Chapter 14

1916 Words
"SALAMAT, Ron," sabi ni Alexa sa kasama pagpahiga nila kay Joshen sa kama." Aayusin ko lang si Sir bago ako umuwi. Mauna na kayo ni Butch. Okay na ko." Hindi na nga ito nagpapigil pa at iniwan na sila ni Joshen sa kuwarto. Tinanggal ni Alexa ang kanyang pekeng bigote at goatie, pati na ang coat bago siya nagmaniho kanina.Baka hindi siya papasukin ni Aling Josie na pinakamatagal nang katiwala sa mansiyon. Tinanggal niya ang coat ni Joshen bago pumasok sa banyo at kumuha ng tabo at bimpo. May hot and cold doon kaya tinimpla nalang niya ang kinuhang tubig. Mukhang mataas naman ang alcohol tolerance ni Joshen dahil hindi ito nagsuka, knocked down nga lang. Sinimulan ni Alexa na punasan ang mukha ng binata hanggang sa kailangan niyang hubarin ang polo at pantalon nito. Mabuti na lang at may boxers short itong suot. Nang maisampay niya ang damit ng binata, hindi niya naiwasang mapagmasdan ang katawan ng kanyang boss. Gusto niyang mapahiya, mas makinis pa ito sa kanya! At ang muscles! Gusto niyang hawakan at pisil-pisilin! Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng lalaking naka-boxer short lang. May mga kapatid din siyang lalaki at mga bato-bato pa nga ang mga nakakasalamuha niya sa gym at dojo. Iba lang talaga ang epekto sa kanya ni Joshen. Nakakakilig! Nanginginig ang kamay ni Alexa habang pinaparaan ang bimpo sa katawan ng binata. Kung tutuusin ay hindi na niya dapat gawin iyon, pero hindi naman niya maiwan si Joshen sa ganoong kondisyon. Namilog ang kanyang mga mata nang biglang hawakan ng binata ang kamay niyang may bimpo sa bandang tiyan nito. "Alexa", he huskily called her name. Nakita niyang half opened ang mga mata nito. "Stop it. It's turning me on." Ano raw? Hindi slurred magsalita si Joshen, hindi kagaya noong unang beses niya itong iligtas. "Sir tatapusin ko lang po para makapahinga po kayo nang maginhawa. Gusto n'yo po ba ng Kape?" sagot ni Alexa at saka pinagpatuloy ang ginagawa pagkaalis niya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Kahit hindi slurred ang pagsasalita nito, lasing pa rin dahil mapula ang mga mata at mukha. Baka hindi nito alam ang sinabi. Nabigla si Alexa nang hawakan siya ni Joshen sa isang braso at mabilis na hinila pahiga sa tabi nito bago siya dinaganan. "I said, stop it," sabi nito sa parang hirap na tinig. Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nitong muling hinawakan ang kanyang kamay at tinapat sa nagngangalit nitong p*********i. " You're turning me on, Alexa. Can't you feel it? Don't make it hard for me." Marubdob ang titig sa kanya ng lalaki at hindi niya maipaliwanag ang emosyon na nasa mga mata nito. Bumilis ang t***k ng puso niya at bigla siyang nataranta sa kung ano ang dapat gawin. Nang bawiin niya ang kamay ay hindi naman siya nito pinigilan pero lalo nitong idiniin ang katawan sa kanya. At ang pinakanabigla siya, it was turning her on, too! Hindi siya nakapalag nang sinubsob ni Joshen ang mukha sa kanyang leeg. He was kissing her! Gusto niyang tumawa dahil nakikiliti siya pero ungol ang lumabas sa kantang labi. "Sir!" bulalas niya nang maramdaman ipinapasok ni Joshen ang kamay nito sa laylayan ng kanyang polo. Parang natigilan ito nang makapa anh bendang inilagay niya kanina. Napakunot ang noo niya nang pati paghalik nito sa leeg ay huminto. Ibinaling niya nag mukha ng lalaki paharap sa kanya at nakita niyang tulog ito. Natawa na lamang si Alexa nang bigla itong maghilik. "Pasalamat ka, gusto kita. Kung hindi, binugbog na kita ngayon," sabi niya habang itinulak ito palapat muli sa kama bago tinapos ang kailangang gawin. Kinumutan niya ang lalaki nang matapos ba siya at saglit na pinagmamasdan ang mukha ni Joshen." Alam kong lasing ka kaya mo `yan nagawa. At sira lang ang tuktok ko kong natuloy nga. Pero parang hindi naman kita mapigilan. Sigurado ako sa lunes hindi mo matatandaan ang nangyari. Uuwi na `ko, Sir." Talagang sira nga ang tuktok niya, kinakausap niya ang tulog.Iniligpit ni Alexa ang bimpo at tabo bago siya lumabas ng silid. Mag-isa lang siya pero hindi niya maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Kinikilig siya dahil kahit saglut ay naramdaman niya na gusto siya ng lalaking kanyang pinagpapantasyahan. Lasing nga lang ito. Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi naman kinompronta si Joshen ni Alexa. Hindo kya panaginip lang ang nangyari sa kanyang kuwarto? Kasi kung totoong nangyari nga iyon, wala man lang siyang pasa sa mukha at ni hindi siya sinigawan ng dalaga nang sunduin siya nito sa bahay pagdating ng lunes. But he could swear, he felt her hans on his crotch. or did he want that to happen and he just thoughthe felt it? Sige na nga, lasing kasi siya kaya hindi tuloy niya malaman kung totoong nangyari iyon. But if it was a dream, it was a good one. Sana iyong susunod ay hindi na panaginip lang. "Joshen! Are you even listening? tawag sa kanya ni Jay. Napatingin siya sa kaibigan. "I'm sorry, what was that again? "Kanina ay pina-uusapan nila ang ilang kontrata. ng gasoline stations. Nag trail off na ang kanyang isip pagkatapos. Silang dalawa lang ni Jay ang nasa opisina dahil kapag legalities at confidential ang pag-uusapan ay kusang lumalabas ng kanyang opisina si Alexa. "Ang sabi ko, handa ka na ba sa pagbubukas ng resto? "Oo naman. Ang tagal na nating pinaghahandaan, eh. Pero kakailanganin ko talaga ang tulong n'yo ni Trina sa pagma-manage doon. Oras naman lagi ang problema ko." "Alam mo namang makakaasa ka sa amin,eh Anyway, kung wala na tayong dapat pang pag-uusapan. I have to go. "Appointment o date?" Pinansilatan siya nang kaibigan bago binelatan. Hindi siya nito direktang sinagot pero nagtaas-baba lang ng kikay bago lumabas ng kanyang opisina. As if on cue, noon naman pumasok si Alexa. Gusto niyang batuhin ng staple remover si Jay nang sumenyas ito ng Coca-cola body bago itinuro si Alexa at nag-thumps-up sa kanya. Hindi nakikita ng dalaga dahil nakatalikod ito sa abogado. Kung bakit kasi ngayon pa nakasuot ang babae ng sleeveless jersey wrap dress na nakahapit sa katawan, kita tuloy ang magandang hubog ng katawan. Okay lang ang ganoong damit kung siya lang ang makakakita,ang kaso hindi. "Sir, may gusto ho ba kayong merienda? Mag-aalas-tres na ng hapon." tanong sa kanya ni Alexa nang makalapit na ito. Umiling siya. "Ito po iyong files na mula sa accountingoffice. Na-double check na raw po. Kailangan na lang ng pirma n`yo bago ipadala sa HR," sabi nito bago ibinaba sa desk niya ang makapal na filing folder. As asual, gagabihin na naman siya sa opisina. He suddently felt very tired. Tumayo muna siya para mag-unat. Napataas ang kilay niya nang mapansin ang mabilis na pag-atras ni Alexa na kulang na lang ay kumaripas ng takbo papunta sa cubicle nito. She seemed jumpy since two weeks ago. Teka ... two weeks ago? "Alexa," twag niya sa dalaga na nakapagpahinto sa paglalakad nito. "Sir?" Naku, paano ba niya itatanong dito kung may nangyari nga noong gabi ng party. Atubili siyang naglakad palapit pero hindi ganoon kalapit dahil baka mahagip siya ng long legs nito kapag sumipa. Nakakatakot yata ito pagdating sa labanan. "Di ba no'ng gabi ng party, ikaw ang nagtanggal ng damit ko?" lakas loob na tanong ni Joshen. Napalunok si Alexa bago bahagyang namula ang mga pisngi. " Opo,Sir." Well, ang pamumula ng pisngi nito ay hindi ibig sabihin na ginawa na nga niya ang kanyang naaalala, kundi nahihiya ito na nakitang naka-boxer short lang siya. Parang gusto niyang uling malasing para asikasuhin uli ni Alexa. Gawin kaya niyang peke ang pagkalasing? Pero baka makiliti siya kapag pinunasan,mahuhuli siya. "Thank you nga pala doon. Ngayon ko lang naalalang itanong At saka..." HINDI makahibga si Alexa sa paghihintay sa kung ano pa ang sasabihin ni Joshen. Ang kaso,halos sabay pa silang napalundag nang tumunog ang intercom na gamit ni Trina. "Sir,nandito na po si Miss Shaira. Papasukin ko po ba?"tanong nang babae pagkatapos itong sagutin ni Joshen na mabilis na pumunta sa mesa nito. Natigilan siya sa narinig.Iyon ang nabanggit ni Trina na naging girlfriend ni Joshen sa loob ng walong taon. Ang babaeng iyon ang dahilan kong bakit lasing na lasing ang binata noong unang pagkakataon na nakilala niya ito. Anon kaya ang ginagawa ng babae doon? Makikipag-ayos ba ito sa boos niya? That thought alone was hurting her like hell. Pinapasok ni Joshen ang babae at nag-excuse muna siya rito para mabigyan ang mga ito ng privacy. Muntik na siyang mapanganga nang mapagbuksan niya si Shaira ng pinto. Maganda at mestisa si Trina pero ang babaeng kaharap niya ngayon ay parang nililok mula sa porselana. Muntik na siyang mapakagat sa kanyang ibabang labi. Kaya pala mahal na mahal ni Joshen. "Good morning Ma'am," bati ni Alexa sa babae na hindi siya sinagot. Sinulyapan lang siya nito at tinanguan bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina. Napatingin siya kay Joshen at nagulat nang ma-realize na sa kanya ito nakatingin sa halip na sa dating girlfriend nito. Saglit lang siyang nag-alangan kung lalabas o hindi. Dahil ang nakikita niya sa mga mata ng boss ay parang ayaw siya nitong palabasin. Pero tiningnan siya ng babae na parang hinihintay na isara na niya nang tuluyan ang pinto. Tahimik niya iyong ginagawa. " O, Bakit ka lumalabas?" pabulong na tanong sa kanya ni Trina nang salubungin siya nito. "Bakit? Dapat ba nasa loob lang ako? Nakakahiya,eh. Mag-uusap iyong dalawa,"katwiran niya. "Eh,kung biglang magsabong ang mga iyon at baka kalmutin ng bruhildang iyon ang mukha ni Joshen? Bumalik ka sa loob. Dalhan mo na lang sila ng juice para may lusot kung bakit ka lumabas," kumbinsi sa kanya ni Trina. " Pero baka personal ang pinag- uusapan nila, nakakahiya naman,"katwiran niya. Sa tingin niya ay nakakaasiwang naroon siya sa loob at marinig ang usapan ng dalawa. At ang pinakainaalala niya sa lahat ay paano kung magkamabutihan ang mga ito? Parang tino-torture na rin niya ang sarili? "Kahit bigyan mo lang ng oras na makapag-usap sila. Pero huwag mong iwan ng ganoon katagal si Sir sa loob ng opisina na silang dalawa lang," pagpupumilit ni Trina. Napatango na lang siya sa sinabi nito. Oo nga naman, personal bodyguard siya ni Joshen kaya hindi niya ito basta-basta dapat iwan. Naghintay siya nang ilang sandali bago pa kumilos. Kumuha nga siya ng juice sa refrigerator at saka ipinasok ang dala niyang tray sa loob ng opisina ni Joshen. Hindi siya nag-react nang makita ang marahas na tingin ni sa kanya Shaira. Magkaharap na nakaupo ang nga ito sa sofa na nasa loob ng opisina ni Joshen. Ibinababa niya ang tray ng juice sa center table. "Kami na ang bahala dito, Alexa. Salamat. You can resume whatever you were doing in your cubicle," utos sa kanya ni Joshen na binibigyang- diin ang dalawang huling salita. Saglit na nanghinang ang kanilang mga mata at agad niyang naintindihan ang gusto nitong sabihin. "Oho," sagot niya at saka naglakad papunta sa lugar niya sa loob ng opisina ni Joshen. Binalikan niya ang computer na naka-sleep na pero wala naman siyang naisip na gagawin doon. Hindi tuloy niya maiiwasan na marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Kailangan na lang niyang umarte na may ginagawa at iwasang mapatingin sa dalawa. Kung bakit kasi clear glass ang cubicle, makikita tuloy kapag tiningnan niya ang mga ito. Ang hirap pa namang umarte na deadma lang. "Make her leave this room," madiin na sabi ni Shaira. She doesn't have the right to be in here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD