin ni kuya "Hahahah alam ko naman yun Rain" natatawang pagsali ni ate joyce sa panunukso kay kuya "Buti pa nga sayo Rain may nag eeffort samantala samin wala, mga kuripot kasi" pagpaparinig naman ni lhean sa mga boys "Boys nagpaparinig na sila hahahahah" pagbibiro ko sa kanila "Aminado naman ako dun" pag-amin ni bob sabay kain nya "Wow honest si kuya mo Bob hahahah" nakipag-apir si kuya kay bob "Okay lang yung kay Kuya Bob kasi hindi naman sanay si Dean sa mga effort at paandar eh" sagot ko sabay inom ng juice "Hahahah sinabi nyo pa okay na sa kanya yung presence ni Bob" panunukso ni clark kay dean "Hindi lang naman kami yung hindi nag-eeffort meron pa kaya" confident na paliwanag ni jacob samin "Sino naman?" takang tanong ko sa kanya "Sino pa ba edi yung boyfriend mo si Arvin hahahah hindi rin naman sya nag-eeffort" mapang-asar na sabi ni jacob sabay tawa nya Dahil sa sinabi ni jacob napatigil ako sa pagkain, naalala ko naman yung kanina. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sakin si red at nakita ko naman sila kuya na tinignan nila si jacob nang masama kaya napatigil sya sa pagtawa nya. "Okay ka lang ba Rain?" pag-aalala ni red sakin "Sorry Rain sa sinabi ko" paghingi naman nang tawad ni jacob sakin sabay nguso nya "Hindi okay lang anu ka ba, okay lang ako" ngumiti ako nang pilit dahil naalala ko na naman yung mga nangyare Pinagpatuloy ko na ulit yung pagkain ko nang tahimik, napapansin ko din ang pasulyap sulyap sakin ni red pero hindi ko sya tinitignan. Tapos na kaming kumain lahat at nag-uusap usap na lang kami. "Nasan pala si Arvin at Berna?" tanong bigla ni kuya sa lahat "Oo nga kanina ko pa hindi nakikita yung dalawa" pagahahanap din ni ate joyce kila arvin "Red nasan yung girlfriend mo?" tanong ni kuya kay red na tumingin pa sa pwesto namin Napatingin naman ako kay red. Alam nya kaya na niloloko lang sya ni berna. "Kanina natutulog sya nung pumunta ako sa kwarto nila jacob" sagot ni red na hindi tumitingin samin, nakatingin lang sya sa inumin nya Parang hindi nya pa alam, kawawa naman sya walang kaalam alam na niloloko na sya. "Rain si Arvin nasan?" tanong naman sakin ni jacob na kinalingon ko at napatingin sa kanya "H-hindi ko po alam" utal na sagot ko sa kanya, sa dami nang pwedeng pagtanungan bakit sakin pa "Oo nga pala kanina ka pa pala nasa kwarto nyo heheheh" natatawang sabi ni jacob may sayad talaga sya sa utak "Tawagin nyo na kaya para makakain na din sila, lagi na lang sila nahuhuli" utos ni kuya na hindi ko alam kung sino ang sinasabihan "Red tawagin mo na si Berna" utos ni ate joyce kay red "Bob ikaw na tumawag kay Arvin" utos naman ni kuya kay bob, buti naman at hindi inutos sa akin ang pagtawag sa kanya "Sige! Tara Red" pagyaya ni bob kay red, matamlay naman na tumango si red Patayo na sana sila nang magsalita ulit si kuya. "Wag na pala, nandyan na sila" pagpigil ni kuya na nakatingin sa pintuan mula sa sala Para akong na istatwa sa sinabi ni kuya hindi ako makagalaw tapos nakatingin lang ako sa baba. Hindi ko sila kayang makita. "Oh anong meron dito ang ganda ha" napapikit ako nang marinig ko ang boses ni arvin "Wala naman, kumain na lang kayo dyan" seryosong sabi ni kuya Umupo na sila ang masama pa ay tumabi pa sa akin. Nananadya ata tong hinayupak na ito tumabi pa talaga sakin nakakadiri sya. Tumayo naman ako tapos napansin ko na tumayo din si red. . . . Red POV Tapos na kami magsikain nang dumating sila berna at arvin. Pinaupo at pinakain na sila ni renz ang masama ay tumabi pa sakin si berna. Ang kapal nang mukha nyang tumabi pa sa akin, nakakadiri kaya sya. Kaya tumayo ako at napansin ko naman sabay kaming tumayo ni rain kaya pinagtinginan naman nila kami. Nagkatinginan din kaming dalawa ni rain at napansin ko yung inis sa mukha nya. Anong meron? "Oh bakit kayo tumayo san kayo pupunta?" takang tanong ni renz samin dalawa ni rain "Hindi pa tayo tapos dito tabihan nyo muna yung mga jowa nyo at hintayin nyo matapos" utos naman ni joyce samin, hindi na kaya naman nilang kumain na sila lang dalawa Ano hindi ko kaya tumabi sa kanila nakakadiri sila ang dugyot kaya nila. "Ano magba-banyo lang ako" palusot ko at umiwas ako nang tingin sa kay rain "Oh ikaw naman Rain" baling naman ni renz sa kapatid nya "May kukunin lang po ako sa kwarto" sagot ni rain na nakatingin sa kuya nya "Osige bilisan nyo, pagbalik nyo magpicture picture tayo" nakangiting sabi ni renz habang nagsasalin ng inumin nya "Magandang ideya yan" pagsang-ayon naman ni sheng sa kanya "Sige pasok na ako" paalam ko sa kanila naglakad na ako papasok sa loob Pumasok na ako sa loob nakita ko naman kasunod ko si rain, umakyat sya sa taas ako naman ay dumeretso sa cr sa kusina. Pagtapos ko magbanyo ay umakyat na ako sa kwarto at hindi na bumaba pa, hindi ko alam kung bumalik ba si rain sa kanila o hindi na, ramdam ko kasi na ayaw nya makita sila arvin. Sila na ang bahala dun magiging matatapos naman sila kahit hindi na ako bumalik pa. ************** SORRY NA PWEDE BA by Richard Yap . . End of Chapter 14: Surprise for Her Bakit kaya ganun pag naging masaya ka ngayon, maya maya mapapalitan din agad. Si jacob naman walang preno ang bibig. Hays! Ano pa kaya ang mangyayari sa kanila? Abangan! Hope you like it! Thank you for reading and viewing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD