Chapter 12

1091 Words
NAPILITAN si Alexa na iparada na lang ang sasakyan niya sa opisina. Unang beses iyon dahil kadalasan ay sa bahay nina Joshen niya inilalagak ang kotse at sabay na silang pupunta ng opisina. Nang makausap no Alexa si Aldren at sinabi niya ang nangyari sa sasakyan, naghinala ito na baterya ang problema kaya nagdala agad ito ng bago nang puntahan siya. Kapapalit lang ng baterya nang datnan sila ni Butch at nagulat pa siya nang sabihin nito na pinadadaan siya ng kanilang boss. Okay na ang problema niya sa sasakyan, kay Joshen ay hindi. Nagtataka siya kung bakit pa siya nito dinaanan pagkatapos ay hindi rin siya kikibuin. Ngayon, sila ni Trina ang natataranta sa meeting dahil five minutes late ang binata. Nakahanda na ang conference room at nandoon na rin ang mga ka-meeting ni Joshen na supplier ng beverage para sa convenience stores. Si Trina lang ang kinakausap nito at hindi man lang siya tinatapunan nang tingin. Wala naman siyang nagawang masama. Sinabi lang naman niya rito na mauna na ito sa opisina. Hindi na niya kasalanan na dinaanan pa siya nito kaya ito na-late. Kayaga ng nakaugalian na, sina Ron at Butch ay sa labas ng conference room nagbabantay at si Alexa ay umaaktong assistant na kung tutuusin ay trabho ni Trina. Nang maisilbi na niya ang mga ito ay nagpaalam siya sa secretarya na lalabas na muna siya. Nagbilin din siya sa ibang bodyguards bago nagpunta sa roof deck. Ilang beses na siya nagpunta doon kapag breaktime niya. Nakakasawa din kasi ang aircon sa opisina kaya nagpapahangin din si Alexa kapag may oras. " Miss Alexa Roxas, Kumusta ang trabho mo kay Joshen? Nakapagatataka lang kailangan pa niya ng personal assistant na mahusay namang nagampanan ni Trina kung tutuusin. At weird na dapat ay under ka sa kompanya, pero lumabas na personal ka niyang empleyado," Pukaw sa kanya ni Alex Laroza. " And everything that needs to be dealt with has to be with Trina and not you. Ano ka nga ba eksakto kay Joshen? Isang disguised nurse dahil may tinatago siyang karamdaman at hindi ka naman talaga niya personal assistant?" dertsang tanong nang lalaki. Hindi maiwasang matawa ni Alexa sa sinabi nito. Eksakto sana, sablay lang ang hula. Hindi siya nawalan ng kumpiyansa sa sarili sa ginawang pang-i-intimidate ni Alex. At dahil totoo ang sinabi nito na personal siyang under kay Joshen at hindi kabilang sa empleyado ng korporasyon wala siyang obligasyong magpaliwanag sa lalaki. "Kayo po, bakit kayo ganyan magtanong at hindi kayo naniniwala na P.A ako ni Sir? Gusto n'yo itanong ko sa kanya kung bakit n'yo ako pinagdududahan?" balik- tanong niya. " At malakas ang loob mo na malaki ang kumpiyansa sa`yo ni Joshen? Matagal na kaming magkakilala, noong college pa. Palagay mo mabibilog niya mo ang ulo niya para baliktarin ako. Kung hindi lang taga pagmana si Joshen, ako ang pwedeng nasa posisyon niya. Kaya tabasan mo` yang dila mo nang maayos," gigil na na sabi ni Alex. "Eh, mawalang galang lang, Sir hindi naman ho ako ang nag-umpisa ng usapang ito. Kayo naman pi ang may isyo sa pagiging P.A. ko kay Sir Joshen. Nagtataka lang po ako bakit po kayo nagdududa," sagot niya. Halata ang pagakapikon sa mukha ni Alex. Kung kuto lang siya ay siguradong tiniris na siya nito. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Naningkit ang mga mata ni Alex at tumalas ang tingin. "Soon, I will know who you really are, Miss Alexa Roxas," sabi nito bago tumalikod sa kanya at pumasok uli sa building. Napataas ang kilay ni Alexa bago siya nakaramdam ng kaba. Bakit kaya gonoon ito magsalita? Nakakapanghinala. Mabuti siguro na alamin din niya ang mga bagay-bagay sa taong ito. Pagkalipas nang ilang minuto ay bumaba na siya uli sa penthouse at nakita niyang naroon pa rin sina Ron at Butch sa labas ng conference room. Nasa loob pa si Joshen. Sumenyas muna siya sa mga ito na dederetso muna siya sa loob ng opisina. Baka makagulo lang siya sa mga tao sa loob kung babalik pa siya roon. Binuksan ni Alexa ang kanyang computer at nag log-in sa company profile. Doon niya tiningnan ang profile ni Alex Laroza at inilista sa isang papel ang mga tingin niya ay mga importanteng detalye tungkol sa lalaki. Ka-ka batch ito ni Joshen sa kaparehong course na Accounting at iisa lang din ang pinanggalingang university. Totoo nga ang sinabi ni Alex na stockholder din ito sa kompanya kahit maliit lang na porsyento iyon. Abala pa siya sa ibang mga research nang bumukas ang pinto ng opisina. Clear glass ang kanyang cubicle kaya madali niyang nakikita kapag may pumapasok sa loob ng opisina. Tinanong agad niya kung gusto nito ng kape pero sinagot siya ng "Where did you go?" "Sa roof deck po, nagpahangin lang. Hindi na po ako bumalik ng conference room dahil baka makaistorbo lang ho ako sa meeting n'yo," matapat na sagot ni Alexa. Hindi na umimik si Joshen at tahimik na nauopo sa desk nito. Pero nanatili lang ito roon at ni hindi binubuksan ang mga folders. Nakatingin ito sa kalendaryo na nasa mesa nito. Ano kaya ang iiniisip ng amo? Pati tuloy siya ngayon ay hindi mapakali. Nakikiramdam siya sa bawat reaksiyon ng kanyang boss. "Alexa," tawg sa kanya ni Joshen. "Po?" Agad siyang tumayo at pumunta sa tabi ng binata. Iniikot ng lalaki ang swivel chair para makaharap sa kanya. "This coming Saturday night bachelor's party ni Hector, ka batch ko no'ng college at kabarkada. Gaganapin iyon sa isang exclusive na men's club kaya bawal ang babae sa loob. Isa lang kasi ang maipapasok ko sa loob kaya ikaw na lang isama ko. You need to dress up like a man.Magagawa mo ba `yon? Kung kailangan mo mo ng perang pambili ng damit, sabihin mo lang." Napangiti si Alexa. "Sir, kung hindi naman po kailangan ng dress code na nakaamerikana o tuxedo, marami pong damit ang mga kapatid kong lalaki. Okay na po ba ang poli at slacks? "Hmm," sabi ni Joshen at pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla niyang gustong haplusin ang maigsi niyang buhok. Ay gusto niyang magpa-cute pero pinigil muna niya at baka sabihing feelingera siya to the max. "Kailangan mong itago ang curves mo. Magsuot ka rin ng vest o kaya ay coat. akung wala kang coat, bumili ka at ipa-reimburse mo kay Trina ang gastos." Tumango-tango na lang si Alexa habang inaalala kung ano ang pinakamaayos na damit nina Alec at Arke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD