Chapter 10

1285 Words
Hindi makatulog si Alexa. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto para magpunta sa kusina. Nagtataka lang siya kung bakit nakabukas ang lamp shade sa sala. Ang alam niya pinatay ay pinatay niya iyon kanina bago matulog. Pagkainom ng tubig naisipan niyang tingnan ang kanyang boss. Sinubukan muna niyang pihitin ang seradura at napataas ang kilay niya na bukas iyon. Kumatok muna siya at nang walang sumagot ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Tuluyan na siyang pumasok ng silid nang makitang walang nakahiga. Nag-umpisang kumabog ang dibdib ni Alexa dahil wala sa loob si Joshen. Pumasok siya sa banyo at wala rin ito roon. Lalo siyang inaalipin ng kaba at kahit naka pajama lang siya ay basta na lang niya kinuha ang susi nang suite at tumabok papunta elevator. Hindi na man ito basta-basta aalis ng suite nila nang hindi siya kasama. Kapag hindi niya ito nakita sa vinicity ng hotel ay makikipag-coordinate na siya sa security ng hotel para makita ang kuha ng mga CCTV. Ganito pa ba ang mangyayari sa kanila sa huling gabi nila sa palawan.? Bukas nang hapon ang flight nila pabalik sa Manila. Inabot din sila nang linggo doon sa paghihintay sa Japanese National na kausap ni Joshen. Kahapon at kanina ay nakausap na ng binata si Mr. Umeda at naayos na kung ano man ang naging problema nang dalawnag kompanya. Kaya hindi niya matanggap ngayon pa maymangyari kay Joshen. Not under her watch. Kasabay nang pagbukas ng pinto ng elevator ay ang halos paghinto sa pagtibok ng puso ni Alexa. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao dahil naka pajama lang siya. May suot naman siyang underwear at makapal ang tela nang kanyang damit. Una niyang ang restaurant ng hotel, ang bar, pati na ang swimming pool at gym area. Pinagpapawisan na siya nang malapot nang maisipan niyang maghanap muna sa paligid ng hotel. Kalam ka muna, Alexa. Kalma. Kung hindi lang siya mawawalan ng trabaho, kapag nakita niya ang boss ay kukutusan niya ito nangbonggang-bongga. Sana lang naroon nga ito at walang nangyaring masama. Sinikap niyang mag-adjust sa dilim ng dalampasigan ang kanyang mga mata nang makalabas na siya nang hotel. May mga bench sa harap ng hotel at susubukan muna niya maghanap sa area na iyon bago tingnan ang palibot. Hindi naman pala ganoon kadilim sa bahaging iyon dahil mayroong bonfire. Nakahinga nang maluwag si Alexa nang makita ang isang pigura na nakaupo malapit sa bonfire. Sigurado siya na si Joshen iyon. Marahan siyang naglakad palapit at naupo sa tabi nito. Mukhang may malalim itong iniisip dahil nakatanaw ito sa malayo.Tiningala niya ang kalangiyan at pasimpleng umusal na walanng nangyari sa kanyang boss. "Hindi ka rin ba makatulog?" tanong sa kanya ni Joshen. Pagkatapos niyang mataranta para hanapin ito? Iyon pa ang itatanong nito sa kanya? Naku, ang sarap batukan kung puwede lang! "Bakit ho kayo umalis nang suite nang walang paalam? Halos atakihin ako sa puso sa kakahanap sa inyo," sabi ni Alexa. "Bakit hindi mo ba nabasa ang text ko sa`yo? Nagsabi ako na maglakad-lakad lang muna ako. Hindi ko kasi alam kong tulog kana o ano," walang anumang sagot ni Joshen. "Hindi, eh. Nakalimotan kong ibalik ang messages alert tone nang bumalik tayo sa hotel. Naka- set kasi sa vibrate mode nang umalis tayo kanina dahil may meeting ka. Pero Okay lang. At least, nakita kita ngayon." Nang walang sagot si Joshen ay nilingon niya ang lalaki. Biglang na-conscious si Alexa nang makitang titig na titig ito sa kanya. Nanunuot ang tingin nito sa kanya na para bang gustong silipin ang kalaliman ng kanyang kaluluwa. Hindi naman niya maialis ang tingin kay Joshen. Bakit ba siya hindi makaiwas nang tingin? Nababaliw na ba siya sa iba't ibang emosyon na nakikita sa mga mata nito? "What do you see in me?" mayamaya ay tanong nito habang hindi napuputol ang kanilang titigan. I see a man who longs to be understood. Isang lalaki na gusto nang kapayapaan at kalayaan. Nalulungkot ka hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan, dahil gusto mo nang maymakakaintindi sa`yo na kaya kitang mahalin nang ganoon. Sa maikling panahon na magkasama tayo, nakuha mo na ang loob at puso ko. Akala ko noon, pag-ibig na ang naramdaman ko para kay Aldren, hindi pala. Huminga nang malalim si Alexa. Kung anuman ang sagot nang kanyang isip, hindi niya pwedeng sabihin. " Boss," maigsing sagot niya at saka umiwas nang tingin. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang lumayo rin ang tingin ni Joshen, sumunod sa direction kung saan siya nakatingin. " Sir, may problema po ba kayo?" tanong ni alexa kay Joshen. Hindi sinagot ni Joshen ang kanyang tanong nanatili lang sa posisyon nito na walang imik. Bigla itong naging isang simpleng lalaki sa kanyang paningin. Noon niya napansin na naka- white shirt lang ito at pambahay na short. Pakiramdam niya kayang-kaya niya itong abutin, na walang mga hadlang sa pagitan nila. Na sa oras na iyon, si Joshen ay isang lalaki na puwedeng bumagay sa isang kagaya niya. "Isa ho kayong importanteng tao na dapat iniingatan. Maramin ang umaasa sa inyo at mabigat ang inyong responsibilidad. Nakulong kayo sa pananagutan dahil naging bilanggang kayo sa inyong tungkulin sa inyong pamilya at sa kompanyang inyong hinahawakan. Marami kayong dapat isakripisyo, at isa na roon ang inyong kasiyahan at kalayaan. Ang inyong oras at kabataan ay hawak ng inyong pinagsisilbihan. Pero okay lang lang naman hong mag-emote kung minsan, o kaya ay magtampo at magtanong. Huwag n'yo lang kakalimutan kung sino kayo at ang totoong n'yong pagkatao." Nanlaki ang mga mata ni Alexa pagkatapos ng lahat ng sinabi niya. OMG! Bakit ko ba nasabi yon sa kanya. Ito talagang bibig ko minsan walang preno. sabi nang utak niya. Kahit mahangin ay pinagpapawisan siya nang malamig nang tingnan siya ni Joshen. His eyes were cold and angry? She felt her mouth dry as his stare became sharp. Naghahanda na siyang humingi ng paumanhin nang maunahan siya nitong magsalita. "Huwag mong isipin na por que nagkasama tayo dito nang ilang araw ay kilalang-kilala mo na ako. You're just my bodyguard and nothing more. You're are not even my friend so don't get too comportable with me," matigas na sabi nito bago tumayo at pinagpag ang buhanginan na nakadikit sa katawan nito. Nanlamig ang buong katawan ni Alexa sa narinig.Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga sinabi niya kanina, nagalit tuloy ang boss niya. Paano na iyan kapag nawalan siya ng trabho.?Kailangan niyang humingi ng paumahin. Agad siyang tumayo at nagpagpag fin ng pajama bago mabilis na sinundan si Joshen na ilang metro na ang layo sa kanya. Tahimik na sumunod siya sa lalaki hanggang sa makaakyat ng penthouse. Nauna na siya sa paglalakad nang nasa corridor na sila kung nasaan ang suite na tinutuyan nila. Binuksan niya ang pinto gamit ang susi na kanina pa niya hawak. Mabuti na lang at hindi niya iyon nabitawan kahit parang dinurog at hiniwa nang pira-piraso ang kanyang puso. Nanatili siyang nakahawak sa pinto. Saka niya isinara at ini-lock iyon nang makapasok na sa loob si Joshen. Nang malapit na ito sa pintuan nang silid nito ay saka siya tumikhim at nagsalita. "Sir,Sorry ho sa mga nasabi ko kanina. Tama ho kayo. Wala akong karapatan at posisyon para sabihin ang mga bagay na yon kaya humihingi po ako ng paumanhin. Hindi ko naman ho nakakalimutan na bodyguard n'yo lang ako at pasuwelduhin lang. Hindi rin po ako nagbibigay pa ng dahilan kung bakit nasabi ko ang mga iyon. Akala ko lang ho ay tinatanong n'yo talaga ako kung ano ang nakikita ko sa inyo. Pasensya na po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD