Nakita niyang natigilan si Joshen sa pagpihit ng seradura at hindi itinuloy ang pagbukas ng pinto. Tumuloy na siya sa kanyang silid dahil nararamdaman niya ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. Pagka-lock ng pinto ay saka niya hinayaang tumulo ang mga luha.
Hindi siya umiiyak dahil nagalit ang boss niya sa kanya kundi dahil naipamukha sa kanya ng lalaking bumihag sa kanyang puso kahit iilang araw pa lang sila na nagkakasama na hindi na lalagpas pa ang tingin nito sa kanya sa lebel ng bodyguard.
"NAKU, bakit ba ngayon pa nagkaaberya ang kotseng `to! May meeting si Sir Joshen, eh," asar na asar na sabi ni Alexa hanang tinitingnan ang makina ng kanyang sasakyan.
Mabuti nalang nasa bandang gilid siya ng daan dahil malapit na ang kanyang lilikuan nang mamatay ang makita ng sasakyan.
Sana lang ay hindi siya makaabala sa ibang motorista at mapansin agad ng mga ito ang early warning device na inilagay niya ilang metro ang layo sa kanyang sasakyan. Kahit ang hazard signal ay hindi gumagana. The car just went dead.
Tsineck nita ang lebel mula sa gasolina oil, ayos naman ang lahat. Bigla na lang iyon namatay nang mag-shift siya ng gear kaya hindi niya alam kung clutch, ang belt o baterya ang may problema. Nag text siya kay Chuck at hinihintay na lang niya ang reply nito kung matutulingan siya at mapupuntahan doon.
NAG speed dial siya para tawagan si Ron at sinabi dito na sumunod na lang siya sa opisina. Tinawagan din niya si Trina para sabihin ang problema niya at tinanong nito kung nasaan siya.
Hindi kinalimutan ni Alexa ang sinabi ni Joshen noong huling gabi nila sa Palawan na bodyguard lang siya nito. Pinilit niyang isasak sa isip na wag siyang mag-ilusyong kaya niya itong abutin dahil hinding-hindi iyon mangyayari kahit kaylan.
She focused on her work at kahit paano nagamay niya ang pagiging personal assistant no Joshen. She was that in the sense na ipinagtitimpla niya ito ng kape, inaasikaso ang pagkain nito, binibitbit ang mga gamit at kung may mga electrical work na magagawa siya para dito ay ginagawa niya. Kasama na roon ang pag-aayos ng mga papeles sa mesa ng boss niya.
Pero hindi naman niya nakakalimutan na ang talagang trabaho niya ay ang maging bodyguard ni Joshen. Mas maaga lang nga siya gumising sa umaga para makapag- exercise para hindi makalimutan ng kanyang katawan ang alam niya sa martial arts. Sa day off naman niya ay nag-aaral siyang humamit ng baril para makapag-apply ng lisensya sa paggamit niyon. Sa gabi, may pinapasukan siyang training school para sa mga bodyguard. Ang alas lang niya sa mga kasama, bihasa na siya sa martial arts kaya hindi na niya kailangan pasukan ang klase roon.
Nanlumo si Alexa nang matanggap ang text ni Chuck na nasa bahay ito dahil may sakit ang anak at misis. Kung ganoon ay sarado ang talyer nito at wala itong mauutusan para matulungan siya. Isa nalang ang iiniisip niyang tao na makakatulong sa kanya. Ini- speed dial ni Alexa ang numero ni Aldren.
"SIR, IYON na po ang sasakyan ni Ms. Alexa. Palapit na po sa unahan si Butch para tingnan ang harap,kasi nakataas po ang hood ng sasakyan," sabi ni Mang Gusting kay Joshen.
Ipinatabi ni Joshen ang sasakyan. Hindi siya nakatiis kaya bumaba na siya. Agad na umagapay sa kanya si Ron nang makita siyang bumaba ng sasakyan.
He didn't mean to snap at her on their last night at Palawan. Kung bakit ba naman lasi nito na bull eye ang kung anumang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. It was his defense mechanism to immediately shut people off kapag masyado nang nakikita ang kaloob- looban niya. Mula noon ay naging employer at empleyado na lang sila.
Hindi iyon gusto ni Joshen dahil nag-enjoy siya nang husto sa company ni Alexa noong nasa Palawan sila. Come to think of it, there was never a dull moment with Alexa since the time he meet her.
At nagalit siya hindi lang dahil parang nakita nito ang kaluluwa niya. He was afraid that he was falling for a person that was too different from him. Pero mas hindi niya matanggap, mula nang bumalik sila galing Palawan ay naging civil na lang sila sa isa't isa.Okay lang sana, pero it got to him kapag inaasikaso siya ni Alexa.
She anticipated his every need. Halos hindi na niya kailangang tumayo sa pagkakaupo dahil agad itong kumilos para kunin o dalhin ang mga kailangan niya. At ang kanyang ikinaiinis, nasasanay na siyang laging nasa tabi niya si Alexa. Napapaisip din si Joshen kung bakut mabilis na nahuhulog ang kanyang loob kay Alexa. Kailan lang naman sila nagkahiwalay ni Shaira, mahigit isang buwan pa lang. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan ang mahigit walong taon na pinagsamahan nila. At ni hindi na siya naiirita kahit patuloy ang balita na nakikipagmabutihan ang dating girlfriend kay Desmon. Was it all because of Alexa? And for some crazy reason, ginawa pa niyang wallpaper ng laptop niya na nasa bahay ang selfie nila ni Alexa mula sa kanyang camera na kuha sa loob ng simbahan sa Palawan. Pati ang selfie nila sa cell phone niya na nakatingin ito sa kanya ay hindi niya mabura-bura. Baliw na nga yata siya dahil sa gabi bago siya matulog ay lagi niya iyong tinitingnan. Hr liked the way she looked at him. It was innocent and full of sincerity. Gusto niyang siya lang ang titingnan nang ganoon ni Alexa, wala nang iba. He's mad to be too possessive like this.
" Sir, nando'n na po si Butch," sabi sa kanya ni Ron. Mukhang ayaw nito na bumaba pa siya ng sasakyan.
"I know. I just need to see the situition."
Nang sabihin sa kanya ni Ron na hindi makapunta si Alexa sa bahay niya para sabay na silang pumasok sa opisina, palalampasin na sana niya, lalo na at may meeting siya ngayong umaga. Sapat bilang bodyguard sina Ron at Butch kung tutuusin Halfway na sila papuntang opisina nang hindi na niya matiis ang dalaga.
She might need help. Napakunot ang noon ni Joshen nang marinig na may nagtatawanan sa harap ng nakataas na hood.
Halos umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang makitang nakikipagtawanan si Alexa sa isang lalaki at pati si Butch ay nakangisi sa mga ito.
Mukhang kilalang-kilala ng dalaga ang kasama nitong lalaki.
It was nerve wracking worrying about her. At heto lang ngayon ang dalaga may katawanan na lalaki. At gusto niyang suntukin ang lalaki nang hawakan pa nito sa braso si Alexa. Tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng mga ito at hindi naman siya nabigo.
"Sir! Male-late na po kayo," bulalas ni Alexa.
"We need to go," matigas na sabi ni Joshen bago naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.
Narinig niyang nagpaalam na ang dalaga sa kausap nito. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang suplado. Wala naman talaga siya sa mood makipagplastikan.
______Sinsya na Guys Medyo busy kaya delay delay yong update. Happy reading! i update aslong as i can. sorry sa pagbitin.
@Jess