Chapter 13:

1616 Words
Hindi lang coat ang binili ni Alexa kundi pati loafers. Hindi bagay ang kanyang mga rubber shoes sa polo, coat at pants. Nilagyan niya ng gel ang buhok at inayos ng bahagyang magulong ayos pataas. Isinuot din niya ang salamin na isinuot niya dati sa Palawan. Nagdikit din siya ng pekeng bigote at goatie. Si Trina ang nag suggest na magsuot siya ng ganoon. Inihiram pa siya ni Trina ng mga iyon sa kaibigan nitong nagtratrabaho sa theater. "Wow, Ate! Ang pogi mo!" bulalas sa kanya ni Jocy pagbaba niya sa sala. Silang dalawa lang nasa bahay dahil nasa trabho na si Arke habang may lakad naman si Alec. "Hindi nga halata ang dibdib mo. Hindi ba masikip iyong bandage na inilagay natin?" Umiling si Alexa. "Okay lang. Saka talagang hindi mapapansin dahil dito sa coat." Napatingin siya sa suot na automatic na relo, na gamit ng tatay niya noong nabubuhay pa. Ang sabi ni Joshen ay susunduin siya nito sa bahay eksaktong alas-sais ng gabi. Muntik na siyang mapalundag nang may kumatok sa pinto ng bahay nila. "Ako na," sabi niya kay Jocy. Pagbukas ng pinto ay nakita niya ang gulat sa mukha ng tatlong lalaking nakatayo sa labas. "Alexa?" nakakunot ang noong paniniyak ni Joshen. Kapareho ng expression nito ang kina Ron At Butch. Siguradong mapagkakamalan siyang lalaking mahinahon lang magsalita. Gusto niyang humagalpak ng tawa nang manlaki ang mata ng tatlong lalaki at sabay na nagsabi ng "Ikaw nga!" Nang mahimasmasan nag tatlo ay lumakad na sila. Si Joshen ang nagmamaneho dahil pinauwi na nito si Mang Gusting. "Saan mo nakuha `yang bigote't goatiemo? tanong nito habang bumibiyahe na sila. "Inihiram po ako ni Trina sa kaibigan niyang theateractor. Guwapo ba? magaan na tanong ni Alexa. "Puwede na rin. Basta dumistansiya ka ein sa akin at iwasan mong makipag-eye contact kapag may nakikipagkuwentuhan sa`yo. Kilos lalaki lang. May mga babaeng sumasayaw, doon ka madalas tumingin kahit nagmamasid ka sa paligid." "May dancer? manghang tanong ni Alexa. "What do you expect? Men's club iyon. Natural na may mga babaeng nagsasayaw doon at ang mga waitressay talagang magaganda. Ganoon talaga," walang anumang sagot ni Joshen. Gustong mapasimangot ni Alexa. Ibig sabihin ay titingin si Joshen sa mga magaganda at sexy na mga babae. Nakaka-bad trip. Pero okay na rin na siya ang isasama nito sa loob dahil kung may kekerengkeng dito, kukurutin niya ng pino. Halatang sosyal ang lugar. At mukhang hindi iyon ang unang beses na nakapunta roon si Joshen dahil pamilyar ito sa lugar. 'Di ba busy siya sa work? May time pa siyang mag-club? Ay, ang sarap magwelga. Nakasunod si Alexa kay Joshen. Okay lang kung mapagkamalan siyang bodyguard, iyon naman talaga ang trabho niya. Pagkapuwesto ay naging malikot ang kanyang mga mata para mapag-aralan ang mga taong naroon. Muntik nang kilay niya nang makita si Alex. Oo nga pala ka batch-mate ito si Joshenat baka kaibigan din ni Hector kaya naimbetahan ang lalaki. Naka French Maid attire ang mga waitress na napakababa ng neckline na halos wala ng itatago sa dibdib at sobrang igsi ang mga palda. Kaunting tuwad na lang ay makikita na ang panty. Sa mga naka-elevate na area na may pole ay may sumasayaw na mga babaeng naka-skimpy bikini lang. Dapat yata ay isa lang kina Butch o Ron ang sumama ron. Wait! Maigi nga na siya na lang, at least hindisiya nato-torture sa pag-iisip kung may lumandi kay Joshen. Mukhang okay lang kay Joshen na hindi siya nakadikit ngayon sa amo dahil mukhang masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Pumuwesto si Alexa sa bar area na malapit lang sa mesang inookupa ni Joshen. Umiiwas din siyang makihalubilo sa iba para hindi niya kailangan magtahi-tahi ng kasinungalingan kapag nakipagkwentuhan sa kanya. Pinagtaasan siya ng kilay ng bartender nang isagot niyang "Cali Shandy" ang iinumin niya nang tanungin nito kung ano ang kanyang gusto. Ang bahaging iyon ay naka-serve kay Hector kaya on the house ang mga inumin at pagkain. "Hindi kayo umiinom nang hard Sir?" nakakalokong tanong ng bartender na base sa nameplate nito ay Avel ang pangalan. "Sayang naman po. Sky is the limit sa mga inumin. She smirked. "Bawal," sabi niya sa mababang tono sabay tingin kay Joshen. "Ah, okaym Bantay pala kayo," natatawang sabi ni Avel. Mukhang sanay na ito sa sistema nh mga mayayaman na may mga bodyguard. Nang may dumaan na waiter na dalang finger foods ay kumuha na lang siya. Mabait naman si Avel at binigyan pa siya ng platito. Dapat ay hindi niya ito makalimutang bigyan ng tip mamaya. Napabuntong hininga si Alexa nang makita niyang may lumapit kay Joshen na waitress at halatang nakikipag-flirt. Ah, alam na niya.Tumayo siya at pagdaan niya sa mesa nila Joshen ay sinadya niyang bungguin ang babaeng humihimas sa balikat ni Joshen. "Oh, im sorry. sabi ni Alexa sa waitress. "Okay lang, Sir," malanding sabi ng babae, sabay kapit sa kanya at hinimas ang bandang dibdib niya. Agad niyang inalis ang kamay ng babae na halatang nagulat sa kanyang ginawa. Nagdahilan na lamang siya na kailangan niyang pumunta sa restroom. Tinawanan lang siya ng malanding babae bago kumindat. Ang sarap upakan. Nagulat si Alexa nang makitang panlalaki lang ang restroom sa lugar. Oo nga pala, puro male guest lang ang naroon. Patay! Naglakas-loob siyang pumasok sa loob at nakahinga nang maluwang na bukod sa mga urinal ay may cubicles din doon. Pero hanep talaga ang lugar, ulitimo banyo pang-five-star hotel. Pumasok siya sa pinakadulong cubicle. Maynarinig siyang kaluskos pumasok din sa restroom. Babale-walain na lang sana ni Alexa iyon nang marinig na nag-uusap ang mga pumasok at parang si Alex ang isa sa mga iyon. "Bro, hanngang ngayon ba naman type mo pa rin si Shaira? Bakit hindi mo pa sunggaban, eh, hiwalay na sila ni Joshen?" sabi ng isang lalaki. "Binakuran ng tarandong Desmon na`yon. Pero ayos lang. Ang importante hiwalay na sila ni Joshen. Madaling nang makasilip ng pagkakataon basta huwag lang seseryosuhin ni Shaira si Desmon." Kung ganoon ay puwedeng tama ang kutob niya kung noon pa ay magkakakilala na ang mga ito. "Pero mukhang ang trip ni Shaira, eh, iyong may-ari ng kompanya, hindi lang minor stock holder," nanuksong sabi nong lalakinnlg kasama ni Alex. Narinig na lang niya ang malutong na pagmumura ni Alex. "Kung pera lang ang makakasilaw sa kanya maghintay-hintay lang siya," sabi ni Alex. She took her time before going out of the restroom. At nagmadaling naghugas nang kamay at nag-flush ng toile. Nang makabalik sa bar ay hinanap ng mga mata niya si Joshen. Mag-isa na lang itong nakaupo sa mesa dahil ang mga kasama nito ay nakatayo at nanood malapit sa entablado. Nilapitan niya ito. "Sir, okay lang kayo?" tanong niya sa binata. Nag-thumps-up ito sa kanya. "Lipat tayo sa bar," yaya ni Joshen. "Ayaw n'yong manood?" nagtatakang tanong ni Alexa. Pero sa loob-loob ay natutuwa siya na walang itong interes sa babaeng naghuhubad habang nagsasayaw. "May bago bang makikita? Wala naman eh."sagot ni Joshen. Napangiwi nalang siya. Ano bang dapat na reaksiyon niya sa sinabi nito? Napaiisp na lang siya tungkol sa naririnig niya kanina sa bathroom.. Iniiwasan ni Joshen na mapatitig kay Alexa. Kung naging lalaki lang ang dalaga,guwapo pala ito. Kaya magaling ang ideya ni Trina sa fake moustache at goatie. Mukha lang ngang artist kaysa Bodyguard ang babae. Hindi niya alam ang nararamdaman niya nagagandahan at naseseksihan pa ein siya. Ang higit na ipinagtataka niya,noong si Shaira pa girlfriend niya, hindi siya iiwas sa waitress kanina alam niya nagsimula nang makipag flirt sa kanya. Kaya ngayon ni wala siyang interes panoorin ang mga babaeng nag stripper, mas gusto pa niyang katani si Alexa habang umiinom. Nasisira na nga ang tuktok niya mabilis niyang tinungga ang bagong lagay na shot ni Avel sa kanyang baso. "Another one." "Sir," narinig niyang tawag sa kanya ni Alexa sa "male" voice nito. "Okay lang po ba kayo?" Ano ba ang dapat niyang isagot dito? Sasabihin ba niyang mas gusto sana niyang ito ang lumandi sa kanya? O maghubad sa kanyang harapan? Baka mauwi siya sa full body cast at ilang buwang pagkakaospital kung mangangahas siyang sabihin iyon. "Okay," maigsing sagot ni Joshen di man lang niya tiningnan ito. "Ganyan din po ba ang pag-inom n'yo noong naghiwalay kayo ng ex mo?" mayamaya ay tanong ni Alexa. "Worse," pagak niyang tawa bago muling tumungga ng shot. Dapat talaga ay tinatabi niya ang bote sa kanya, Masakit man ang pagkakahiwalay nila ni Shaira, napalitan ito ng asar nang makipagdate ito sa iba. At siguro, tamang timing din na nakilala niya si Alexa. No, hindi niya panakip butas ang dalaga. It just happen that he's found of her and really like her. "Sabagay hindi po madaling itapon ang walong taon." Napalingon siya dito. Paano niya nalaman. ah, alam na niya malamang si Trina ang nagkukuwento. wala naman iyong kaso sa kanya. Public knowledge nga iyon kung tutuusin. Pero mali ang akala ni Alexa at hindi niya iyon maamin sa babae. Iba naman ang dahilan nang pag iinom niya ngayon. Sakyan na lang niya kaya? "Yup," maigsing sagot niya uli bago tinawag Si Avel para ipaiwan na doon ang bote. Nang hindi sumagot si Alexa ay tiningnan niya ito. Kaya pala, kumain ng mga finger foods. Paano ba niya sasabihin kay Alexa na nahihirapan siya sa sitwasyon nila? Na sa tingin niya ay hindi na niya mapipigilan pa ang sarili na mahalin ito? Ang tanging sagot niya? Inum ulit. _______ Reader sinsya na talaga delay-delay update. May work ang writer. sisikapin kong makaupdate after mywork. salamat @Jess
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD