KINABUKASAN nang hindi rin dumating si Mr. Umedaay niyaya ni Joshen si Alexa na mamasyal sila sa bayan. Hindi niya akalain na may energy pa ang lalaki pagkatapos nilang lumangoy sa dagat kahapon.
Pagkatapos nilang mag-breakfast at makapaghanda ay naglakad na sila. May dala pang mapa si Joshen kaya alam niyang determinado ito sa gustong gawin.T-shirt at walking short lang ang isinuot niya na tinernuhan ng paboritong rubber shoes. Sigurado siyang mapapalaban siya sa paglalakad mamaya.
Unang silang pumunta sa Rizal Avenue ng Barangay Liwanag at doon nila nakita ang Immaculate Conception Parish. Bago pa sila makatapak sa loob ng simbahan ay pinigilan niya si Joshen.
"O, Bakit?" takang tanong ni Joshen.
"Sabi ni mama ko noon, kapag makakapasok ka sa bagong simbahan, puwede kang humiling kapag nagdasal ka. Kaya mamaya magdasal tayo, ha."
Hindi alam ni Joshen ay nagsasayaw sa galak.
"Sige. Dapat magkatotoo ang hinihiling ko, ha?
"Sir, naman, hindi naman ako Diyos para mag grant ng mga kahilingan. Kung magiging genie ako sige. Pero bodyguard n'yo ako," nakangusong niyang sagot.
Isang malutong na tawa ang isinagot ni Joshen bago ito naglakad papasok sa simbahan. Tumingin din siya sa paligid ay hindi pa rin nawawala sa isip ang trabho. Hindi lang obvious ang kanyang ginagawa para lang silang couple o kaibigan na namamasyal.
Couple talaga?
"Selfie muna tayo,"sabi sa kanya ni Joshen habang nasa gilid sila ng altar.
"Kukunan ko na lang kayo,Sir," sabi niya
" Together," maawtoridad na sabi nito.
"Isa pa," dagdag sabi ni Joshen at cellphone naman nito ang ginamit.
"Kulambo".
"Bakit ho kulambo?"Tanong niya habang hinihintay ulitin ni Joshen ang pagselfie dahil hindi siya nakatingin.
"I just said that to make you lookat me,"bali walang sagot ng amo.
Nagnagkibit balikat na lang so Alex at saka lumapit sa sa likuran ng pew at doon lumuhod. Hindi siya makapikit dahil kailangan parin niyang bantayan si Joshen.
Before praying, she wished that she may find her true love soon. Nakakapagod din kasi maging NBSB.
Pinagdasal din niya ang mga kapatid na sana makatapos nang pag-aaral at makahanap ng bagong trabaho si Arke. At sana malagpasan nila ang kahit ano pamang pagsubok na darating at problema. Nahiling din niya na sana tuluyan ng maka moveon na ang boss niya sa ex-girlfriend nito.
Talagang makalimutan? At nag-iilusyon ka naman na ikaw ang pumalit, paalala ni Alexa sa kanyang sarili.
Pagkalabas nila ng simbahan ay narating nila ang Plaza Cuartel. Katulad nang nauunang ginawa sa loob ng simbahan ay kumuha ng lutrato si Joshen sa paligid. Napahinto siya sa monumento kung saan nakasulat ang kung anong nangyari sa lugar.
Nakarinig na naman si Alexa ng click ng camera habang binabasa ang nakasulat sa monumento.Sinusundan niya ang direksiyon kung saan iyon nanggaling.
Si Joshen ang nakita niya na tinitingnan ang mga kuha. Lumagpas ang kanyang tingin papunta sa isang mama na ilang metro ang layo sa kanyang boss.
Nakita na niya yong taong yon sa loob nang simbahan kanina. Sinusunda kaya sila nito? Pasimple siyang naglakad kay Joshen.
"Sweetheart," tawag niya kay Joshen na halatang nagulat nito.
Napamaang ang kanyang boss at sinamantala siyang yumakap dito habang nakabukas ang mga bisig nito. "
Hindi ako sigurado pero baka sinundan tayo nung mama sa likuran mo.
Huwag kang pahalata na bodyguard mo ako alam na natin ang nakasunod siya," bulong niya sa paraan na kung may makakakita sa kanila ay akalain na may relasyon at nag PDD sila.
"Okay" sagot ni Joshe at ginantihan din sya ng yakap.
"Do i have to kiss you to make it more real?" dagdag sabi nito.
Gumapang ang kilabot sa kanyang buong sistema.
Hindi niya alam kong sanhi nito ang pagbulonh o ang kanyang naisip na maghalikan sila sa publikong lugar.
Pasimpleng tinulak ni Alexa si Joshen at humakbang palayo rito.
"Umalis na siya," sabi niya.
Joshen slyly smiled at her, " Ayaw mo lang mahalikan," he teased.
"Virgin pa ho ang bibig ko." hindi na niya napigilan na haluan nang taray ang kanyang boses.
Pero hindi niyon natinag si Joshen dahil mas lalo pang lumawaka ang pangisi nito.
" Now i wonder what virgin lips taste like,"sabi nito habang titig na titig sa kanyang mga labi.
Napalunok si Alexa nang humakbang ito palapit sa kanya.
Ang akala niya hihinto na sa pagtibok ang kanyang puso sa sobrang bilis ng pintig niyon.
Pero pagtapat sa kanya ay tumawa lang ito at sinabing, "Gotcha!" at saka siya nilagpasan at kunan pa ang ibang bahagi nang cuartel.
Pinagpawisan siya nang malapot di niya alam kong sa init nang panahon o sa tensiyon kanina.Hindi niya akalain na pilyo pala ito. But she couldn't deny she liked his playful side.
Napaisip si Alexa kong may kaugnay ang mama sa pagtangkang pagdukot kay Joshen. Naputol ang kanyang paiisip nang masalita ito.
"Baker's hill," narinig niya sabi ni Joshen sa driver nang tricycle.
"Ispesyal po? tanong sa kanila nang driver.
"Yes. Sagot ni Joshen
"Marunong ho pala kaying sumakay nang tricycle," sabi alexa nito.
"Oo naman. Ano'ng akala mo sakin? Sumasakay din ako sa jeep,bus, train at de-padyak. Hindi ko lang kayang magmotorsiklo," natatawang sagit ni Joshen.
"Hindi ko ho lang ho kayo ma-imagine na sumasakay ng mga ganitong klase ng sasakyan." Kasi ho para kayong prinsipe na dapat protektahan, parang babasagin na hindi dapat magkalamat at mamahaling hiyas na hindi dapat mawala.
Bigla tuloy siyang kinilabutan dahil bukod sa buhay ang kailangan niyang ingatan, malaki ang pananagutan niya sa bayan na huwag malagasan ng isang importanteng tao. Kaya hindi nakapagtataka na may dumukot sa binata.
"Sobra naman ang tingin mo sa`kin," pukaw sa kanya ni Joshen.
"Nakatapak parin ako sa lupa at pwede akong abutin."
Napatitig si Alexa sa mga mata ni Joshen at nakitan niya ang sincerity nito sa sinabi.
Hindi na niya maiwasan na double meaning ang sinabi nito. Puwede nga ba niya itong abutin?
Pagdating nila sa lugar ay parang bumalik siya sa pagkabata. Maraming mga estatwa sa paligid ang parke at tingin niya may playgrounf din doon.
"Sir kunan ko kayo nang picture," sabi ni Alexa kay Joshen habang nililibot ang lugar. Pumayag naman ang binata na kunan siya nito nang picture. Para itong batang nakakawala sa playground. Blessing in disguise ang pagpunta nila sa palawan nahubad ang cooporate side ni Joshenat nakikita niya yon bilang isang normal na tao.
Nang mapagod si Joshen ay naisipan nilang kumain nang makitang may restaurant at snack bar doon.Nag take-out nalang sila ng pizza bago pumuwesto sa may snack bar.
"Kulang nalang ay maupo tayo sa damuhan at picnic na ito sabi ni Joshen at nagsimulang kumain.
"Okay na rin ho dito, hindi mainit," sagot niya habang kumakain.
Nasanay na siyang pinagsisilbihan ito qt kong hindi lang nakakahiya pinagluto na niya ito. Feelingera talaga?
"Pano pag nasanay na ako sa ginagawa mo?"sabi ni Joshen nang pabulong.
Hindu naman ito tumitingin sa kanya kaya pinawalang bahala nalang niya at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay bumili na sila ng pasalubong.
Bimili si Alexa ng crinkles, ube crinkles,mga hopia at yema.
Natawa siya nang makita niya si Joshen na dalawang malaking plastic bag ang bitbit mukhang namakyaw.
Bumalik sila sa hotel pagkatapos mamili dahil marami na silang bitbit.
Hindi na rin niya uli nakita ang mama kanina na sumusunod sa kanila.