CHAPTER 13

3177 Words
Joyce POV Pagkayakap sakin ni rain ramdam ko yung hingal nya at kung panu sya huminga napatingin ako kay renz nakangiting tumango sya sakin. Hinagod hagod ko na lang yung likod ni rain para kumalma na sya. "Okay na ang lahat wag ka nang mag-alala" hinagod din ni renz yung likod nya "Sige na magpahinga ka na muna" mahinahon na saad ko kay rain, humiwalay naman sya sa pagkakayakap sakin Nagpunas na sya ng luha at ngumiti samin ng kuya nya. "T-thank you po..... P-please stay..." mahinang pakiusap ni rain samin "Yes we will stay, take a rest now" hinaplos ni renz yung ulo ni rain, napangiti naman sya Sumandal si rain sa sideboard ng kama nya at hinawakan yung parehong kamay namin ni renz. Sigurado akong natakot din sya sa nangyare sa kanya kanina lalo na mag-isa lang sya at walang kasama. "We're not going anywhere and we're not leaving you alone again" nakangiting sabi ni renz habang nakatingin sa kapatid nya Ngumiti lang si rain. Hinalikan naman ni renz sa noo ang kapatid at hinaplos ang buhok nito. "Sige na magpahinga ka na alam kong napagod ka nang sobra" ngumiti ako sa kanya habang hinahaplos ko ang kamay nya Tumango lang si rain at yumakap muli sa kuya nya tsaka pumikit. She need a rest! . . . Renz POV Nakayakap sakin si rain at hinahagod ko lang yung likod nya tapos hawak nya yung isang kamay ni joyce. Nakalipas ang ilang minuto nakatulog na sya habang yakap yakap ako, inayos ko na sya sa paghiga sa kama nya para mas maging komportable na sya. "Myloves magrelax ka na, okay na si Rain" hinawakan ko kamay nya, alam kong natakot din sya kanina "Myloves nasasaktan ako pag nakikita ko si Rain na nahihirapan, kasi tinuring ko na rin syang bilang tunay na kapatid ko" medyo naluluha si joyce habang nagsasalita "Ako rin naman, kung pwede ko nga lang kunin yung sakit nya para hindi na sya mahirapan pa ay gagawin ko" malungkot na saad ko, kung pwedeng ako na lang ay tatanggapin ko "Ang hirap nang kalagayan nya buti nakakayanan pa nya" malungkot na sabi ni joyce na nakatingin sa kapatid ko "Kung akong kapatid nya nahihirapan pag nakikita syang ganyan, pano pa kaya sila daddy siguro hirap na hirap sila" hawak hawak ko ang kamay ng kapatid ko at hinahaplos ito "Oo naman lalo na ang daddy mo, daddy's girl eh" nakangiting sabi ni joyce "Pag nalaman nila daddy ito mapapagalitan talaga ako dahil mag-iisang linggo pa lang tayo dito pero tatlong beses na syang inatake ng sakit nya" siguradong masesermunan ako ni daddy baka nga bigla na lang sila bumalik sa state "Hindi naman siguro tsaka hindi mo naman ginusto na mangyare sa kanya yan, maiintindihan naman nila tito yun" pagpapalakas ni joyce ng loob ko, bukod sa pamilya ko si myloves talaga ang kinukuhanan ko nang lakas ng loob "Pero bakit kaya sya inatake kanina? Hindi naman sya napagod, hindi rin naman sya na stress pero bakit sya inatake ng hika nya?" pagtataka ko na kanina ko iniisip kung paano nangyare ang lahat nang ito "Yan ang hindi natin alam, pero buti nakatawag sya agad sayo" sagot nya na nakatingin pa rin sa kapatid ko "Kaya nga eh buti na lang medyo malapit lang yung mall dito sa resthouse" mabuti mabilis kaming nakauwe kanina kung hindi baka sa hospital na ang deretso namin nito "Nakakain na kaya si rain?" tanong ni joyce tsaka pa lang sya tumingin sakin "Malamang hindi pa" palagi naman sa tuwing hihikain sya ay hindi sya nakakakain "Osige pagluluto ko muna sya nang makakain para pag gising nya makakain sya agad" prisinta ni joyce, spoiled na rin ang kapatid ko sa kanya "Wag na muna siguro myloves, mamaya hanapin ka nyan pag nagising sya nang wala ka sa tabi nya" pagpigil ko sa kanya tsaka hawak pa rin ni rain yung kamay nya "Sige pero puntahan ko lang sila Dean para malaman nila na okay na ang kapatid mo, babalik agad ako" tumayo na si joyce, hihilahin na sana nya yung kamay nya nang magsalita ako "Itext mo na lang sila myloves tapos sabihin mo sa kanila may plano akong surprise para kay Rain tsaka sabihin mo na din na magpahinga muna sila" pagpigil ko ulit sa kanya kaya umupo ulit sya "Sige sige sandali lang ite-text ko muna sila" kinuha ni joyce yung phone nya at nagtext na "Magpahinga na rin muna tayo tabihan na natin si Rain dito sa kama nya, namiss ko na din katabi sya" nakangiting saad ko, noon kasi madalas kaming magtabi pag natutulog sa hapon "Hindi lang kay tito spoiled si Rain pati sayo spoiled sya kaso minsan inaasar mo naman" panunukso ni joyce sakin bago ibulsa ang phone nya "Spoiled ka dyan, mas spoiled kaya sayo yan tagapagtanggol ka kaya nya" pang-aasar ko naman sa kanya "Wala eh si kuya kasi nakila lola, kaya tinuring ko ng kapatid si Rain" sagot ni joyce sabay tingin sa kapatid kong natutulog "Myloves gusto mo ba maging totoong kapatid mo na si Rain" nagtaas baba yung kilay ko na nakatitig sa kanya "Pano?" nakakunot noong tanong nya sakin "Magpakasal na tayo hahahah" biro ko sa kanya sabay kindat ko "Hoy Renz ang bata bata pa natin kasal agad nasa isip mo, magtapos muna tayo ng college bago magpakasal" sermon nya sakin na ikinangiti ko, payag na pala syang ikasal sakin pagtapos namin ng college "Sabi mo yan ha pag natapos na natin yung college magpapakasal na tayo" sabay kindat ko ulit sa kanya "Wag ka na nga maingay dyan, mamaya magising pa yang kapatid mo, magpahinga na din tayo" namula bigla si joyce at napaiwas nang tingin sakin "Hahahaha bakit ka nag ba-blush kinilig ka naman" panunukso ko sa kanya "Ewan ko sayo Renz" humiga na sya sa tabi ni rain sabay yakap sa kapatid ko Tinitigan ko muna silang dalawa. Ang dalawang taong mahalaga sakin nang sobra. Ang cute naman nila tignan parang sila ang magkapatid. Hindi ko na talaga papakawalan pa si joyce kahit anong mangyare masaya ako dahil kapatid na talaga ang turing nya kay rain. Sabi ko sa sarili ko tapos humiga na rin ako sa tabi nila, bali nasa gitna namin si rain at nagpahinga na ako. . . . Lhean POV Pagkalabas namin sa kwarto nila renz bumaba na kami, pagdating namin sa sala kanya kanya kaming upo sa sofa, tahimik lang kami at walang nagsasalita dahil sa sobrang nerbyos namin nung makita namin yung nangyare kay rain mga ilang minuto ang nakalipas nang magsalita ako. "Sa tingin nyo ano kayang nangyare kay Rain?" pagbasag ko sa katahimikan napatingin naman sila sakin at napansin ko na nakayuko lang si red "Hindi natin alam, pare-parehas tayo na walang ideya" sagot ni sheng na nakasandal kay clark "Sana naman okay lang si Rain" pag-aalala naman ni dean, sana nga okay na sya "Arvin kayo ang naiwan dito diba?" pagbaling ni bob kay arvin "Oo bakit?" sagot ni arvin "Anong nangyare kay Rain?" seryosong tanong ko sa kanya "H-hindi ko alam, hindi ko nga alam na nagpaiwan din pala sya" kabadong sagot ni arvin at napaiwad nang tingin samin "Hindi mo alam o wala kang pakialam" pagsingit bigla ni red kaya napatingin kami sa kanya nakayuko pa rin sya "Anong sabi mo, yabang mo ah" maangas na sabi ni arvin sabay tayo "Hoy tigilan nyo nga yan para kayong mga bata" pag-awat ko sa kanila baka magkasuntukan pa sila "Masyado kasing pa-epal yang si Red akala mo naman kung sino eh sabit lang naman yan dito" inis na sabi ni arvin na masama ang tingin kay ref "May point naman si Red may pakialam ka pa nga ba kay Rain kasi simula nung pumunta tayo dito hindi ka nakikisali samin tapos minsan na lang kayo magsama ni Rain" medyo galit na sabi ni dean, may alam ba silang hindi namin alam bakit may iba syang meaning sa sinabi nya "Oo nga, yung totoo kaibigan ka pa ba namin eh parang si Red na nga lang lagi namin nakakausap kesa sayo" pagsang-ayon ko kay dean kasi yun ang totoo si red na ang palagi namin kasama "Sige kampihan nyo yang si Red na ngayon nyo lang nakasama at nakilala kesa sakin na matagal nyo nang nakakasama at kilala" galit na sabi ni arvin na tinuro turo pa si red "Wala kaming kinakampihan dito Arvin sinasabi lang namin sayo yung nakikita at napapansin namin" mataray na sagot ni sheng sa kanya "Yun na nga Arvin matagal ka na naming kilala at nakakasama pero ikaw mismo ang lumalayo samin" seryosong sabat naman ni jacob sa kanya "Ewan ko sa inyo parang hindi ko kayo barkada sa mga pinagsasabi nyo" galit na sabi ni arvin sabay alis "Nag-iba na nga si Arvin parang may tinatago sya" napailing na lang si dean nang makaalis na si arvin "Pansin ko rin yun, boys wala ba kayong alam?" may something akong napapansin sa kanya nung isang linggo pa "Wala! Miski nga kami napapansin namin yun" sagot naman ni jacob "Napaisip lang ako sa sinabi ni Arvin" seryosong sabi ni bob, palagi naman syang serysoso "Alin dun?" pagtataka ko "Yung sinabi nya na parang hindi ko kayo barkada, parang may point sya dun" paliwanag ni bob na nakaakbay sa kasintahan nya "Sorry sa inyo ha" paghingi ng tawad ni red kaya napatingin kami sa kanya, nakayuko na naman sya. Masyado talaga syang mahiyain pag hindi nya kasama si rain yun ang napapansin ko "Oh Red bakit ka nagsosorry?" naguguluhang tanong ko sa kanya, wala naman syang kasalanan sa nangyare "Dahil sakin nagkaaway away pa kayo" malungkot na sagot ni red "Wala ka naman kasalanan, sya naman kasi yung gumagawa nang kahinahinala" sagot ni dean napatingin si red sa kanya at parang nag-uusap sila sa tinginan at napailing si red pagtapos "Kahit na parang nasisira ko yung samahan nyo, tama naman sya sabit lang ako dito kaya wala akong karapatan makialam sa inyo" napabuntong hininga na lang si red "Anu ka ba, sabi nga ni Rain parte ka na ng barkada mas close na nga kayo kesa sa boyfriend nya" pagpapagaan ko nang loob nya, pero yun naman talaga ang sinabi ni rain samin na isali na namin sya sa barkada namin "Kaya nga.... Silang dalawa nga pero parang hindi naman sila sa mga kinikilos nila" sabat naman ni clark "Napapansin ko nga na laging pinagtatanggol ni Arvin si Berna tuwing may pagtatalo tayo" inis na sabi ni sheng na nakataas pa yung isang kilay "Pansin ko nga, don't tell me na sila at tina-timer ni Arvin si Rain"  mataray na saad ko, iisipin ko pa lang umiinit na ang ulo ko "Naku wag lang magkakamaling gawin ni Arvin yun hindi lang si Rain ang mawawala sa kanya pati ang barkada" galit na sabi ni jacob na iiling iiling pa "Red may alam ka ba sa kanila? Pansin ko nga din na hindi kayo madalas mag-usap at magsama ni Berna" baling ko kay red na napatingin sakin "E-ewan ko, h-hindi ko alam" sagot ni red sabay iwas nang tingin sakin, may tinatago ka rin ba kaya? "Hayaan nyo na lalabas din ang katotoohanan" seryoso at makahulugang sabi ni bob na pasimple pang tumingin kay red, may alam din ba si bob na hindi namin alam Tsaka ko na iisipin yun pagmaayos na ang lahat. Pag maayos na rin ang kalagayan ni rain. "Pero kamusta na kaya si Rain?" pag-iiba ko ng usapan, nag-aalala pa rin kasi ako hanggang ngayon sa kanya "Kaya nga wala pang lumalabas ng kwarto nila simula pa kanina" malungkot na sabi ni sheng Bigla nagvibrate yung phone ko, may nagtext lang pala. ~ From: Bes Joyce        Okay na si rain wag na kayo mag alala nagpapahinga na sya, kayo rin magpahinga na muna. Magpapahinga na rin kami Ps. Kailangan namin ng tulong nyo, may plano kasi si renz na isurprise si rain kaya mag ready kayo mamaya. Salamat guys. ~ Pagkabasa ko tumingin ako sa kanila at napatingin din sila sa akin. "Nabasa nyo text ni joyce?" tanong ko sa kanila "Oo kababasa ko lang" sagot ni sheng sabay bulsa nya nang phone nya "Yung alin?" pagtataka ni red na nakatingin samin "Oo nga pala walang number si Joyce sayo, kahit samin wala ka ding number" ngayon ko lang narealize na wala kaming contact sa isa't isa "Oo nga pre wala pala kaming number mo" pagsang-ayon naman ni jacob sakin "Hahahah eto oh 0948******* yan na, text nyo na lang ako tapos pakilala kayo para ma-save ko" pagbibigay ni red ng number nya, nagtype naman ako sa phone ko at nagsave "Sige sige" nagtext na ako sa kanya tapos tinago ko na yung phone ko "Tara na magpahinga na tayo, may gagawin pa tayo mamaya" aya na ni bob samin "Spoiled talaga si Rain sa kuya nya" napailing na lang ako sa sinabi ko "Sinabi mo pa kuya's girl eh" sabay ngiti ni dean "Red ikaw pala ano plano mo mamaya, diba nagtatampo pa sayo si Rain" tanong ni clark kay red "Oo nga pala, pwede din bang humingi nang tulong sa inyo" nahihiyang tanong ni red samin habang napapakamot sa ulo nya "Oo naman basta may pa-habs hahahahah" nakangiting sagot naman ni jacob, aba magpapalibre pa ang madaldal kong boyfriend "Jacob grabe ka naman, mahiya ka nga" pagsaway ko sa kanya, ang hilig nya talagang magpalibre ang kuripot talaga "Hindi okay lang. Anu ba gusto nyo?" pagpayag agad ni red at nagtanong agad sya "Joke lang yun anu ka ba" paliwanang naman ni jacob sa kanya "Wag mo nang pansinin yung sinabi ni Jacob" puro lamon lang talaga ang alam nitong boyfriend ko "Hindi okay lang talaga. Anu ba gusto nyo?" paminilit naman ni red samin, may pagka-galante ang isang ito "Mapilit talaga guys eh sabi nga nila wag tanggihan ang blessing" nakangiting sabi ni jacob, hindi din nakatiis ang lalaking ito "Kapal talaga ng mukha mo bro hahahahah" pang-aasar ni bob sa kanya "Kaya nga, pero minsan lang naman yan kaya i-grab na natin hahahahah" pagsang-ayon ni clark kay jacob magbestfriend talaga kayo "Mga boyfriend nyo talaga Sheng at Lhean basta libre G na G" panunukso ni dean sa dalawa "So anu gusto nyo?" pangungulit na tanong ni red samin "Mamaya na lang namin sasabihin, magpahinga muna tayo ngayon" sagot ni jacob kunwari pa sya alam ko naman may naiisip na syang ipapalibre nya "Sige sige akyat na tayo" pagpayag ni red tsaka sya tumayo "Wag na dito na lang tayo at magkwentuhan para makilatis din natin si Red" pagpigil ni clark kaya umupo ulit si red, kung si jacob madaldal at matakaw itong si clark ay chsimoso at mapang-asar "Oo nga alam mo ba na bago makapasok sa grupo o barkada namin may pinapagawa kami sa sasali" pananakot ni jacob kay red "Alam mo ba yung mga hazing hazing?" seryosong tanong ni clark kay red "O-oo" sagot ni red at napalunok sya "Ganun yung ginagawa namin bago makasali sa barkada. Pinapadel namin tapos pinapaluhod sa bilao ng munggo at asin, ang pinakahuli ay ang makasurvive ka sa mga suntok namin" paliwanag ni jacob na seryoso, basta sa kalokohan kaya nyang magseryoso Napatingin naman ako kay red yung reaksyon nya parang natatakot na sya. Napalunok ulit sya nang dalawang beses. "Uy wag nyong takutin hahahahah" natatawang saway ni bob sa dalawa Sabay tawa nung dalawang mokong. Ayan dyan sila nagkakasundo dalawa sa mga kalokohan. "B-bakit?" pagtataka naman ni red "Ang epic kasi nang reaksyon mo" sagot ni clark tapos tawa pa rin sila ng tawa "Wag kang magpapaniwala dyan sa mga yan tinatakot ka lang nila hahahahah" tumatawa na din si bob sa kalokohan ng dalawa "Wala naman talagang ganun pinagloloko ka lang nila, wag kang maniwala sa mga yan Red" paliwanag naman ni dean kay red "Hoy kayo namang mga lalaki kung ano anu pinagsasasabi nyo mamaya maniwala sa inyo si Red" sermon ko sa boys pag yan natakot baka hindi na nya kami kausapin muli Tawa pa rin sila ng tawa. "Sige tumawa lang kayo, wag kayong titigil hanggang mamaya" pananakot ni sheng sa kanila Natakot naman ang mga boys kaya tumigil na sila kakatawa. "Joke lang yun pre wala naman talagang ganun" sabay ngiti ni jacob kay red "Grabe kayo natakot ako sa mga pinagsasabi nyo" pag-amin ni red at napabuntong hininga sya "Pero eto na yung totoo mamaya iready mo na yung wallet mo" utos ni jacob sa kanya, nabubuhay talaga sa libre ang isang ito "Hahahah ready na kanina pa" proud na sagot ni red "Ayos yan part ka na ng barkada hahahahah" masayang sagot ni jacob sa kanya "Welcome bro!" pagsali ni bob sa kalokohan nila jacob Minsan may kalokohan din si bob, nahahawa na sya kasasama nya kila jacob. "Dahil kasali ka na buo na ang F4 hahahah basta mamaya ha" paalala naman ni clark na akala mo napaka-importante nang gagawin nila "Ay ang gagaling nyo talaga pagdating sa libre" mataray na sabi ni sheng na napailing na lang "Hindi ko alam kung bakit tayo nagkaroon ng boyfriend na kuripot at ang hahangin" napasandal na lang ako sa sofa dahil sa boys "Kaya nga, loko loko na baliw pa" dugtong naman ni dean sa sinabi ko "Pero mahal nyo naman" sabay sabay na sabi nila jacob, clark at bob "Boom!" pagsali ni red sa kalokohan ng boys "At nakisali ka pa talaga Red" masungit na sabi ni dean sa kanya "Kinilig naman kayo" panunukso samin ni clark na nakangiting labas ngipin "Ewan ko sa inyo puro kayo kalokohan" sabay irap ni sheng sa kanila "Ayan nagkasundo sundo kayo sa kalokohan" sakit sa ulo ang mga ito sigurado "Red san ka nga pala nag-aaral?" pag-iiba nang usapan ni dean nag-antay naman kami nang sagot ni red "Ah same school din tayo" nagulat kami sa sagot nya sa SA din sya nag-aaral "Bakit hindi ka namin napapansin, anong year ka na ba?" tanong naman ni sheng sa kanya "4th year na din sa pasukan, Section A kasi kayo, ako naman Section B" sagot samin ni red "Pano mo nalaman?" takang tanong ni jacob sa kanya, pano nga ba "Sikat kaya yung grupo nyo sa school" natatawang sagot ni red samin "Oo nga pala hahahah, ibig sabihin pala si Rain na lang yung maiiwan satin pagkagraduate natin lahat" paliwanag ni jacob, sikat nga talaga ang grupo namin sa school "Red ba talaga totoo mong pangalan?" tanong ulit ni sheng kay red, kay sheng talaga namana ni clark ang pagiging chismoso "Hindi. Redbert James talaga ang pangalan ko" paliwanag ni red samin "San nakuha yung red?" pagtataka naman ni bob "Sa Redbert hahahaha nung nagbubuntis kasi si mommy mahilig sya sa kulay pula tsaka bata pa lang kasi ako mahilig na talaga ako sa kulay red" pagkukwento ni red samin "Kaya pala.... Parehas pala kayo ni Rain mahilig sa pula" nakangiting sabi ni dean "Ilan taon ka na ba?" ako naman ang nagtanong "17 na ako, kaka-17 ko lang" sagot ni red "Same pala tayo 17 na din kami yung iba mag-17 narin, si Renz kaka-18 pa lang nya, si Bob mag- 18 palang, si Rain ang pinakabata 15 going to 16" paliwanag ni clark sa kanya "Red may tanong kami sayo" pagsingit ni bob Kanina pa nga tayo nagtatanong sa kanya bob hahahahaha! "Anu yun?" tanong nama ni red sa kanya "Napapansin kasi namin na lagi kayo magkasama ni Rain, may gusto ka ba sa kanya?" seryosong tanong ni bob sa kanya Yun din ang napapansin namin, hindi nga namin alam kung bakit parang kinikilig kami pag nakikita namin silang magkasama. "W-wala!... Crush siguro?.... Wala naman masama sa paghanga di ba?" diretsong sagot ni red, napangiti naman ako sa sagot nya "Wow honest wala ng paligoy ligoy direct to the point talaga" manghang sabi ni sheng "Sabi na nga ba eh halata kasi pero may boyfriend na sya sayang naman bagay sana kayo" panghihinayang ko lakas kasi nang chemistry nila "Oo nga mas bagay kayo, kaso may sari-sarili na kayong mga partners" pagsang-ayon ni sheng sakin "Uy wag nyo sasabihin kay Rain, secret lang natin yun mamaya magkagulo pa" pakiusap ni red samin, atleast alam nya pa rin rumespeto nang relasyon "Hindi namin sasabihin hahahah" sabay tawa ni sheng "Panu si berna?" tanong naman ni clark, oo nga pala si berna baliw "Humahanga lang naman ako kay Rain wala naman akong gusto, issue kayo eh noh hahahaha" natatawang sagot ni red "Tama na yang asaran nyo umakyat na nga tayo para kahit papaano makapagpahinga tayo baka maya maya bumaba na rin sila Renz" pag-awat ko sa kanila, baka saan pa mapunta ang usapan namin at magka-aminan pa "Oo nga tara na, Red mag-isip ka na rin ng plano mo" aya samin ni bob tsaka nya pinaalalahanan si red Nagtayuan na kami at umakyat na sa taas, nagkanya kanya na kaming punta sa sari-sariling kwartong naka-aasign sa amin. ************** End of Chapter 13: Pag-aalala! Grabe si arvin painosente, kunwari walang alam. Sila jacob naman kung maka-interview kay red parang kailangan nya makapasa. Pero ano kaya ang surprise ni renz sa kapatid nya? At ano rin kaya ang gagawin ni red para makabawi? Abangan! Hope you like it! Thank you for reading and viewing! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD